Chapter 1: Ang Paglalakbay

Ang Journey ng Aswang

Minjeong's POV

"Maawa po kayo, wag p-po may p-pamilya pa pong nag hihintay sa akin." sabi ng babaeng aking susunod na target. Gutom na gutom na ako, wala akong pake kung may pamilya ka. Iintindihin ko ang aking sarili, nagugutom na talaga ako. Kinagat ko ang kaniyang puso, ang puso ang may pinaka masustansyang laman para sa amin. Habang ninanamnam ko ang napaka sarap na pagkain sa harap ko ngayon ay may narinig akong dalawang babaeng nag uusap. Kaya kaagad akong umalis upang hindi mahuli. Mahirap pala manghunting dito sa siyudad na to. Walang umaga at walang gabi. Kahit gabi ay napaka ingay pa din. Hindi ko din alam bakit dito ako dinala ng kapatid ko. Dahil mas mabuti daw na andito ako dahil napaka takaw ko daw at mauubos ko na ang mga tao sa probinsiya kung saan kami nakatira.

"OMG! W-WHAT THE WHY IT DOESN'T HAVE A HEART! OMG OMG OMG NING CALL SOMEONE OMG IS SHE DEAD?"

"ARE YOU DUMB RINA? OFC SHE'S DEAD YOU SHE DOESN'T HAVE A HEART ANYMORE SA TINGIN MO MABUBUHAY PA YAN?" natatawa ako sa usapan ng dalawang babaeng nakakita sa pinatay ko. Halatang natatakot na din ang babaeng nakakita sa katawan  ng aking pinatay. Oo kahit aswang ako, nag aaral ako. Hindi naman ako yung tulad ng mga tambay na maasim sa mga kanto sa siyudad namin. Inubos ko na din sila, kahit na maasim sila at mababaho. Gutom na ako kaya bawal ang maging choosy.

Pinalipat ako dito ng kapatid ko, dahil yun nga nasabi ko naman ayaw ko na mag ulit ulit. Sinabi niya sa akin dito daw sa manila ay napakaraming tao kaya bawasan ko naman daw upang kumonti ang populasyon nila.

Natawa naman ako sa pinagsasabi ng ate ko sa akin. Habang nag iisip isip ako. Naririnig ko pa din ang dalawang babae na nag uusap. Natatawa na lang ako dahil hindi pa din talaga sila tumitigil sa pag papanic. Kaagad akong umalis at pumunta sa malapit na CR. Upang mag linis ng buong bibig at shempre nag palit ako ng damit. Tinatago ko ang mga damit ko dito sa isang gasolinahan para pag mangangain na ako. Nang natapos na ako mag ayos ay parang isa na akong tao na normal na parang hindi aswang at pag kalabas ko ay may magandang babae na tumama sa akin dahil siya ay sobrang lapit sa pinto.

"Watch your steps."Kaboses niya ang babae kanina na nakakita dun sa pinatay ko.

"sorry po." ngumiti ako at tumango lang siya sa akin at umalis na. Apaka gandang babae.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Upvoted!
kang_ddeul
#2
Chapter 2: ay ang cutie nga HAHAHAHA