Unang Kabanata

Para Sa'yo
Please Subscribe to read the full chapter

“Katring, mag-almusal ka muna dito. Ni hindi ka pa nga nagsusuklay,” narinig kong papalapit ang nanay ko sakin.

 

Hindi ako makasagot kaagad dahil may kagat akong pandesal habang dali-daling nagsusuot ng sapatos. Late na kasi ako ngayong umaga. Hindi ko naman masisi sa schedule ko dahil alas dyes naman ang unang klase ko ngayon. Napuyat lang talaga ako kagabi kakanood ng nirecommend sakin na K-drama ni Ningning.

 

“Malalate na ako, ma,” nag-beso ako sa kanya pagkatapos kong magsapatos. “Bye po.”

 

“Ingat ka.” Tumango lang ako nang nakangiti bago ako umalis.

 

Hindi ko alam kung ako lang pero parang mas nagkaroon ng laman ‘yung “ingat” ni mama simula nag-college ako. Nag-aalala lang rin siguro ang nanay ko dahil sa pinili kong landas lalo na sa political climate ngayon.

 

Ikatlong taon ko na sa UP ngayon as a Political Science major. Pangarap ko kasing makapasok sa UP College of Law, at syempre maging abogado. Hindi ‘yung big time at sosyal na tipo ng abogado ah. Gusto ko maging human rights lawyer. Gusto kong maging tagapagtanggol ng mga marginalized communities. Gusto kong ibalik sa bayan ‘yung pagpapaaral nila sakin ngayon.

 

Idealistic? Oo. Alam ko. Lalo na’t hindi naman ako galing sa mayaman na pamilya. Pangarap lang naman, pero pinagsisikapan ko pa ring matupad. Suportado naman ako ng pamilya ko pero ako ‘yung nahihiya dahil hindi praktikal ‘yung pangarap ko sa kalagayan namin.

 

May-kaya naman ang pamilya ko. May maliit kaming kainan slash ihawan, at sapat naman ‘yung kinikita doon para tustusan ang araw-araw naming pangangailangan. Nag-iisang anak lang naman ako. Mas nakaluwag na rin ang mga magulang ko dahil libre naman ang tuition ko sa UP, at may scholarship din naman ako. Ang tanging gastos lang namin ay ‘yung maintenance ng lolo kong may sakit sa puso, at kinakaya naman namin ‘yun.

 

Kahit na hindi naman kami gipit, hindi pa rin ako sigurado kung makakatuloy ako sa law school. Una, may tuition fee na doon, at ilang libo rin ‘yun. Pangalawa, sayang naman ang ilang taon pa ulit ng pag-aaral. Gusto kong makapagpahinga na ang mga magulang ko, at makatulong na ako sa kanila. Masyado nang malaki ang sakripisyo nila para sakin.

 

Sa ngayon, rumaraket ako bilang tutor paminsan-minsan para makapag-ipon. Plano ko pa rin kasing sumubok mag-apply sa law school. Maliban sa ipon ko, baka makahanap rin ako ulit ng scholarship. At least kung mag-aaral pa ako ulit, may ambag naman ako.

 

Anyway, isa sa mga binilin sakin ng nanay ko bago ako pumasok sa UP ay iwasan ko ang mga rally. Sinunod ko naman siya. For a month.

 

Noong una, wala naman akong balak na maging aktibista. Gusto kong mag-focus lang sa pag-aaral ko. Pero mahirap na kasing pumikit kapag namulat ka na. Martial Law commemoration ‘yung unang rally na sinalihan ko sa unibersidad nung first year ako. 

 

Hindi kami nag-klase noong araw na ‘yun sa Kas 1, which is Philippine history. Optional lang naman pero hindi kami nag-klase para magbigay ng oras sa mga gustong dumalo sa rally. Umattend rin kasi ‘yung buong history department faculty.

 

Doon ko naging ka-close ang college constant kong si Ningning. Ning Yizhuo talaga pangalan niya, pero gustong gusto niya ‘yung nickname niyang Ningning dahil tunog bida raw. Magkaiba kami ng course. Sobrang layo namin actually. Galing Fine Arts si Ningning. Visual Communication major. Classmates kami sa Kas 1, at before kami maging close, nag-uusap na kami sa klase dahil palagi siyang nanghihingi ng yellow paper sakin.

 

Niyaya ako ni Ningning na sumilip daw sa rally. Wala rin naman akong gagawin noon kaya sumama ako. Parang ‘yun rin kasi ang first major rally sa university na na-witness ko. Napaupo na lang kami ni Ningning sa isang ED or educational discussion bago magsimula ‘yung pormal na protesta, at sobrang dami kong natutunan. Parang nailagay nun sa konkretong salita ‘yung ilan kong mga idea. Mas nagkaroon ako ng malalim na pag-unawa sa lipunang ginagalawan ko, at nagkaroon ako ng urge na lumaban.

 

At ayun na nga. ED after ED after ED. Isang araw, naging member na kami both ni Ningning ng Gabriela Youth, at dahil sa kagustuhan namin ‘yun. Ito na rin ‘yung naging pundasyon ng pagkakaibigan naming dalawa. Marami rin akong ibang nakilala sa org. Naging support system ko na rin sila in a way.

 

Sa bahay naman namin, vocal naman ang tatay ko at lolo ko sa politika kaya may mga nabuo na akong prinsipyo kahit bago pa mag-college. Mga aktibista rin kasi sila noong kabataan nila. Kaya nga siguro tutol ‘yung nanay ko noong una sa pag-aaktibista ko dahil ayaw niyang matulad ako kay lolo.

 

Paulit-ulit na ‘tong nakwekwento sa bahay, at lalo pang dumalas nitong mga nakaraang taon dahil nga sa desisyon kong maging aktibista. Bahagi kasi ng First Quarter Storm noon ‘yung lolo ko. Panahon ‘yun ng protesta noong 1970, at isa sa mga estudyanteng nabaril noon si lolo sa Mendiola. Maswerte na lang ang lolo ko, at naka-survive siya.

 

Kumontra agad si mama noong sinabi ko sa kanila na nag-aktibista ako. Suportado naman ako ng tatay at lolo ko, as expected. Pinaalalahanan lang nila ako na wag kong pababayaan ‘yung pag-aaral ko. Mga ilang linggo rin na halos di ako kinakausap ng nanay ko, pero nakita niya siguro na gusto ko talagang gawin ‘to. Ako lang naman si Katarina Yu, at matigas ang ulo ko. Bumigay rin naman siya, at palagi lang akong pinag-iingat. Kapag ginagabi ako ng uwi, lagi akong nag-tetext kay mama para mapanatag siya.


 

kars [9:44 a.m.]: sis good morning. kakasakay ko lang jeep save mo ko upuan tnx mwa

yej [9:46 a.m.]: okayyy why naman late ka na?

kars [9:47 a.m.]: bwisit kasi yung k-drama rec ni ning. nag-bingewatch at naiyak ako kagabi

kars [9:47 a.m.]: panoorin mo rin sis. youth of may yung title

kars [9:48 a.m.]: pachat na lang pag nandyan na si sir buti na lang malapit lang bahay ko

yej [9:50 a.m.]: buti na nga lang talaga. ingat ka ha don’t rush

kars [9:51 a.m.]: tnx ulit sana mauna ako kay sir

kars [9:51 a.m.]: i mean sa room hindi sa ibang bagay. bata pa ko



 

Nag-haha lang si Yeji sa huli kong chat. Taga-diyan lang naman ako sa may Teachers Village. Sa karaniwang araw, nilalakad ko lang papuntang UP, at pagpasok ko sa campus tsaka ako sumasakay ng jeep. Pero sa mga araw na tinatamad o late ako, tulad ngayon, nag-tritricycle na ako imbis na maglakad. Sayang pera pero wala akong choice. Meron naman. Pero ayokong ma-late.

 

Buti na lang rin at classmate ko si Yeji ngayong umaga. At least may magsasave ng upuan para sakin. Within naman sa course ko, siya siguro ‘yung pinakaclose ko. Marami naman akong friends sa batch, pero sa kanya kasi ako pinakakomportable.

 

Ayoko talagang nalalate. Maliban kasi sa nakakahiya pumasok sa room kapag nagsimula na ‘yung discussion, ayoko rin na may namimiss na part ng lecture. Major subject pa naman ‘to, at third year na ako. Kailangan kong pag-igihan. Onting kembot, sasablay na ako.


 

kars [10:00 a.m.]: paakyat na ko room wala pa si sir?

yej [10:00 a.m.]: wala pa

kars [10:01 a.m.]: thankss


 

Nagmadali na ako paakyat sa room namin. Hinihingal tuloy ako pagdating pero worth it naman dahil nauna akong dumating kaysa sa prof.

 

“Thanks ulit,” sabi ko sa katabi kong ipinagsave ako ng upuan.

 

“No problem.”

 

Nagpunas muna ako ng pawis, at nag-freshen up nang onti. Pangit rin kasi sa pakiramdam magklase na haggard ‘no. Lalo mong mararamdaman ‘yung stress. Favorite subject ko pa naman ‘tong POLSC 110 this sem. Political Analysis ‘tong class na ‘to, and so far, ineenjoy ko siya. Marami akong naaapply na natutunan ko sa mga ED namin sa mass org.

 

“Nagbasa ka ng readings?” Tanong sakin ni Yeji.

 

“Onti lang. Masyado kasi akong nabusy sa panonood kagabi.” Last week pa naman binigay ‘yung readings for today. Nabasa ko nang onti nung weekend pero hindi ko na siya natuloy.

 

“Nice priorities.” Natawa na lang ako sa sinabi ni Yeji. “Pero that made me feel better. Hindi rin kasi ako masyadong nakapagbasa.”

 

Gumaan din ‘yung pakiramdam ko. Iba talaga kapag may karamay ka. Nakakawala ng kaba. May pagkabida-bida pa naman ako sa klase na ‘to, at madalas akong mag-recite. Pero mukhang wala tayong ambag for today’s lecture dahil sa lintek na Youth of May na ‘yan.

 

Mga sampung minuto sigurong late ‘yung prof namin. Mabuti na lang rin at hindi siya masyadong nagtawag ngayon. Naeenjoy niya rin yatang ituro ‘yung topic kaya halos siya lang nagsalita magdamag. Parang mga tanong lang ‘yung ambag ng klase namin.

 

“Saan ka mag-lunch?” Nilingon ako ni Yeji habang nag-aayos siya ng gamit niya.

 

“CASAA na lang. Nakakatamad na lumayo.” Ayoko nang mag-jeep pa papunta kung saang kainan. Nakakabusog naman ‘yung pagkain sa CASAA, at ang sarap kaya ng Yakiniku dun.

 

“Hindi kayo sabay ng manliligaw mo ngayon?” Umiling ako.

 

“First, may pangalan siya. Xu Jiaqi.” Pinandilatan ko slight si Yeji, at tinawanan niya naman ako. Naiilang kasi ako tuwing nirerefer nila siya as manliligaw ko. Totoo naman. Kilala pa nga siya sa bahay namin. At okay lang naman sa pamilya ko dahil open-minded naman sila. Mabuti nga at chill lang sila noong nalaman nila na hindi ako straight. 

 

Anyway, through Ningning ko nakilala si Jiaqi. Ka-org niya kasi sa CSA, which is basically an org para sa kanilang mga may lahing Chinese na students. Sa kanya kasi ako pinaturuan ni Ningning ng Econ last sem dahil Econ major siya. 

 

“At hindi ko alam kung papasok ba siya ngayon. Nag-China sila nung weekend dahil birthday yata ng lola niya,” dagdag ko, at nagsimula na kaming maglakad papuntang CASAA. 

 

“Ang taray. Updated,” tinusok-tusok niya ako sa tagiliran. “Kailan mo ba sasagutin?”

 

“Hindi naman siya nagtatanong.”

 

“So kapag nagtanong, sasagutin mo na?”

 

“Ewan ko rin, to be honest.” Maganda siya. Mabait. Sweet rin naman. Kinikilig naman ako sa kanya, pero kasi parang hindi naman yata kami compatible. Isa pa, baka mamaya may “Great Wall” pala siya. Weirdly, hindi pa namin siya napag-uusapan. Siya naman kasi ‘yung nag-pursue sakin. Anong magagawa ko? Pinanganak akong maganda eh.

 

“Ay, ang haba ng hair.”

 

 “Baka Katarina Yu ‘to,” hinawi ko ang buhok ko nang pabiro, at humagikgik naman si Yeji.


 

Pagkatapos naming bumili ng lunch, naghanap na lang kami ng mauupuan namin. Wala munang chikahan ngayong lunch dahil pareho kaming busy na nagbabasa ng readings habang kumakain. Magkaiba rin kami ng sunod na klase.

 

Naramdaman ko namang nag-vibrate ‘yung phone ko.

 

ning ganda [12:19 p.m.]: sis

kars ganda [12:20 p.m.]: o?

ning ganda [12:20 p.m.]: cold mo naman

kars ganda [12:21 p.m.]: umaapoy na o?

ning ganda [12:22 p.m.]: gaga ka

ning ganda [12:22 p.m.]: san ka ngayon?

kars

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gwapako987
#1
Chapter 3: Congrats po!!! Tyt<33
sigmamoriarty
#2
Chapter 3: don't worry! we'll be waiting po ✊🏻
je_je_je
#3
Paabutin ko muna ng mga 10 chaps tsaka ko basahin hehe😁
_wintuhhh
#4
Chapter 2: 👀
hezlawan #5
Chapter 2: Interesting ang story! Looking forward po sa next update! :D
Friendpin #6
Chapter 2: Yess enemies to lovers!! Love it na agad 💖
kang_ddeul
#7
Chapter 2: ayiee may kras palaaa 👀
Prenglesz_
#8
Chapter 2: OMGGGGGG crush mo pala before si karina ikaw bakla ka!!! nakooooo super invested na po ako dito yassss enemies to lovers trope
sigmamoriarty
#9
Chapter 2: wow crushie pala ha
yujiwinteo
56 streak #10
Chapter 2: Medyo kaloka yung pov mo ha sis uncrush for now crush ulit later siguro