First Day

My Teacher, My Hero, Rawr!
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

 

Kakatapos lang ng performance ko nasa harap ko ang napakaraming tao, lahat sila sinisigaw ang pangalan ko

 

 

"KIM MINJEONG!!! KIM MINJEONG"

 

 

Dagundong ng hiyawan sa arena. Pero bakit parang sa sobrang lakas ay niyuyugyog na ko?...

 

 

 

 

"Min… Min… Minjeong! KIM MINJEONG!!!"

 

Hay ang sarap sarap pa ng tambay ko sa dreamland nasa rurok na ko ng aking stardom tapos bigla na lang gagambalain ni Nanay Pearls. Napaungot na lang ako dahil sa pag gising nya sa akin.

 

"Minjeong! Bumangon ka na dyan at malelate ka na sa pasok mo sa iskul." Turan ni Nanay Pearls sa akin.

 

"'Nay Pearls, absent na lang po muna ako." Agad kong sagot sa aming nanay nanayan.

 

"Anong aabsent?!! First day na first day aabsent ka na agad?" Gulat na sambit ni Nanay Pearls sa akin.

 

"Yun na nga 'nay first day pa lang naman po, wala pa naman kaming gagawin."


 

"Hoy Kim Minjeong, paalala ko lang sayo na hindi ikaw ang tuturuan, ikaw ang magtuturo dahil titser ka." Madiin na pagpapaalala sa akin ni Nanay Pearls.


 

"Ay oo nga no Nanay Pearls, sorry naman. Ito na nga po babangon na po ako."


 

"O sya sige malaki ka naman na. Bilisan mo kumilos at ikaw ay kakain pa ng almusal. Bababa na ako para makapaghain na." 

 

"Sige po 'nay, salamat po!"

 

Tumayo na ako at naghandang pumunta ng banyo para simulan ang aking araw at oo tama kayo ng nabasa ako nga ay teacher. Hehehehehhe sorry naman kung di halata, masyado yata akong cool para sa propesyon ko. Anyways, mamaya na ang aking chika mga bebe at baka malate pa ako.


 

Pagkatapos kong mag ayos ng gamit at mag double check ay bumaba na ako para makapag almusal na.

 

 

 

 


 

"Hoy bes! Halika na kumain na tayo anong oras na" Putcha ang aga aga ang tinis tinis talaga ng boses ng babaeng to.

 

"'Nay bakit naman pinapasok nyo yung manok ng kapitbahay natin dito at makikikain pa." Pang-aasar ko sa aking bff.

 

"Hoy Minjeong wag mong sirain ang araw ko lalo na't kailangan ko ng pasensya sa makukulit na bata." Pagbabanta nitong bestfriend ko sa akin.

 

"Ay sorry naman sayo Ning kasi nakikialmusal ka na nga lang dito araw-araw no?" Pabalang kong sagot.

 

"Teh umupo ka na lang dito at malelate na tayo Lunes na Lunes pa naman." Sagot ni Ning dahil napaka patay gutom talaga nito sa luto ni Nanay Pearls.

 

"Eto na, mabulunan ka sana jan." Busangot kong sagot kay Ning.

 

Mabilis lang kaming kumain ni Ning. Bukod sa patay gutom tong kasama ko speedy eater rin to dahil nasanay na rin siya sa trabaho at siyempre babyahe pa kami, Lunes pa naman baka maabutan pa kami ng rush hour.

 

"Nay si ate po?" Naalala ko bigla si ate dahil napaka toxic nun sa trabaho.

 

"Eh Minjeong ang aga umalis, alam mo naman yun. Heto nga at hinandaan ko na rin ng pagkain dahil nagkape lang siya kanina." Agad namang inabot to ni Nanay Pearls.


 

"Sige nay salamat po mauna na po kami ni Ning."

 

"Babye Mommy Pearls mamimiss ko po kayo" Bati ni Ning kay Nanay Pearls.

 

"Ang dami mong alam Ning, ang sabihin mo patay gutom ka lang sa mga luto ni nanay."

 

"Hoy! Pero yes truellagen naman bes."

 

"Tama na yan, Mag iingat kayo."

 

"Opo nay. Kayo rin po."

 

 


 

Hay di pa nagsisimula ang araw ko ayoko na. Pero sabi nga ng founder ng kpop na bomb sunbae-nims, hindi nila tayo pinalaki para bumawi, kaya laban lang! Get get aw!






 

At kung minamalas ka nga naman. Habang nasa byahe kami ni Ning ay nagkaroon ng aksidente na naging dahilan ng paghaba ng travel time namin.

 

 

 

Kaya naman nagkukumahog kaming dalawa pagdating sa Kwangya University.

 

"Hoy Min malelate pa yata tayo combo pa naman kapag Monday." Paalala sa akin ni Ning habang nasa Parking kami ng eskwelahan.

 

Oo nga pala Monday ngayon at gaya ng ibang eskwelahan mayroon kaming Flag Raising at bukod doon ay araw-araw kaming may Morning Praise. Kung hindi kayo pamilyar sa ganito edi magsama sama tayong mga laking public school na lumaking madudungis dahil pang Catholic School lang to.

 

Basically, sa Morning Praise, binabasa yung bible verse of the day parang daily devotional yata (lord, beke nemen mabawasan ticket ko pababa kay Saint Anes, chz!) at pagdarasal para masimulan ang araw na blessed ang lahat. So lahat ng students ay nasa corridor nakapila kasama ang mga teachers para makinig at magdasal.

 

Ang pinagtataka ko lang ay hindi naman Catholic School itong Kwangya University bakit ba kami nakikisali? Neways bhie ang dami kong chika malelate na kami.

 

Agad kaming tumakbo ni Ning. Putcha isang minuto na lang at 7:00am na, simula na ng Morning Praise!!!

 

"Putacca Minjeong bilisan mo!" Sigaw ni Ningning habang kumakaripas ng takbo.

 

"Teh sandale, eto na nga oh putacca rin ang aga aga."

 

"Tabe mga kids kung ayaw nyong mag peta agad today!!!" Sigaw ko sa mga haharang harang na bata sa corridor.




 

 

 

At kung minamalas ka nga naman ay isang dipa na lang at nasa biometrics na rin kami pero bigla ng nagsimula ang Morning

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespicychicken
True to life po ang story ng patintero with Bea. Galing yan sa teacher ko nung JHS after nun di na daw siya pinansin nung teacher na pinagtripan nya. Kaya wag kayong tutulad baka masapok kayo ng katrabaho nyo 😭

Comments

You must be logged in to comment
AhnJang_0304
0 points #1
Chapter 8: di naman pala kalowkey lqng ni yeji si jules, awoj niya na pala JAHAHAHAH
Hiccups_ 0 points #2
Chapter 8: It's been a while tapos yung revelation, cutiiees!!
Rin_HM 0 points #3
Chapter 8: Ang funny ng mga ganap 😂
hziose
0 points #4
Chapter 8: 🙌🏻🙌🏻
karinasaurus11
51 streak 0 points #5
Chapter 8: Grabe namang revelation yarn Yeji and Lia!
green99 0 points #6
Chapter 8: cute ehehe
gandlafchua #7
Chapter 7: Inabutan pa nga ng angelus 😭😭😭😭
u_ujiman #8
Chapter 7: Chapter 7: TAWANG-TAWA AKO ANO BA YAN HAHAHAHAHAHAHAHAHAH ayan sige, parang mga estudyante lang kung mag-asaran 😭
karinasaurus11
51 streak #9
Chapter 7: Tenks sa update otor! Hahaha. Funny talaga ni Win and Ning! Best tropa 🤣
w8ntersaurus
#10
Chapter 7: HAHAHAHAHAHAHAHAHHWHAHAHA