Prologue

Sleep Tonight
Please Subscribe to read the full chapter

DISCLAIMER! This is a work of fiction. Names, Places, Incidents, etc. are all products of the author's imagination. Any similarities to real life happenings are purely coincidental and are not intended.

 

...

 

TW: Mentions of Death

 

"I signed with your label. I'm going to be an actress."

 

Winter never thought na she'd enter the industry this early. Sabi nga niya, "Mawawalan lang ako ng buhay outside that", and it's true. Bilang isang sikat na aktres ang mommy niya, bata pa lang siya ay naiintindihan niya na 'yun. Her mom never made it to any important event in her life, mapa-graduation man 'yan o simpleng play lang sa school niya. Importante kasi ang time niya para sa kaniya, lalo na noong nabubuhay pa ang Lolo niya.

 

"Are really you sure about this, Vie? Hindi ba't ayaw mong tumungtong ng show business?" Aeri, her bestfriend who's also an actress, tried to knock out of her senses.

 

Clearly, Winter was not thinking straight when she signed with the label pero dahil sa kagustuhan niyang ma-divert ang atensyon niya sa pagkawala ng Lolo, gumawa siya ng desisyon na alam niyang malaki ang magiging epekto sa buhay niya.

 

"I'm aware of what I am doing, Riri. Plus, the reason why I didn't want to be in the show business is why I want to be in it now." Pagpapaliwanag nito. 

 

Hindi madali ang pagkawala ng Lolo niya sa kaniya. Siya ang kasa-kasama nito simula pagkabata niya kaya for Winter, her Lolo was her driving force, her bestfriend, and her number one supporter sa lahat ng bagay na ginagawa niya. Even Aeri loves her Lolo, para na nga silang trio kapag lumalabas sila.

 

"I support your decision and I believe mag-eenjoy ka't magiging masaya si Lolo para sayo kasi gagawin mo na yung gusto mong gawin." Nakangiting hinawakan ni Aeri ang kamay ng kaibigan.

 

"Really?"

 

"Mhm."

 

Hindi naman sa ayaw niya sa acting, sa totoo nga ay gusto niya ito kaya lagi siyang nagpaparticipate sa acting-related events and clubs sa school niya at ngayong college na siya, film ang kinuha niyang course. Minsan nga'y may nagcontact na sa kaniya mula sa isang label dahil napanood sa Youtube ang short film na ginawa niya para sa isang project noong senior high siya. Winter is a natural in acting. Hindi maipagkakailang namana niya ang talento ng magulang niya sa pag-arte na dahilan rin kung bakit cinast siya ng manager ni Aeri na naging daan para maka-sign siya sa pinaka-sikat na label nagyon.

 

"Thank you, Riri." Bulong niya't niyakap ang kaibigan.

 

"Ah! Have you told Tita about this?" Tanong ni Aeri nang kumalas sila sa pagkakayakap.

 

"Yeah. Okay naman pero you know her, na-consume na ng kasikatan kaya all she thinks about is what is good for her image."

 

...

 

"Hi, anak! Kumusta? What brings you here?" Sinalubong siya ng Mommy niya nang yakap nang pumasok siya sa tent nito. Kasalukuyan kasi itong nasa taping para sa isang movie na pagbibidahan niya.

 

"Okay lang po. May sasabihin lang tapos aalis na, magkikita kami ni Aeri."

 

"Oh. How's Aeri? Grabe sikat na sikat na siya ngayon ha? Very talented na bata, kaya laging trending sa social media sites, eh." Tumingin pa ito sa assistant niya na sumang-ayon naman.

 

"She's doing fine. Kakatapos lang ng project niya kaya lalabas kami ngayon."

 

"Please congratulate her for me."

 

"Will do po."

 

Sinenyasan muna ng Mommy niyang lumabas ang mga assistant na nasa loob ng tent. "So, ano nga ulit yung sasabihin mo?"

 

"I'm planning on entering the industry." Nakayukong sambit ni Winter habang nilalaro ang kaniyang daliri.

 

Kinakabahan siya. Ito ang unang beses na gagawa siya ng bagay na siya lang mismo ang nagdesisyon. Parati kasing nakasalalay ang gagawin nito sa Mommy niya, ang Lolo niya naman ang umaapela rito kapag hindi niya gusto ang gagawin pero ngayong wala na ang Lolo niya, wala nang magtatanggol para sa kaniya kaya kailangan niyang lakasan ang kaniyang loob kung sakali mang tututol ang Mommy niya.

 

"That's..." Natahimik sandali ang Mommy niya bago ito nagsalita muli. "great, anak."

 

"Hindi ka galit?" Tumingala si Winter para tignan ang Mommy niya na ngayo'y nakaharap sa kaniya.

 

"Why would I be? I know you wouldn't do anything that will ruin my image."

 

Ano pa nga bang inexpect ko? Of course image niya lang ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jaemout
May nagbabasa ba ng jaeminjeong (or kahit ibang aespa x dream ship fics) here? Pansin ko kasi puro winrina ganon. HAHAHAHAHAHA Anyway, ano thoughts niyo? Share niyo sa akin here or sa Twitter! I'm @yoitwinter <3 Salamat sa pagbabasa, sana naenjoy niyo!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet