Monday

Uwian
Please Subscribe to read the full chapter

Monday.

 

Maraming may ayaw sa’yo dahil unang araw ka ng linggo. Ibig sabihin may pasok na naman.

 

Kung ayaw nila sa’yo, p’wes ako, gusto kita kasi may pasok na naman.

 

Hindi sa hayok na hayok ako sa pag-aaral at bet kong makita ang panot kong teacher sa Physics ah. And since nabanggit ko na ‘rin, share ko lang, bad trip ako d’yan kay Serr Panotskie. Akala ko talaga magiging effective teacher siya sa subject niya dahil ka-hairline niya si Einstein pero hindi pala. Nag p-play lang siya ng YT tutorials sa time niya. Salamat na lang talaga doon sa YouTuber na kamukha ni Hesus.

 

Balik tayo sa kanina. Anyway, gusto ko lang sabihin na I like Mondays dahil ibig sabihin lang na makikita ko na naman ang walang kasing talino, bait, at ganda kong jowa!

 

Unfortunately, hindi kami magkaklase dahil iba ang strand niya sa’kin kaya tuwing break at uwian lang kami nagkikita. Hinihintay ko siya palagi tuwing dismissal time, except for Wednesdays, siya ang naghihintay sa’kin – lakas lang makahaba ng hair mga sis!

 

 

“Seul… kailan ka bibili ng swimming cap?” Ah… oo nga pala. Swimming ang aaralin na’min for this semester at nire-require kami ng teacher na’min na magsuot ng rash guard, swimming shorts, tsaka swimming cap sa pool. Hindi niya ba ire-require yung swimming skills? Paano na lang yung ‘With High Honors’ standing ko nito.

 

“Bibili ba kayo ngayon?” Tanong ko pabalik.

 

“Hindi pa naman kami bibili ni Wannie ngayon if hindi ka pa bibili. Sabay-sabay na tayong tatlo tas libre mo kami ng Coco after.”

 

“Magtigil beh. Babawas ka pa sa budget ko pambili ng bibingka for my kakaibabe. Sa Thursday na tayo bumili.” Malapit na kasi mag Simbang Gabi at naisip ko lang na i-upgrade yung pa-kwek kwek at proben namin to bibingka. Para ‘rin maisabuhay ang kanta ng Ben&Ben… ‘Bilhan mo na siya ng bibingka, dahil ikaw na ang aking tadhana’. KYAH!

 

“Niyayabangan mo na naman ako. Lumayas ka na nga. 6PM na. Dismissed na sila.” Tulak sa’kin papalayo ng tropa ko.

 

 

 

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa room ng aking kakaibabe. Hindi naman sa baka hindi ko siya abutan sa room nila, dahil: a.) Alam niyang pupuntahan ko siya, at; b.) Monday ngayon, at bilang sa letrang B nagsisimula ang surname niya, matic na group 1 siya sa cleaners.

 

Binibilisan ko lang talaga dahil bilang isang mabuti at maalagang jowa…

 

“HOY MGA KALAT! Ako na lang, ‘wag na ang prinsesa ko!” Bungad ko sa room nila. Sanay na naman na ang mga kaklase niya sa’kin kaya hindi naman ako mukhang –

 

“Baliw ka talaga, Katigbak! HA HA HA.” Hala, gago.

 

“H-hello po, serr. Hindi po ako aware na nandito ‘rin po kayo, hehe. Help po ako,” pinulot ko agad ‘yung mga papel sa pile ng nawalis na basura. “Mga kalat po serr, hehe.” Tinignan ko ang babaeng ipinunta ko rito at nakitang umiiling-iling lang siya sa’kin habang nagpipigil ng tawa. Napasaya ko ang prinsesa ko!

 

 

 

“Ano na naman yung pa-entrance mo kanina?” Tanong niya sa’kin habang natatawa pa ‘rin ng makalabas na kami ng room.

 

“Dramatic entrance. Na-enjoy niyo siya at ‘yun ang mahalaga.” Inabot ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ssan01
Hi! May idinagdag lang pala ako ng konti. Xencia, impulsive lang. Hahaha.

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
Chapter 2: 🤣🤣🤣
soshi26_ot9 #2
Chapter 1: Too cute!
_m3owrene
#3
Chapter 2: 😂😂😂😂
howdoyouknowmee
539 streak #4
Chapter 2: MAY UPDATE
Moksy23
#5
Chapter 1: Otor ang kyutttt po 😍
mademoisYelle
#6
Chapter 1: Hang cuteee hshs
howdoyouknowmee
539 streak #7
UPVOTED
ckeljera_28 #8
Chapter 1: Huhuhu,kinikilig ako .,..waaaahhhhh nakakakilig yungbseulrene ko
_m3owrene
#9
Chapter 1: Anggggg cute ng tusok-tusok date hehe