pahinga

aalis tayo sa tunay mundo.
Please Subscribe to read the full chapter

Alas cinco y media na pero dada pa rin ng dada yung Doctor nilang hindi naman patungkol sa lecture ang pinagsasabi.

Napa-irap si Kim Minjeong sa kanyang upuan at palihim na kinuha ang kanyang phone. Ngumiti naman siya nang bumungad ang lockscreen niyang naka-pout at cute na hitsura ng kanyang nobya. 

Dapat kanina pang 5pm ang dismissal nila pero parang ayaw pa yata sila pakawalan ng Doc nilang kung anu-ano nalang ang topic. Kung tutuusin kanina pa sana sila tapos sa lecture pero parang gusto pang makipag-chikahan ni Doc sa kanila. 

Please lang, gusto ko nang umuwi.

Nag-scroll siya sa Instagram at nakita ang posts ng kanyang mga batchmates na puro travel at gala sa kung saan. Habang siya'y nagpapakamatay mag-aral para maging doctor yung iba niya namang kakilala ay established at settled na sa kani-kanilang mga buhay. Napabuntong hininga nalang siya. Nagsisimula na naman ang kanyang dark thoughts paniguradong papagalitan siya ni Jimin kung nandito 'yun. 

And like clockwork, biglang nagvibrate ang phone niya sa sunod-sunod na text galing sa kanyang kasintahan.

Baby☀️: flip d on da beat 😎🎶

Baby☀️: droppers league🫳🏼🩲

Baby☀️: HEY! 🫵🏼

Baby☀️: miss na kita baby hindi ko na kaya🥺😤😠

Baby☀️: sobrang saya ko na muli tayong magsasama😩🥵💦

Baby☀️: pangako na di ka na maghihintay at hindi ka na malulungkot🏃🏻‍♀️🚘😍

Napangiti si Minjeong. Loko-loko talaga itong girlfriend niya at parang may radar kapag nalulungkot siya. Alam na alam niya talaga kung paano siya i-comfort.

Me: Hindi ba dapat ako kakanta nyan kasi ako naman yung pauwi 🙄

Sa condo ni Jimin ang uwi niya ngayon at hindi sa dorm malapit sa school. Friday kasi ngayon kaya susunduin siya ni Jimin galing sa school para magkasama sila buong weekend. Sa totoo lang, nagiguilty si Minjeong sa sobrang mapagpasensya at understanding ng kanyang girlfriend sa schedule niya.

Second year na siya sa medicine ngayon kaya mas busy siya. Kahit weekend, madalas nananatili lang sila sa condo o nagtatambay sa cafe ni Jimin. Halos wala siyang ibang gawin kundi magreview para sa weekly exam niya every Monday. Hindi na rin sila nakakapag-date katulad ng dati sa kung saan-saan nila mapagtripan. Sobrang supportive naman ni Jimin sa kanya at lagi nitong pinapaalala kay Minjeong kung gaano siya ka-proud dito. Ang swerte niya talaga sa girlfriend niya.

Baby☀️: tagal mo kasi bumaba baby 🥺

Baby☀️: sunduin na kaya kita sa room nyo?? 🤨

Me: please do. ayaw talaga mag shut up ni doc 

Baby☀️: OMW BABY 😤😤

"Oh, sorry! Look at the time. Dismissed na pala kayo." Saktong sabi ni doc.

May lahi bang engkanto si Jimin at parati niyang na-mmagic ang sitwasyon ni Minjeong to save her? 

Agad-agad siyang tumayo dala ang bag at nagsimulang magbrisk walk palabas ng room. Hindi naman siguro siya masyadong excited noh.

"Grabe, nagmamadali yarn?" tukso ng kanyang kaibigan na si Yujin.

"Siyempre, friday ngayon eh. Kanina pa naghihintay si baby." pagsulsol ni Minju habang tinatapatan ang mabibilis na lakad ng dalawa.

Siniko siya ni Minjeong habang mas binilisang bumaba sa hagdan. "HOY! Baby ka diyan."

"Ay, sorry naman. Bawal rin bang maki-baby?" 

Tinawanan siya ng kanyang mga kaibigan nang biglang hininaan ni Minjeong ang paglakad at tumingin sa repleksyon niya sa salamin para mag-ayos ng buhok.

"Sus, kahit ano namang hitsura mo, patay na patay pa rin baby mo sa'yo!" 

Inirapan niya lang ang mga kaibigan habang tumatawa ng mahina. Kinilig siya dahil duh totoo naman. 7 years na sila pero wala paring nagbago sa pagtingin nila sa isa't-isa.

Namataan niya naman agad ang kasintahan na kausap ang guard sa may entrance/exit ng building nila, parang nanunuyong papasukin ito.

"'Luh, 'kaw naman, Manong. Parang others! Parati mo naman akong pinapapasok ah."

"Jimin, limit nga daw visitors kasi COVID. Gusto mo pa yata ako mapahamak eh." sagot ng guard habang tumatawa sa kakulitan ng dalaga.

"'Ge na, manong oh. Kawawa na yung baby kong stranded sa taas."

Hindi pa siya napapansin ni Jimin dahil nakaharang ang malaking braso ng guard sa kanya.

"Huy, nag-eeskandalo ka na naman dito." kutya ni Minjeong, tapik-tapik ang balikat ng guard na agad naman siyang pinadaan. 

"Baby!" Masayang sigaw ni Jimin na agad naman siyang niyakap ng mahigpit. 

Minjeong sighed and breathed in her lover's comforting scent.

Finally, you're here. Aking pahinga.

Naramdaman niya ang pagkuha ng kasintahan ng kanyang bag at ang paglipat nito sa sariling balikat.

"Let's go, baby. Salamat, manong!" Kindat ni Jimin sa guard na nakatingin lang ng payapa sa kanila. Sanay na ito sa ganitong eksena galing sa dalawa. 

Magkahawak kamay na silang naglalakad papunta sa kotse nang narinig nila ang panunukso ng mga kaibigan ni Minjeong.

"YIEEEEE! BYE BABY!!" 

Lumingon si Jimin upang batiin sana ang mga ito pero hinahatak na siya pinalayo ni Minjeong. "Noooo, pabayaan mo na sila please. Kanina pa nila ako tinutukso."

Tumawa si Jimin at binaba ng bahagya ang face mask para halikan ang ulo ni Minjeong. Agad namang sinandal ni Minjeong ang ulo sa balikat ni Jimin. 

"Saan mo gusto kumain, hmm?"

"Ikaw lang bahala, baby. Ayoko na mag-isip." pagmamaktol ni Minjeong.

"Okay, pinagluto naman kita ng favorite mo kanina. Sleep ka muna sa car, mahal."

Nakarating na sila sa kotse at pinagbuksan siya ng pinto ni Jimin. Nilapag nito ang bag ng med student sa kanyang tabi. Inabot nito ang spray alcohol niya at nagspray sa kanilang mga kamay. Nilagyan na din niya ng seatbelt at tinanggalan ng face mask ang kanyang girlfriend na pagod na pagod at halos makatulog na pag-upo.

Grabe wala bang mga kamay si Minjeong? Wala hehe, baby na baby talaga siya ng baby niya. Pikit nalang yung mga inggit. 

Hinawi ni Jimin ang maikling buhok niya sa likod ng tenga bago siya halikan nito sa labi. Napahawak si Minjeong sa kwelyo ng jacket ng kasintahan para hilahin ito palapit.

"I missed you so much, baby." bulong ni Jimin sa kanyang mga labi.

Ngumiti si Minjeong ng maluwang, yung sinasabi ni Jimin na favorite smile niya na labas ang dimple. Sinandal niya ang kanyang noo sa kasintahan.

"Na-miss din kita sobra, baby ko." 

"Uwi na tayo?" bulong ni Jimin habang patuloy sa paghalik sa kanyang mukha.

"Mmm, uwi na tayo, baby."

Ang sarap mong magmahal, Jimin.

Nagising si Minjeong sa pagtanggal ni Jimin ng kanyang seatbelt. 

Nagkuskos siya ng mga mata at naramdaman ang pagdampi ng mga labi ni Jimin sa kanyang noo. "Dito na tayo, baby."

"Hmm.." Inalalayan siyang makababa ng sasakyan at dumerecho siya sa pagyakap kay Jimin habang inaabot nito ang kanyang bag at sinarado ang kotse.

"Antok pa?"

"Mm.."

Natawa si Jimin sa sobrang cute ng girlfriend niya. "Carry kita?"

Umiling naman siya ngunit mas lalo pang siniksik ang ulo sa leeg ni Jimin. "Ayoko..nakakahiya.."

"Kanino? Tayo lang naman dito. Sige na, piggyback kita." 

"No na, baby. Kanina mo pa akong inaalalayan, gising na 'ko." Hinalikan ni Minjeong ang kanyang leeg bago kumawala sa pagyakap.

"Okay, sabi mo eh." Hinila na siya papasok ng building ni Jimin. 

Pagdating nila sa elevator, hinawakan siya sa magkabilang pisngi ni Jimin. "Ligo ka muna, baby. Prepare ko lang food mo, okay?"

Tumango naman siya at nagpout. "Di ka din ba pagod?"

Mabilis siyang ninakawan ng halik ni Jimin kaya natawa siya habang tinutulak palayo ang kasintahan. "Baby! May CCTV kaya."

"Cute mo kasi masyado," Kinuha ni Jimin ang kanyang mga kamay and held them in both of hers. "I'm not tired, baby. Ate Seulgi arrived much earlier to relieve me din. Sabi niya puntaha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 3: grabe talaga magmahalan ang jiminjeong pati ako kinikilig hayy
Luwijen
#2
Chapter 1: ang sweet sweet sanaol po huhuhuhu
Sakunako08 #3
Chapter 3: Penge din ng minjeong haha ang sweet haaay
Sakunako08 #4
Chapter 2: Penge ng jimin huhu
Sakunako08 #5
Chapter 1: ANG GOALS NAMAN
bpandap #6
Chapter 3: andami ko pang tine-take na gamot, sa inggit lang pala ako mamatay. Charot! Always loved fluff stories. Thank you for writing this 🥰
TYTFshipper
263 streak #7
Chapter 3: ang funny ng author's note otor ha you know too well kaya... alam mo na 👀 HAHAHAHAHA wag ka mag alala otor, SANAOL MANTRA PA RIN sa chap na to hihi
ratedkmj
#8
Chapter 3: ang bitin???? ghuggihvjsjdbd youre doing great tor kahit pa one shot one shots lang no pressure
kgsbjh #9
Chapter 2: i love this kind of trope, ang soft lang. overall a 10/10, looking forward para sa future chaps :D
shihopyon
#10
Chapter 3: bhe grabe kilig 😭