?!

Bang Bang!
Please Subscribe to read the full chapter

January 16, 20xx

 

3:23 pm

 

EDSA

 

Ilang daang mura na ang napakawalan ng fresh graduate na si Winter sa pagka haba haba at tagal ng traffic na kinakaharap niya ngayon sa edsa. Sino ba naman ang hindi mairiita, tanghaling tapat nasa kalagitnaan ka ng EDSA.

 

"Putangina niyo." malutong na mura ng dalaga habang tila siraulong hinahampas ang ulo sa manibela.

 

Nasa isip niya ngayon ay malelate na siya sa shift niyang 6 pm pa ang simula. Winter graduated sa kursong BSIT sa isang state university. She had this vision and mission sa buhay. She also had this belief na after college, it'll all be easy peasy. Inisip niya na lahat ng pinaghirapan niya sa college, lahat yon mag papay off na rin sawakas.

 

Kaso nga lang..

 

Hindi yon nangyari.

 

Ang trabaho niya ngayon ay pagiging cashier. Hindi sa 7/11, Mcdo, Jollibee, Puregold, or anong kilalang bilihan. Cashier siya sa isang random convenience store at mini gas station na ang lokasyon lang naman ay sa gitna ng out of nowhere.

 

"Graduate ng BSIT pero cashier lang ang bagsak? 'Ni hindi manlang nag call center agent." Many phrases or chismis na hawig nyan ang mga naririnig na niya.

 

Kasalanan din naman niya dahil sinong tanga ba naman ang magtetake ng Civil Service Examination habang lasing? 

 

Yes.

 

Si Winter lang. Si Winter Magdangal. 

 

Funny lang na Magdangal yung surname niya pero siya mismo wala ng dangal.

 

Sa araw ng examination, ang lasing na si Winter ay naghamon ng away. Kamalas malasan lang niya isang active social media persona ang taga pag bantay don.

 

Ang ending? Trending siya.

 

"IT student lasing" with over 100k tweets.

 

Sumikat din siya sa Tiktok dahil sa mga videos na kumalat.

 

Winter knew she really ed up that big. 

 

One day changed her life in a bad way.

 

Suddenly all the doors of the opportunities closed. Like it slammed shut in her face.

 

She used to be the college crush for both men and women. Alam niyo yung blockmate niyo or basta student sa school or university niyo na sobrang tunog ng pangalan? Tipong may mga juniors pa na pinili yung school niyo kasi doon siya nag aaral?

 

That kind of student. She used to be the living definition of it.

 

Three bottles of soju threw that away anyway.

 

Umandar nang onti ang nasa harapan niyang jeep kaya medyo nakahinga na ang taglamig. Pero wala pang limang segundo tumigil na ulit ang jeep na nakapag balik ng init ng ulo ng driver sa likod nito.

 

Isang crispy na "Putangina naman oh." ang lumabas sa kaniyang bibig.

 

Iniisip niya ngayon na "Gago bakit ba ang layo ng tanginang yon?"  wala naman siyang choice kasi yun lang ang tumanggap sakaniya.

 

6 pm to 2 am ang shift niya minsan hanggang 5 am na kung makakatulog siya sa counter. Wala namang dapat ipag alala kasi sobrang bihira lang ng customers nila. Pero malalaki magtip lalo na yung mga taong alam mong nagbabatak. Basta ba mind your own business, kakapal ang bulsa mo.

 

Napagdesisyunan ni Winter na kumuha muna ng candy. Pampakalma lang dahil kanina pa siya nag liliyab sa inis kahit na bukas ang ac ng kotse.

Hinalughog niya halos lahat ng nabubuksang drawer sa loob. Dahil nga favorite talaga siya ng kamalasan. Kahit isang candy o wrapper nito man lang, wala siyang nakuha.

 

//

 

6:15 pm

 

DnD Gas & Store

 

"Late ka na boi." bungad na bati ng lalaking naka sandal sa may counter habang bitbit ang bag.

 

Dire-diretso si Winter papunta sa may counter. Tinaasan lang niya ng middle finger ito at hindi manlang tinapunan ng tingin ang lalaki.

 

Nang makarating siya sa counter, buntong hiningang umupo siya sa swivel chair doon. 

 

"Alis na ang baho mo." taboy niya sa lalaking nasa harapan niya at nilagay sa may gilid sa baba ang backpack niya.

 

"Bye-bye, ingat boi!" napairap si Winter sa hangin nang marinig niya ang sinabi ng naglalakad paalis nyang co-worker.

 

"Girl!" sigaw niya pabalik habang umiiling.

 

Matagal na siyang tinatawag na boi ni Jaemin. At walang beses na hindi siya nairita dito. Irita lang na parang gusto niyang sapakin ito. Hindi irita na irita talaga na ayaw na niya itong makatrabaho.

 

Besides, mabait naman si Jaemin. Nilolog-in siya sa logbook kaya kahit na palaging late, walang nababawas sa sweldo niya.

 

Kampanteng sumandal sa swivel chair si Winter habang iniikot ang paningin sa store.

 

Just like the other shift- again in the same hellhole. Sabi niya sa isip at umiling iling.

 

Sa shift niya puro weird customers or usual napapadaang late night strollers or travelers lang ang nakakasalamuha niya.

 

Wala pa naman siyang bad experience. May mga nagnakaw na syempre pero wala namang nangholdup. May revolver naman sa ilalim ng counter na kayang kaya niyang gamitin. 

 

Okay, medyo kayang gamitin.

 

Or baka kayang gamitin?

 

Counted ba kapag mahilig sa counter strike, left4dead, crossfire, call of duty, ros, standoff, at iba pang mga barilang laro online?

 

During highschool to college, naadik sa mga ganong klaseng games, computer games, at ps4 si Winter. Siguro naman pagpapaputok lang ng revolver ay kakayanin niya? 

 

//

 

8:34 pm

 

Still at DnD Gas & Store

 

Bagot na bagot na nag pa-punch ng mga pinamili ng napadaan na customers na inassume niya na mga college students na nagii-stroll lang sa gabi ang ating cashier.

 

Iritado si Winter dahil naglalandian sila sa mismong harap niya. Yung isang pares pa nga ay naghahalikan na.

 

Tinitigan niya yung nasa harapan niyang lalaki na tila leader ng group na 'to.

 

"What?" tanong nito sa kaniya.

 

Hindi sumagot si Winter at pinagpatuloy na lang ang pag punch pa ng mga dinagdag na limang boxes ng durex. Hindi naman mangtititig nang ganon si Winter kung isa o tatlo na boxes lang ang binili ng mga 'to. Kaso sampu.

 

Yes, sampu. Ten. Diez.

 

Winaglit na lang niya ang mga ideyang pumapasok sa isip niya kung saan gagamitin ng mga 'to yung condoms.

 

8 pm na baka gutom lang siya kaya kung ano-anong pumapasok utak.

 

I mean atleast nagcocondom sila at safe .

 

Wait, malay natin baka reseller pala ng durex 'tong mga 'to.

 

//

 

9:14 pm 

 

Still at Dnd Gas & Store

 

Tiiingggg~

 

Tunog ng microwave. Luto na pala ang minacrowave niyang sandwich at instant rice and ulam meal. 

 

Kinuha na niya ito at nilagay sa mini table. Nagbukas din siya ng nasa latang root beer at isang bote ng summit water.

 

Unang kagat pinaalala ng isip niya ang mga pros ng pagtatrabaho niya dito sa DnD.

 

Una, libre ang gas at pagkain niya.

Pangalawa, naka aircon ang DnD.

Pangatlo, tahimik lang dito.

Pang apat, mabait boss niya.

Pang lima, walang nagbibringup ng past niya dito.

 

Sure, may iilang customers na namumukhaan siya pero hindi naman na siya tinatanong ng mga nakakatanginang tanong.

 

//

 

10:47 pm

 

Still at DnD Gas & Store

 

Nakahalumbaba si Winter habang pinapaikot ang baryang piso sa ibabaw ng counter.

 

Ang boring na sa mga oras na ngayon dahil dito umoonti ang customers na dumadaan. Yung iba kasi na sa madaling araw pumupunta eh bumibili lang ng mga weirdong bagay.

 

Iniisip ni Winter kung bakit walang ganap sa buhay niya. Parang naka loop ito dahil puro gising, pasok sa trabaho, uwi, puyat sa laro, tulog, at repeat lang.

 

Thankful naman siya dahil hindi siya jobless at pabigat sa bahay. Kahit na underpaid siya at halos barya lang yung sweldo niya compared sa mga kapatid niya eh okay na siya doon kesa naman sa wala.

 

Napatingin sa pintuan ang all-rounder cashier ng DnD dahil tumunog ito. May customer na nakahoody at naka mask.

 

Isang kahina hinalang customer na ang bibilhin lang ay foil. Yan ang hula ni Winter sa kakapasok pa lang na customer at dirediretso na agad papunta sa direction niya.

 

"Welcome to DnD-" Agad na naputol ang pagwewelcome niya nang tapatan ito ng baril. Calibre 45 to be exact. 

 

'Nak ng tupang ina ito na ba ang first holdapper ng DnD? Kinakabahang tanong ng cashier sa isip.

 

Di bale na. Kaya ko 'to putanginang yan. 

Nag aalangan niyang tinaas ang kamay at nilagay sa batok. Hindi niya alam kung lalabanan ba niya gamit ang revolver o susunod na lang. Pero sa huli ang pinili niya ay..

 

"Woah, wait wait. Kalma po tayo ha, kung gusto mong magnakaw go on. Labas yan sa trabaho ko." 

 

Pagpapakalma niya sa taong nasa harapan niya na tinututukan siya ng baril.

 

"I need to hide." 

 

Nagulat si Winter sa narinig niyang boses ng holdaper. Boses lang naman nito ay pangbabae. Tunog maganda pa at nakakapag distract sa homo cells na nananalaytay sa dugo niya. 

 

"Uhm- ano kasi wala namang mapagtatagua-"

 

Cinut off ulit siya nito bago pa matapos ang sasabihin.

 

"I said, I need to hide."

 

Biglang pumasok ang isang ideya sa sentido ni Winter. 

 

"S-sa stock room o locker room, ikaw bahala."

 

Dahan dahang lumapit ang babae sa cashier habang nakatutok parin dito ang calibre 45. 

 

Natatakot si Winter sa mga nangyayari. Medyo humupa lang ang kaba niya nung marinig niyang pumasok na sa may pintuan sa likod niya ang babaeng holdaper na gustong magtago na may baril. 

 

Huminga siya nang malalim. Putangina naman oh. Napamura na naman siya sa isip. 

 

Hindi niya sigurado kung anong gagawin. Kung tatawag ba siya ng pulis o haharapin ito gamit ang revolver niya.

 

Speaking of revolver, agad niya itong kinuha at kinapitan. Chineck niya kung kumpleto ba ang bala.

 

1,2,3,4,5. .YES.

 

Complete nga. Kinasa na niya ito.

 

//

11:13 pm
 

Still at DnD Gas & Store

Kanina pa patayo tayo si Winter. Pagkatapos niya umupo ay hahakbang siya ng mga isa o dalawa lang tapos uupo na ulit.

Kahit pagmumura ay hindi niya magawa. Baka kasi marinig nung walang hiyang babaeng pumasok na lang bigla sa locker room nila.

Naisip na niyang tumawag sa 911 kaso sira yung telopono malapit sa may counter nila at yung cellphone niya ay naiwan niya sa loob ng locker room. Gusto na niyang pumasok sa locker room pero natatakot siya.

Bahala na putanginang yan.

Nagpakawala ng malalim na hininga ang cashier. Pero nung lilingon na siya nakita niya na may kararating lang na isang 1993 Toyota land Cruiser. Alam na alam niya ang ilang mga pangalan at brand ng sasakyan dahil nagtatrabaho sa talyer ang isa sa mga kaibigan niya.


Tinignan niya ito, may tatlong lalaking lumabas. Umiwas agad siya ng tingin at nilagay sa likod na belt ang revolver.

Nalintikan ka na Winter Magdangal.

Malakas ang kutob niya na hindi basta mga weirdong customers lang ang dumating. For sure itong mga tukmol na 'to ang potential na pinagtataguan ng babae kanina.

Sasabog na ang bungo ni Winter dahil hindi niya malaman kung anong dapat niyang gawin.
Kung ituturo ba niya agad yung babaeng nasa locker room nila ngayon o tutulungan niya 'to.


Sa unang pagpipilian, kargo de konsensya niya pa ang babae kung ituturo niya agad. Mukha pa namang nakakatakot yung mga lalaki. Sa pangalawa naman baka mamatay pa siya kapag ginawa niya 'to. Pros at cons nga naman.


 

Kahit anong piliin niya mabibigatan parin sya sa outcome nito.



Putangina mo naman universe.


Narinig na niyang pumasok ang mga lalaki. Binaling niya ang tingin sa mga ito. Kahit na tensyonado sinubukan parin niyang umakto ng normal.

Normal as in poker face lang.

Nakita niyang dalawa lang ang pumasok. Yung isa parang naninigarilyo na nakasandal sa kotse sa labas. Yung isa naglilibot sa store, kita niya pa itong siraulo na nagbukas ng piatos. Yung pangatlo naman ay papunta sa harapan niya.

“Miss may nakita ba kayong babae na nakahoody dito?” agarang tanong nito. Nasa harap niya ngayon ay maraming tattoo na lalaki na may piercing pa sa ilong. Matangkad at malaki din ang katawan nito. Kapag nagkamali ng sagot si Winter for sure mabilis siya nitong mababalibag dahil hindi naman siya physically malakas. Hindi na nga niya maalala kung kailan ang huli niyang pag eexercise.

“Wala eh.” iling niya habang nagkikibit balikat pa.

Please maniwala kang gago ka. Pagsusumano ni Winter sa isip.

Nginitian lang siya ng lalaki. Kita niya ang silver nitong front teeth. Ew.
Tinaas ng lalaki ang kamay at tinuro siya.

Lumingon lingon si Winter bago nagpakita ng nagtatakang expression.

“Ah locker room namin yan, authorized staffs only.” sagot ni Winter. Ramdam na niya ang naginginig niyang mga tuhod. Dahan dahan niyang nilagay ang kanang kamay sa may likod na bewang at umaaktong may kinakamot ito pero ang totoo ay kinuha niya ang revolver.

“Hindi naman ako nag papaalam miss, kaya tumabi ka diyan.” nawala na ang ngiti sa mukha ng nakakatakot na lalaki.

“Yeah, nope. Bilhin niyo na kung anong gusto niyon-”

“Miss, tabe kung ayaw mong pumanget ang sitwasyon natin ngayon. Ayaw mo naman sigurong mangyari yon diba?”

Gago gago gago gago gago gago gago gago.

“Sir, again. Bawal customers-”

Parang nag slowmo ang paligid. Nakita ni Winter na bumunot ng baril ang maraming tattoo na lalaki sa harap niya. Hindi na nagsayang ng mga sandali pa si Winter at pinihit paharap ang kanang kamay at sinupportahan agad ito ng kaliwang kamay.

Sa isang iglap lang, Winter pulled the trigger.

Isang malakas na BANG ang umalingawngaw sa loob ng store. Tumalsik ang dugo ng lalaki sa mismong mukha ng cashier. Tinamaan ng bala sa mismong leeg ang lalaking nag mamaangas kanina. Agad itong bumagsak habang nanginginig nginig pa at umuubo ubo.

Tila nagkaroon ng glitch sa utak ng bida. 

“Ano-ng ALFRED? GAGO KA-”

Isang putok na naman ng baril ang narinig sa loob ng store.

Isa pang lalaki ang bumagsak. Tinamaan ito sa mata ng bala ng revolver na tumagos din sa bungo nito.

Naging mabilis ang kilos ni Winter nang makita niyang tinutukan siya ng Glock 19. Dahil nga sa nag gglitch pa ang utak niya, hindi na siya nag alanganin pang paputukan ito ng baril.

Isang matagal na katahimikan ang namayani sa store. Tulala si Winter habang nakatingin sa kawalan.

Holy ..

Tinaas niya ang kamay papunta sa mukha at kinapa ang bandang kanang pisngi.

Malagkit na dugo ang sumalubong sa palad niya.

Putangina?

PUTANGINAAAA

Nag papanic na napakapit si Winter sa tenga niya upang takpan. Naging coping mechanism niya ito kapag may hindi magandang nangyayari sakaniya.

Muli niyang tinignan ang dalawang  lalaking nakahandusay sa may tiles ng store. Umaagos parin ang mga dugo nito.

No. Holy -. Putangina. Putaragis. Anak ng gago. Ulol. Hindi. Hindi 'to nangyayari .

Tila nawawala sa sariling litanya niya sa isip habang nilalapitan ang dalawang bangkay sa harap niya. 


Napaupo siya habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa tenga. Pumikit siya habang binubulungan ang sarili na panaginip lang ang nangyari at kailangan na niyang gumising.

Natigil lang ang pagbulong bulong niya nang siya ay napapitlag dahil sa tatlong putok ng baril na dumagundong.
Napalingong lingon siya sa paligid habang tinututok din ang baril kung saan siya malingon.

Tangina, tangina, tangina.

Napatigil ang paningin niya sa babaeng naka hoody kanina na pumasok sa locker room nila. Ngayon ito ay nakasandal sa may counter. Tinutukan niya ito ng baril habang nangingnig.

"You won’t pull that, I just saved your life.” sabi ng babae bago parang casual na naglakad palibot sa store.

Sinundan lang ng tingin ni Winter ito bago lumingon sa may pintuan. Yung kaninang naninigarilyo na lalaki sa labas ay nakahandusay na ngayon doon at kumakalat ang dugo.

This is it. Nababaliw na ako. Sabi ko na dapat talaga hindi ako nagpupuyat tanginang bangungot 'to.

Takot na takot man ay pinilit niya ang sarili niyang tumayo at puntahan ang babae. Nadatnan niya itong naglalagay ng mga pagkain at gamit sa bag. Namukhaan niyang bag ito ni Jaemin.

Tangina magnanakaw din pala 'to.

Tumango tango siya sa sarili, trying to boost her bravery bago tawagin ang babae.

"Mis-"
 

"We’re leaving this place." pag cucut off ng babae sakaniya.

Napakunot ang noo ni Winter sa narinig.

Anong we? Nababaliw ka na ba?

Parang tangang nakatunganga si Winter kaya binato siya ng babae sa harap niya ng nakapack na cotton buds.

"You’re a part of this now, it’s either you’ll go with me or you die here. They know your face through the camera attached on the second guy you killed.” rinig niyang sabi nito bago naglakad at pumunta sa bahagi ng store kung saan naka pwesto ang mga refrigerators na may mga inumin. 

Magkasalubong ang kilay at hindi makapaniwala si Winter sa sinabi ng naka hoody. Kasalukuyan ding walang habas na nagogrocery sa store.


Sira na talaga ang utak niya.

"Miss, nababaliw ka na base sa mga pinagsasabi mo.” tulo-tuloy ang pag iling ni Winter. Napagdesisyunan niyang pumunta sa locker room at kunin ang cellphone.

 

Ikakamatay ko 'to. Oh god. Mamatay na ako.

Hindi pa siya nakakalapit sa may counter nang sitsitan siya ni Miss hoody.

"Looking for this?” lumingon siya sa tumawag sakaniya.

Nakita niya itong hawak ang iPhone 11 pro max na kaka fully paid pa lang niya last month. 

Iritadong lumapit siya sa babae pero inilingan lang siya nito habang nakangisi sa loob ng mask.

"Akin na yan.” tinutukan niya ito ng baril.

Bagot siyang tinignan nito bago tumalikod at nag lakad papunta sa pintuan.

tangina talaga nitong tao na'to.

“Miss, I swear to God. I’ll pull the trigger kapag di mo binalik yung cellphone ko.” lakas loob na banta ni Winter habang nakatutok ang revolver niya sa nakatalikod paring babae.

Nakita niyang bumuntong hininga ito dahil sa pagtaas at baba ng balikat nito.

“We both know you can’t do that.” humarap ito sakaniya at nag cross arms.

ampota. Tangina .

Matalas ang tinginan ng dalawa. Parang walang magpapatalo sa staring contest nila.

Ilang saglit lang ay napairap na lang si Winter at ibinaba ang revolver.

Miss hoody wins.

“Let’s go, they could appear here any moment.”

Naglakad ulit papunta sa pintuan papalabas ang babae habang si Winter ay nakatameme pa rin.

Nang mapansin ng babae na hindi sumunod sakaniya ang cashier nilingon niya ulit ito at sinenyasan na sumunod.

Putangina Winter Magdangal. You are ed. This is all ed. Putangina mo talaga Winter.

Pagmumura niya sa kaniyang sarili bago padabog na sumunod sa babae. Bago siya lumabas ng store nilingon niya ang tatlong bangkay. Ang isa pa ay hinakbangan nila dahil nakaharang sa pintuan.

Sorry putangina niyo kasi sabing wala nga.

//


January 17, 20xx

12:45 am
 

Highway road to Norzagaray.

Nakakatatlong paper bag na si Winter dahil sa pagsusuka niya. Pagkasakay nila ng kotse niya, nagmaneho na kaagad ang babaeng naka hoody na hindi pa niya alam ang pangalan. Basta kanina pa siya nawawala sa sarili dahil na absorb na ng utak niya kahit papaano ang nangyari sa nakalipas na oras.

Paubo ubo itong sumandal bago ihagis sa labas ng bintana yung paper bag na sinukahan niya.

Kahibangan 'to. What the . Ang gago.

Tinignan niya ng masama ang katabi niyang nag mamaneho.

Kasalanan nitong gagong 'to ang lahat. baka sindikato 'to putangina.

Bukod sa kabang lalong lumalaki sa dibdib niya, lalo rin siyang nabadtrip dito.

“Stop looking at me funny.”  sabi ng babae. Hindi pa rin nito tinatanggal yung mask niya. Naiirita si Winter kasi bukod sa iba’t ibang mura, hindi na niya alam kung ano ang itatawag dito.

At litong lito rin siya kasi hindi naman inexplain ng driver niya ngayon kung ano bang meron at nangyari yon.

“Alam mo bang first time ko makakita ng kakamatay palang na tao? MGA tao.” bakas sa tono ng pananalita ni WInter ang pagka galit.

“And? You killed them too, must be your first time as well. Should we celebrate now that your hands are tainted?” sarkastikong tanong pabalik sakaniya nito.

Siraulo ampota. Gagong gago na ako sa lagay na 'to.

“Exactly, you made me kill them.” masamang titig pa rin ang binibigay ni Winter sa nagdadrive.

“I’m not the one who pulled the trigger twice.”

“Stop the car.”

Hindi siya pinakinggan ng babae at patuloy lang sa pagdadrive.

“Ano ba?! Sabing itigil mo diba?” iritang iritang pinakealaman ni Winter ang manibela pero sinapak lang siya ng babae. Sa ilong.

“ARAY GAGO!”

Pagkahawak ni Winter sa kawawa niyang ilong nanlaki ang mata niya dahil sa likidong tumulo dito. Hindi naman sipon pero dugo.

Putaragis na babae 'to.

“Tangina mo???” Hindi makapaniwalang tanong ni Winter sa hindi man kita dahil sa suot nitong mask ay nakangising babae na nagmamaneho sa tabi niya. 


“ you too, I’m driving you could kill us both so behave your .”

Umirap nalang si Winter bago abutin ang bag at kumuha ng towel. Kaso nga lang walang towel at extra na damit lang ni Jaemin. Naalalal niya 'tong garfield na kulay white na tshirt ng binata kasi pinagtawanan niya ito isang beses nang makita niya 'tong suot ng katrabaho.

Padabog siyang umupo habang hawak hawak ang damit na nakalapat sa ilong niyang walang pag aalinlangang kinawawa ng nag abduct sakaniya.

Yes, para sakaniya abduction ang nangyayari.

Iniisip na niya kung ano anong mga charges ang pwedeng isampa sa malditang babae.

Physical abuse, mental abuse, threatening, theft, at marami pang iba.

Pakyu may araw ka rin.


//

1:07 am
 

At Norzagaray.

 

Walang traffic sa dinaanan nila at halos walang mga sasakyan. Sinong walang kinakatakutang tao ba naman ang dadaan sa mga haunted roads na na-KMJS na dahil sa kababalaghan? Syempre ang “putaragis” kung tawagin ni Winter ang katabi niya ngayong babae.

 

Pagkatapos paduguin ang ilong niya, hindi na siya nag-usap pa. Mahirap na baka sunod ay lumpuhin na siya nito. Buong byahe lang halos matunaw sa lava ang driver dahil sa sama ng tingin niya dito.

Ito narin yata ang gabing nagbreak ng record niya sa pagmumura sa loob ng isip. Minsan ay pabulong pa siyang nagmumura na dinedma lang din nung isa.

Tumigil sa pagmamaneho ang naka mask na babae nang makarating sila may parking lot. Linibot ni Winter ang mata niya sa paligid bago lumabas ng kotse. Nasa isang building na exclusively for parking sila ngayon.

Magrereklamo pa sana siya kaso nakita niya na may malaking butas at sira sira ang daan papasok dito.

No choice.

Kailangan nilang maglakad.

Nang bubuksan na ng babaeng katabi niya ang pintuan hinawakan ni Winter ang braso nito.

“Hindi ako lalabas hangga’t di ka nageexplain.” matigas na sabi niya dito.

“Sure, go get yourself killed.” kibit balikat namang ganti nito sakanya.

Ito na ang pinaka gago sa mga gago. Gagong gago na talaga ako sa shutanism na babaeng 'to.
 

“Pag namatay ako mumultuhin kita. Ulol.” pagmamatigas ulit ni Winter at bahagyang hinigpitan ang hawak sa braso ng babae.

Hindi sanay si Winter sa pisikalan katulad ng ginagawa niya ngayon. Mas gusto niya na makipag murahan kesa sa magkakasakitan physically. Pero yun nga no choice siya dahil matter of life and death na ang kakaharapin niya. Dapat malaman manlang niya kung anong pinasok niyang kaputanginahan.

Winaglit ng babae ang kamay ni Winter na nakahawak sa braso nito at sumandal sa upuan.

“Alright, listen carefully because I won’t repeat any to you.”

YUN. tanginang 'to maganda sana yung boses eh gago nga lang tapos pabebe pa.

Tumango si Winter at nag focus na sa pakikinig.

Napa iling muna ang babae bago huminga ng malalim.

“I work in a private non-governmental organization and I happen to know about a terrible syndicate located in Brunei. They were able to kidnap me and supposedly bring me to Sydney but the dumbs decided to go to the Philippines first to get some dip and many drugs. So I escaped and bumped into your store. The guys you killed are s, don't overthink it. Totally not worth it. Now can we go?” mahabang paliwanag sakaniya.

Tila tumigil na naman sa pagfunction ang katawan ni Winter.

Muli na naman niyang narealize at napatunayan na tuluyan at lubos na ngang naputangina so much ang kaniyang life. Akala niya yung nangyari sa examination at pag trending niya sa hindi magandang paraan ang pinaka malas na mararanasan niya sa buhay niya pero doon siya nagkakamali.

Tahimik parin siya nung lumabas at sumunod sa nangungunang tao sa harapan niya.

Bitbit nito sa likod ang backpack at hawak ang baril na calibre 45 habang si Winter ay bagsak ang mga braso habang hawak sa kaliwang kamay ang revolver.

//

1:24 am
 

Parking lot building


Pagkapasok nila sa first floor tahimik at wala namang kahina hinalang bagay silang nakita dahil narin sa madilim.

Nagpatuloy sila sa second floor.

“Hoy.”

“Shut up.”

Pakyu ka talaga eh no.

“Bakit tayo nandito?” tanong ni Winter. Naisip niya na kailangan niyang pigain ito ng maraming kasagutan bago siya mag goodbye world.
“Helicopter. They’ll fetch us later. We need to  reach the rooftop and stay alive by then.” hindi lumilingon sakaniyang sagot nito habang patuloy pa rin sa paglalakad.

“Stay alive? May mga kalaban di-”

“Yes. So, shut the up.”

Muling dumagundong ang kaba sa dibdib ni Winter.

Putangina dito na talaga ako mamatay. Putangina mumultuhin ko talaga 'tong deputang 'to. Oh my god di ko pa napapanood yung ending ng one piece holy kingina gago ulol ulol.

Nagkakaroon na ng crisis sa utak ni Winter pero siya ay tahimik at tila batong sunod nang sunod lang sa hoody girl sa harap niya.

Ramdam niya ang namumuong malamig na pawis sa buong katawan niya.

 


Third floor.

Bago sila maglakad sa susunod na hagdan papuntang fourt

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
user459174826274193
I edited this one-shot. Dami palang typos..

Anyway,, Thank you for reading!

you can reach me on twt and cc @bleudim

Comments

You must be logged in to comment
yulyulk_sy #1
Chapter 2: Cute Tomato 🍅
M_1412 #2
Chapter 2: Cuteeee HSHAHAHAHAH
stillintoyu
194 streak #3
Chapter 2: this is good but nakakabitin 😭
yujjiman
#4
Chapter 2: kabitin otor we need more😓
yujjiman
#5
Chapter 2: sobrang ganda huhu tinapos ko talaga kahit 4am na sulit na sulit ang puyat hehe otor baka naman may kasunod pa pls pls
Orangecor #6
Otor baka naman pwedeng may kasunod pa ‘to hehe. Anyway, ang ganda po nito.
jimin_jeong_ #7
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1515995/1'>?!</a></span>
Hahahgaa parang nalimutan lahat ni Winter lahat ng nangyari nung nakita mukha ni Karina eh…..I mean…same



SOBRANG GANDA!! 101/10 parang first time ko magbasa ng action au kasi I usually find them hard to read pero naaliw ako dito haha!
syrenity
#8
Chapter 2: Hoy ang cute. Baka may sequel otor. Char
justsomeanimelover
#9
Chapter 2: Moreeee xD
justsomeanimelover
#10
Chapter 1: Halaaa ang astig shemay hahaha nag enjoy ako basahin!!!