January 12, 2018

Para Kay R

R,

 

Hindi ko alam kung bakit gumagawa ako ng sulat ngayon para sa iyo. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Pero isa lang ang sigurado ako. Ang lahat ng masusulat ko ngayon ay totoo, walang halong pagbibiro at walang halong pambobola.

 

Karina Reagan Nicole Marie Yoo. Ang unang pumukaw talaga sa pansin ko noong una tayong nagkakilala ay ang pangalan mo. Ang haba naman kasi. Tandang tanda ko pa lahat. Nagkaroon ng shuffling ng classes pagdating ng second year kaya kalahati sa mga classmates ko noon ay bago. At dahil nga doon, syempre di maiiwasan ang walang kamatayang 'introduce yourself'.

Sa totoo lang, hindi talaga ako nakikinig sa mga nagsasalita sa harap. Paano ba naman kasi, daldal ng daldal si Ning tungkol sa poging nakilala niya during summer vacation. Nagulat naman ako ng biglang tumahimik ang klase kaya napatingin ako sa harap. And lo and behold, nakatayo ka lang naman. Katulad ng sinabi ko kanina, lahat ng isusulat ko dito ay katotohanan lamang, kaya huwag kang mag expect na pupurihin kita sa parteng ito. Dahil sa totoo lang, wala akong reaction noong nakita kita noon. Nagtaka talaga ako kung bakit nanahimik ang lahat samantalang wala namang unique sayo aside sa matangkad ka lang at maputi.( Sabi nila Ryujin ay self centered daw akong tao at kaibigan ko lang ang pinapansin ko, so please wag kang ma offend if yun yung una kong impression sayo.) 

 

"Hello everyone. Im Karina Reagan Nicole Yoo. Im 16. Nice to meet you."

 

Oo na. Para sa taong walang pakialam sa paligid, siguradong magtataka ka kung bakit memorize ko pa ang introduction mo. Sa totoo lang ay may dalawang dahilan kung bakit. Una, sobrang haba ng pangalan mo. Nagtaas pa nga ang isang kilay ko kasi akala ko noong una ay nagbibiro ka lang. Iniisip ko tuloy noong panahon na iyon ay baka solong anak ka lang kaya binigay na sayo lahat ng gustong pangalan ng nanay mo. (Which is not true dahil nalaman kong anim pala kayong magkakapatid during our activity ). Pangalawa, kaapelido mo lang naman yung crush na crush kong volleyball player na si Samatha Yoo. Nakakalungkot lang dahil hindi na siya naglalaro ulit sa UAAP kahit ma may isang taon pa siya dahil sa ankle injury niya.

 

Anyway, hindi naman talaga tungkol sa pangalan mo yung paksa ng sulat na ito. Balak ko lang sanang mag kwento sayo in my point of view ng mga nangyari ng mahigit tatlong taon para maintindihan mo ang current dillema ko. 

 

So balik tayo sa second year timeline. Pasensya ka na ha. Magulo kasi akong magkwento. Kaya mas maganda sigurong mag simula ako sa unang taon na nagkakilala tayo. 

 

Second year College. 

 

Sa di ko malaman na dahilan, naboto ako as President. Hindi ko tuloy matukoy kung seryoso ba sila or pinagtritripan lang ako. As the president, I have everyone's phone number for me to send information incase they didn't read our group chat in messenger. I think isa iyon sa dahilan kung bakit naging close ko kayong magbabarkada.

 

Apat kayong magbabarkada. If my memories serve me right, magkakaibigan na kayo way back elementary days. Kumbaga through thick and thin talaga kayo. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit protective kayo sa isa't isa. At isa lang naman akong saksi doon. Tanda mo ba noong summer break after second year? I passed the qualifying exams that time kaya hindi mandatory na umattend pa ako ng summer class. Pero dahil wala naman akong magawa sa bahay that time at naisip ko rin na bumawi kay Minju dahil naging busy ako for a month sa pagrereview ay pumapasok pa rin ako.

Alam mo ba kung anong nangyari nung natapos yung first subject? Hinila niya ako sa isang vacant room para mag usap kami kasi daw ay kinausap mo siyang hiwalayan na ako dahil hindi na daw ako nagiging mabuting girlfriend sa kanya. Sa totoo lang, napaisip talaga ako noong panahon na iyon. Oo, kaibigan ka niya pero sino ka para diktahan siyang hiwalayan ako. Alam mo bang naisip ko rin na baka aside sa pagiging protective sa kanya ay may galit ka sa akin dahil nakipag hiwalay ang boyfriend mo sayo few weeks ago. Hindi ko naman alam na sobrang seloso siya to the point na pati ang kapartner mo sa play ay pinagseselosan niya. Hindi ko rin alam kung sinabi mo ba na hindi kayo talo dahil lalaki din ang gusto ni Jeno. At mas lalong hindi ko rin alam kung bakit ako ang tinatawagan ng ex jowa mo dahil ako daw ang nagpartner sayo kay Jeno. Oo na. Ako nga ang president pero sana naman pinaliwanag mo sa kanya na kayo ang binoto ng buong klase para maging protagonist ng play. 

 

Baka iniisip mo na sinisisi kita ha? Hindi naman kasi. Tutal ay nagpapakatotoo naman ako ngayon ay wala naman sigurong mawawala kapag ilalahad ko na ang lahat. And when I say lahat, i mean it. Kahit ang mga bagay na ayaw ko sayo o mga panahong nainis ako sayo. 

 

But enough with Minju. Tungkol sayo ang sulat na ito. 

 

Third year. Maraming nagbago. Nag reshuffle na naman. At ewan ko ba kung bakit pero magkaklase pa rin tayo. Kayong dalawa nalang ni Aeri ang naiwan samantalang si Minju at Yuqi ay nalipat ng ibang section. At dahil doon ay hindi na maiiwasan na maghiwalay na rin kami dahil sa kawalan ng oras. I hope hindi kayo nagalit sa akin noong nakipag hiwalay ako . Hindi lang naman kasi oras ang dahilan ng lahat. Marami pa. At hindi ko na babanggitin dito dahil tulad ng sinabi ko kanina ay ang sulat na ito ay tungkol sa iyo at hindi sa kanya. 

 

 

Hindi ko rin alam kung kelan ba talaga nagsimula ang lahat. Ang natatandaan ko lang kasi noon ay nagsimula ang lahat sa story sa wattpad. Mahilig kasi ako sa mga mystery thriller genre. Yung tipong mag iisip ka pa. At ewan ko ba kung swerte o malas pero mahilig ka rin pala doon. Nalaman ko nalang na parehas pa tayo ng binabasa noong nakita mo akong nagbabasa sa phone ko noong free time dahil wala si Prof Ignacio. 

Simulan noon ay lagi na tayong magkatext para mag usap kung sino sa tingin natin yung totoong killer. Pati ang mga clues at mga foreshadowing dinidiscuss pa natin. Akala ko noong una ay hanggang doon nalang. Pero habang tumatagal ay kung saan saan na napadpad yung topic natin. Minsan tungkol sa mga school works, minsan naman sa kung saan saan lang. Umabot pa nga na kahit summer breaks ay magkausap tayo. Marami akong nalaman sayo tulad ng pangatlo ka sa magkakapatid, na ayaw mo naman talagang mag accountancy at gusto mong maging doctor pero di mo tinuloy dahil pinapaaral ka lang ng ate mo at accountancy ang pinili niyang course para sayo. Hindi ko rin naman siya masisi, dahil kung hindi ka nag accountancy, malamang, di tayo magiging magkakilala.

 

Fourth year college. Ako ulit ang president. Lang ya talaga. Parang tinamad na yung mga ka blockmates kong bumoto at ako nalang ang tinuro para tapos na. Buti nalang at tinuro kong Vice si Ningning para sulit ang pag nominate niya sa akin noong second year.  

 

Classmate pa rin pala kita pati na si Aeri. Busy nga lang kayong dalawa dahil parehas kayong member ng Student council. Secretary ka habang siya naman ay Auditor. Expected naman na mananalo ka last election. Bukod kasi sa mabait ka na ay palakaibigan ka rin. Sobrang magkaiba nga ang ugali natin dahil para daw akong laging may toyo sabi ni Ryujin dahil madalang lang daw akong ngumiti. Ewan ko sa isang iyon, alangan namang ngitian ko yung mga di ko kilala diba?

 

First sem ng fourth year. Thesis days. Mapapamura ka nalang sa inis. Pano ba naman kasi ay kagrupo ko si Ryujin, si Ning at si Chaeryong. Tapos ako pa ulit ang alay na leader. Si Chaeryong alam kong may mahihita ako dito, yung dalawa lang talaga. Bukod sa laging nangongopya ng assignment e sobrang tamad lang talaga. Kung di ko lang kaibigan tong dalawa ay malamang tinganggal ko na ang pangalan nila. Anyway, hindi na ako magkwekwento kung gaano kastressful ang thesis days. Alam ko naman alam mo na kasi lagi akong nag rarant sayo lahat lahat. Pati pag wawalk out ko dahil nagkasagutan kami ni Ryujin ay nakwento ko na rin sayo. Ayos ka rin kasi, sa sobrang bait mo, di ko napigilang mag open up. Magaling ka kasing makinig at hindi ka mahilig mag judge.

 

 

Ang haba na pala ng kwento ko. Oras na pala siguro para sabihin ko yung kanina ko pa dapat sinabi. Ang buong punto nitong sulat ay para itanong lang . Sino ba yung tinutukoy mong nagugustuhan mo?

 

Baliw ka kasi. Tungkol lang sa Rizal subject natin yung pinag uusapan natin kanina tapos bigla mo akong tatanungin ng "Winter, pano mo malalaman kung nagkakagusto ka na sa kaparehas mong babae?". Gago ka ba Karina? Nanlamig ako sa tanong mo na yon kaya antagal kong di nakasagot. Paano ba naman kasi ay matagal na akong may gusto sa iyo pero binabaon ko lang dahil alam kong straight ka. Tapos bigla mo akong tatanungin ng ganyan. 

 

Siguro nagtaka ka kung bakit tanong ako ng tanong kung sino pero ayaw mo namang magbanggit ng pangalan. Feeling ko tuloy hindi totoo na nakilala mo siya sa isang Student council activity last December at kilala ko talaga siya. 

 

Pero dahil na mabait akong kaibigan ay sinabi ko nalang na " Normal naman na magka girl crush no. Nasa sayo nalang kung ipupursue mo" sabay hirit ng "ano bag nagustuhan mo sa kanya?". 

 

Natawa nalang ako nung sinabi mong cute siya. Hello Karina. Bulag ka na ata. Feeling ko mas cute ako sa kanya. Puppy pa nga tawag sa akin nila Ningning kasi daw mukha daw akong cute na chihuahua. Naputol nalang yung pag uusap natin nung nagpaalam kang magsasagot ng assignment sa Business Management. 

 

Overthinking tuloy na malala. Alas tres na pero heto ako sumusulat nalang para pamapalipas oras. Pati tuloy mga kaganapan last month ay pilit kong inalala. Binalikan ko pa nga yung mga message mo nung nasa camp ka dahil baka may nabanggit ka doon tungkol sa nakilala mo pero wala talaga.

 

 

Pero nakakahurt ka ha. Akala ko ba friends na tayo. Ang dami mo na ngang nakwento sa loob ng tatlong taon tapos pangalan lang ng unang girl crush mo di mo pa mabigay? Siguraduhin mo lang na mas cute kesa sa akin yan ha para di masayang ang eye bags na naipon ko tonight.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Taglamignanaman
Thank you for everyone who read and commented!
Now that its done, may we move on from the past that brings us pain and start a new chapter to find peace.

Comments

You must be logged in to comment
WinTeT_7777 #1
Chapter 13: Hits different now
Azikiel #2
Chapter 13: Huhuhu WHYYYYYYYY... Bitin
bossyart #3
Chapter 13: Tang ina, ang sakit.
u_ujiman #4
Chapter 13: Sakit pa rin pala, but I guess, ang magagawa na lang talaga ay malunod sa what ifs. :))
Elatedbliss #5
Chapter 13: Hay Winter until the end talaga you sacrifice your love for her instead of telling the truth about what Lucas did.

Madaming what ifs nga kung nagkaaminan kayo way back but I guess some things are not meant to be.
u_ujiman #6
Chapter 12: Welcome back pala, authorrr!!

I know naman mula sa foreword na wala nang pag-asa pero, kahit walang bagong character for Winter, basta maging masaya siya after.

Ang daming sayang. Nagsettle siguro si Rina kay Lucas kasi sa tingin niya hindi niya mabuburden, kabaliktaran nung kay Winter. Sa tingin niya hindi na kakayanin ni Winter ang relationship, pero hindi niya alam siya rin yung pahinga niya.

Congrats Rina, sana sumaya kayo. Ano kayang reaction ni Winter, ang sakit nun ah. Kung sakali sigurong nareceive ni Karina yung kanta at alam niyang galing to kay Win... Baka iba ang mangyari. Daming what ifs, pero I only hope the best for Win na lang.
u_ujiman #7
Chapter 11: Nakakagalit si Lucas, pero wala naman nang magagawa.
u_ujiman #8
Chapter 12: Sakit niyo puta
dnlsxjrla
#9
Chapter 11: tama naman si minjeong, 'wag niya na lang sigurong sabihin. 'wag na lang din sanang sabihin ni seulgi pagbalik niya sa loob, kasi hindi naman dapat sa kanilang dalawa manggaling 'yan, kay lucas sana dapat. (liit-liit ni minjeong pero nagpapaka-bigger person. hays lucas, hindi 'to kaya ng bayag mo)

ang kaso nga lang, sa tingin ko hindi 'yon aamin si lucas, kasi bukas na yung kasal, alam niyang malaki ang posibilidad na maudlot pa kung aamin man siya. sa ugali niyang 'yan, duda ako. (mga hatdog nga naman, hatdog moments)

tapos naisip din siguro ni minjeong na i-consider yung feelings ni karina. feelings ni karina hindi sa kanya, pero kay lucas. limang taon niyang ka-relasyon 'yon, papakasalan na nga niya bukas, ano na lang ang mararamdaman ni karina kapag nalaman niya lahat?

hintayin ko next chapter, hindi ko mahulaan kung anong susunod na mangyayari, hindi rin kasi basta-basta yung limang taong relasyon nung dalawa, marami na silang pinagsamahan.

p.s. ano kayang nangyari sa girl crush kunno ni karina? kaya hindi ko rin masisi kung bakit umasa si minjeong ng malala dahil sa paganito niya eh. tapos biglang sila na nung pinsan, saet tuloy. ang malala rito, wala pang ideya si karina sa lahat ng naramdaman at naranasan ni minejong.

p.p.s. ang tagal ko 'tong hinanap sa subscriptions ko noong isang araw—bigla ko kasing naalala—pero hindi ko siya nahanap. buti na lang talaga at nag-update ka, author-nim. galing ng timing! welcome back, author-nim! :)
Elatedbliss #10
Chapter 11: Welcome back Author!!


Pero P**a***na mo Lucas! Nkakainis!

Hay Winter! If I can just hug you I will and why do I feel like Seulgi went in the bar not to get a drink but to confront Lucas or maybe talk to Karina. My chance pa ba ang Winrina? Pero if wala pls give Winter a happy ever after nman but with a new character.