— 01

Worth waiting for
Please Subscribe to read the full chapter

“Let's go na kasi, Wala ka namang ginagawa oh” It was Ryujin, My friend I mean my closest friend. Pumunta siya rito sa bahay ng walang pasabi para lang kulitin akong sumama sa kanya papuntang SM dahil may bibilhin daw siya.

 

“Ayoko nga nakakatamad kaya bumangon at maglakad sa SM ngayon” pagrarason ko sa kanya. Hindi ko kasi hilig pumunta ng mall at magshopping.

 

“I will buy you DQ!” I look at her when I heard DQ. Ngumisi at tumataas taas naman ang kilay niya. Alam niyang kahinaan ko ang Ice cream. “Siguraduhin mo lang talagang bibilhan mo 'ko, Ryujin.” Pagbabanta ko sa kanya. Minsan kasi scammer din 'tong babaeng 'to.

 

“Promise” Sabi niya na may kasamang pag taas ng kamay. Sa totoo lang sasama naman talaga ako sa kanya kahit hindi niya 'ko bilhan ng Ice cream. Nagpapabebe lang naman ako.

 

Agad akong tumayo at pumuntang cr para maligo. Naligo na 'ko kanina pa pero kasi ayokong hindi naliligo bago umalis. Gusto ko laging fresh bago umalis.

 

Tinignan ko ang orasan at saktong 30 minutes ako natapos magprepare. “Ang tagal mo naman” pag rereklamo nitong kasama ko na ikinataas ng kilay ko.

 

“Kung nagsabi ka kaagad kanina edi sana nakapag prepare na 'ko. Biglaan ka kasi wala man lang pasabi na pupunta rito” Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh kung kanina pa siya nagsabi edi sana nandon na kami sa SM.

 

“Hehe peace tara na!” pag aya niya after niya makitang tapos na 'ko. “Atat na atat ka ah? May bibilhin ka ba talaga o may kikitain ka?” Tanong ko sa kanya. Anong oras pa lang naman eh mahaba pa 'yung time para magsara 'yung mall o 'di kaya maraming bibilhin 'to

 

“Hoy wala ah kung alam mo eh gusto ko na agad umuwi” pag dedepensa niya.

 

"Edi 'wag na tayong umalis kung uwing uwi ka na" sagot ko naman sa kanya.

 

"Need ko 'yun para sa project win kaya tara na" tumayo na siya at sinundan ko siya pababa sa bahay.

 

Pagkababa namin ay nakita ko si mama nakaupo sa may sala.

 

"Ma alis lang po kami ni Ryujin"

"Tita hiramin ko po muna anak niyo ah"

 

"Sige ah mag ingat kayong dalawa" Sabi ni mama habang nilalaro si twitter 'yung aso namin. "Pasalubong na rin pala" pahabol niya bago kami tuluyang makalabas ng pintuan.

 

Habang nag drive si Ryujin ay dumadaldal siya kahit na madalas kaming magkita hindi talaga siya naububusan ng topic. Ayun ang maganda sa kanya masarap kasama lalo na kapag long drive. Hindi ganon kalayo ang SM North sa bahay kaso natagal kami dahil sobrang traffic ang bagal ng usad ng mga sasakyan. 

 

Agad humanap si Ryu ng parkingan sana lang ay kakaunti lang ang tao ngayon para madali lang makahanap ng pwesto ng parking kasi kahit malawak 'tong mall na 'to at maraming parkingan eh may times na nauubusan talaga ng slot.

 

"Dito na lang tayo malapit lang naman 'to sa pagbibilhan ko" Sabi niya pagkatapos niyang makahanap ng slot sa 2nd floor.

 

Dumiretso kaming Blake's kasi nagugutom na raw siya hindi raw siya nag almusal mag lulunch na rin naman kaya sinabi ko kumain muna bago kami mag ikot at bumili.

 

Pagkaupo namin sa blake's ay agad kaming binigyan ng menu syempre una kong hahanapin ang carbonara at ang garden salad nila sama mo pa 'yung chicken wings nila. Si Ryujin naman nag order ng ribs with java rice. Hati na lang kami sa carbonara at garden salad since sobrang dami non at hindi ko mauubos mag isa 'yun.

 

Napansin kong may tinititigan siya sa labas "Sino na naman nakita mo?" pagkuha ko ng atensyon niya at lumingon naman siya "Si Karina" tumango na lang ak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
UPVOTED