Chapter 1

Ang trainor ni Toothless ʕ{0_0}

Napabuntong hininga nalang ako habang binabasa ang librong na sa aking harapan. Wala, wala akong maintindihan sa mga binabasa ko at  sa  totoo lang  n'yan lumipad na isip ko sa kung saan. I'm currently here at the library , wala kasi yung teacher namin sa isang subject at nag- iwan lang ng activity  for today's video. Balak ko sana mag search nalang sa Google gamit ang computer sa library para masagutan 'tong activity, ang kaso hindi raw gumagana ang PC sabi ng librarian. If you guys wondering why nag punta pa ako sa library para sa PC eh pwede naman sa cellphone ang kaso kasi naka surrender cp namin sa faculty. Hayss.. kaya banas na banas na ako ngayon dahil tinatamad na ako magbasa sa libro wala naman ako makuhang sagot ehh T^T.  Isa pa sa na kakainis hindi pa na ituro sa amin 'to tapos nagbigay agad ng activity, nako  ka talaga sir! 

 

 

Habang nagsasagot ako sa papel, there's someone na bigla na lang  nagtakip ng mata ko mula sa likod. 

 

" Guess who am I~" sabi ng taong naka takip ang kamay sa mata ko.

 

Napabuntong hininga nalang ako at tinanggal ang kamay nya sa mata ko. Dahil sa boses nya kilalqng kilala ko na sya. It's him again hayss..

 

" Jake, alam kong ikaw yan" ang sabi ko habang  nilingon ko s'ya. At hindi naman ako nagkamali.. 

 

" Aww how did you know it's me?" Sabi niya habang humahaba ang nguso tila parang batang naaasar at umupo sa isang vacant seat sa tabi ko. Grabe namn to

 

" obvious naman sa boses mo ehh" ang sabi ko at pinagpatuloy ang kinana ko pa ginagawa, i have to submit it within the day

 

" Ah Uhm by the way, what are you doin'?" malagkit na pagkakasabi niya. 

 

Hanggang ngayon namamangha parin ako sa pagsasalita niya, half Filipino and half Australian ba naman. Ang sabi nila lumaki talaga ito sa australia at lumipat lang sa pinas dahil sa business dito ng parents nya  na kilala sa bansa. Rich kid ang kohya nyoo

 

" hmm, activity lang na pinagawa ni sir Feranco. Ikaw? Bakit ka nan dito?"

 

 

" ehem, well I- I just noticed that you weren't in our classroom, so I asked Ning where you went." kamot batok niyang sabi.

 

Yes, magkaklase kami and hindi lang iyon, ang lalaking katabi ko ngayon ay siyang nagkakagusto lang namn sakin. Nag confessed siya nung minsan ay may event sa school na hindi ko na maalala kung ano yun. Sinabi ko na hindi ako interesado pero gusto nya manligaw ang sabi ko sya ang bahala. Mabalik tayo..

 

" ah ganun ba, sige malapit naman na ako matapos babalik na rin ako sa room" ang sabi ko at tinapos ang ginagawa.

 

 

Nang matapos ko ang activity ay agad kami pumanhik sa sa classroom namin. Pagpasok pa lang ng room ay maka binging ingay ang narinig namin  na gawa ng mga kaklase namin. Pero nangingibabaw naman ang boses ni babaita na nakikipag chikahan at tawanan kila yunjin. 

 

" Jake, kila ning muna ako"  sabi ko sa kanya at tumango nalang siya at pumanhik sa kanyang upuan kasama mga tropa nya.

 

" Ning, pwede ba hinaan nyo lang? Magkakalapit lang kayo ang lalakas ng mga boses nyo" naka kunot noo kong sabi sa kanila at umupo sa upuan ko na katabi ni ning..

 

" Uy teh! Dito ka na pala.. ehh sorry, eto kasing si ryuji-wHahHAHAha" grabe naman tong babae na 'to -_-) nauna pa yung tawa sa kwento nya ehh

 

" Tawa ka Ning?  Gusto mo ba ilaglag kita sa crush mo?" Naka simangot na tudyo  namn ni ryujin na tila kanina pa aping api dahil sa mga loka.

 

"Ay subukan mo lang, asahan mo di ka na masisikatan ng araw sa gagawin mo "  at sabay tawa naman ni yunjin sa sinabi nya kay ryujin.

 

 

" ano ba kasing nangyari nung wala ako at tawang tawa kayo?"

 

" Eh kasi teh pumunta si Miss suzy dito, dala mga papers natin para ibalik.eh etong  mga papel ni ryujen, nakita lang namin naisama nya ata sa naipasa yung love letter nya kay miss suzy na hindi namn dapat"  unalingaw-ngaw ulit ang tawa nila at kasama na ako doon. HAHAHHAHA. Crush kasi ni ryujin si miss suzy kahit alam nya may boyfriend ito pero happy crush lang naman raw ehh. ( pero ginawan ng love letter huhuhu)

 

"  hindi ko talaga alam na nasingit yun sa mga sinubmit ko ehh"  mangiyak iyak nyang sabi

 

Hay nako ryujin, iyang kabaklaan mo lumelebel up 

 

 

____________________________________

 

 

Alasais na ng gabi nang naglalakad kami nila ning at ryujin pauwi. Hindi naman kalayuan ang school namin sa bahay ampunan, walking distance lang, mga 10 minutes na lakarin. 

 

Opo , ang bahay ampunan ang tahanan namin. Sa loob ng labing-pitong taon ito ang nagsilbing tahanan naming tatlo... Malungkot mang sabihin pero kaya kami na punta sa lugar na ito, ay dahil sa inabando na raw kami ng mga magulang namin. Masakit, nakakagalit... Yung malaman na iniwan ka ng magulang mo sa isang ampunan na hindi mo alam ang dahilan. Pero pilit kong huwag nalang isipin dahil kakaiba at grabe ang sakit nadadama ko kapag sumasagi ang mga katanungan kung bakit kami nagawang iwan , nasasaktan din ako para sa mga kaibigan ko.

 

" Win, umiiyak ka?" Napalingon ako kay ryujin na nagsalita. Napahawak ako sa mata ko, hindi ko pala na malayan ang pagluha ko?

 

" ah! Hindi ano kasi kanina pa 'to eh, parang mainit na nagluluha mata ko. Baka lumalabo na nga eh" pagdadahilan ko habang pinupunsan ang luha

 

" Teh, sabihin mo yan kay mother  para ma pacheck up ulit  kay doctor kim, ako nga rin magpapasukat na ng mata, labo na ng paningin ko juskolord " sabi naman ni Ning..

 

" hmm sige"

 

" Maiba tayo, narinig ko nag- uusap yung mga teachers sa faculty kanina" - Ryujin

 

" oh? Naka kuha ka na namn ng chismizz akla? Okay spiiill!" - Ning

 

 

" Ning hindi chismiz 'to, sabi kasi magkakaroon raw tayo ng field trip, tayong mga senior high lang pero hindi ko alam kung saan umalis na ako ehh"

 

" Ay wow! Lumelevel up ang school ahh, ang pagkakatanda ko last field trip natin ay nung elementary pa"

 

" oo nga, baka malaki ang pondo ngayon ng school kaya meron na ulit. Syaka kaya sa senior high lang kasi alam nila mga pagpapahirap nila sa atin ngayong sem , aba! Nakaka stress!" 

 

" Sasama ba tayo? Baka hindi tayo payagan nila mother" sabi ko

 

 

" hmm, ako bahala win! Mapapapayag ko yun" 

 

 

_________________________________________________

 

" Winter anak, asan na yung dalawa at makakain na kayo" Bungad na sabi ni mother clare sa akin.Kaba-baba ko palang mula sa ikalawang palapag ng bahay. At natanaw ko ang limang bata sa hapag na nagsisimula nang kumain. 

 

"  Nasa taas pa po sila,naglinis lang po at nagpalit ng damit. Hintayin ko na po sila maka baba "  nakangiting batid ko naman kay mother. 

 

" Ah ganun ba, uhm kung ganun  pwede ba kita maka usap saglit?" Medyo may pag aalinlangan niyang sabi

 

" sige lang po, mother. Tungkol saan po ba pag uusapan natin?"

 

 

_____________________________________

 

" Mahal na Hari" 

 

Isang magiting na kawal ang yumuko sa  naka upong lalaki sa trono  na maharlika ang kasuotan  bilang pagbibigay pugay dito.

 

" Ano ang iyong sadya Felixtro?" Tanong ng hari dito

 

" Mahal na hari, nakatanggap po ng  mensahe ang palasyo mula sa kaharian ng ashum,  isang malaking babala para sa ating kaharihan, mahal na hari." Tugon ng kawal

 

 

Alam na ng hari na nalalapit na ang pagbabalik ng mga kalaban. Hindi lamang basta - basta mga kalaban ang mga ito, hindi sila titigil hanggat hindi makuha ang hanggad nito sa palasyo.

 

"  Paki sabi sa punong kawal na magpadala ng sulat sa mga kaalyansa, magkakaroon mahalagang pagtitipon para sa paghahanda  laban sa mga ashum" 

 

"Masusunod, kamahalan" sabi ng kawal at umalis

 

 

" wala rito ang pakay niyo, hinding hindi n'yo sya makukuha dahil wala na s'ya" 

 

 

 

 

_____________________________

Nabored kaya eto, nagsulat (⁠ ̄⁠ヘ⁠ ̄⁠;⁠)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Hahaha Lou ningning 😆😆
howdoyouknowmee
539 streak #2
Hala meron naaa
Hiccups_ #3
Aside from a funny , this could be a cutie story
shihopyon
#4
karina is toothless

incheresting 😂
YuJiministheStandard
#5
HAHAHAHA ANSAKIT NAMAN NON, Timba yung nahulog. Toothless Karina ba ito? 🤔
howdoyouknowmee
539 streak #6
Upvoted!!