Pauna

Katipunan Station
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Napagtanto ko lang na… ang bilis lang pala ng araw, ‘no? Biruin mo ‘yon, Agosto na. Walong buwan na rin simula noong bagong taon pero parang kasisimula lang.

Naalala ko kung paano ko tinawanan yung mga taong umabot ng anim na buwan bago maka-move on. Sabi ko sa dati sa kanila, masyadong impossible para sa’kin, lalo na’t hindi naman ako madalas naiiwan. Nasabi ko pa, "its the mindset, kung gusto mong maka-move on, mabilis lang ‘yon." Akala ko kasi, palaging madali. Dadating din pala yung para sa’yo.

At siguro sa ilang buwang pananatili ko sa lugar na ‘to, naisip ko na… yung pagmomove-on, hindi naman pala siya tungkol sa pagkalimot. Hindi siya tungkol sa kung paano kalilimutan yung tao, o yung mga ginawa niyo habang magkasama. Tungkol siya sa pagsanay ng sarili sa mga nawala- yung mga naiwang parte o piyesa niyong dalawa. Pagtanggap na ikaw na lang yung natira, at kailangan mo ring lumakad papalayo. Kailangan mo rin na ilipat yung pahina, at basahin yung kasunod ng ikaw na lang mag isa.

Hindi mo pala sila kailangang kalimutan. Napaka-imposibleng pakinggan. Kailangan mo lang umahon, kailangang matutong lumakad ulit, iwanan ang mga naiwang parte—

… maski ang mga paborito mo."

 

 

Pinatay ni Winter ang cellphone nang huminto ang tren. Agad niya itong ipinasok sa bulsa ng kanyang pantalon saka umupo sa paborito niyang pwesto. Isinuot niya ang earphones sa magkabila niyang tainga saka pumili ng kanta.

 

~ Tila huminto ang aking panahon
Walang ibang naririnig kundi ang huni ng ibon

 

"Tila." Bulong niya matapos marinig ang unang dalawang linya ng kantang tumugtog. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang hinihintay na umandar ang tren. Hindi maiwasang maglakbay ang kanyang isip habang nakikinig sa boses ni Clara Benin.

 

Sa dami ng kantang pwedeng tumugtog, bakit ito pa? — ‘Yan ang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ‘yon. Idinilat niya ang kanyang ang mga mata nang marinig ang kaharap na tila may kausap sa telepono.

 

Matangkad, mahaba ang buhok, at maputi. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang humarap ito sa pwesto niya.

 

Sumarado na ang mga pinto ng tren, hudyat na paalis na ito. Samantala, tuloy pa rin ang pakikipagusap ng babae sa harapan niya. Nakita niya ang guwardiya papalapit, at ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Hindi na bago ang sitwasyon na ito sa tren. 

"Ma'am, bawal po makipag usap sa telepono habang nasa tren. Pakibasa na lang ng rules na nakapaskil." Dinig niyang saway nito.

 

"Oh. I’m sorry." Sagot nito saka nagpaalam sa kausap at itinabi ang phone. Ilang minutong tahimik ang paligid. Makikita mong puno ang tren— gaya ng madalas na sitwasyon tuwing alas cinco ng hapon sa Katipunan.

 

"Ang susunod na estasyon ay Santolan Station."

 

Bumukas ang pinto ng tren, at saka bumaba ang mga pasahero sa est

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
dork_seulgi_k
872 streak #1
mabasa nga toh shsjshsjshskh
Gwapako987
#2
Chapter 1: Huuuuy ano ba uavzgajhauab ang cold ni winter pero ba't kinilig parin ako ><
Gwapako987
#3
Chapter 1: Huuuuy ano ba uavzgajhauab ang cold ni winter pero ba't kinilig parin ako ><
kgsbjh #4
Chapter 1: mukhang iiyakan ko na naman ang isang kantni clara benin if ever angst 'to 😭
its_aaarrriii
48 streak #5
Chapter 1: Ang cute ni Karina aaaaaahhhh
Winter ano ba yan, ako lang dapat malungkot dito
howdoyouknowmee
548 streak #6
Welcome back! Upvoted!