Isa, Marso 12, 2022

Ang Paglalakbay ni Lem!

 Hello!

     Ang cool ba ng font? Haha! Gayon pa man, ako nga pala si Tanya Loraine Arso, pwede niyo akong tawagin na Aine. Ako ay nasa Ika-pitong baitang sa ngayon. Ang kaarawan ko ay sa Hunyo 14. Mahilig ako sumayaw, gumuhit, kumanta (hindi ako magaling), magbasa, mag piano, sumulat, makinig ng musika, at iba pa! May gusto ako sa mga babae, noong 2021 ko lang ito nalaman na ako ay isang babae na may gusto rin sa aking kapwa babae, pero sa tingin ko na dati dati pa ako nagkakagusto sa kanila. Sa tingin ko pinipilit ko lang dati ang aking sarili na magka gusto sa mga lalaki dahil ako ay pinanganak na mayroong mga magulang na homophobic at hindi ko pa tanggap ang aking sarili. Sa ngayon, hindi pa ako nag pplano na mag come out sakanila dahil hindi pa ako ready, siguro, pag 18 nalang ako mag ccome out sakanila. Ang pag ccome out ay mahirap, lalo na pag alam mong hindi ka tatangapin ng iyong mga magulang o sa tao na iyong ccome outan, hanga ako sa mga tao na nag come out na, napaka husay nila! Sana magawa ko na rin iyon. 

       Mahina ako sa Mathematics, kahit mag praktis pa ako nang praktis, hindi talaga ako gumagaling. Minsan napapa gamit na ako ng calculator dahil hindi ko talaga gets kung paano i kompyut ang tinuturo saamin. Mahina rin ako sa A.P, magaling ako sa tagalog, pero pag dating sa pagbabasa sa A.P, wala akong maintindihan! Napapa leave nalang ako ng klase kung nagtatanong ang titser namin tungkol sa assignment.

     Ginawa ko itong diary na ito ay para pag tumanda na ako, at naka limot na ng ibang mga bagay bagay, pwede ko lamang ito basahin, at balikan ang mga nakalimutan ko. Hindi man mahaba ang aking mga sulat tulad ng mga iba, basta ang mahalaga ay may memories tayo.

     Tama na muna ako sa pagpapakilala sa aking sarili, mas makikala mo pa ako pag mas humaba pa ang mga aking masusulat. Ako'y mag kkwento muna sa kung anong mangyayari bukas! Ang sabi ng mama ko, ang pagkain namin bukas ay liempo. Ito ay handa namin dahil naka receive ng offer ang aking tatay para sa kanyang trabaho! Sa pag isip palang nito, nakakatuwa at nakakagutom na. Paborito ko ang liempo, lalo na kung may coke at kanin. Excited na ako kumain bukas! 

      Osya, matutulog na muna ako, 11:30pm na rin kasi. Magandang gabi. 
 

-Tanya Loraine Arso, 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet