starting point

tacenda
Please Subscribe to read the full chapter

 

Sa dinami-rami ng mga bagay sa mundo, iilan lang talaga ang ayaw mo.

 

Isa na ang nakaka-rinding pag tunog ng cellphone mo sa lamesa na nasa tabi ng kama mo.

 

Isipin mo ba naman, ang himbing na ng tulog mo eh. 

 

Ngayon ka na nga lang ulit naka tulog na ganito kahaba at kahimbing dahil wala ka na dapat mga isipin pang plates and other stuff from your professors na parang ikamamatay kung bibigyan ka at ng mga ka-blockmates mo ng pahinga.

 

Inis kang dumilat at pinatay ang tawag, ilang minuto mo ring sinubukan na bumalik sa tulog para ma-ituloy ang naudlot mong panaginip kung saan kasama mo ang favorite character mo na si stuart at naglalaro kayo sa buwan with other minions on your background,

 

Eh kaya lang, sobrang epal ng mga kaibigan mo.

 

“Bakit ba?!” Hindi mo na natiis ang pag ring ng cellphone mo at hindi ka na rin makatulog kaya inis mong sinagot ang tumatawag sa’yo. “Tangina natutulog ‘yung tao eh!”

 

[Galit na galit amputa!]

 

Rinig mong tumawa si Sidney, kaibigan mong galing Australia na magbabakasyon lang daw dito pero ngayon ay nag t-take ng Fine Arts sa kung saan ka rin nag-aaral.

 

[Kumalma ka nga, umagang-umaga Aki busangot ka na naman.] Saway sa’yo ni Via. [Nandito kami ngayon sa Target Bean, sunod ka.]

 

“At bakit naman?”

 

[Kasi pinapasunod kita?] na-imagine mo ang pag taas ng kilay niya na madalas niyang gawin tuwing banas na siya sa’yo. [It’s been months since we last went out together, you know? You need to live life Aki!]

 

Bakit kung magsalita ang kaibigan mo ay parang hindi mo iyon ginagawa?

 

You have life in your university duh?

 

Gusto mo na ngang magpa check-up sa doctor dahil ilang weeks din na puro kape lang ang nasa sistema mo dahil sa sunud-sunod na kailangan mong i-submit.

 

You have a happy life.

 

Sobrang saya na may kaunting hilo ganon.

 

Putangina hanggang ngayon nalalasahan mo pa rin yung kapeng ininom mo nung isang araw.

 

“Pagod ako.”

 

[Kaya nga lalabas tayo para ma-relax ka naman!]

 

“Mas relaxing matulog ulol.”

 

Binaba ko agad ang tawag at pumikit ulit, sobrang tagal mo na inantay ang oras na wala kang iisiping deadline at matutulog na lang tapos sisirain pa nung dalawang itlog.

 

Tulog,

 

Please, bumalik ka na,

 

Inaantok ako

 

Inaantok ako

 

Inaantok ako

 

Inaantok ako

 

Inaantok ako

 

Inaantok ako

 

Inaantok ako

 

Inaantok ako

 

Inaantok ako

 

Ulit-ulit mong sabi mo sarili mo para makatulog ka ulit.

 

Hindi rin naman kasi maganda ang pakiramdam mo dahil sa nasobrahan ka na nga ng kape at wala ka pang maayos na tulog.

 

“Tangina.” Mura mo na lang dahil hindi ka na talaga makatulog pa salamat kay Via at Sid. Inis kang tumayo at dumiretso sa banyo para mag hilamos ng mukha mong maganda na ilang araw ding haggard.

 

Babawian mo na lang ang mga prof mo sa evaluations.

 

Bumalik ka sa kama mo pagkatapos mong mag hilamos at kinuha ang cellphone mo para mag scroll sa twitter para sa balita kahit alam mong mas maraming ganon sa facebook.

 

Facebook is full of boomers and pa-cool people kaya ayaw mo doon.

 

Kita mo ang sunud-sunod na tweets tungkol sa mga kpop idols, mga balita tungkol sa pulitika at ibang mga bansa.

 

Natawa ka sa ibang tweets ng mga kaklase mo na minumura ang mga naging deadlines ninyo.

 

Ang ilan naka bakasyon na.

 

Gusto mo ring umalis bigla.

 

Sa Laguna kaya?

 

“Aki!” Naputol ang imagination mo nang sunud-sunod ang mga naging katok sa pinto ng apartment mo.

 

Si Sidney.

 

You rolled your eyes nang ma-realize mo ‘yon.

 

Pumunta talaga amp.

 

Hindi mo na lang pinansin at nagpatuloy sa pag scroll.

 

 

Hiro

@imhirosyl

Nagising na maaga tapos wala palang deadline putangina !!

 

Aki

@mendkizzz

Replying to @imhirosyl

Good morning ulol

 

Hiro

@imhirosyl 

Replying to @mendkizzz

Tangina mue par

 

 

Tumawa ka at nag scroll ulit nang lumitaw naman sa screen mo ang message ni Sidney.

 

 

Sid

Hoy gaga! bubuksan mo pinto o pipindutin ko ‘ton

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
537 streak #1
Ahh that is why it sounds familiar to meee
howdoyouknowmee
537 streak #2
UPVOTED
CincoYoo
#3
seated!