I. Muling Pagkikita

Abril
Please Subscribe to read the full chapter

"Good morning!" masiglang bati ni Winter pagpasok sa cafe ni Giselle. Nilapitan niya ito sa counter upang yakapin. Alas-siyete pa lamang ng umaga at hindi pa sila nagbubukas kaya siya pa lamang ang customer.

 

Mabilis namang sinalubong ni Giselle si Winter, "Good morning, Win! Umuwi ka pala, kainis ka bakit hindi ka nagsabi?" pagbati ni Giselle at yumakap ito nang mahigpit sa kaibigan.

 

"Gusto kasi kitang i-surprise," sagot ni Winter na may malawak na ngiti.

 

Sina Winter at Giselle ay malapit na magkaibigan mula pa sa kanilang pagkabata, hanggang sa magkolehiyo ay sila ang magkasama. Nagkahiwalay lang sila nang makahanap ng trabaho si Winter sa Maynila habang si Giselle naman ay nanatili sa Calamba, Laguna. Ayaw niya kasing umalis sa hometown niya. Dito raw siya pinanganak at dito rin mamamatay. Pagdadrama niya kay Winter.

 

Kumalas na ang dalawa sa pagkakayakap at tsaka nagtitigan. Tsaka nagyakapang muli at nagkaladyaan pa. Namiss kasi nila ang isa't isa.

 

Naupo muna si Winter sa usual spot nila sa corner ng cafe – medyo tago dito dahil ayaw ni Winter sa kitang-kita ng mga tao – habang si Giselle naman ay bumalik muna sa kitchen para ihanda ang order ng kaibigan.

 

Sa pagtitingin-tingin ni Winter sa Cafe ni Giselle, masasabi niyang hands-on talaga ang kanyang kaibigan sa kanilang business. Si Giselle kasi ang naatasang mamahala na sa food business ng kanilang pamilya habang sa kuya niya naman naipasa ang hotel at resort nila.

 

Samantalang si Winter ay napagdesisyunang hindi makialam sa business ng pamilya niya, sa halip ay mas nais niyang gumawa ng sarili niyang pangalan bilang isang engineer. Bida-bida kasi siya sabi niya.

 

"Oh natutulala ka na naman," hindi napansin ni Winter na nasa harap na niya si Giselle dala ang kaniyang pagkain. Ngumiti lamang ito at sinabing proud siya sa kaibigan.

 

Mula nang makatapos sila ng kolehiyo at makahanap ng trabaho si Winter sa ibang lugar, isang beses na lamang sila sa isang taon magkita. Iyon ay kung gugustuhin lamang niyang umuwi sa isang partikular na buwan ng taon, ang buwan ng Abril.

 

Iniwan muna ni Giselle ang kaibigan upang ayusin na ang mga gamit bago sila magbukas mamaya. Nagtataka naman si Winter kasi hindi naman kailangan magtrabaho ni Giselle sapagkat kumpleto naman ng tauhan sa Cafe pero tumutulong pa rin siya.

 

Habang busy siya sa pagkain, napansin niyang may babaeng humila ng pinto mula sa labas upang pumasok din.

 

“Teh, nakalagay nga push ‘di ba. Hindi ka ba marunong magbasa,” bulong niya sa kanyang sarili.

 

Ngunit nagtaka siya dahil hindi naman ito mukhang nagtatrabaho sa cafe dahil mukha itong balikbayan sa dalang maleta at backpack. Nakasuot din ito ng sunglasses.

 

Bigla siyang napahinto sa pagkain at napatitig na lang nang makita niya nang maayos ang mukha ng babae. Para siyang binuhusan ng isang bucket ng ice cube… na may kasamang beer.

 

Si Karina.

 

 

 

"GIIIIIIIIII, I'M HEEEEERRREEEE!" sigaw ng magandang babae na ikinagulat ni Winter.

 

Agad namang lumabas sa kitchen si Giselle at napatili rin, "Oh My God! Rinaaaaa!" At nagtilian na naman sila habang yakap ang isa't isa.

 

Hindi pa napapansin ng magandang babae si Winter dahil busy pa sila magbatian at magtawanan ni Giselle.

 

Umaasa na lamang si Winter na hindi siya makita ni Karina, na hindi sila magkita…dahil wala siyang lakas ng loob ngayon na harapin ang babae.

 

Bakit naman ganito. Bakit ngayon pa?

Bakit ba naisipan kong ngayon pumunta dito? At bakit naisipan niyang ngayon pumunta dito?

 

Pero sino

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Angst? Huhu. Upvoted