Pakilala
Sikreto
Ang hayop naman kung minamalas ka nga naman....
mukha agad ni Ryujin ang nakita ko kakagising ko pa lang
"HOY!!! TAENA MO WINTEONG ANONG ORAS NA!!!! LATE NA TAYO NAKA NGANGA KA PA DIYAN"
Parang ewan naman mang gigising na nga lang may kasama pang hampas at sigaw
"ETO NA!! GISING NA! WALA KAYONG AWA! IPA SARA NIYO NA YANG RESTAURANT NA YAN" Reklamo ko,aba tama lang na mag reklamo ako,anong oras na ako naka uwi dahil ayaw pa akong pauwiin nung may ari ng restaurant kung saan ako nag tatrabaho,bwiset yung may ari non ayaw akong pauwiin kahit close na...nag aayos lang naman sila ng mga table kasi gusto niya baguhin yung mga pwesto ng upuan at tables, ang alam ko Head Chef ako don anong kinalaman ko sa mga upuan. Iniinis niya lang ata ako kagabi ayaw akong pauwiin pero nakatayo lang ako don wala namang pinapagawa...siraulo din yung babaeng yun eh
"Recorded" Nanlaki ang mata ko ng makita kong naka tapat sakin yung camera ng cellphone niya "HOY"
"Send to Ma'am Katarina" agad kong hinablot yung cellphone niya, nagising ang diwa ko
bwiset yung boss ko pero hindi pa ako handa mawalan ng trabaho
"Joke lang,di ka mabiro,sa gc lang natin nila selle ko pinasa" Nkahinga ako ng maluwag at hinagis ko na sakanya yung cp niya hindi ko rin naman nakita ang bilis mag lock ng cellphone.
"Tumayo ka na diyan...maaga daw pupunta si Ma'am Kat mag aaway nanaman kayo pag dumating yun ng wala ka pa"
Agad din naman akong tumayo..jusko ayoko maka harap nanaman ng dragon umagang-umaga tapos wala pa akong sapat na tulog, baka masakmal ko siya.
\
"Winter kumain ka muna bago ka umalis" Sabi sakin ni mader dear ng dumaan ako sa kusina
"Hindi na ma,don na ako kakain...HOY RYUJIN ANG KAPAL MO SARAP NG KAIN MO AH!" Yawang to naka dalawang refill na ata ng pagkain baka pati yung parte ko nakain niya na.
"Tagal mo eh..maliligo
Comments