I.

RWYLM
Please Subscribe to read the full chapter

"Ma'am, we're closing na po."

 

"Can you give me 5 more minutes please?" pakiusap ko sa waiter na lumapit.

 

Anong oras na ba? 

 

10:23 pm.

 

Late na nga. 

 

Ang tagal ko na pala dito. 8 pm ang usapan namin. 10 pm na wala pa rin siya. 

 

"Take out na lang po ba ito, ma'am?" 

 

Tinanguan ko na lang yung waiter.

 

Ni hindi ko man lang natikman yung inorder ko. 

 

Buhay nga naman. Lumingon muna ako sa usual table namin dito. Hoping na magically bigla siyang lumitaw don.

 

"Here ma'am thank you, pero sana pag balik niyo hindi na kayo mag isa. Masyado niyo na pong pinapayaman yung business namin" biro nito habang inaabot yung paperbag.

 

Tinignan ko lang siya. Ito yung laging nagseserve sa amin dati. 

 

Dapat naman kasi hindi ako mag isa dito. 

 

Naglakad na ako palabas. Kung sinuswerte nga naman. Walang grab driver na mabook sa area na to.

 

Mukhang sa MRT ang bagsak ko nito. 

 

Gabi na pero ang ingay ng paligid. Mga nadadaanan kong mga taong busy sa mga buhay nila. 

 

Pumara ako ng jeep papunta sa mrt. Hindi siksikan at hindi rin maluwag sa jeep. Sakto lang. Pero naiirita ako sa nasa harapan kong naka uniform pang dalawang estudyante na makapaglandian ay wagas. Magkahati sila sa earphones left and right. 

 

Mag tatagal kaya tong dalawa? 

 

Well, we used to do that. Look at us now. 

 

Wait,

 

Was there an "us" to look at in the first place? 

 

Masyadong komplikado. Itong parte lang naman ng buhay ko ang komplikado. I worked hard to get everything and as I get it, I lost something. 

 

Something that makes me happy.

 

"Ate-" may kumalabit sa akin. 

 

Nilingon ko ito.

 

Batang nakalahad ang palad. Buti pala pinatakeout ko tong inorder ko kanina. 

 

Nginitian ko na lang ito at inabot yung paperbag.

 

Ngumiti naman to pabalik at naglakad na papunta sa mga kasama niya.

 

Walang halos pasahero sa mrt. Hindi siksikan. Makakapagdrama ako kahit slight.

 

Umupo na ako. Tanginang tadhana to. Sa tapat ng inuupuan ko pa yung usual na upuan namin noong college.

 

Everything reminds me of her. And it makes me pity myself in a whole different level.

 

Everyday feels like the same day. Pasok sa trabaho, tapusin in advanced mga nakatambak sa desk ko, mag out agad then diretso sa waiting spot na dati ay favorite spot namin. 

 

I feel like I'm stuck in a loop. The difference is that.. I notice how people continue with their lives. Growing and changing. Tapos ako, same old me. 

 

Despite of having a stable life and good relationship with my friends and parents, I'm still not entirely happy.

 

Binuksan ko yung bag ko para sana kumuha ng candy nang mapansin ko yung small white envelope.

 

Wedding invitation ng kaibigan kong si Jennie.

 

Parang last year lang niya pinakilala sa akin yung jowa niya ah? Masyadong mabilis pero buhay naman nila yon. 

 

Coming from me na pinagsisihan yung sobrang bagal na phasing na nangyari sa relationship ko.

 

Ang tanda ko na nga. Dumadami na yung regrets eh. Sign na yon.

 

Uuwi na muna ako. Nakakapagod yung araw na to.

 

Pagbaba ko naghanap na ako ng FX. Mabilis naman akong nakasakay kasi pa alis narin yung last na naghihintay.

 

Tahimik lang ako buong byahe. Malapit lapit narin naman yung condo. 

 

Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko ito. 

 

5 Missed call from Joy.

12 Messages from Joy.

2 Missed call from Yeri.

6 Messages from Yeri.

14 Missed call from Jennie.

23 Messages from Jennie.

Click to view more.

 

May ganap ba? 

 

Napakunot ang noo ko sa spam ng mga kaibigan ko. Pagkatap ko nung nasa pinaka taas na recent message bigla nang lumitaw yung caller ID ni Jennie.

 

Hindi naman mga pala text tong mga to or call. Madalas naguusap lang kami sa messenger o dms sa instagram dahil naka android si Joy hindi makapag iMessage.

 

Sinagot ko na lang yung call, mukhang tulog naman yung mga katabi ko at nakaearphones din yung iba.

 

 

"Jennie ano-"

 

"Nasaan ka Irene?"

 

"Huh? Nasa FX bandang pa pasay na."

 

"Yon, bumaba ka muna malapit sa sm wag ka munang uuwi."

 

"Wait, bakit naman wag? May sudden gala ba?"

 

"Wala, explain ko na lang sayo susunduin ka namin don sa sm."

 

"Huh? Wa-"

 

"Bye na, I love youuu"

 

Call Ended.

 

 

Takang napatingin ako sa screen ng cellphone.

 

Ang weird naman? Mag iinom nanaman tong mga to at kailangan ng babysitter kapag lasing na.

 

Chineck ko na lang yung mga messages nila.

 

"Irene??

Wag ka muna uuwi.

Sunduin ka namin nasaan ka? 

Dito ka muna sa amin ha?

Irene sagot ka ng call please.

MADAM PASAGOT NAMAN

 

Etc."

 

Puro ganon yung messages nila.

 

Sadyang walwal na walwal na ba sila?

Gets ko naman na masyado akong busy at last last week pa yung huling pagkikita kita namin na buo pero pwede namang i-schedule muna para hindi ganitong madalian.

 

Yung bayad ko pa naman sa FX sobra na kasi mas malapit na yung bababaan ko. Nakakahiya naman hingin yung sobra.

 

"Kuya, sa tabi na lang po."

 

Pinagpagan ko yung damit ko pagka baba. 11 pm na pero napaka ingay pa rin dito. Maraming taong naglalakad at dumadaang mga sasakyan.

 

Bumuntong hininga muna ako. Dapat pauwi na ako para humilata sa kama at matulog nang mahaba haba. 

 

Pero hindi ko alam bakit sumunod ako sa mga sinabi ng mga to.

 

Bahala na. I feel like importante kasi. Kung hindi man edi pipitikin ko na lang mga ilong nila mamaya.

 

Habang naglalakad ako natanaw ko na si Joy na kumakaway kaway pa. Kasama niya si Yeri, Jennie at jowa niyang naka akbay sakanya, at si

 

Wendy?

 

Bumagal ang paglalakad ko. Bakit nandito yan?

 

Mukhang napansin naman nila na medyo nag alangan ako kaya lumait si Yeri para igaya ako sa pwesto nila.

 

"Mami Irene lika dito namiss ka namin." sabi pa nito bago isakbat yung braso niya sa braso ko. 

 

Pagdating namin don maiikling yakap lang yung binigay nila sa akin except kay Wendy.

 

Hindi naman kami gaano close.

 

"So, bakit niyo ako pinapunta dito?" tanong ko pagkaupo.

 

Ramdam ko na yung pagod sa katawan ko hindi lang physically.

 

Biglang nagiba yung mga facial expression ng mga to.

 

Nakaka kaba yung pinapakita nila ngayon sa akin.

Kung ano man to, bahala na.

 

"Irene-" pagtawag pansin ni Jennie na cinut off naman ni Wendy.

 

"Jennie, ako na."

 

Sabi na.

 

Kung ano mang sasabihin nito. Sigurado na hindi ko magugustuhan.

 

"Irene, sorry dahil sobrang late na pero pinapunta ka pa namin dito. Kung pwede sana wag ka muna umuwi sa condo ngayong gabi if you want sa hotel ka muna nag stay or any houses ng mg-"

 

"Pwede bang sabihin mo na lang kung ano yung gusto mong sab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
user459174826274193
Listen to "right where you left me" by Taylor Swift while reading~

Comments

You must be logged in to comment
kangintobae
#1
Chapter 1: Ramdam ko Yung sakit..huhuhuhu
born10966 #2
Chapter 1: Nooooo this is too sad 😢😭
Moksy23
#3
Chapter 1: Ang sakit sakit nito otor 😭🤧🤧💔