hay bohai

Hate Between Love
Please Subscribe to read the full chapter

"dali na ning pakilala mo na ako kay minju! Parang ang hina hina ko naman sayo ohhh"

 

Tumigil naman siya sa ginagawa niya at saka tumingin saakin ng masama, na siya namang ngiti ko sakanya hahahaha alam niyang di ko siya titigilan kaya sana naman diba??? Wag niya akong hintayin manakit dahil gusto ko lang naman na makilala ako ni minju apaka damot!

 

"ako retniw tigil tigilan mo ako ha? Wala ka bang gagawin? Ang dami dami mong time mangulit ah" irap niyang sagot saakin sabay balik ulit sa sinusulat niya

 

Tignan mo to! Hindi ko naman siya pinansin at tuloy lang sa pang gugulo

"ihhh dali na dali na ning!" pangungulit ko sabay palo palo ng braso niya "papakilala mo lang naman ako ih! Promise titigil na ako"

 

"bakit ba? Akala ko mag papaka mysterious ka" sagot niya at pinag pagpag ang papel na sinusulatan niya "bakit hindi na umuobra ang pa letters at flowers mo every morning sa locker niya?" pahabol nyang tanong

 

Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko nga alam kung nababasa niya ba yun ehh tsaka sino ba naman ako para makilala niya char hahahah. Bago pa nga ako mag lagay ng letters ko dun andami dami ng naka ipit. Ang tindi ng competition! Kailangan kong mag step up. Kaso itong kulugo na to ayaw ako tulungan apaka damot! Mag ka org kasi sila ni minju eh, sayang  nga! Kung alam ko lang talaga edi sana nagpa demonyo nalang ako dito kay ning nung niyayaya niya akong sumali sa org na sasalihan niya hayy.. Gaano ba kasi katangkad ang pag sisisi at laging nasa huli

 

"dali na ning! Alam mo namang tatlong taon na akong may crush kay minju, kaya naisip ko lang na ano..." ano nga ba? ano nga bang sumapi saakin at gusto ko nanaman mag papansin? hahahaha hmmm.. "Ito na ang tamang panahon para mapansin naman niya ako" paliwanag ko sakanya. Sabay lagay ng kamao ko sa dibdib sabay ngiti ngiti pa ako sakanya hihihi

 

3 years.

 

3 years na akong may gusto sakanya pero hanggang tingin lang ako lagi sa malayo. Hanggang lagay lang ng letters sa locker niya , kapag maakasalubong ko siya sa hallway lahat gagawin ko wag niya lang ako mapansin dahil maiihi ako sa taranta, kaya kahit nasa iisang building lang kami hindi niya parin ako kilala. grabe! Gaano ba kahirap ang mag ka gusto sa isang tao at kailangan pang umabot ng taon bago ka panigan ng universe????

Tsaka mag kakagusto nalang ako dun pa sa taong hindi ko abot huhuhu sino nga ba naman ako kumpara sa isang kim minju. Sobrang ganda niya kaya, matalino, officer pa siya sa student council. Tapos ako ito ka-cute-an lang ambag sa lipunan hayss..

 

"ayun na nga 3  years ka ng may gusto sakanya wala parin nangyayare, di ba dapat tumigil ka na?" sagot ng loka loka. Aba! Eh kung pag hinga nya ang itigil ko dyan?

"tsaka paano naman kasi na may mangyayare kung wala ka namang ginagawa diyan?" tignan mo hindi pa tumigil? Eh kung sakalin ko to?

 

Inirapan ko lang siya. Hayyyy.. 3rd year college na kami isang taon nalang at gagraduate na wala man lang akong amazing moments with minju baby my loves.

 

Napakalumbaba nalang ako habang nakatingin sa bintana, hayy.. Bakit ba kasi ang sipag netong si ning shuta di ko madaldal to kapag may ginagawa ehhhh

 

 

"yow retniw! Tulala ka dyan? Si minju iniisip mo nu?" asar ng kararating na ryujin saakin bago niya binaba ang bag sa katabi kong upuan.

Mag sasalita na sana ako ng syempre bilang andito ang paepal na ningning siya ang sumagot

"ayy nako kung alam mo lang gaano ako kinulit niyan para ipakilala ko siya kay minju" napaka papansin talaga!

"hahahaha sus parang hindi ka naman sanay diyan kay winter parang every year lagi naman yan mangungulit tapos kapag ipapakilala mo na biglang aatras" sagot ni ryujin at inilabas ang papel sa bag niya, deretso naman siya sa tabi ni ning at kumopya ng sinusulat. Ano ba tong pinag susulat nila eh wala namang assignment sa pag kaka alala ko hmmppp! Anywayyyy….

Nakakairita talaga tong dalawa na to, parang mga hindi kaibigan eh! LF po new friends!

 

Maya maya naman ay dumating na ang prof namin

 

"yes! Save by the bell!" sigaw naman ni ryujin at saka nag unat unat. Tapos na niya siguro yung sinusulat nila ni ning. Napa-kibit balikat lang naman ako. Bahala kayo sa trip nyo dyan

 

Nag aayos lang ng gamit ang prof namin sa harapan habang ako tulala parin at nakapangalumbaba. History ang subject, grabe nakakatamad T_T sarap tulugan ihhhh!

 

 

"okay class before we start pass your assignment in front"

 

Huh? Assignment? In front? Teka…

 

Napa ayos naman ako ng upo shet shet shet! Anong assignment tekaaaa!!!

 

Wala pa sa alas kwatro kong nilingon yung dalawa. Nakakairita ang laki ng ngiti ni ryujin! Mga traydor! Ang dami dami kong oras sa pag eemote kanina hindi man lang nag sabi saakin?? Bakit bakit?!

 

Alexa! Play Traitor by Olivia Rodrigo!

 

Malinaw na saakin ang lahat! Aalis na ako sa grupong to! Wala ng nag mamahal saakin! Mga traydor!!!

 

Matalim kong tinignan ang dalawa, syempre si ning tinignan lang ako ng walang emotion tsk robot yan eh walang emotion!! Itong ryujin na to talagaaa eh! Alam kong sinasadya niya na hindi sabihin saakin! Mamaya ka saakin!

 

Pero seryoso nga akala ko next week pa pasahan ng essay na yun huhuhu o namali lang ako ng tingin? E.O c

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: tapos si mareng k din ata makakasama niya~ HAHAHA