fin.

Pwede ba?

"Yujin! Wala ka nanamang ambag! Bumili ka ng seasoning dun sa kanto!" 

 

Aray. 

 

Ako ata talaga ang pabigat dito samin, wala eh, eto lang ako. Sino ba naman ako diba. 

 

Joke lang, kadiri. Di bagay maging sadgirl sakin. 

 

Pumunta ako sa kusina para humingi ng pera pambili nung seasoning. 

 

Birthday kasi ni Leeseo, yung pamangkin ko. Di ko nga alam kung bakit kami yung naghahanda eh may mga magulang naman yun, de joke lang.

 

Panganay na apo kasi 'to tapos babae pa, kaya prinsesa talaga siya ng angkan namin.

 

"Ano yan, ma?" Lumapit ako kay mama at sumilip sa niluluto niya.

 

"Ay nandiyan ka na pala, joke lang yung wala kang ambag ha, love you nak." Sabi niya at naglean palapit sakin tsaka ako hinalikan sa pisngi. 

 

Tumawa lang ako at yumakap sa kaniya. Para lang kasi kami magtropa nito ni mama, bata pa kasi siya kaya nakakasunod sa mga trip naming magkakapatid. 

 

Kung makasigaw kanina ang astig astig, nung nakita naman ako nawala yung kaastigan, softie naman pala.

 

Bunso kasi talaga ang favorite. Joke!

 

"Chicken pastel 'to, nirequest ng baby natin." Dagdag niya pa habang naggigisa nung manok. 

 

"Bibili na po ako nung seasoning, saan pera ma?" Tanong ko.

 

"Ayun, kumuha ka dun sa wallet ko. Yung malaki na bilhin mo ha." Tinuro niya yung wallet niya sa counter. 

 

"Oks oks." Kumuha ako ng singkwenta sa wallet ni mama at nagpaalam na bibili na. 

 

 

 

Paglabas ko, nakita ko yung pinsan namin na papasok naman sa gate. 

 

"Oh, san punta?" Tanong niya. 

 

"Inuutusan ako ni mama bumili sa kanto eh." Sagot ko at nagtuloy maglakad palabas sa gate namin.

 

"Sama akooo! Lalakad kita sa crush mo, real na." Sabi niya habang nakabuntot na sakin. 

 

"Eh! Wag ka na! Dyan ka na lang sa bahay!" Kaso kahit itaboy ko 'to wala din, nakabuntot na sakin eh. 

 

"Grabe ka naman, Winter na 'to oh! Ako lang 'to." Mahangin na sabi niya, sarap talaga isubsob nito eh. 

 

Di ko na siya sinagot, hinayaan ko na lang na nakasunod sakin. Bakit kaya nandito 'to? Mamaya pa naman yung celebration ni Leeseo, ang aga pa may bwisita na. 

 

Tahimik lang kami naglalakad hanggang sa nakalapit na kami sa tindahan, nakita pa namin yung may-ari nito na nagwawalis sa tapat. 

 

"Yujin, birthday daw ni Leeseo?" Tanong ni Ate Hyewon sakin, yung may-ari ng tindahan. 

 

"Ahh, opo." Mabilis na sagot ko, nahihiya kasi ako sa kanya. Ang ganda ganda kasi parang yung anak niya, kaya crush ko yun eh. Hala, joke lang! 

 

Pero ate tawag ko sa kanya kasi ang ganda niya talaga para tawagin ng mga tawag pangmatanda. 

 

"Ano ba bibilhin niyo?" Tanong niya ulit. 

 

"Seasoning lang po, nagluluto na po kasi si mama." Sagot ko ulit sa kanya, 'tong pinsan ko naman pangiti-ngiti lang sa tabi ko. 

 

"Ay yun lang pala, kuha na lang kayo. Wag niyo na bayaran, para kay Lesseo naman pala." Nakangiting sabi niya, tuwang tuwa talaga yung mga kapitbahay namin sa pamangkin ko. 

 

Ang gandang bata kasi nun tapos ang bibo pa. Well.. wala eh, nasa genes talaga. 

 

"Yun oh! Ate Hyewon penge din pala tupperware para mabigyan namin kayo handa ni Leeseo." Sabat nitong pinsan ko.

 

Aba! Gagong 'to! Nagsisimula pa nga lang magluto si mama tapos nagpapamigay na agad ng handa. 

 

"Ay salamat! Pagbili nyo na lang nung seasoning, isabay nyo yung tupperware, andun si Wonyoung sa tindahan." Para akong natuod sa kinatatayuan ko nung narinig ko yung sinabi ni Ate Hyewon. 

 

Naramdaman kong siniko ako ni Winter at hinila na ako paalis, katabi lang naman yung tindahan pero di namin kita yung nagtitinda kanina kasi medyo mahaba 'tong pader ng bahay nila Ate Hyewon. 

 

Bago pa kami pumunta sa tindahan, huminto sa paglalakad 'tong pinsan ko, kaya huminto din ako. 

 

"Umayos ka ah, may plano na ako para umunlad yang lovelife mo. Grabe, big brain era ko talaga." Ngiting-ngiti siya at kinakabahan ako sa naiisip niya. Bakit ko ba kasi sinama ang mokong na 'to. 

 

"Oo na! Bilisan na natin baka ratratin ako ni mama pag-uwi!" Iritang sabi ko sa kanya.

 

"Uyyy, gusto na makita si Wonyoung. Yieee.." tinutusok-tusok niya pa yung tagiliran ko. Hayop talaga. 

 

Di ko na siya pinansin at dumiretso na sa tindahan. 

 

Kaso parang gusto ko na lang bumalik sa bahay. 

 

Bakit naman ganito, Lord? 

 

Wala naman siyang ginagawa, nagcecellphone lang siya pero ang ganda ganda pa din! 

 

Lord, may favoritism ka talaga, 'no? Joke!

 

 

 

Magsasalita na sana ako kaso sumabat nanaman 'tong pinsan ko. 

 

"Pabili po! Ay hello, Wonyoung!" Ang galing umarte ng bonak na 'to. 

 

"Uy, hello. Ano yun?" Tanong samin ni Wonyoung. 

 

Gago, yung boses. Ang hinhin, ang sarap sa tenga. Ang lala na ng kabadingan ko, pls. 

 

"Yung magic sarap na malaki, sabi ni Ate Hyewon wag na daw kami magbayad, birthday kasi ni Leeseo ngayon." Tuloy-tuloy na daldal nitong katabi ko. 

 

"Ah sige, wait lang.." tumayo siya at inabot yung magic sarap, "ito oh." Inabot niya samin yung seasoning at ngumiti ng tipid. Ngumiti lang din ako pabalik.

 

Tatalikod na sana ako para umuwi nung nagsalita ulit si Winter. 

 

"Pwede rin daw ba manligaw si Yujin? Nagpaalam na kami kay Ate Hyewon, pumayag naman." 

 

Nanlaki yung mata ko at napatingin sa pinsan ko, sinasabi ko na eh! Wala talagang magandang dulot tong si Winter! 

 

Dahan dahan akong lumingon kay Wonyoung, pulang-pula na ako ngayon sigurado ako. Nung makita ko siya, hindi siya makatingin samin pero namumula din siya! 

 

"Pumayag si mom?" Tanong niya pero hindi pa rin makatingin samin. 

 

"Oo, wait lang ah, tignan mo pa." Napatingin ulit ako sa pinsan ko. Pota, di pa tapos? 

 

Kahit gusto ko na umuwi, di na ako makagalaw sa tinatayuan ko. Di ko na din alam kung bakit! 

 

Nakita kong bumwelo sa paghinga 'tong pinsan ko..

 

"Ate Hyewon!!" sigaw niya. 

 

"Wonyoung, pinayagan ko na yan si Yujin! Pagbigyan mo na!" rinig naming sigaw ni Ate Hyewon pabalik. 

 

Shet. Shet. Shet. Gago!

 

Ginogoyo ka lang nitong pinsan ko, Ate Hyewon! Oh may ghad! 

 

Napatingin ako ulit kay Wonyoung, bad move! 

 

Nakatingin na din siya sakin dudeparechong! Ang puso ko naman! 

 

Di ako pinapaki ni mama na duwag! Tumingin ka din Yujin! 

 

Ehhh, hindi ko ata kaya huhu. Ang ganda ganda, Lord! 

 

Huminga ako nang malalim bago tumingin sa kanya, feeling ko everytime na titignan ko siya maghihina talaga ako. 

 

Nakatingin din siyang parang nagtatanong sakin kung totoo ba yung sinasabi ni Winter. 

 

Klinaro ko muna yung lalamunan ko, nakakahiya pag pumiyok ako eh.

 

"Ah, oo. Sorry pala biglaan, pero.. ah.. ano." Naramdamanan kong kinurot ako ni Winter. Pucha, ng sakit! 

 

"Wonyoung, gusto kita. Sobra. Yung sa p-panliligaw, pwede ba?" Kabado kong tanong sa kanya. Pero hindi ako nautal! Who you kayo ngayon! 

 

Hindi siya sumagot pero namumula pa rin siya, di ko tuloy alam kung ano mararamdaman ko.

 

Tumayo siya tapos may kinuha dun sa lalagyanan nila ng pera ata? Bibigyan nya ba ako ng sampung milyo para layuan siya?

 

"Siguro it depends, Yujin." Sabi niya at lumapit samin tsaka kinuha yung kamay ko, may nilagay siyang maliit na.. papel?

 

"Sige na, baka hinahanap na kayo. Happy Birthday kay Leeseo." Nakangiting sabi niya, so anong sagot niya sa tanong ko? 

 

"Ay sige, makakarating. Salamat dito, Wonyoung!" Paalam nitong pinsan ko tapos hinatak na ako pauwi. 

 

 

******

 

 

Inabsorb ko lang yung pangyayari kanina habang naglalakad kami pauwi. 

 

Parehas kaming bumagsak ni Winter sa sofa, tahimik pa rin ako. Wala kasi akong nakuhang sagot kanina, basted ba ako o ano? 

 

"Ay teka nga, ano yung inabot niya sayo?" Tanong nitong pinsan ko, naalala ko din yung papel ata yun, nailagay ko sa bulsa eh. 

 

"Teka, kuhain ko lang, kinaladkad mo na kasi ako kanina eh." Sabi ko habang kinakapa yung papel sa bulsa, nung nakita ko, kinuha ko na para ilabas. 

 

Itong magaling kong pinsan sumiksik naman sakin para tignan din kung ano yung laman nung papel. Napakachismosa talaga grabe.

 

Pinaghahampas ako nitong katabi ko nung makita naman kung ano yung nakalagay sa papel.

 

09xxxxxxxxx, it depends if you'll take me out on a date ;)

 

"Hala, gago ka! Pag yan hindi mo dinate shuta ka, sinasabi ko sayo Yujin! Layag mga bading!" 

 

Parang mas kinikilig pa 'tong pinsan ko, parang gago. 

 

Hindi ko na mapigilan yung ngiti ko, kaya hinayaan ko na lamg. Tanggal talaga angas ko kay Wonyoung eh. 

 

Date lang pala eh, sus basic.

 

 

Ilang minuto lang din kumalma na 'tong bonak na katabi ko. Hindi ko alam kung bakit feeling ko may nakalimutan akong gawin kapag tintignan ko si Winter. 

 

"Oh, bat ganyan ka makatingin?" Tanong niya sakin.

 

"Feeling ko may nakalimutan tayo eh." Seryoso kong sabi sa kanya, mag-isip ka din beh, di yung ako lang nahihirapan. 

 

Natahimik lang kami, feeling ko nag-iisip na din 'to.

 

Nagulat ako nung hinampas niya yung center table namin, buti na lang hindi babasagin yun! 

 

"Ang tupperware, Yujin! Ang tupperware!" Nanlaki ulit yung mata ko sa sinabi ni Winter.

 

Pucha, oo nga! Nakalimutan namin yung tupperware ni Ate Hyewon! 

 

Anak ng! Baka malaman ni Wonyoung na ginoyo lang siya ni Winter kanina! 

 

Baka bawiin yung pagpayag magpaligaw, tangina. 

 

Winter kasi eh! 

 

"Maaaa!" Sigaw ko mula dito sa sofa, rinig naman ako sa kusina eh. 

 

"Bakit? Anong problema mo?" Sigaw niya pabalik. 

 

Nagpunta ako sa kusina pero sa pasukan lang ako, nilusot ko lang yung ulo ko dun at nagpacute. Nabigay na kasi namin yung seasoning na kailangan niya, ayaw nyang ginugulo siya pag nagluluto eh.

 

"Pwedeng ipagbalot ko sila Ate Hyewon? Hehe." 

 

Dadamihan ko na lang para walang masabi si Ate Hyewon, kung malaman man ni Wonyoung na ginoyo siya ng pinsan ko, bahala na. 

 

 

Winter kasalanan mo kasi lahat 'to eh!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chillggstan
hello!

ang cute lang nila so I decided to make a oneshot.
everyone, stan ive also!! they're so talented din :>

i hoe you enjoyed this oneshot, thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uniquelisteners
#1
Chapter 1: cute awee
rabbitjiu
#2
Chapter 1: aNG CUTE
reigngrey #3
Chapter 1: Sana meron yung ligaw part at yung date. 😁
ChanYoungie
#4
Chapter 1: more chap of this juseyoooo
heemejin
#5
Chapter 1: bakit po isa lang 😭 /10 million para ituloy