unang araw pa lang,

K-12 Curriculum
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 1

 

Panibago na namang academic year ang hatid sa estudyanteng si Wendy. Ngayong taon ay isa na siyang Grade 11 HUMSS student sa SMU, isang Catholic private school. 

 

Simula Grade 1 pa lang ay dito na siya nag-aaral kaya naman ay pamilyar na siya sa lugar, sa kultura ng mga admins, faculty, and staff, at sa mga estudyante dito. Active din siya sa mga paganaps sa school nila elementary pa lang. Kadalasang pambato siya sa mga outside school competitions mapa acads man o mapa talent portion. At hindi lang yun, dahil isa rin siyang football varsity sa kanilang school team. Hinikayat rin siya ng mga naging guro niya nung JHS na maging Student Government Officer, kaya ayun, tumakbo at nahalal siyang Treasurer simula Grade 8 hanggang Grade 10. Kung paano niya pinagsabay-sabay Catherine ano ba! sa schedule niya yun without sacrificing her social life ay huwag niyo na lang tanungin, hindi niya rin talaga kasi masasagot. Just Wendy ace things, me thinks. Charot. Not.

 

Pero ngayong taon ay balak niyang mag lie low nang kaunti at i-enjoy ang school ganaps niya. Napagdesisyunan niyang huminto na sa pagiging student athlete at wala na siyang balak tumakbo pa ulit sa student government council ngayong taon. It was fun while it lasted ika nga. Ayaw niyang ma burnout in the long run. Pero sasali pa rin naman siya sa mga orgs kung natripan niya.

 

Ngunit ganun pa man ay hindi niya maiwasang kabahan sa taon na nag-aabang sa kanya. Siguro ay dahil unti-unti nang nag si-sink sa kanya na sa isang taon ay Grade 12 na siya tapos sa susunod naman ay kolehiyo na tapos baka hindi na niya mamamalayan nasa workforce na siya. 

 

Advanced lang naman siya mag isip. Atsaka kaunting manifestation lang na smooth-sailing ang pag graduate niya sa hinaharap. Napailing na lang si Wendy sa iniisip, masyado nang na 3x ang pag fa-fast forward niya sa future.

 

Pero kahit kinakabahan siya, syempre excited pa din siya sa mga Let me introduce you to some new things in general. Sabik na siyang makilala at makipagkaibigan sa mga magiging kaklase niya, panigurado ay ibang set ng students, mapa old or new students man yan, ang kanyang magiging ka block section ngayong senior high. Excited na may halong takot din siya sa makikilala niyang new set of teachers. Sa elementary at JHS faculty lang naman kasi siya pamilyar, bagong mga teachers na kasi ang mayroon sa SHS. Hiling niya lang na kaunti lang yung mga terror teachers. At sana chill lang ang kanilang magiging class adviser. Fingers crossed. Excited din siyang matuto sa mga magiging lessons nila actually. Walang halong plastikan dun ah. At higit sa lahat, sabik na siya sa magiging bagong karanasan na hatid sa kanya ngayong taon.

 

Naka upo na si Wendy sa assigned room ng section niya at hinihintay ang kanyang mga kaibigan na thank God ay kaklase niya this school year. Unti-unti na ring nagsisidatingan ang kanyang mga kaklase sa classroom dahil malapit na rin ang hudyat nang pagsisimula ng klase, although class orientation with their adviser pa lang naman today. Tinanguan niya ang mga kakilala niyang old students at nginitian niya naman ang para sa kanya’y mga bagong mukha. Kung meron mang patimpalak sa pagiging Miss Congeniality ay sure-win na siya dito.

 

“Ang tagal naman nung mga yun. First day na first day, late agad.” Pabuntong-hiningang sabi ni Wendy sa kanyang sarili habang inoopen ang messaging app upang ichat ang tropa niya sa kanilang gc. 

 

wanliit: anuna guys baka kayanin nating dumating on time for today’s video 😀

wanliit: i’m shy with our new classmates >.< 

wanliit: chariz pero saan na kasi kayo

oseul: nag canteen pa kami ni sunmi :D 

grabdriver: naol may bebe time 

oshkosh: naol may bebe

grabdriver: eh kung umamin ka na kasi at ligawan mo edi sana may bebe ka na din

oshkosh: ih shytype din po aq 

wanliit: thank you sa pagsagot 👍🏻

wanliit: appreciated ko talaga

eloey: galit niyo na si aling maliit

grabdriver: nako wan oh payag ka dun

grabdriver: minamaliit ka na naman ni yeol

oshkosh: kung ako yun di ako payag dun 

grabdriver: kung ako yun kokotongan ko yun

wanliit: ewan ko sa inyo 🤦‍♀️

wanliit: wag kayo manghihingi sa akin ng notes this sem ah 👍🏻

eloey: ito na po tatakbo na ako papunta sa room nalagpasan ko na comp lab

oshkosh: gate 2 na ako wenwen! otw na 😊

grabdriver: ito na boss stairs na paakyat na ako hehe

oseul: hala wannie 'di ako damay jan ah! sila lang yun

oseul: pero otw na din me tas hatid ko lang si sunmi sa classroom nila 🤓

wanliit: 👍🏻

 

Ibinaba ni Wendy ang kanyang smartphone sa kanyang desk, tumawa nang kaunti dahil sa naging usapan ng kanyang mga kaibigan. Parang mga ewan talaga yung mga yun. Kung hindi lang siya mabait ay pipingutin talaga niya yung malaking tenga ni Chanyeol pagkadating. Baka kotongan din niya sina Jongin at Sehun. Pero syempre, hindi niya yun gagawin. #Rolemodel ang peg niya noh. 

 

Pero kahit loko-loko at malakas mang trip yung mga yun ay lahams na lahams niya sila. Sila kasi yung pinaka pinagkakatiwalaang best friends niya sa buhay niya. Sina Seulgi, Chanyeol, Jongin, at Sehun. 4lyfers type of friends. If you ask Wendy if she’d take a bullet for them, no-brainer siyang mag ye-yes (pero preferably kung pellet gun bullet lang sana). At alam niya na her friends will do just the same.

 

Naging tropa niya simula Grade 1 si Seulgi. Siya yung pinakamatagal niyang kaibigan. Nagpapasalamat talaga siya sa nag-ayos ng section at para bang tadhana na out of all 5 sections ng Grade 1 ay naging magkaklase sila. Medyo nakakatawa na nakakaawa na super cute nga yung story kung paano nagsimula ang pagiging besties for life nila.

 

I-imagine niyo na lang ang seven-year-old Seulgi (disclaimer: not to infantilize! charot) na tinusukan ng lapis sa braso ng isang bully nilang classmate and here comes the brave, little heroine Wendy who saved the day. Sinabunutan at medyo nakaladkad niya yung nanakit kay Seulgi nang narinig niya ang pag-iyak nito. Wala pang isang buwan sa pagiging Grade 1 ay rekta Prefect of Discipline Office na sila at pinatawag pa magulang nila. Doon naman natutunan ni little Wendy na fighting violence with violence ay mali pala. Yes, it was commendable naman daw na at a young age alam na niyang mag stand up sa mga naaapi, pero at the end of the day daw ay masama ang pananakit ng kapwa mo. Oh diba, kaya kung hindi lang talaga siya mabait ay makatitikim ng pingot at kotong ang tatlo niyang kaibigan maya maya.

 

Going back sa topic, ayun nga, simula noon ay naging besprens na sila ni Seulgi. Kahit napagsabihan siya ng Prefect at ng mommy niya ay worth it naman kasi pagkatapos nun ay hinug siya ni Seulgi at nagpasalamat. Doon pa lang ay naramdaman niya na natagpuan niya na ang platonic soulmate niya sa lifetime na ito. Ang cheesy naman nun haha, pero tbh honest lang kasi talaga. Ayon nga sa ebanghelyo ayon kay Juan sa Bibliya, “Wendy was born 11 days after Seulgi because God knows Seulgi needs a soulmate, and Seulgi was born first because God does not want Wendy to be alone for 11 days.” Tugon, Salamat sa Diyos.

 

Sunod naman niyang nakilala si Sehun. Yung “bully” na nanusok ng lapis kay Seulgi? Si Sehun yun. Nung una talaga ay iniiwasan ng dalawang magkaibigan si Sehun dahil nga sa ginawa niya, pero dahil sa pa mini recollection for kids ng school nila na ginaganap tuwing isang beses sa isang taon sa lahat ng baitang ay dun natutunan ng magkaibigan na “Love your enemies” daw. Sakto at na random grouping sila kasama si Sehun.

 

Hindi nila inaasahang humagulgol nang iyak ang batang ito at humingi ng kapatawaran sa kanilang dalawa. Nagawa lang naman daw niya yun kasi sabi ng pinsan niya sa kanya ganun raw makipag friends for First Graders. Dahil pinagkatiwalaan niya ang pinsan niya, ginawa naman ni Sehun yun kay Seulgi. Nasabi niya pang tutusukin din sana niya si Wendy, naging first target lang talaga si Seulgi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
M_jeeh08
#1
Chapter 1: Ituloy mo plsss🙏🙏🙏
LockLoyalist
#2
Chapter 1: Parang familiar na ung mga last names nila Wendy and Irene dito hahaha see you sa next chaaaaap
divein2daloonaverse
#3
Chapter 1: lods, tuloy mo 'to ah. hahahahaha maraming salamat sa ayudang Tagalog wenrene fanfic 🤩
wr9194 #4
nakakaexciteee yung story na ‘to! let's gooo <33
juhyuneeeee
89 streak #5
Chapter 1: excited na ako sa susunod na chapter 😁
Ot5langlakasam
#6
Chapter 1: Hshaahha napaka domestic ng ganaps sa classroom hahahaha
Love03 #7
Chapter 1: Abanger ako sa chapter 2 haha
EzraSeige
#8
Leggo 🙆❤💙❤💙❤💙
Ot5langlakasam
#9
Tama ka sa wala masyadong wr tag fics lods... Abangan ko to pramiss