Sixth
CHEMusta Ka Naman JOURN??
Karina Ysagun: Winterrrr ok lang ba if pa-check ng gawa ko bago ipasa?
Winter Chavez: Oks lang papacheck ko rin naman akin eh sjkshskhs
Simula noong meet-up namin madalas na rin kami nagch-chat. Hindi ko akalaing may makakausap ako sa Kwangya aside from Ningning and my blockmates sa BS Chem. Ok na rin siguro 'to. At least mayroon akong kilala outside my circle. Besides, she seems fun to be with.
Apart from the NSTP project, andami na ring binigay mga prof namin na requirements kasi malapit na finals. Mula prob set, essay, drawing, at presentation tinambakan kami. Dahil estudyante lang naman kami, wala kaming choice kundi gawin 'to or else hindi kami papasa. Buti nalang natapos ko na yung ibang pinapagawa dati at may nasimulan na rin ako sa mga bagong delivery na assignment sa teams.
Ang problema ko nalang is kung paano ako magr-review nang maayos. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano yung tamang way ng pagr-review. Na-try ko na dati yung Cornell technique na tinuro sa'min noong high school. I admit may mga proven benefits talaga mag note-taking lalo na pag organized 'to. Pati mga highlighter at colored pens pinagdiskitahan ko na noon for the sake of my notes. May times pa nga na mas metikuloso ako sa kulay ng ballpen na gagamitin ko kaysa sa mismong infos na nalalagay ko. Pero dahil time-consuming siya, minsan hindi ko na nagagawa hanggang sa hindi ko na natuloy. Madalas ko ring ginagawa yung memorization and paulit-ulit na basa hanggang sa tumatak sa utak ko. Ang tanong, may tumatak ba talaga? Saka sa course na 'to, hindi sapat ang kabisote lang. Kailangan din ng practice, which is something that's kinda foreign to me. Dati sa math, physics at chemistry nasanay ako na puro memorize lang ng formulas at konting scan. Syempre hindi maganda kinalabasan. Well now we're in college, I can't afford to slack off.
Karina Ysagun: Sent attachment
Karina Ysagun: Sa isang file ko muna nilagay para hindi magkandaleche-leche yung final paper
Winter Catapang: Sent attachment
Winter Catapang: ito akin
Karina Ysagun: okie okie btw baka mamaya ko pa macheck kasi may nire-review ako ehehz
Tutal reviewing naman yung inaalala ko, would she mind if I ask her? Kaso iba kami ng strand and course tho. Anyways it's better than nothing.
Winter Catapang
Comments