Free For You

Shot Puno Collections

 

Pair: Winrina 

Genre: Slight Angst, Romance, Slight fluff 

 

____________________

 

"Congratulations to our newly weds!" Everyone in the venue cheered as the marriage official declared us husband and wife. As I took a look to their faces, it all screams happiness. I'm supposed to be feeling the joy a wedding is supposed to bring, pero mas naiinis ako deep inside. Hindi ko naman sila masisi, wala silang alam sa tunay na mga nangyayari. Akala nila, masaya akong makasal ngayon. Akala nila, mahal ko yung katabi ko ngayon. 

 

Nilibot ko lang ulit yung mga mata ko hanggang sa nahanap nito yung taong kanina ko pa gustong makita. Nagtama ang mga mata namin. Hindi man niya ipakita, but I can see the sadness in her face. Kahit na pumapalakpak siya kasabay ng mga tao, makikita mo sa mga mata niya yung sakit at panghihinayang. Tears are threatening to fall down her eyes, kahit sa'kin. How do I know her facial mannerisms so well? Well paanong hindi? We've been together for 8 years. Marami kaming pinlano na [ara sa future naming dalawa. Siya yung gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Pero mukhang hindi na mangyayari lahat ng iyon. Patawad Winter, mahal ko, hindi ko nagawang ipaglaban tayo. 

 

Time Skip 

 

Nandito lang ako sa loob ng room na para daw dapat sa'min ni Jeno. Pero hindi kami magkasama. Laking pasalamat ko nalang na hindi niya ako pinipilit sa kung ano-ano. Besides, we just met two ing months ago. There's no way na magiging comfortable ako sa kanya in a span of that time. That was also the time when me and Winter broke up. Kasi ikakasal na ako kahit labag sa kalooban ko. If you didn't know yet, magkumare yung nanay ko at nanay ni Jeno. Mayroon pala silang kasunduan noon pa na ikakasal kaming dalawa kapag single parin kami sa edad ng 28. Unfortunately, walang nakakaalam na may girlfriend ako maliban sa girlfriend ko mismo at sa iba kong kaibigan. Kagaya ko at ni Winter, malungkot din sila kanina sa kasal. Hindi ko rin masabi sa pamilya ko yung totoo kasi conservative at religious sila. Ang duwag kong pakinggan pero, hindi ko pa kayang ma-disown. Kaya noong sinabi ni mama yung mga salitang "ikakasal ka na", hindi ako makasabi ng hindi. Buong buhay ko, lahat ng gusto nila para sa'kin sinunod ko. School na papasukan ko, mga contest na sasalihan, kursong kukunin at ito, yung taong pakakasalan ko. 

 

Napahiga nalang ako sa kama kakaisip. Bakit ibang tao ang nasusunod sa buhay ko? Bawal ba ako maging masaya? Wala talaga ako ibang gustong pakasalan kundi yung mahal ko. I don't think I see Jeno as someone who I could be with. Mabait siya, pero hindi niya mapapalitan si Winter. Pero para sa mga magulang ko, subukan ko nalang. 

 

Time Skip 

 

"Oh Rina andito ka pa sa opisina? Late na ah." Tanong sa'kin ng ka-office mate kong si Yeji. Isa siya sa mga dumalo sa kasal na malungkot para sa'min ni Winter. Hay Winter. Kahit halos isang taon na simula noong makasal ako ikaw parin nasa isip ko. Kumusta ka na? Simula noong araw ng kasal hindi ka na nagpakita. 

 

"Uy Rina! Ok ka lang ba?" Natauhan naman ako bigla. 

 

"Ah oo. Parang ayokong umuwi muna eh mas gusto kong tapusin nalang 'tong lahat." 

 

"Nako nako pang-ilang OT mo na 'to ah. Dapat nagpapahinga ka rin." Mukhang mas-sermonan pa niya ako kasi umupo na siya sa swivel chair na malapit sa'kin. 

 

"Ayos ka lang ba? Yung totoo ah. Kumusta kayo ni Jeno?" Well, saan ba ako magsisimula? 

 

Noong unang buwan ng kasal namin, sinubukan ko namang maging mabuting asawa sa kanya. Ganun din naman siya in return. Wala naman akong masabi sa kabaitan niya. Kahit medyo matagal na kaming nagsasama, hindi niya ako pinilit na makipag-. Mukhang nahahalata niyang hindi ako komportable. Husband material naman siya ang supposed we met in a different circumstance, madali lang akong maf-fall sa kanya. 

 

Kaso hindi eh, lahat ng ginagawa namin, si Winter lang naaalala ko. Sinubukan kong hindi siya isipin, thinking that it'll help na mas mapalapit ako sa asawa ko. Pero wala eh, the heart wants what it wants. Kaya after a few months of trying to be a good wife, I decided to stop kasi nasasaktan lang din ako. Sakto lang din na mas naging busy pa sa workplace namin. Instead of being pretentious, binabad ko nalang ang sarili ko sa trabaho. Surprisingly, Jeno doesn't really mind. Sa bagay, busy rin siya.

 

But a certain someone, no other than my mother, keeps bugging me about it. Kesyo dapat mas mag-effort ako sa marriage namin, asikasuhin ko raw siya, mas mag-focus ako sa relationship namin, etc. Sa una wala akong issue sa mga sermon niya, but recently sumabog na ako noong paulit-ulit na silang nag-request ng apo. That's when I knew, I had enough of this. Not only did she decide for my love life, pati na rin ba sa pagkaka-anak may say parin siya. Kung magkaka-anak man ako, gusto ko si Winter yung kasama ko. Kaso hindi ko alam kung mangyayari pa ba yun. 

 

Sa dinami-dami ng inisip ko, ang tanging nasagot ko lang kay Yeji ay "ok lang" na matamlay. I could see the same pity in her eyes kagaya noong inannounce kong ikakasal na ako sa iba. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero mukhang hinayaan na niya lang. 

 

"Basta kapag ready ka na mag-kwento, andito lang kami ah." She patted my shoulder at bineso ako bago siya tuluyang umalis ng office. 

 

Ngayong ako na lang mag-isa, saglit akong dumalaw sa isang folder na punong-puno ng files. Mga picture namin ni Winter simula noong naging kami pati videos ng mga memorable moments naming dalawa. Habang pinapanood ko lahat ng ito, hindi ko namalayang may tumutulo na pala mula sa mga mata ko. Lalo itong lumakas noong may nakita akong blank folder. It was supposed to be for our 10th anniversary. Napag-usapan na rin namin na sa panahon na yan, diyan na kami ikakasal. Napakadaya naman eh. Bakit kasi kailangang umabot kami sa ganito? Bakit kasi napakaduwag kong tao? I could have denied their request, or rather command na magpakasal. Pero hindi ko nagawa. 

 

Notification

 

Nagulat naman ako bigla sa tumunog mula sa phone ko. Pero mas lalo kong ikinagulat yung nakita ko.

 

After a very long time, nagparamdam na siya. 

 

Time Skip 

 

"Karina! Here!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Grabe, na-miss ko siya. 

 

"Chaehyun! Long time no see! Kumusta!" She's a high school friend. Nagka-hiwalay lang kami ng landas noong nagpunta na siyang NYC to pursue her career in music. Naging successful naman siya dahil isa siya sa mga in-demand producer ng mga artist sa Pilipinas at umaabot siya sa Kpop scene. Ganito rin kaya ako kapag nasunod lang yung gusto ko? 

 

"Ayos naman! Ikaw ba? Kumusta buhay?" Now I can see the worry in her face. Well mukha naman akong kawawa. Parang hindi ako nag-aayos ng sarili eh. 

 

"Oh.. how was it pala?" Among all of our friends, siya talaga yung pinaka-nalungkot. Siya kasi yung first na nakaalam ng tungkol sa'min ni Winter. Fun fact, Chaehyun liked me. Pero nalaman niyang mutual feelings namin ni Winter, nagparaya siya. She supported us and even offered na kumanta sa kasal namin. Oh well, andami nga naming plano talaga. 

 

Alam kong first time kong makita si Chae after a very long time, pero nasabi ko sa kanya lahat ng iniisip ko kanina noong tinanong ako ni Yeji. Hindi ko alam kung bakit, pero ngayon lang ako naglakas ng loob para ibuhos lahat ng nararamdaman ko. 

 

"Are you done? Pwede na ako magsalita?" Tumango naman ako. 

 

"You know, there's one  solution for all of that." I know what she's going to say. 

 

"File for an annulment na. There's now ay nakakayanin mo pang magpanggap na okay lang ang lahat." 

 

"Pero Chae.. alam mo naman..." She held her breathe for a very long time. I know this will be one heck of a sermon. 

 

"Okay Karina mahaba-haba 'to ah. Lahat ba ng ito ginagawa mo para lang sa magulang mo? Paano ka? Habang buhay ka na ba susunod sa kanila? Isipin mo naman sarili mo. Marami kang na-miss out na bagay dahil lang kailangan mo silang sundin parati. Huwag mong sabihing pati yung taong mahal mo handa mong isakripisyo just to please them. Hindi pa ba sapat na hindi mo nakuha yung kursong gusto mo talaga kasi kailangan mong sundin yung yapak nila? Karina naman. Maawa ka sa sarili mo. Let yourself be free. Ipaglaban mo yung dapat ipaglaban." Ilang beses ko na ring naiisip yan pero hindi ko magawa. 

 

"Kung tunay kang mahal ng mga magulang mo, iintindihin at tatanggapin ka nila. But if they chose to be people with prejudice, sorry to say ah, pero they deserved to be cut-off sa buhay mo. Kahit na pamilya mo pa yan. Hanggang kailan ka mananatili sa isang toxic na environment?" Napatigil ako sa sinabi niya. Buong buhay ko, never sumagi sa isip ko yun. Siguro kasi puro ako sunod and I was thought na sila lagi tama. 

 

"Well, ikaw parin magd-decide. But if ever itutuloy mo na yung annulment, may ka-close akong abogado. Pwede kitang i-refer sa kanya. At kung ituloy mo man at ma-disown ka, andito lang kami. Hindi man tayo magkadugo pero we'll be your support system." She gave me a smile of assurance. Maswerte nalang talaga ako kasi may mga kaibigan akong supportive. 

 

"Sana maging okay na ang lahat para maging malaya na kayo ni Winter." Sana nga. Pero paano kung naka-move on na siya? May nahanap na kaya siyang iba? Sana kung ilaban ko man ito, hindi pa huli ang lahat. 

 

Time Skip 

 

Hulog talaga ng langit si Chaehyun. Sana dumating siya nang maaga sa Pilipinas para hindi ako nahihirapan nang ganito. Pero hindi bale, matatapos na. Malapit na. 

 

"Karina are you ready?" Tanong sa'kin ni Dayeon, yung attorney na "ka-close" daw ni Chaehyun kahit na medyo halatang may something. Tumango ako sa kanya at pumasok na kami sa korte. Bakit kasi kailangan pang may hearing na ganito? Nakita ko si Jeno sa may kabilang banda. Ilang buwan na rin simula noong naghiwalay kami. Buti nalang hindi siya umangal pa. Nahalata naman daw niyang hindi ako masaya. Inexpect na rin niya kasi arranged lang naman talaga 'to at hindi manlang kami binigyan ng maraming oras na kilalanin ang isa't isa. Lumipat na ako matitirahan kahit na inoffer na niya sa'kin yung unit kasi bigay naman nila papa yan. I refused. Maybe I could start being independent from my family with this. Bahala na kung paano magiging hatian kapag annulled na kami. 

 

Kahit na hindi pa opisyal, nakaramdam ako ng ginhawa. Hindi rin madali 'tong desisyong ginawa ko. After ng pag-uusap namin ni Chaehyun, hindi naman ako kaagad na kumilos kasi marami pang factors na dapat isipin. After a month, doon ko inopen up kay Jeno yung about sa annullment. Doon ko na rin tinawag si Chaehyun para makausap si Dayeon. Malapit na Winter. Sana after nito, pwede parin tayo. Sorry kung natagalan akong ipaglaban ka. 

 

Sa tulong ni Dayeon, napakita niya sa judge yung mga papeles na kailangan. Based on the results, I turned out to be psychologically incapable of being a wife and a mother in this case, which is a ground for annullment. At for the first time, although not really an ideal way, mago-out ako sa harap ng ibang tao. Ang pangit pakinggan pero under sa fraud section yung isang ground, because I hid my homouality. 

 

Napalingon ako sa mga nanonood sa korte, andoon si Yeji at Chaehyun sa side ko. I wouldn't expect my family to be here kasi hind kami nag-usap ever since nalaman nilang nahiwalay na kami. Pero mayroon akong isang hinihintay. Pupunta parin kaya siya? Hindi ko alam kung aasa pa ba ako o hindi na. 

 

Babalik na sana atensyon ko sa hearing pero biglang bumukas yung pintuan ng korte, pumunta siya. Nagkatinginan kami ng ilang saglit at dumiritso siya sa upuang malapit kila Chaehyun. I was about to be hopeless kanina, pero noong nakita ko siya nabuhayan ako muli. Siya naman ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to. Or kung masaya na siya sa iba, at least para sa'kin manlang. 

 

Maya-maya natapos na rin ang hearing at lumabas na ng korte. Mabilis lang naman naging process kasi wala naman kaming anak at wala kami masyadong kailangang hati-hatiin na mga property. 

 

"Winter, can we talk?" Ang tagal ko siyang hindi nakita, pero yung puso ko tibok parin nang tibok as if we're still dating. Never naman mawawala yun. 

 

"Usap lang ba gusto mo? Or you want more than that." And she's still a ing tease. Umayos ka Winter pagkatapos ng lahat ng 'to you'll be my puppy again uwu. Yuck nagt-text ba ako? Nakita ko lang ulit siya para akong ewan. 

 

Pero sandali lang. Ako parin ba gusto niya? Saka bakit siya may singsing sa kamay? Huli na ba ang lahat? Ang bilis ko namang sumaya kanina sana nag-observe muna ako. 

 

"Oh bakit ka parang naiiyak diyan?" Tanong niya. 

 

"May bago ka na ba? Naka-move on ka na ba?" Jusko ka Karina. Bakit mo naman tinanong yan? Dapat kinumusta mo muna siya. Kahit kailan wala ka talagang preno. Sana ginamit mo yan noon para hindi ka na kinasal. 

 

Naging seryoso naman yung itsura niya. Ito na nga. Is this a confirmation na wala na akong babalikan after nitong annullment? 

 

"Pfftt.. ahahahaha." At bakit tumatawa ang tutang ito? Mukhang nag-stop ang aking tear glands sa pagp-produce ng panibaong litro ng luha ah. Buti naman tumigiil na siyang tumawa after a minute. 

 

"Karina, paano mo naman naisip 'yan?"

 

"Eh ano yan?" Turo ko sa singsing na nasa ring finger niya. Hindi naman ito yung mga nabibili mo sa Blue Magic. Engagement ring yan eh alam ko. 

 

"Ito?" Hinugot naman niya yung lecheng singsing na yan. "Engagement ring. Sinusuot ito kapag may nag-propose at ikakasal na." Ohh.. Magsasalita na sana ako kaso nagpatuloy siya. "Ang kaso, hindi pa niya suot yung kanya eh. Kasi hindi ko pa nabibigay." So is she really going to marry someone else? 

 

"Gusto mo bang makilala kung sino pakakasalan ko?" 

 

"Aba oo naman." Gusto kong makita kung sino yung makakasama niya. Is she worth it? Mahal ba niya si Winter? Kaya ba niyang ipaglaban siya? At ano na namang kinukuha niya sa gilid ng pantalon niya? 

 

"Give me your hand." Binigay ko sa kanya cluelessly. I mean I have a hunch pero ayokong umasa. Nakita kong may nilabas siyang singsing na kagaya ng suot niya. She effortlessly inserted it on my ring finger. Wait... 

 

"Karina, never nagbago yung nararamdaman ko sa'yo. Kahit anong gawin ko, ikaw lang talaga. Sinubukan kitang kalimutan, huwag kausapin, pero lagi parin kitang naaalala. Saka sa totoo lang, a part of me still hopes na babalik ka. Na sandali lang 'to. O baka panaginip lang ang lahat. And look where we are now. This ring, dapat sa 9th anniversary ko pa ibibigay yan sa'yo eh..." 

 

"Teka, ngayong yun 'di ba?" Dahil sa kakaasikaso ko sa annullment, hindi ko napansing ngayong araw din pala yung anniversary namin. 

 

"Yup. I don't know how but I think the universe is making its way to bring us back together. Saktong a year pa before our 10th anniversary." Muli akong nakaramdam ng kuha sa mga mata ko. This time, it's not because of sadness. 

 

"I know hindi pa totally tapos yung annullment niyo at marami ka pang kailangang ayusin. Hindi kita mamadaliin. Pero in the future, are you willing to spend the rest of your life with me.." Hindi ko na siya pinatapos at hinalikan siya sa labi. , I miss this so much. I miss her so much. Who would have thought na sa muli naming pagkikita, aalukin na niya ako ng kasal. 

 

"Winter, ikaw lang yung gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. This time, handa na kitang panindigan nang buong-buo. Sorry kung late kitang napaglaban. Mahal na mahal kita." And we kissed again. 

 

Time Skip 

 

"Mahal. Hindi ko akalaing darating tayo sa ganitong punto." Sabi ko habang nakasandal ako sa balikat niya. Nasa eroplano kami ngayon, papuntang NYC. Doon na kami titira for good. It's been two months since natanggap namin yung desisyon ng korte. Annulled na kami. Inayos ko na agad yung mga dokumento ko pagkatapos kasi syempre may kailangan pang baguhin sa pangalan ko. After that, nag-apply na ako ng U.S. Visa na natanggap din naman right away. Kaya andito na kami ngayon sa ere. 

 

"We're together na ulit my future misis. Promise, I'll cherish every time with you." She kissed me on my forehead. Gosh I've been longing for this. And I want more of it in the future. Knowing that I'm about to get married to the woman I love, makakahinga na ako nang maginhawa at makakatulog nang mahimbing. 

 

I'm finally free to be with my love. 

 

__________________

 

A/N: 

 

First one-shot done! Grabe ito kaagad bungad eh. Kakabasa ko talaga ng angst au 'to na ang plot kadalasan ikakasal sa iba. Ayun yung pinakanakaka-trauma eh. Parehas niyo namang mahal ang isa't isa pero you need to let go dahil sa isang arranged marriage na hindi kayang ilaban. Kung pwede lang gawan ng spin-off o sequel yung mga au na yun ginawa ko na sjksjskjsk para happy ending naman tayo. Pero anyways here is it! 

 

Thanks for reading! 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Topkangseul
#1
Chapter 1: Ang sweet sana all po
kang_ddeul
#2
Chapter 2: sana all na lang po talaga ningselle! HAHAHA btw, kilig din talaga ako dati sa aldub~ pero ayun huhu kailangan tanggapin ang truth at maging happy sa kung sinuman ang magiging endgame nilaaaa ♥️ pero kakilig din maine x arjo! hahaha
kang_ddeul
#3
Chapter 1: wahhh happy ending!!! 💗 thank you po sa unang story otor!! 🤩✊🏼