Oneshot

Paano kung hanggang dito nalang

Naging masaya ang buhay ko since nakilala ko si Karina ngayon ko lang ulit naranasan at maramdaman ito. Natutunan ko magmahal ulit dahil sa kanya. Nagsama narin kami sa iisang bahay at umabot kami ng 1 taon okay naman yung takbo ng relasyon namin not until dumating yung araw na parang nag iba sya. Palagi nalang ako nag overthink kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya dahil hindi naman sya ganito dati. Dahil hindi ako nakatiis kinausap ko na sya about dito.

 

 

 

"Mahal?" tawag ko kay Karina habang busy sya sa pag cellphone.

 

"Yes?"

 

"May tanong sana ako."

 

"Ano yun?"

 

"Mahal mo ba ako?" tumigil naman sya sa pag cellphone at lumingon sa akin.

 

"Oo."

 

"Pero bat hindi ko ramdam? Nag iba na yung pakikitungo mo sa akin. Mahal mo parin ba talaga ako?"

 

"Winter. Hindi ko ma explain kasi pati ako naninibago sa sarili ko. Mahal kita alam mo yan pero natatakot din ako na dumating yung time na baka hindi na." dahil sa sinabi ni Karina nag walkout ako tinawag nya naman ako pero di ko ito pinansin.

 

Tinawagan ko naman si ningning dahil gusto ko ng makakausap ngayon di ko na alam ang gagawin ko nasasaktan na ako.

 

 

 

 

 

 

"Sinabihan na kita bunot pero wala ang tanga mo." Kakarating ko palang dito sa bahay nya pero ito na binungad ni ning hays.

 

"Mahal ko eh."

 

"Tanginang pagmamahal yan winter halata ngang di kana mahal nagpapakatanga ka parin."

 

"Hindi ko kayang mawala si Karina sakin."

 

"Sya ba ganyan rin kaya?"

 

"Ewan."

 

"Sinasabi ko sayo pag pinatagal mo pa ikaw lang din magsusuffer jan bunot. Halatang di kana mahal pero nagbulag bulagan kaparin. Ako naaawa sayo diba ganyan rin yung nangyari sainyo ni minju? Winter maawa ka naman sa sarili mo kahit ngayon lang. Palagi ka nalang umiiyak at nasasaktan dahil sa tanginang pagmamahal na yan."

 

"Ewan ko ning pag iisipan ko muna. Baka Kasi pagsisihan ko kung magdedesisyon ako agad."

 

"Wala kang pagsisihan Jan bunot una palang alam mong hindi Ikaw Ang nagkulang halos ibigay mo na nga buong oras mo sa kanya pati pagkatao at kaluluwa mo nako."

 

"Pag iisipan ko." Niyakap naman ako ni ning at tuluyan narin bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

 

 

 

 

Nakauwi na ako sa bahay wala si Karina siguro ay gumala na naman ito kasama ang tropa nya. Dumiretso agad ako sa kwarto at humiga. Iniisip ko yung mga sinabi ni ning sakin sabagay tama naman si ning mas mahihirapan at masasaktan ako ng sobra pag pinatagal pa.

 

Makalipas ang 2 araw since nung nag usap kami ni ning ay nakapagdesisyon narin ako. Tama si ning uunahan ko nalang si Karina parang isang sakitan nalang kes magstay ako sa relasyong puro sakit nalang ang nararamdaman ko.

Nagsimula na ako mag impake ng mga gamit ko dahil lilipat na ako ng titirhan actually nasa condo ako nag stay ngayon since kasi nalaman ng parents ko na jowa ko ay babae ay pinalayas ako mabuti nalang at nanjan si karina pero di naman ako umaasa sa kanya naghanap rin ako ng work para makatulong nag working student ako may naipon rin naman ako.

Habang nag-iimpake ako ay biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa akin si Karina nakatingin sya sakin at sa mga nilalagay kong gamit sa maleta.

 

"What are you doing winter?" lumapit sya sa akin.

 

"Aalis na ako Karina."

 

"But why?" di ko muna sinagot tanong nya tinapos ko muna ang pagliligpit pagkatapos ay humarap ako sa kanya.

 

"Karina ayaw ko na."

 

"Huh?"

 

"Pagod na ako." nakatingin lang sya sakin. "Hindi ko na kaya Karina nasasaktan na ako ng sobra. Mahal kita sobra pero ayaw ko naman na magstay sa isang relasyong ako nalang ang nagmamahal."

 

"Winter."

 

"Karina halata naman kasi na wala ka ng nararamdaman sa akin kahit 'di mo sabihin hindi ako manhid karina sadyang nagbulag bulagan lang ako dahil mahal kita pero hindi ko narin kaya tiisin itong sakit eh. Mas masasaktan pa ako pag nagstay ako."

 

"Winter I'm sorry."

 

"Tapusin na natin ito Karina salamat sa lahat lalo na sa pagmamahal na binigay mo sa akin na appreciate ko iyon."

 

"Winter I love you."

 

"Karina stop. Ayaw ko ng marinig ang kasinungalingan yan. Pakawalan mo nalang ako kesa may masaktan pa ng sobra. Para sa din naman ito sa ikakabuti natin."

 

"I'm really sorry winter for hurting you. Even me I don't know why I'm like this.

I love you winter but parang feel ko naninibago na ako. My feelings for you are not the same as before. If this is what you really want, I will respect your decision. I know I'll regret it but I deserve it because this is my fault." naiiyak na sabi ni Karina kaya di ko rin napigilang maiyak.

 

"Pero kahit ganito rina thankyou parin wala akong pinagsisihan na minahal kita siguro nga hanggang dito nalang wala na tayong magagawa eh kung tadhana na mismo naglalayo sa atin."

 

"yes you're right."

 

"Karina bago ako tuluyang umalis may ipapakiusap lang sana ako sayo."

 

"Ano?"

 

"I hope before tayo maghiwalay ng landas, pakiusap ko sayo sana alagaan mo ang sarili mo dahil wala na ako para alagaan ka. Huwag matigas ang ulo Karina para naman to sayo. Sana sanayin mo na rin na wala ng winter kim sa tabi mo Kasi ako sasanayin ko rin. Para sa ikabubuti nating dalawa to Karina."

 

"Susubukan ko win. Thank you so much for everything and I'm sorry dahil nagkulang ako." nakayuko si karina at umiiyak.

 

"Maraming salamat rin. Karina pwede ba kitang yakapin sa huling pagkakataon?" tumingin naman sya sakin at tumango kaya agad ko syang niyakap at niyakap nya ako pabalik. Ayaw ko man bumitaw pero wala akong magagawa dahil para sa ikabubuti naman namin to.

 

"Iloveyou Karina." kumalas ako sa yakap nya.

 

"I loved you winter." kinuha ko ang mga gamit ko palabas na ako ng pinto pero lumingon ako sa kanya at nginitian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi sa lahat ng relasyon ay happy ending kagaya sa amin gustuhin man namin magstay pero hindi na kaya.

Mahirap mag stay sa isang relasyon kung ang isa nalang ang nagmamahal.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet