your type.

Exes' Trap
Please Subscribe to read the full chapter

Day 1 of Yeji playing cupid.

OTW na me, lodicakes. Mukhang uulan dala ka jacket, wag na payong meron ako dito.

Nagsend siya ng text sa kaibigan bago ipaandar ang kotse papunta sa bahay ni Winter para sabay silang pumasok.

Pagkarating niya sa bahay ng kaibigan ay agad itong sumakay sa passenger seat. 

"Anong nakain mo at gusto mo sabay tayo, pwede naman akong magdrive."

"Baka kasi biglang magkayayaan ng layas mamaya, hassle naman kung magkahiwalay pa tayo ng sasakyan. Mahirap pa naman maghanap ng parkingan."

Sinulyapan niya ang kaibigan na nagkibit balikat lang. Matapos ang ilang minuto na katahimikan ay siniko niya ng pabiro si Winter na nakatingin sa bintana.

"Nabasa ko shared post mo sa FB ah, mukhang ready to mingle ka na ulit."

"Stalker ka rin no?" Mahinang tawa ni Winter.

"Di ah! Bungad kaya sa feed ko yun pagbukas ko ng FB." Sumulyap si Yeji sa kasama, "Naka-move on ka na kay Karina? Bilis naman lods!"

Nilingon ni Winter si Yeji at hinampas ito sa braso ng mahina. "Ang dami mong ebas, Yej."

"Bakit ba kasi ayaw mo sabihin kung bakit kayo nag-break? Mas matagal pa yung talking stage. Isang linggo lang yung pag-ibig niyo." 

Tinitigan lang ni Winter si Yeji at akmang bubulungan ang kaibigan. Nag-brake ng marahan si Yeji ng makita ang pulang stoplight at inilapit ang pisngi sa kaibigan.

"Secret, walang clue." Mahinang bulong ni Winter at humagikgik.

"Punyeta ka talaga!"

"Bakit ba curious na curious kayo? Pati si Chaewon hanggang ngayon di ako tinitigilan ng kakatanong."

"Bagay kaya kayo. Iba yung chemistry pag nakikita namin kayong dalawa. Parang ako din kinikilig." Natatawang tugon ni Yeji.

"Tangek, tao kaya kami." 

"Hayop ka kaya, tanga. Maganda naman siya, matalino, mabait, mabango. Bet na bet ko siya para sayo." Nilingon ni Yeji ang kaibigan saglit bago ibaling muli ang atensyon sa kalsada, "Ako na lang kaya jowain niya no?"

Lumipas ang ilang segundo na walang imik si Winter na siyang nilingon ulit ni Yeji, nakakunot ang noo nito at masama ang tingin. Nung nagtama ang kanilang mga mata ay inirapan ni Winter si Yeji. "Ewan ko sa'yo."

Ngumiti na lamang ng palihim si Yeji. 

May chance.

 

-

 

Bui. Subukan mo lang iwala yang payong ko. Ipapa-red tag kita.

Pagka-send niya ng message kay Winter ay may nakita siyang familiar na figure. "Kars!"

Nilingon siya ng dalaga at nginitian nito. "Yej, hi!"

"Busy ka ba? Sabay tayo mag-lunch? Ayain ko din sila Yujin."

Agad na tumango si Karina without missing a beat. "Sure, sige. Message mo na lang ako kung saan."

"Oks! Winter will be there pala, okay lang ba?" Tinitigan ni Yeji ang kasama at again, without missing a beat, tumango na ulit si Karina.

"I don't mind, we're friends naman eh." 

Interesting.

Lumawak ang ngiti ni Yeji, "Message kita pag nakapagdecide na kung saan. May payong ka ba? Pwede mahiram? Pupunta kasi ako sa kabilang building, may ipapasa kasi ako kay Miss Myoui. Ayaw pa pa naman nun ng late." 

"Wait." Binuksan ni Karina ang dalang handbag at hinanap ang kanyang payong bago ito iabot, kinuha naman ito ni Yeji at ngumiti sa kaibigan. "Thank you. Balik ko mamaya. Una na ako."

Binuksan ni Yeji ang payong at kumaway kay Karina bago tuluyang umalis.

 

-

 

Oplan Balikbayan

Yeji added Chaewon
Yeji added Yujin
Yeji added Yunjin
Yeji added Jinni
Yeji added Isa

 

 

Jinni: may uuwi ba galing abroad
Chaewon: Ano to
Isa: GC po ata
Yujin: Chaewon kung ako yan di kita gaganyanin :P
Yunjin: ?
Yeji: Ipinatawag ko kayong lahat, dahil meron akong gustong magkabalikan.
        Ang paboritong couple nating lahat.
Jinni: JaDine ba yan? bet
Yunjin: Move on na beh.
Chaewon: Winrina?? G ako dyan
Yujin: Uy ako rin. bet
Jinni: si winter lang naging matino na kaharot ni karina eh
Yunjin: True.
Yujin: Boto din ako kay Win
Chaewon: Bakit ba kasi nagbreak?!
Yeji: Secret nga daw. Damot ni Win.
Yena: mga marites HAHAHA
Isa: Lahat naman ata tayo dito marites. wag na kayong plastic
       Ano gagawin natin
Yunjin: The parent trap style?
Yeji: Tumpak sis!
Chaewon: Wait, may add akong magaling sa ganitong kalokohan

                                                               Chaewon added Yena

Yena: loe mga bading. ano meron
Jinni: GC daw po sabi ni Isa
Yujin: bakla di na kita kaya ipagtanggol
Yunjin: Backread ka na lang beh, yung kay Yeji na lang basahin mo.
Yena: K wait
Chaewon: ano ba plano?
Yeji: Inaya ko maglunch yung dalawa, sabi ko kasama kayo. Hehe.
        Tapos plano kong wag siputin para silang dalawa lang magkasama.
Isa: Galing mo dun beh
Jinni: oo nga, pwede na pangwattpad
Yena: jusq
         bet ko yang plano niyo
         sa weekend ako na bahala
         dun na lang tayo sa condo siguro?
Chaewon: Yun oh baka Yena yan
Jinni: Bh0sXz Y3n4 m4p4gMh4H4L
Yunjin: Ayoko na sa earth
Yeji: Sakto umuulan ngayon, sabihin ko kay Win sabay na sila kasi walang payong si Kars.
Jinni: share sila ng payong tapos... ack
Chaewon: Maiinggit na naman po ako sa relasyon ng iba
Yujin: pm mo ko para di ka na mainggit :D
Isa: harot mo bakla
Yunjin: Stop.
Yujin: K pi
Yena: wag niyo sila replyan ha
Yeji: O kaya late na lang magreply, kanya kanya na lang tayo ng excuse.
Jinni: sabihin ko may diarrhea ako, unahan ko na kayo
Yunjin: Gross.
Isa: sana magkatotoo HAHAHAHA
Chaewon: Uy bad
               K update na lang mamaya
Yujin: sige update kita lods :)
Yunjin: K.

 

-


Bubu, isabay mo si mareng Kars papuntang caf. Lang payong yun, hiniram ko sakanya kanina. Hehe

Kars, lakas pa ulan nagmessage ako kay Win na isabay ka. May inutos pa si Madam Wong. May dalang payong yun, sunod na lang ako sa caf. Hehe

 

Yeji smiled to herself dahil mukhang smooth ang plano niya sa ngayon. Nakatambay siya sa library at dito nagdecide na tumambay ng lunchtime.

Makalipas ang sampung minuto ay nakatanggap siya ng reply mula kay Winter.

 

Winter: Gags. Bat kami lang nandito

Yeji: Not sure bat wala pa yung iba, pero dito pa ako sa lib. May utos pa si Madam Vivi em.

Winter: K.

 

Makalipas ang halos isang oras ay nasa library pa rin si Yeji na hindi namalayan ang oras, pinili na lamang na mag advance study. Pagkasulyap niya sa orasan ng library ay nabigla ito at binuksan ang messages sa kanyang phone.

 

Oplan Balikbayan


Chaewon: Yej, ano na balita?
Isa: Nasa caf na daw sila sabi ni Win
Yujin: di naman ako hinanap ni Kars
Jinni: d dw tayo kailangan dun Yuj
Yunjin: Didn't receive anything from Karina din.
Yena: sabi ng source ko okay naman daw sila dun, nagkkwentuhan lang.
          mukhang okay lang na wala tayo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Moguri
#1
Chapter 1: crack daw piru bkt ang poso q ang na-crack?? 💔💔💔
gomtokkim
2146 streak #2
Chapter 1: crack amp baka crack sa puso author 💔
Enterusername_here
#3
Chapter 1: Wewz
CincoYoo
#4
Chapter 1: unexpected turn of events, huh
gandlafchua #5
Chapter 1: Huhu
howdoyouknowmee
535 streak #6
UPVOTED