Over the bakod

wanshat
Please Subscribe to read the full chapter

Anything. Surprise me. :)

Edi naloka si Winter kakaisip.

 

 

 

-----

 

 

 

Iba talaga kapag pumatak na ang December 1 no?

Extra lamig ang hangin, extra ilaw para sa madilim na siyudad, extra money para kay Mariah Carey.

Ang festive ng feeling.

Isang araw lang ang pasko pero pakiramdam ng mga tao month-long celebration siya.

Ang dami kasing ganap!

Kaliwa’t kanang christmas parties, reunion, pasko (duh), sembreak, new year (new me), and of course, makakalimutan ba natin?

Birthday ko.

Charot.

Birthday ni Papa J.

Naalala ko pa noon, excited kaming magkakaklase kapag last day before Christmas break. May pa-Christmas celebration kasi yung university namin.

Welcome kahit sino kaya napakaraming tao. As in!

Kiskisan ng malalagkit na braso pero kebs lang!

Nakakatuwa kaya.

May mini reunion yung mga batchmates from high school, mga magjowang from different universities, may pinagsama ang barkada ni ano sa barkada ni ano para mas masaya. Kanya kanyang salampak sa damuhan para sama-sama ang barkada habang nanonood ng mga paborito naming banda, at makiki-countdown sa pa-libreng fireworks na fyi, galing daw sa miscellaneous fee na binayad ng magulang namin.

In fairness naman, may isang fireworks display na inabot ng sampung minuto at nag-ala Exorcism of Emily Rose ang mga tao. Pano, merong fireworks sa side ng P. Noval, meron sa main building, meron sa Dapitan, meron nga rin sa side ng Espanya.

Hay.

Parang kailan lang...

Wala lang.

Nami-miss ko lang maging estudyante.

Eto na kasi ako ngayon – December 1 at exactly 3pm: stranded sa opisina.

Ganitong oras naglilibot na kami ng mga kaklase ko sa campus. Ngayon, palipat lipat na lang ang mga mata sa dual monitors.

Dati ang dami kong natatanggap na regalo. Ngayon, tinambakan kami ng trabaho.

Ipagsiksikan ba naman lahat ng load for 1 month into 3 weeks? Akala mo naman isang linggo bakasyon namin, eh parang tatatlong araw nga lang bilang pumatak ng weekend ang pasko at new year. Badtrip lang.

Dati love ko December, ngayon ayaw ko na sa kanya.

Pero ano pa nga bang magagawa ko, tapos na ang maliligayang araw. Nasa transition phase na 'ko to 'adulting'.

Yaks.

Time check: 3:01 pm.

Pucha, isang minuto lang inusad ng monologue ko?

Ang bagal ng oras, gusto ko na umuwi.

Nakakaantok pati kasi ang lamig lamig ng pwesto ko sa cube namin. Sa station ko lang naman bumabagsak yung hangin galing sa aircon. Paano, yung neighbor ko sa katabing cube, parang init na init sa life niya?

Hindi ko gets?

I mean, gets, maganda siya, matangkad, at.. Maganda ang hubo -.. ho.. -

Labag sa kalooban kong tawagin siyang hot kasi, ewan. Feeling ko kapag may tinawag akong hot nase-ualize ko. Nadungisan na ng society yung salitang yun para sa akin. Kasalanan ng mga lalake 'to eh.

Anyway, basta mukha siyang laging may exercise! Yon!

At hindi ako maka-angal kasi dun siya masaya eh. Ako na mag-aadjust para sa aming dalawa.

Knock!

“Ay kabayo!” Agad kong tinakpan ang bibig.

Pinihit ko paikot etong office chair paharap sa ka-back to back kong si Ms. Giselle.

Mentor ko at madalas kabiruan sa hatian ng lamesa namin.

Ngingiti ngiti lang ako pero grabe talaga siya lumagpas sa linya. Pero okay lang, bawi naman. Dami niyang binibigay na pagkain eh. Teehee.

"Bakit po?" Magalang kong tanong.

Mabilis niyang hinapyawan ng tingin ang mga tao sa paligid namin. Teka, bakit nagsisitayuan?

“Meeting na.” Sabi niya.

May meeting?

“Nakatulog ka na naman ba?”

Kailangan yan yung tanong pagdaan ng manager, Ms. Chaeyeon?

Salamat.

Pakunwaring sinamaan ako ng tingin ni Ms. Irene pero ngumiti din kaagad.

Siyempre alam ng manager ko kung gising ako o hindi, tanaw niya ako mula sa station niya eh. As in pan lang niya ng kaunti ang ulo to the left theeeeen.. there's me.

Hanep sa combo 'tong station ko.

Direct view na ng manager, direct hit pa ng aircon.

“Nagtatrabaho po ako.” Mahina kong sagot sa teammate kong si Ms. Chaeyeon. Nagbelat rin ako nung nakalayo na si Ms. Irene.

"Di yan natutulog no." Pagdepensa ni Ms. Yeji sa akin, teammate ko rin at siya yung naka-station across my left. "Para na nga siyang sinasapian kakalaban sa antok niya."

Baby ka nga ng team, paborito namang asarin ng lahat.

"Ms. Yeji naman eh." Paawa kong sabi, nginitian niya lang ako.

“Tungkol saan kaya yung meeting? Baka naman pwede idaan sa email.” Natatawang sabi ni Chaeyeon habang nag-uunat.

Same sentiment, ang dami kong trabaho eh.

“Gaga.” Sagot ni Ms. Yeji at lumingon sa paligid kung may nakarinig. "Hindi mo ba binasa yung email? Si Ms. Tiffany yung nagpatawag nung meeting.”

Oops.

Wait.. so...

Tumayo ako agad and true enough, yung tatlong teams under Ms. Tiffany: Team Jennie, Team Irene, Team Solar ay naglalakad na papunta sa meeting room.

Ibig sabihin...

“Winter!”

Pa-keme akong lumingon sa kaliwa, sa side nung nirereklamo ko kanina na pretty-neighbor-pero-kaaway-ko-sa-aircon na si.. – Ms. Karina.

Ay, nakatalikod naman pala. May pinapakita sa kanya si Ms. Lia sa PC.

“Lika na!” Yakag ng kaibigan kong si Ning.

Cubemate ni Karina and yes, teammate niya. Mentor pa nga.

“Mag-unat ka muna, Win. Napasarap ata tulog mo.” Sabat naman nung isa ko pang kaibigan na si Ryujin.

Again, cubemate din ni Karina, same team.

Ka-wave ko yang dalawa at itinadhanang ma-stuck with them kasi kaming tatlo rin ang magkakatabi nung onboarding. Free seating na yun ha.

“Gi?”

Para akong kinuryente sa boses ni neighbor.

Siyempre hindi ko siya tinignan, hindi ko kaya. Baka mahihimatay na lang ako ora-orada kapag lumingon ako. Pero sa peripheral ko, nakatayo siya sa bukana ng cube at inaantay ang mga kaibigan.

Ay oo nga pala. Odd one out ako sa cube namin, sila kasi yung circle ni neighbor dito sa office. Magkaka-wave silang lima, Ms. Lia included.

'Wave' is like batch sa school. Basta yon. Yun tawag ng kumpanya namin.

Hindi ko na e-explain kung anong trabaho ko kasi boring. Basta BPO sa may Taguig that pays well, maganda rin benefits. Bago bago pa lang daw kasi kaya maganda pa ang pay sabi nung isang senior namin sa kabilang team na si Ms. Joy.

Isinukbit ni Ning ang braso niya sa akin nang makalapit.

"Punta tayo 7/11 after ng meeting. Nagugutom ako." Yaya niya.

"Sige." Sagot ko.

Sasama rin daw si Ryujin.

Pagpasok namin ng meeting room, nakatayo na lang yung iba sa magkabilang side kasi limitado lang yung upuan. At dahil last kaming tatlo, sa dulo ng meeting room ang bagsak namin.

Bilang kaming ang pinakabago, medyo OP pa kami sa friendships ng buong Team Tiffany. Kaya eto, tahimik lang kaming nakikinig sa chikahan nila habang kinakabit pa ni Ms. Tiffany and Ms. Solar yung laptop sa projector.

Bumulwak ng tawa si Ms. Chae at Ms. Giselle, napatingin kami ni Ryujin sa bandang kanan.

Basta magkakasama silang lima, napapatingin sa kanila yung mga tao eh. Maliban kasi sa fact na dalawa sa kanila maingay tumawa, magaganda rin talaga. Head turner ba.

"Gandang ganda ka na naman sakin."

Sinagi ni Ryujin ang braso ko para tawagin.

"Huh?"

"Kausap ka." Sambit ng kaibigan ko.

Paglingon ko uli kay Ms. Chae, lima na silang nakatingin sa akin. Pati si Ms. Karina.

Oh my ghad.

Is that a smile on her lips?

Chos lang.

"Winter, sinasabi ko sayo may jowa ako. Hindi pwede." Asar pa uli sakin nung teammate kong pasmado ang pagkatao.

"Maingay ka po eh."

"Ay, Chae, sumasagot. Papayag ka?" Gatong ni Ms. Yeji.

"Go lang, Winter. Akong bahala sayo." Pag-backup ng mentor ko sakin.

"Kumakapal na talaga mukha niyan eh." Medyo palengkera siya here. Why.

"Sayo lang po." Nag-peace sign ako sa kanya.

"Settle down, everyone." Pag-announce ni Ms. Tiffany sa lahat.

Sa huli, pinanliitan lang ako ng tingin ni Ms. Chae bago umayos ng tayo. Nahuli ko namang lumawak ng kaunti yung ngiti ni Ms. Karina sa akin bago itungo ang atensyon sa harapan.

Naku, Ms. Karina. Wag kang ganyan.

Baka mamaya matanong ko siya ng -

What are we?

“Let’s start?” Excited na ngiti sa aming lahat ni Ms. Tiffany.

 

 

CHRISTMAS PAR-T

 

 

Taray may powerpoint.

 

 

 

-----

 

 

 

So far, eto ang mga napag-usapan.

1. Venue

Dahil malaki yung team, 28 people to be exact, mas okay kung mag-rent na lang ng private room sa isang restaurant malapit dito sa office.

Mas okay na rin daw yung restaurant para hindi na mamroblema pa sa pagkain. Tsaka, ang hirap daw kasi kung babiyahe pa kami papuntang resto. Eh December pa naman daw, pahirapan sa traffic.

Parang araw-araw naman?

Si Ms. Tiffany na raw ang sasagot sa kalahati ng bill. Pamasko na raw niya sa amin.

Nung sabihin niya na paghatian na lang ng lahat yung other half - ewan ko ha pero eto ang tunay na unity - lahat kami tumingin sa respective managers namin.

Oh edi ang saya, wala kaming gagastusin!

2. Games

Nag-suggest si Sir Mingyu from Team Jennie na magkaroon ng representative from each team na mag-iisip ng mga ipapalaro.

Si Ms. Miyeon yung napili sa team namin.

Si Ryujin sa team nila Ning. (Kinakabahan ako sa ipapalaro niya)

Si Yujin naman from Team Jennie.

Prizes, managers na raw ang mag-uusap usap doon.

3. Shift

Para maka-attend lahat, ire-request ni Ms. Tiffany sa HR na lahat kami 11am-8pm ang shift for that day only. Friday naman daw yun kaya papayag panigurado.

Team Jennie lang ang magpapalit ng shift actually. Sila lang kasi yung 3pm-12mn bilang need ng support nung counterpart namin.

End of minutes. Char.

Currently, inaantay namin makabalik si Ms. Tiffany. May kailangan daw siyang kunin sa station niya.

"Cute nung powerpoint presentation ni Ma'am." Natatawang comment ni Ning. "May animation pa eh."

Actually. Memes pa ginamit na pictures eh. A for effort.

Nabanggit ni Ms. Giselle sa akin, nung minsang inaantay na lang namin pumatak ang alas otso, na si 'Ms. T' daw pinaka-okay na senior team manager sa lahat. Yung iba raw kasi malakas mang-powertrip or mahina sa people management.

Office tsaa.

Bago pa lang ako kaya hindi ko rin makita yung difference.

Twice ko pa lang nakakausap talaga si Ms. Tiffany - nung final interview and nung first day ko sa floor, welcome to the team lang, ganun.

Pero sino ba naman ako para chikahin niya everyday, diba?

Makuntento ako sa eye smile na natatanggap ko tuwing magkakasalubong kami sa floor.

“Winter.” Bulong naman ni Ryujin na enough to make Ning join in the conversation. “Sayo na ‘to."

"Huh?"

"Magpasikat ka na sa crush mo.”

Napaatras ako.

“GAGA KA.” I mouthed with feelings.

Pasimple kong tinignan si Ms. Karina. Busy naman siya makinig sa mga kaibigan niya.

Nung pumasok ako, I only had 3 goals in mind.


1. Kumita para may mabigay sa bahay
2. Kumita para tustusan ang aking needs bilang single lady
3. Mag-ipon (medyo nahihirapan pa ako dito)


Wala akong planong ipangalandakan sana na gandang ganda ako dun sa tao, hindi ko lang talaga napigilan sarili ko nung una beses ko siyang makita.

Pero happy crush lang naman.

Tamang sagot para sa katanungan na -

Para kanino ka bumabangon?

Humagikgik naman si Ning at bumulong. “Teh, 5 months mo nang tinititigan lang. Mag-hi ka minsan. Mabait yang mentor ko.”

Buti na lang talaga maiingay yung tao ngayon.

At buti na lang din hindi ako nilalaglag ng mga 'to. Mapagkakatiwalaan naman. Ata.

“True, partida puro palpak pa yan sa trabaho niya ha. Pero mabait pa rin sa kanya.” Tukso naman ni Ryujin patama kay Ning.

“Kapal ng mukha mo. Ikaw ‘tong palaging nagkakamali sa atin.” Rebut nung isa.

“Nakakatakot kasi si Ms. Lia. Tapos kung tumingin..” Mahina niyang sabi at pasimple pang tinignan ang tinutukoy.

“Paanong hindi ka titignan ng masama?" Pagsingit ko sa kanila. "Eh nung nagtanong ka anong itatype mo sa software pati yung sinabi niyang ‘eto type mo’ tinype mo rin talaga. May pagkaboplaks ka dun.”

Jusko, neighbor lang kami ni Ms. Giselle pero tawang tawa rin kami sa station namin.

'You have got to be kidding me.'

Halatang nagpipigil mainis eh.

“Promise, nakakakaba kasi magturo talaga." Rason ni Ryujin. "Swerte ni Ning kay Ms. Karina.”

Kwento ng cubemates ko, teammates nila yung dalawa dati until mapili silang i-train nung counterpart namin sa US for a new work process. Akala daw nila additional workload sa team, entirely new process pala na kinailangan mag-establish ng bagong team for it. Then si Ms. Solar, yung dating senior sa team nila, yung na-promote para maging team manager.

"Okay, I'm back."

Agad tumahik yung mga tao nung pumasok na si Ms. Tiffany, bitbit ang isang fishbowl na naglalaman ng maliliit na pirasong papel.

Inalog niya ito sa harapan naming lahat. “Alam niyo na ‘to, guys.”

Mawawala ba sa christmas parties ang exchange gift?

Siyempre hindi.

“Bunot one then pass.” Sabi pa ni Ms. Tiffany bago inabot kay.. Umm.. I think Johnny ata name nung guy. “Don’t open it yet ha.”

Habang isa isang bumubunot ang mga tao, nagsalita ulit si Ms. Tiffany.

“Minimum Php 700 for the exchange gift. I will send a google sheet link later for your wish list. Para naman madalian yung secret santa niyo.”

Ang mahal naman ng exchange gift dito.

Nung college ako  Php 150 lang yan eh.

"I think the price minimum is okay." She added. "Your call kung gusto niyong mahalan yung ireregalo niyo."

Ay, de.

Kung sino man mabunot ko, sorry in advance. 

Strict ako with my budget. Minsan.

Hinalo-halo ni Ning yung mga natitirang folded papers bago bumunot. Dami talagang alam.

Pagkapasa sa akin nung bowl, hindi na ako nag-inarte pa, kinuha ko yung nasa ibabaw lang.

Chance ko nang matitigan si Ms. Karina kaya sinundan ko lang ng tingin yung bowl hanggang umabot na sa kanila.

Hay.

Ang ganda talaga.

Yung tipo bang.. mukha ni Ms. Karina yung inspiration board ni Lord nung naisipan Niyang lumikha ng maganda.

Pero agree ako kay Ning, mabait din.

Hindi naman ako mababaw na tao, importante din sa akin yung character.

Naririnig ko sila dati nung training period nung kaibigan ko eh. Siya naman kasi yung kapitbahay ni Ms. Giselle kaya rinig ko lahat ng conversations nila.

Hindi sa chismosa ako ha.

Pero ano kasi.. ang hinahon niya magturo tapos.. ang haba ng pasensya kay Ning, tapos ang eloquent magsalita.. Basta.

Parang anghel.

“Nakabunot na lahat?" We all nodded our heads in response. “Wala lang. Gusto ko lang sabay-sabay natin i-open, kayo na bahala magtago sa katabi niyo. No peeking, okay!” Pumaikot ang tingin niya sa aming lahat.. -

Moment of truth...

Sana si Ning or Ryujin mabunot ko para pwede mabarat.

“3.. 2.. 1!”

 


KARINA YU

 

Bye, budget.

 

 

 

-----

 

 

 

“Sino palang nabunot mo kahapon?”

Tumingala ako kay Ning.

Kakabalik lang nila ni Ryujin para bumili ng lunch sa labas.

Lagi akong nagbabaon para makatipid kaya nagpaiwan na lang ako sa pantry. May times rin naman na bumibili ako sa labas, kapag bagong sweldo.

Oo, kakasweldo lang namin.

Pero yung nabunot ko si Ms. Karina.

Kailangan makabili muna ako ng regalo bago ilustay yung pinaghirapan kong pera. I think deserve niya ng portable electric fan kung lagi siyang naiinitan.

Nag-browse na lang muna ako sa phone habang inaantay yung tupperware ko na nakapila para sa microwave. Marami-rami din kaming kasabay na taga-ibang teams.

Umupo kaagad si Ryujin sa tapat ko at unang inatupag ang take out niyang binalot.

“Kahapon ko pa nga yan tinatanong, ayaw talagang sabihin.” Pagbanggit niya ng pangungulit sa akin mula kahapon.

Kasi alam kong aasarin nila ako.

Di na, uy.

"Para matulungan ka namin, ano ka ba." Pilit ni Ning sa akin.

"Kaya nga may wish list eh." Simpleng sagot ko.

"Corny mo." Isa-isa niyang nilabas sa plastic ang burger at fries na binili niya. Matic naman na kumuha kami ni Ryujin nung fries.

“Sino nabunot mo?” Tanong ko kay Ryujin.

Ngumisi siya. “Secret.”

“Tignan mo ‘to.” Sabi ni Ning bago umupo at sumubo ng fries. “Game, sabihin ko yung akin, sabihin niyo yung inyo.”

Napatingin ako sa bandang kanan ng pumasok si Ms. Karina sa pantry, magaan ang bawat hakbang, bitbit yung color blue niyang tumbler.

Kasabay ko siya sa elevator kaninang umaga tapos..

Ghaaaad.

Para akong malalagutan ng hininga.

Granted na may iba pa kaming kasabay pero gets.

Hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho pero mukha nang pang-uwi yung itsura ko dahil sa digmaan kanina. And by digmaan I mean commute.

Tapos siya, walang kalukot-lukot yung blouse.

Lumipad ba siya papuntang office?

“Winter, ang mata.” Mabilis kong tinignan si Ning na ngiting aso na naman. “Baka naman si Ms. Karina nabunot mo.”

“Kung siya nga nabunot ko, nagpa-panic na ‘ko ngayon.” Pagpunto ko.

Side note: shet.

“True. Kasi kailangan niyang kausapin.” Sabat nung katabi kong busy kumain.

“Kaya siguro hindi mo kami binibisita sa station namin, dahil sa kanya.”

“Yun naman talaga ah.”

“Seryoso ka ba?” Gulat na tanong ni Ryujin sa akin.

Yung pagkain ko. Next na! Finally!

Habang naghihintay ako sa may tabi ng microwave, napalingon ako kay Ms. Karina na nagre-refill ng tubig.

Ding!

Paglingon ko, palabas na siya sa other end ng pantry.

Sad. Pero okay lang. At least nakita ko na siya today.

Akala mo hindi kapitbahay eh.

Pagbalik ko sa lamesa namin, nakatitig lang yung dalawa sa akin. “Hotdog lang baon ko, wag niyong pagdiskitahan.”

“Hindi, baliw." Sabi ni Ryujin. "Legit nga, kaya ka hindi pumupunta samin kasi nahihiya ka?”

“Bawal ba ‘kong mahiya?”

Tinawanan niya ko. “Para kang bata magkagusto, nagtatago! Pano ka ma-crush back niyan kung di ka nagpapakita?”

"Kaya nga happy crush eh, walang plano kumilos."

"Naku, teh. Kakainin mo yan kapag nakausap mo na." At humigop ng pagkaingay-ingay si Ning sa coke niya. Sunod sunod naman ang pagtango ni Ryujin sa sinabi nito pagsubo ng isang kutsarang kanin.

Ma-choke sana both. Char.

"Masaya na 'ko." Sabi ko na lang. "Pwede change topic? Baka nabilaukan na yun."

At nalipat ang kwentuhan namin sa wish list.

Hindi ko talaga alam ilalagay ko, wala akong maisip.

T-shirt na lang siguro. Or tumbler?

Hindi naman ako maarte sa natatanggap kong regalo, basta magagamit. Nagregalo nga minsan yung tita ko ng underwear, tuwang tuwa ako eh. So-en din yun ah!

"May wish list na mga nabunot niyo?"

"Meron na." Sagot ni Ning. "Easy."

"Wala pa." Sagot ko naman.

"Wala pa din yung akin eh." Kaswal na sabi ni Ryujin.

Mukhang pinag-iisipan mabuti ni neighbor yung gusto niyang matanggap na regalo. Oo sinabi ko sky is the limit pero kalmahan niya sana, bilhin ko lahat eh.

Charot.

"Matagal pa naman. May 2 weeks pa."

 

 

 

-----

 

 

 

Anything. Surprise me. :)

Oh edi naloka ako.

Woman of few words pala si neighbor.

Ang kalat na nung google sheet ngayon kasi yung mga tao, very specific sa gusto nilang matanggap. May nag-insert pa nga ng pictures eh.

Pero etong si Ms. Karina, gusto lang masurprise.

Gulatin ko na lang kaya siya sa restroom?

Ilang araw na ang lumipas, wala pa akong naiisip iregalo.

Sa aming tatlong magkakaibigan, si Ning pa lang ang nakakabili. Nahihirapan daw si Ryujin hanapin yung nasa wish list ng nabunot.

Libro na lang kaya iregalo ko? Nagbabasa ba yun?

Teka nga, magtatanong na ako.

Humapyaw ako ng tingin sa paligid.

Okay, clear. Busy lahat. Wala din manager namin kasi may meeting daw siya with Ms. Tiffany.

Open link.

Hala, naka-open yung file sa tatlong tao. Bahala na.


 

TEAM SOLAR TAB

 

 

Scroll, scroll, scroll.


 

KARINA YU Anything. Surprise me :) - alam kong nasayo na ang lahat pero baka naman may gusto kang ipabili sakin :(

 



Close link.

Safe yan, naka-off yung last edit history nung file.

Smart talaga ni Ms. Tiffany.

Sure din ako makikita yan ni neighbor, palagi kasing tinitignan ni Ning yung list. Nakakatawa daw kasi yung pinagsusulat nung mga tao. May nabasa nga raw siya kahapon -

 

Php 650 total niyan, ipit mo na lang yung singkwenta.

 

Mukhang na-scout na yung shirt mismo sa mall, alam presyo eh.

Pahabol ni Ms. Tiffany nung meeting, as much as possible wag daw cash ang iregalo. Okay lang daw yung mga gift checks or coupons, basta wag cash. Mag-effort naman daw kami konti. Also, masarap daw kasi sa pakiramdam yung may binubuksan kang gift.

True.

Favorite ko yung riiiiiiiiip sound ng gift wrapper nung bata ako, next to malulutong na tuyong dahon kapag inaapakan.

Bumalik ako sa tinatrabaho kong file.

Ano bang pwede kong iregalo??

Mawiwindang ako kakaisip nito eh.

Gusto ko yung matutuwa siya. Ayoko nung basta basta lang, gusto ko yung may lasting impression. Char. Akala mo matapang eh.

"Karina!"

Napalingon ako sa side ni Ms. Yeji. Yung kapitbahay niya ang lawak ng ngiti.

"Yes?"

"May nagreply sa wish list mo!"

Jusko, galing pa sa kabilang team yung balita.

Yumuko ka, Winter. Wag kang magpapahalata.

Nanlalamig ako. Real time ko pala mawi-witness pagreply niya!

"Ay gusto ko rin mabasa!" Sabi ni Ms. Chae.

"Ako rin!" Nakisali na rin yung mentor ko.

Ako rin.

"Ang lande. Nasayo na pala lahat, Karina!" Comment ni Ms. Chae.

"Parang di naman." Comment ng mentor ko. "Wag siyang magpapabulag."

Hindi naman ako mahahalata kung makikiusiyoso ako no?

Open link.

Hindi talaga. Ang daming animal icons in different colors eh.

Nagtanong lang ako, bakit pinagpiyestahan na.

 

 

KARINA YU Anything. Surprise me :) - alam kong nasayo na ang lahat pero baka naman may gusto kang ipabili sakin :( - hahaha it's the thought that counts so anything will do :)

 

 

Ang hirap naman makakuha ng sagot.

Sinimplehan ko ng tingin si Ms. Yeji, focus sa trabaho. Si Ms. Chae, kumakain ng piattos habang nakatitig sa sheets. Si Ms. Giselle, naka-earphones at bumalik na sa trabaho pero naka-open yung file sa kabilang monitor.

Marami naman kami.

Hindi ako mahuhuli. Mabilis lang.

Pagkareply na pagkareply ko, sinarado ko agad yung tab at bumalik sa tinatrabaho kong file.

Nanginginig yung kamay ko.

Tumayo si Ms. Chae si likuran ko at dumungaw sa bakod. "Ang sweet nung nakabunot sayo, tulungan mo."

Kapag nalaman ni Ms. Chae na ako yun, babawiin niya yan.

Lumapit na rin si Ms. Yeji at dumungaw din kay neighbor. "Girl, legit, kahit isang item lang. Have a heart!"

"True, Rina." Rinig kong pagback-up ni Ms. Lia sa kabilang cube. "Ang uwu kaya."

Yes. I'm uwu-able.

"Pressure kayo ha. Kilala niyo yata nakabunot sakin eh."

Right here, ma'am.

"Hoy, Karina." Sumali na rin yung mentor ko. "Ikaw lang nag-surprise me sa buong team. Si Ms. T nga may brand pa yung kanya."

Actually. Pero budget friendly naman.

"Kahit ano naman talaga eh."

"Corny nito." Sabi ni Ms. Chae. "Tulungan mo naman yung sheet lover mo."

Rinig kong bumulwak ng tawa si Ning at Ryujin sa kabila, marami raming nagtawanan actually.

Sana sinigaw na lang niya sa buong floor no? Nahiya pa eh.

Tsaka anong lover.. admirer lang.. Ms. Chae naman..

"Eto na, rereplyan ko na."

At nagsibalikan na yung cubemates ko sa mga station nila.

After a while..

"Ang corny talaga."

"Nice try, Karina. Mas sweet siya kesa sayo!"

At narinig ko ang matamis na tawa ni neighbor.

Ano bang nireply niya? Gusto ko rin mabasa! Teka nga..

Open link.

 

 

KARINA YU Anything. Surprise me :) - alam kong nasayo na ang lahat pero baka naman may gusto kang ipabili sakin :( - hahaha it's the thought that counts so anything will do :) - pero gusto ko yung gusto mo :( - magugustuhan ko kahit anong ibigay mo :)

 

 

Ibigay ko kaya sarili ko sa kanya. :(

Char.

 

 

 

-----

 

 

 

"Ehem." Sabay upo sa lamesa ko.

Tumingala ako kay Ning saglit at binaling na ulit ang atensyon sa monitor. "Baket?"

"Hindi ka kakain?" Tanong niya.

"May tinatapos pa ako eh." Rason ko. "Una na kayo ni Ryujin. Baka dito ako sa desk mag-lunch."

Mga ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita ulit.

"Sasabay ka o hihilahin kita papuntang pantry?"

"Anong pinuputok ng -" Pagharap ko kay Ning, para bang may inaantay siyang marinig mula sa kin. Pinangtungkod niya sa lamesa ang isang kamay bago nilapit ang sarili sakin kaya napasandal ako. "Ano na naman?"

"Ikaw nakabunot sa mentor ko."

Tinapal ko agad yung bibig niya!

Napakaingay naman talaga!

Dali-daling lumingon sa kung saan-saan. Baka may nakarinig!

Tinapik niya palayo yung kamay ko. "Ang alat leche, pwe. San galing yang kamay mo."

"Ang ingay kasi."

"Naka-break lahat, tayo lang nandito. Wala pa mid shift." Tinulak niya ko pasandal sa upuan. "Galing ko no?"

"Gago ka."

"Oh wow, direct."

"Pano mo nalaman??"

"Di ko talaga alam. Nanghuli lang."

"Punyeta."

Malay ko bang nasa pantry pala lahat! Ang dami ko kasing trabaho today.

"Landi mo, by the way. '.. gusto ko yung gusto mo' sad face."

Required ba na kapag may gagaguhin ka, nanliliit yung mata? Nakakairita eh. Kamukha niya yung meme ni Thor.

"Regalo niya kasi yun."

"Kinilig ka naman."

"Saan?"

"'Magugustuhan ko kahit anong ibigay mo..'"

Kikiligin nga sana ulit ako pero medyo nabother ako. "Bakit nung siya ginaya mo, ang ganda nung acting?"

"Kasi maganda mentor ko." Nagkibit balikat siya. Pinandilatan niy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Hello! 2 wanshats sana kaya lang tinamaan ng sakit and Im still recovering. Sorry :( But I'm okay! Nothing serious. :) Bagsak lang ang katawan recently, binugbog ko buong taon eh. Btw! Alagaan ang mga sarili ha? Get enough sleep, dont skip meals, exercise at least once a week. hehe happy new year!

Comments

You must be logged in to comment
charee_alahas #1
Chapter 1: rereading HAHAHA
MyJMJTY
#2
Chapter 1: part 2 po sana 😭 ang ganda talaga
ryujinie__
691 streak #3
Chapter 1: still patiently waiting for the 2 wanshats hehe tyt 'tor! <3 tamang reread na lang muna
charee_alahas #4
Chapter 1: Ang ganda pa den ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ. Panglimang beses ko na nabasa to huhu.
erzcaps27
#5
Chapter 1: Ang kyutiee. Sana may part two po? Please 🙏
shajanie
#6
Chapter 1: Sana may part 2 ang over the bakod…
jimin_jeong_ #7
Chapter 1: WALA PO BANG PART 2?? AHSJEJEOEOJKL WILLING KO PONG ISUGAL LAHAT NG MERON AKO PARA MAG-EVOLVE YANG HAPPY CRUSH NA YAN
Kkuratingz #8
Chapter 1: Happy crush naman pala isa’t isa. Baka naman po otor pwede na sila mag upgrade hehehehe😍
EzraSeige
#9
Chapter 1: Good evening otornim sana masarap ulam mo... hehehe wala po bang kasunod ehem po 😊😍💙❄
queengkle_belle
#10
Chapter 1: wala pong part two?/hehe evolve natin ang happy crush hahahahaha