Winter ❄️

Made for Yu
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's POV

"Nay una na po ako aah" 

Jusko bakit ngayon na Monday pa ako tinanghali ng gising. Maaga pa naman si abunjing bunjing ko tuwing umaga.

Presidential duties 101 siya lagi dahil may flag ceremony at tamang sandamakmak na announcements.

Hayst ang sipag talaga ni crush bagay na bagay kami.

"Hindi ka ba kakain muna apo?" lumabas si lola ng may hawak na tinapay

"Hindi na po! Baka hindi ko pa po makita si bebelabs!" 

Hindi ko na hinantay yung sagot ni lola at kumaripas na ako ng takbo. Papasalubungan ko na lang si lola ng lumpiang hubad mamaya.

Hindi naman ganun kalayuan ang eskwelahan ko, kering keri kong takbuhin or lakadin para na din makatipid. Obvious na naman siguro na hindi kami ganun kayaman at tamang sa ipon na lang ng lola at papa ko umaasa pero nagtratrabaho din naman ako sa isang cafe. Hindi ko kilala nanay ko at wala din akong ideya kung anung itsura nya at wala din naman akong pake. 

Kwento sa akin ni papa dati ay iniwan kami agad ng nanay ko pagkatapos na ipanganak ako kaya si papa talaga ang number 1 sa puso ko kahit wala na siya. Matagal ng namatay si papa at ito din siguro ang dahilan kung bakit ko gusto maging doctor. Hindi ko alam kasi kung ano ang kinamatay nya dahil wala kaming sapat na pera pang-ospital. Ang huling alam na lang namin ay inatake siya bigla sa puso at nung dinala siya sa isang ospital at nalaman na wala kaming pera ay agad naman kaming tinaggihan so in short namatay papa ko sa tapat ng ospital.

Ang aga aga naman nagdradrama ako, ikwento ko na lang sa inyo ang bebelabs ko na si Karina Santos.

Si Karina Santos ay isang babaeng hulog sa langit, walang halong biro mga sismars grabeh ang ganda ni crush. 

Nakakahulog !

Kaya hindi na din ako nagtataka na maraming nagkakagusto kay bebelabs mapababae o mapalalaki, madami talaga humahanga sa kanya at isa na ako doon.

Ang pinagkaiba ko lang sa ibang nagkakagusto sa kanya ay cute ako at tsaka kilala nya ako.

Ewan ko na lang kung hindi pa nya ako kilala eh simula nung 1st year high school eh magclassmate na kami. Tamang nasa star section kasi kaming dalawa ni bebelabs. 

Walang masabi mga ibang may crush sa kanya ako kasama siya araw araw sa class tas sila tamang sulyap lang sa lunch.

"Morning manong!" bati ko sa security guard namin sabay bigay ng coke mismo at spanish bread

"Salamat dito iha" tuwang sambit ni manong

Sumaludo na lang ako at dumiretso na sa gym kung saan madalas nangyayari ang flag ceremony.

Mabilis ko nam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
c_llux
#1
I'm here again haha merry Christmas otor, when ud? HAHAAH
c_llux
#2
Chapter 1: Andito ulit ako haha ud juseyo ~
c_llux
#3
Chapter 1: Wala nabang next?????
zimzalabiatch
#4
Ang cuteeeee
kang_ddeul
#5
Chapter 1: hahaha cutie naman ni win <3
EzraSeige
#6
🥰🥰🥰💙❄
funsize1995 #7
Mukang magnda ganda po itong story ibtayin ko muna mag karon ng ilang chapter bago ko basahin