Start

How To Get Your Crush

IRENE'S POV

"Irene!" Tawag sa'kin ng isang pamilyar na boses galing sa likuran ko kaya't agad agad akong lumingon sa aking likuran at nakita ko ang aking crush for 2 years na si Seulgi.

"Seulgi?" Patanong kong bigkas.

Kumaway siya sa'kin habang naka-ngiti. Ang cute niya talaga!

Patuloy siyang kumakaway habang suot-suot ang kaniyang masiglang ngiti. "Irene!!"

Inuulit ulit niya ang pag-tawag sa aking pangalan habang kumakaway at naka-tingin lang ako sakaniya habang nakangiti rin. Ang ganda talaga ng boses ng crush ko, kasing ganda ng mukha at ugali niya.

Hanggang sa narinig ko ang nakaka-rinding boses na nag-bigkas ng, "Ms. Irene!"

Hala... Boses 'yon ni Sir. Kilabot!

"Ms. Irene, wake up!" Pasigaw na tawag sa'kin kaya nagulat ako at nagising mula sa aking mahimbing na pagkaka-tulog.

Wait, nagising? So, panaginip lang 'yon?? Hala, naka-tulog nanaman ako sa klase ni Sir. Kilabot. Lagot na ako.

"Ms. Irene. Can't you see that you're in my class and not in your room, hm?" Galit na bigkas ni Sir. Kilabot sa'kin.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nag-salita. "I apologise for sleeping during your class, sir. I promise that it will never happen again."

"Then you better keep your promise, Ms. Irene." Matigas niyang bigkas at tumango lang ako atsaka na umupo ulit. "Everyone, we will have a test tomorrow. Good bye."

"Good bye, sir!" Sabay sabay naming bigkas habang palabas si Sir. Kilabot ng aming classroom.

Grabe naman 'yon. Buti nalang lunch na, makikita ko na si cutie Seulgi hehe. Gustong gusto ko na talaga siyang makita.

"Bes, sasabay ka ba sa'min nila Yeri at Byul?" Tanong ng bff kong madaldal na si Joy.

"Sige, sama ako pero da—"

"Oo na, dadaanan natin 'yang crush mong hindi ka naman crush." Pang-inis niya sa'kin.

Ang sama talaga nito.

Hinawakan ko agad ang kanang pisngi ko gamit ang kanang palad na kunwari ay sinampal niya ako. "Ouch naman, bes. Grabe ka naman manampal ng katotohanan."

"Nagpapaka-tanga ka kasi diyan kaya't halika na dahil kanina pa nag-hihintay sila Yeri at Byul sa hagdanan." Sabi ni Joy sabay hila sa'kin palabas ng room.

"Hoy, sandali lang! Hindi ako makasabay sa'yo, bes." Sabi ko habang tumatakbo kami sa hallway papunta sa hagdanan.

Ano ba naman 'tong babaeng 'to, parang kabayo kung tumakbo. 

Buti na lang at huminto ito kaya't huminto rin ako. Hinihingal akong sumandal sa pader at humawak sa dibdib ko. Grabe tibok ng puso ko...

...para kay Seulgi charot!

So, balik tayo sa hingal ko dahil grabe talaga ang kabog ng puso ko ngayon. Ba't kasi ang bilis bilis ng bff ko. My gosh!

"Pwede break? Ang bilis mo eh. Hindi ako makasabay." Hinihingal kong sabi kay Joy na naka-tayo sa harapan ko.

"Break? Gaga, kasalanan ko bang pinag-lihi ka sa duwende." Pang-inis niya sa'kin at sabay takbo dahil alam niyang babatukan ko siya.

Nagulat ako sa sinabi niya at sinundan siya ng masasamang tingin. "Wow ha! Duwende talaga, Ligaya!"

'To talaga, babatukan ko 'to kapag naabutan ko 'to. Agad na akong tumakbo at hinabol siya dahil babatukan ko pa ang kapreng 'to.

Paniguradong bumababa na 'yon sa hagdanan dahil hindi ko na siya makita sa hallway. Habang tumatakbo ay sinigurado kong wala akong mabubundol o masasagi man na isang student o teacher dahil baka manginig ako sa nerbyos kapag tinanong nila ako kung bakit ako tumatakbo sa hallway. Nakakatakot pa naman ang mga teacher sa building namin.

Pagka-tungo ko sa may hagdan ay nakita ko si Joy na mabilis na bumababa sa hagdan kaya't binilisan ko narin ang pagbaba sa hagdan para maabutan ko pa siya.

Pagkatapos ng maraming hakbang pababa ng building ay sakawakas at nakaka-baba na rin ako. Doon ko nakitang naka tayo si Yeri at Byul habang nagtatago naman si Joy sa likod ni Byul.

Gaga 'to. Kala mo naman kaya siyang itago ni Byul, ang laki pa naman niyang babae. Pinag-lihi ata 'to sa poste.

"Kinulang ka ba sa milk nu'ng bata ka at naisipan mo talagang mag-tago sa likod ni Byul eh kitang kita ka naman." Sabi ko habang papalapit kay Joy.

Malalapitan ko na sana siya kaso ini-harang niya agad si Byul para hindi ko siya malapit. 'Tong babaeng 'to talaga. "Hoy! Halika nga dito, Ligaya."

"Ayoko nga. Babatukan mo ang isang magandang katulad ko eh." Sabi niya habang patuloy na ini-haharang si Byul para hindi ko siya malapitan.

Napaka-hangin naman ng isang 'to. "Ligaya, isa. Tanggap ko nang pinag-lihi ako sa duwende kaya labas ka na diyan."

"Anong duwende? Mas maliit ka pa kaya doon." Hirit ni Yeri sa gilid ko.

"Isa ka pa, Yeri. Batukan din ki—"

"Hello, Irene!"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko kay Yeri dahil may bumati sa'kin na tao at napaka-pamilyar ng boses niya.

Omg. Biglang tumigil ang mundo ko at lumakas ang kabog ng puso ko nang makita ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

"Seulgi? Hello!" Masaya kong bati sakaniya habang naka-ngiti. Ngumiti rin siya pabalik sa'kin. Omg, ang cute cute niya naman ngumiti.

"Nag-lunch ka na, Irene? Gusto mo sabay ka na sa'min?" Pag-aya niya sa'kin.

Kakain ng lunch kasabay sila Seulgi? Omg! Wala nang paligoy-ligoy, I do, Father na agad sagot ko.

"Hindi siya sasabay." Singit ni Byul sa usapan namin ni Seulgi. Epal talaga 'to, porket hindi siya na crushback ng crush niya.

"Shut up ka nga diyan, Byul. Epal ka." Pag-susungit ko kay Byul at naka-ngiting humarap kay Seulgi. "Yes, gusto kong sumabay sa inyo."

"Oh okay, let's go and pwede mo rin pala i-sama 'yong iba mong friends." Sabi ni Seulgi habang naka-ngiti. 

Minsan talaga napapa-isip ako kung naka-tattoo 'yang smile niya sa bunganga niya o sadyang mahilig lang talaga siyang ngumiti. Ay basta, cute naman siya eh.

"Talaga?" Tanong ko ata tumango naman siya kaya't tinignan ko ang tatlong kaibigan ko at mukhang okay lang naman sakanila. "Sige, mukha namang gusto rin ng mga kaibigan ko hehe."

Ngumiti siya sa'kin at sinenyasan ako ng 'halika na' gamit ang kaniyang ulo. Agad agad naman akong sumunod pati narin ang mga kaibigan niyang sila Lisa at Wendy at ang tatlong kaibigan ko.

Habang naglalakad ay grabe ang saya at kilig ko. Oh my gosh! Grabe na talaga ang epekto niya sa'kin. Dito na ata magsisimula ang love story namin ni Seulgi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
Chapter 1: Kilig naman si madam next po author 😊❤