Una

Señorita
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Hindi pa rin tapos si kuya Yuño (Jaehyun as yun-yo)?" Nakakunot noong tanong ni Wintia (Winter as wint-ya) na naghihintay makaligo. Mahigpit na turo sa panahon nila na laging pauunahin ang mas matanda sa mga bagay tulad ng paggamit ng palikuran, pagsakay ng karwahe at iba pang karaniwang gawain.

"Wala pa pong labinlimang minuto simula nung pumasok siya," Magalang na sagot ni Tinang, ang personal na tagapagsilbi ng bunso ng pamilyang Alonzo. "Mukhang ikaw ay may pinaplano, señorita."

"Ganito ang gagawin natin..." Nakangiting inilahad ng Wintia ang plano habang tumatango tanga naman si Tinang sa lahat ng sinasabi nito. Mas bata ng tatlong taon si Tinang kay Wintia at malaki ang paghanga ng bata sa sa kaniyang señorita. Ang anak ito ng isang matagal nang tagapagsilbi ng pamilya at halos palagi itong dala sa Hacienda ng Alonzo, kaya ito ang naging tagapagsilbi ni Wintia nang magdalaga.


 

 

"Kuya Yuño, malapit na magsimula ang ikalawang misa. Narinig ko lamang ngunit hindi ako sigurado na kasama daw si señorita Rosa sa koro ngayon." Bagama't walang tugon na narinig si Wintia, nakarinig naman siya ng isang kalabog na tila may gamit na natumbang dahil sa pagmamadali. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto.

"Kikitain ko nga pala ang aking mga kaibigan sa plaza. Maligo ka na, ang baho mo." Humahangos na wika ni Yuño at napansin niya na may dala-dalang pamalit at balde ng tubig si Wintia at Tinang na para bang alam na lalabas na siya. Tinaasan na lamang niya ito ng kilay at naglakad na pabalik ng kaniyang siid. 

 

 



 

Nakaligo na si Wintia at pagkatapos ay nanatili lamang ito sa kaniyang mesa at nagsulat sa kuwaderno sa loob ng ilang oras. Ngayon ay nakatulala ito sa labas ng bintana, kung saan makikita ang mga malusog na tanim ng hacienda.

"Ate Wintia, nakahanda na po ang hapunan." basag ni Tinang sa katahimikan, at bumalik si Wintia sa ulirat.

"Sandali lamang." sabi ni Wintia at dali-daling inayos ang lamesa. Inipit niya ang mga nagkalat na papel sa loob kwaderno kung saan niya sinulat ang plano para sa pagpasok ng beateryo. Pagkatapos ay bumaba na ito papunta sa hapag kainan at nakitang siya na lamang ang hinihintay.

"Magandang hapon." bati nito sa kanila at agad din naman silang tumugon.

"Ate-" Napatingin kay Tinang ang Don at Doña, "Señorita, dadalhin ko na po ang iyong liham kay binibining Felicia sa tnanggapan ng koreo." Paalam nito na nakangiting tinanguan naman ni Wintia, "Mag ingat, Tinang."

"Anak, naaalala mo pa ba ang iyong kababatang si Katarina? Nagpadala ang aking amiga ng sulat, babalik na sila ng Filipinas” Wika ng kaniyang ina na si Doña Laura.

“Katarina? Ang masungit na bunsong anak ng pamilyang Salazar?”

“Wintia, mahiyain lamang si Katarina.” Depensa ng Doña.

Hindi naman kasi alam nila ina ang tunay na kulay ng babaeng yun dahil sakin lamang niya pinapakita ang masama niyang ugali. Wika ni Wintia isip niya.

 



 

******

FLASHBACK

“Wintia! Ikuha mo ako ng bulaklak.” Utos ni Katarina kay Wintia na nakaupo sa tabi ng mga halaman. Mukha itong kawawang bata na naiwan ng magulang.

Kasalukuyang may handaan na ginaganap sa hacienda ng pamilya Salazar, puro matatanda ang nasa loob at malupit na ipinagbabawal na makisali ang mga bata sa usapan ng matatanda kaya naisipan Wintia magpalipas oras sa hardin, at sa hindi niya inaasahan ay pupunta din pala si Katarina dito.

“Nasa harapan mo lamang mga bulaklak, bakit ako pa ang pipitas para sayo?”

“Gawan mo ko ng pulseras gawa sa bulaklak.”

“Ilang beses ko na itinuro sayo kung paano iyun gawin. Ikaw na.” Tinuruan ni Wintia si katarina gumawa ng pulsreas gamit ang bulaklak sa una nilang pagkikta. Tuwang-tuwa pa ito noon dahil may nahanap siyang kaibigan ngunit nagulat nalang si Wintia nang biglang naging pala-utos si Katarina sa kaniya. Dahil doon ay napalitan na ng inis ang tuwa niya sa tuwing magkikita sila ng dating kaibigan at nagpasiya na iwasan na lamang ito.

Tinignan nito ng masama si Wintia dahil sa paulit-ulit na pagtanggi sa mga utos niya. Hindi naman nagpatinag si Wintia at tinalikuran na lamang ito at nagpatuloy sa paglalaro.  

 

******


 


 

“Kakatapos lang ng pag aaral sa medisina ng pangalawa nilang anak, si Jemeo (Jaemin as Je-me-yo). Wintia, sigurado ka na bang mag mamadre ka?” Tanong ni Don Felipe sa anak. 

Iyan ang iniiwasan Wintia, ang ipakasal sa kung sinong lalaki na anak ng mga kasosyo sa negosyo ng ama. Kaya’t maaga pa lamang ay bumuo na ito ng plano, ang pumasok sa beateryo upang mag madre. Iyon lang ang paraan upang hindi siya matali.

Gustong palawakin ni Don Felipe ang kaniyang koneksyon sa pamamagitan ng pag iisang dibdib na normal na ginagawa ng mga pamilya sa kanilang panahon. Ngunit respetado niya ang simbahan kung kaya’t hindi siya masiyadong tumutol nang sabihin ni Wintia na gusto niyang mag madre.

“Sigurado po ako.” 

“Gusto mo ba sumama sa araw na susunduin namin ni ina ang mga Salazar sa daungan?” Tanong ng nakatatandang kapatid ni Wintia na si Yuño.

Matalik n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
saerapotato
2022 ko pala to ginawa

Comments

You must be logged in to comment
taytaysbetty
#1
Interesting yung plot, sana hindi 'to angst huhuhuhu.
yujiverse
#2
Chapter 1: Charot pero sana hindi huhu
yujiverse
#3
Chapter 1: Feel ko medyo angst
minrinaaaa_
#4
Chapter 1: hala ang ganda ! ngayon nalang ulit ako nakapag basa ng ganitoooo omg,, sana hindi sya angst para masaya tayong lahat <3
howdoyouknowmee
539 streak #5
Upvoted! Sana di angst huhu
AhnWony
#6
angst po ba?