Akin Ka, Sayo Ako

Cubao Blues

Pauwi na tayo galing Cubao noon nung sinundo tayo ng tatay ko galing UST. Nasira kasi yung LRT noon hanggang Santolan kung saan tayo madalas bumababa tapos eto lang yung way para makauwi ka sa inyo. Simula noong pumasok tayo ng UST, napagkasunduan na ng pareho nating magulang na magsasabay tayo pauwi para less hassle sayo. Pareho naman tayo pumayag dahil makaka-benefit naman tayo pareho dito.

 

Noon pa lang nung junior high school kami sa St. Paul, kami na talaga magkasama ni Joohyun. Si Joohyun yung kilala ng lahat bilang maganda, mayaman, at siyempre, matalino. Maaasahan talaga siya nang sobra. Pagdating naman sa akin, okay lang, matalino rin naman ako at galing sa komportableng pamilya pero mas matalino at mayaman nga lang si Joohyun. Never naman niya pinaramdam sa akin na mas naka-aangat siya sa akin. Pantay lang. Ganon naman kami bilang bestfriends.

 

Grade 7 nang pumasok ako ng St. Paul tapos medyo nagulat ako sa environment kasi galing ako sa co-ed na school. Hindi naman na bago sa akin na puro babae ang kasama dahil dalawa naman sa aming limang magkakapatid ang babae. Siyempre may nanay rin naman ako at mga tiyahin na babae. So, parang ganon na rin yon. Hindi pa kami close ni Joohyun nang pumasok ako noong first day pero pinakilala na siya sa akin ng childhood bestfriend ko na si Wendy na sa St. Paul na pumapasok noon. Mabait naman siya noong una ko siyang nakausap sa WeChat (yun pa kasi uso noon, wala pang messenger o telegram :D). Akala ko nga masungit siya o mapanlait kasi galing siya sa mayamang pamilya pero kabaligtaran naman pala siya ng inaakala ko. Nakakatawa lang kasi hindi ko naman ine-expect ‘yon mula sa ganoong klaseng tao. Ako pa yata ang mapanlait sa amin ngayon.

 

Hindi naman nagtagal, naging close kami ni Joohyun. Grade 7 classmates kami pero yun na ata pinaka-huling grade level na naging magkaklase kami.

 

Habang tumatagal, mas nagiging malalim ang relasyon naming dalawa bilang magkaibigan. Mula sa kwento namin tungkol sa sarili hanggang sa mga problema namin tungkol sa aming pamilya. Ako pa nga una niyang sinabihan tungkol sa naging affair ng tatay niya noong bata-bata pa siya. Kwento niya rin na nasa politika ang lolo at lola niya. Nakakatuwa lang na pinagkakatiwalaan ako ni Joohyun sa mga ganitong bagay. Akala ko hindi kami ganoon ka-close para pagsabihan niya ako ng mga ganitong bagay. Mas close kasi sila ni Yeri. Ewan ko ba sa bubwit na yon at tuwang-tuwa si Joohyun sa kanya.

 

Grade 8 kami nung nabuo yung tropa namin nila Joohyun, Wendy, Joy, at yung isang Grade 7 na si Yeri. Hindi ko rin alam paano napunta sa tropa namin si Yeri basta ang alam ko Sports Fest noon, at ang team process ay from 1st year to 4th year, sakto ay magkaka-color kaming lahat. Since naisipan naming apat nila Hyun, Wends, at Joy na maging official tambay na lang, doon namin nakita si Yeri na tumatakbong mag-isa hanggang sa madapa siya sa gym kaka-cheer sa mga papi na basketball players. Grabe ang ngawa at hagikhik naming apat kay Yeri noon lalo na’t kaming apat lang din nakakita sa kanyang madapa. Agad naman namin siyang tinulungan makatayo at nung una, sinungitan pa kami ni Yeri at mangiyak-ngiyak na rin siya sa hiya sa amin. Inakbayan ko naman siya agad para sabihing secret na lang namin yun. Nginitian naman ako ni Hyun. Doon na nagsimula at nagbunga ang tropa namin. Good times talaga!

 

Ngayon, magkakalayo na kami ng pinapasukang mga school. Si Wendy, Joy, at Yeri nasa DLSU as Business majors. Kami naman ni Joohyun nasa UST. Pareho kaming kumukuha ng pre-med. Siya Nursing, ako Biology. Parehong doktor ang magulang ni Joohyun kaya iniisip niya na rin maging doktor na lang. Mas madali raw kasi makahanap ng connections pagdating sa med school since doktor naman pareho ang magulang niya. Biro lang. Inside joke na talaga naming dalawa yan. Never naman siya pinilit ng magulang niya na mag-take ng Medicine at susuportahan naman siya sa kahit anong course na kukunin niya pero gusto niya eh. After all, support naman ako kahit anong mangyari.

 

Grade 9. Dito na nagsimulang magkaroon ng jowa si Wendy at Joy. Babae ang naging jowa nila. Si Mina kay Wendy. Si Sana naman kay Joy. Mga shawty ng batch namin sila Mina at Sana. Hindi ko nga alam paano napasagot ng dalawa kong kupal na kaibigan yung dalawang yun. Hindi naman din kasi kapangitan sila Wendy at Joy. Ako rin nagkaroon ng mga kasintahan pero halos hindi ko naman sineryoso ang mga iyon. Biro pa nga sa akin nila Yeri na baka si Joohyun talaga ang para sa akin. Para raw kasi kaming mga linta kung maka-dikit sa isa’t isa. Gustong-gusto ko naman! Normal naman sa mga nag-aaral sa all-girls school na magkaroon ng jowang babae. Ang nakakatawa lang ay halos lahat ata ng kilala kong may jowang babae nung JHS sila, ngayon puro may boyfriend na nung pumasok ng college. Buti pa kami nila Hyun at Yerms walang ganong problema.

 

 

“Putangina naman. Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na ayoko na nga? Bakit pumunta ka pa dito? Dali na kasi umuwi ka na! Makakaalis ka na kasi ayoko na Seul. Please.” Ramdam ko ang pagmamakaawa sa mukha ni Hyun at para bang totoo yung mga tulak niya sa akin. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

 

 

Nagising na lang ako nang may kumakatok nang malakas sa kwarto ko. Agad ko naman nalaman na ate ko ang kumakatok. Takang-taka ako dahil Linggo naman at wala kaming pasok. Sa isip-isip ko noon na ah siguro ginigising niya lang ako para mag-ayos na at mag-sisimba kami dahil Linggo. Hindi ko naman chineck ang oras dahil ang lakas ng katok niya sa pinto at inuna ko na lang na tumayo agad at pagbuksan siya ng pinto. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. September nang mangyari ito. Katatapos lang ng birthday ko.

 

“Wala na si Mommy.”

 

Putangina. Lintek na yan.

 

TW

 

Noong Grade 6 ako, umuwi ako ng bahay galing sa school para mabalitaan na naaksidente ang lola ko sa kabilang kanto habang papunta sa bahay namin. Agad akong sumugod sa ospital na malapit sa amin para puntahan siya sa emergency room. Putangina. Nanlamig buong katawan ko nang makita ko siyang duguan at may benda ang ulo niyang duguan din. Nakakapanghina. Naka-recover naman agad ang lola ko pero naka-bed rest na lang siya ngayon. Hindi na rin siya bumalik sa kanyang normal na kalagayan dahil sabi ng doktor ay mapapatagal pa ang kanyang recovery dahil utak na niya ang natamaan nung bumagsak siya noong hapon na iyon. Tinanggap na lamang ng pamilya namin iyon dahil ang mahalaga ay nakakausap pa rin namin siya at kasama pa rin namin siya ngayon. Hanggang sa ayun na nga;

 

Simula nung araw na yun, sinabi ko sa sarili ko na magiging doktor ako. Hindi ko rin alam. ‘Yun din naman ang gusto para sa akin ng lola ko. Kahit man lang dito ay matupad ko ang pangarap niya para sa akin pagkatapos kong sabihin sa kanya noon na gusto ko na itigil ang piano lessons ko dahil hindi naman ako natututo at nahihirapan lang din naman ako. Kwento lang sa akin na nakita siya ng nanay kong umiiyak dahil napag-alaman ko lang din na hiniram lang niya ang perang panggastos para sa piano lessons ko. Pasensya na Mommy, babawi talaga ako sayo. Promise.

 

Sobrang traffic talaga sa Cubao tuwing Monday kasi lahat pumapasok at umuuwi kasabay ng oras ng pag-uwi namin galing sa UST. Hindi naman na bago yung ganitong set-up dahil sanay na rin ako. Mabuti na lang at sinasabay kami ng tatay ko galing trabaho para lang masundo kami at makauwi. Katabi ko si Joohyun ngayon na tahimik na nagmamasid sa ma-ilaw at mausok na Cubao. Tinignan ko siya nang matagal. Ang ganda pa rin talaga niya kahit pagod sa school at biyahe. Mahal na mahal ko talaga tong babaeng ‘to. Isip-isip ko sa sarili ko dahil ayokong marinig ito ng tatay ko at ni Hyun.

 

Agad akong nag-check ng messenger para malaman kung sino sa mga kaibigan ko ang gising pa. Alas dos na kasi ng umaga kaya hindi na rin ako umasang mayroon pang gising sa mga kaibigan ko. Gusto ko lang din agad ipaalam sa kanila na wala na si Mommy, ang lola ko. Napangiti naman ako agad nang malaman ko na gising pa si Hyun at online siya ngayon sa messenger. Weird lang noong una kasi hindi naman siya normally gising nang ganitong oras. Chinat ko siya agad-agad at sinabi ang nangyari. Simula noong usap namin na iyon, mas lalo lang kami naging close. Mas lalo lang kami nahirapan maghiwalay sa isa’t-isa. Talaga nga namang hindi kami makakatakas sa asar ng tropa namin sa sobrang close namin. May ganito bang magkaibigan?

 

Hindi nagtagal ay mas madalas na talaga ang pag-uusap namin ni Hyun. Mula sa mga simpleng good morning at goodnight. Pag-update kung nakauwi na at kung ano-anong mga echos pa sa buhay. Normal naman iyon sa magkakaibigan at talagang pinahahalagahan lang namin ang friendship namin. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang pagbabago ng mga salitang binibitawan ni Hyun sa tuwing magkausap kami. Alam kong iba siya sa akin.

 

Palagi kong binibiro si Joohyun na aalis an pamilya namin ng bansa at magm-migrate kami sa UK. Palagi rin naman siya ngumangawa sa tuwing nababanggit ko ito, hanggang sa isang araw na lang sa canteen ay hinayaan na lang niya akong biruin siya tungkol ulit dito. “Bahala ka. Hindi naman kita mamimiss. Go! Alis!”. Ang cute cute talaga neto ni Joohyun parang hindi mabiro eh. Ako naman na isip-bata ay naki-ride sa kaartehan niya. “Okay, ganyan pala ah tss bye.”. Ang arte mo, Seul. Hindi bagay. Napansin naman niya agad na umakyat na ako pabalik ng classroom dahil tapos na rin naman ang lunch namin. Mag-aayos pa ako at makikipagdaldalan sa mga classmates ko no. Bahala ka na Hyun.

 

Dumaan siya sa classroom namin at sakto ay nasa labas ako nakikipagchikahan kay Wendy at Joy habang tumatawa nang hinatak na lang niya ako bigla palayo sa kanila. Luh? Ang layo naman ng dinaanan nitong babaeng to eh may mas malapit na way pabalik ng classroom nila. “Seul oh.” May iniabot siya sa aking papel na maliit. Naka-fold eh so hindi ko agad nakita kung ano nakalagay. Maliit lang talaga siya na papel. Mas malaki pa ang palad ko. Nang buklatin ko ito nabasa ko agad ang “sorry :<“ sa papel. Napangiti na lang ako sa gesture na ginawa ni Joohyun. Anong kaartehan na naman ba ‘to?

 

Tuloy pa rin naman ang asaran naming dalawa. “Ang pangit mo talaga, Seul.” ika ni Hyun. “Mas pangit ka noh pwe wag mo na ako guluhin.”. Ganon-ganon lang naman asarin namin. Pinaguusapan lang namin kung ano nangyayari sa aming mga subjects, yung mga chika tungkol sa dalawang mag-jowa na nag-aaway sa corridor, pati na rin yung mga lovelife nila Wendy pinaguusapan namin. Hindi naman namin namamalayan na inaabot na kami ng oras hanggang sa magkayayaan na lang kami na matulog.

 

“Hyun, gusto kita.”

 

Tina-traffic pa rin kami sa Cubao hanggang ngayon. Hay. Hindi ako makapagreklamo dahil alam kong pagod na rin ang mga kasama ko sa kotse ngayon kaya umidlip na lang din ako pero bagi iyon, kinuha ko ang earphones ko sa tote bag ko at nakinig sa favorite ko na song. Burnout by 3D. Dinownload ko pa talaga yun kasi wala sa Spotify yung kanta. Badtrip. Illegal streaming pa nga.

 

“Uyyy Seul halika dito may ipapakilala ako sayo!” Sambit ni Hyun. Pinakilala sa akin ni Joohyun ang pinsan niya na si Jennie. Maganda si Jennie. Sabi niya sa akin volleyball player siya sa school nila sa Miriam College. Shawty to mga pre. Hindi mapagkakaila na maganda talaga ang genes nila Hyun. Agad ko naman kinuha ang contact number ni Jennie at sinimulan na ichat siya sa Telegram. Mabait naman si Jennie. Approachable at masiyahin. Di mo aakalain na may ganoon pala siyang personality kasi mukhang maldita at intimidating. Nang magkuwentuhan kami ni Jennie, nabanggit niya na siya ay baliko rin. HAHAHAHA. Mas lalo ako nagkaroon ng interes sa pinsan ni Hyun kaya’t hindi rin nagtagal na onti-onti ko nang nagugustuhan si Jennie. Inamin ko kaagad yun kay Hyun at nagkibit-balikat na lamang siya. Sanay na siguro talaga sila na maraming nagkakagusto sa pamilya nila. Hindi rin naman nagtagal na humupa rin ang pagkakaroon ko ng interes kay Jennie. Hindi rin naman kami magw-work dahil may unfinished business pa ito sa teammate niya aka kasintahan niyang ka-on and off niya. Bawas sa sakit ng ulo ‘to kung sakali maging kami tapos may umaaligid pa na ex. Teammates pa!

 

Patuloy pa rin naman ang friendship namin ni Hyun. Hindi na siya makakawala sa akin. Hindi na rin ako makakawala sa kanya.

 

December. Mas nag-iiba na ang pakikitungo naming pareho sa isa’t-isa. May halong landi na eh? Naramdaman naman agad nila Joy at Wendy ‘yon nang isang araw na grabe ang pagtatampo ko kay Hyun dahil mas inuna pa niya yung kapitbahay nilang lalaki na may crush sa kanya, kesa sa akin. Nagpapasama kasi ako sa kanya sa mall noong araw na yon. First time kasi na tumanggi at mag-cancel ni Hyun sa mga gala namin at nang malaman laman ko na lang na dahil pala sa ulupong na Bogum na yun ay nag-init ang ulo ko. Hindi naman kasalanan ni Hyun na kailangan dalhin ni Bogum ang aso niya sa vet tapos hindi niya alam kung nasaan. Siyempre Hyun being Hyun, sasamahan niya ito. Dumadamoves lang yon sayo girl!

 

Kinabukasan sa school, dinalhan ako ni Joohyun ng favorite kong milktea at cheetos. Nagkatinginan kami at tinignan ko siya na parang wala akong pakielam sa sinalpak niya sa table ko.

 

“Uy Seul, nakuha mo ba yung message ko kagabi? Sorry na kasiiiiii. Si Bogum kasi-“ pag-iinarte ni Hyun.

“Oo na. Oo na si Bogum na. Okay lang naman pero matagal na kasi natin pinlano yung gala natin na yun. Sana nagsabi ka agad. Sayang ligo ko, Hyun.”

Ang tamad tamad mo talagang maligo, Seul. Ew. Kadiri!! Pero uyyyy sorry Seul, babawi talga ako. Kiss na lang kita.” akmang parang hahalikan nga ako ni Hyun nang tinulak ko siya bigla palayo sa akin.

“Ano ka ba! Pag nakita tayo ni Miss Asuncion eh ma-issue pa tayong magjowa. Alam mo naman kung gaano ka-homophobic yon. Sige ka, malaman na lang nila tita bading ka. AHAHAHAHAHAHA”

 

Ramdam ko ang pagpula ng aking mga pisngi. Buti na lang hindi agad napansin ni Hyun.

 

Hinampas-hampas ako ni Hyun at nag-inarte akong masakit ito. “Aray! Aray ko naman Hyun! Tigilan mo nga yan. Isip bata ka talaga.” Dahil isip bata rin ako, kinuha ko ang bote ng milktea at hinampas ito sa ulo niya. Ayan quits na kami. Nag-ring na ang bell. Tapos na ang lunch. Makakalayo na rin ako sa mapanakit na babaeng ‘to sa wakas. Nagpaalam na si Hyun sa amin nila Wendy at Joy at pupuntahan pa raw niya si Yeri sa baba kasi may pinabili ito sa canteen. Bago umalis si Hyun, tinignan niya ako sa mga mata ko at bigla na lang niya ako ni-side hug. Luh? Anong pakulo na naman neto. Kita ko ang mapang-asar na tingin ni Joy na para bang alam na alam niya ang galaw ng kalandian. “Oh Seul, hug back mo na si Hyun. Magiinarte na naman yan kesyo iniiwasan mo mga kiss at hug niya.” sigaw ni Wendy. Putangina talaga ng mga ‘to. Para matiklop ang kaartehan ni Hyun, hinug back ko na lang din siya pabalik. Ang awkward. Hindi naman kami ganoon dati. May laman yung hug namin ngayon. Hay. Ang gulo. Best friend ko si Hyun. Ganoon din ang tingin ko kina Wendy, Joy, at Yeri. Pero bakit ganoon? Iba naramdaman ko noong araw na iyon. Nagkibit-balikat na lang din ako dahil normal naman sa amin na magyakapan. Weird lang noong araw na iyon.

 

Isang gabi, nag-uusap lang kami as usual ni Hyun. Parang gusto ko na sabihin sa kanya lahat ngayon.

 

Seul: Hyun. May sasabihin ako.

 

Hyun: Ano yun, Seul? Magpapalibre ka na naman ba? Lolokohin mo na naman ako diyan sa pagm-migrate niyo noh? Hay nako, Seul. Style mo bulok. Eto piso, hanap ka ng bagong kausap.

 

Seul: Hindi Hyun hahaha importante siguro ‘to?

 

Hyun: Ano nga yun pangit? Dali na ‘di pinaghihintay ang maganda.

 

Seul: Kapal mo talaga kahit kailan. Wag na nga! Goodnight na Hyun mag-aaral pa ako para sa quiz bukas. :P

 

Hyun: Hoy pangit na Seulgi! Puta talaga wag mo ko lalapitan bukas at mahahampas kita!

 

 

Kinabukasan, dahil puro kami projects at quizzes ay hindi na kami nagsabay ni Hyun kumain sa canteen. Panay kasi ang pa-revision sa amin ng teacher namin sa research. Sunod-sunod na rin ang aming mga quizzes. Umaga hanggang hapon. Nakakabagot. Hindi na rin natuloy yung pag-amin ko kay Hyun. Di bale na. Ang mahalaga ay bago matapos ang taong ito, masasabi ko rin sa kanya.

 

Habang nasa kahabaan ng Aurora Boulevard, nakita ni Hyun na naluha ako pagkatapos kong humikab. “Okay ka lang, Seulgi?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Hyun. Kumunot naman ang noo ko at ini-angat ang mga mata ko ka-level ang mga mata niya. Umoo na lang ako at ibinalik ang earphones sa aking mga tenga. Pagod na talaga ako. Ang dami rin kasi naming ginagawa sa school dahil malapit na rin kami mag-midterms. Buti na lang talaga Joohyun at nandito ka sa tabi ko ngayon. Pinagmasdan ko siya saglit at bumalik na sa pagtulog.

 

Natapos na ang stressful week para sa aming mga Grade 9 at tanging ang pag-prepare na lamang sa exams at Christmas Party ang aasikasuhin namin. Petiks na lang yun. Nang mag-uwian ay napagisipan namin ni Hyun na magsabay. “Seul, ano nga ba ulit yung sasabihin mong importante?” Nanginig ang buong katawan ko dahil wala na akong kawala sa mga katagang binitawan ni Hyun. Paano ko nga ba sasabihin? “Ah ano nga ulit yon?” Pagsisinungaling ko. “Hay nako, Seul. Akala ko ba importante yun?”. “Hay nako Joohyun, andami dami na kasing nangyari for the last week for sure nakalimutan ko na yun! Halika libre na lang kita ng ice cream diba gusto mo ng cookies and cream?” Nagtatakang pumayag na lamang si Joohyun at pagkatapos bumili ng ice cream ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa para umuwi.

 

Hyun: Seul, sabihin mo na kasi. Ano nga ba yun?

 

Seul: Ang kulit mo talaga pangit! Hay nako.

 

Hyun: Ok.

 

Seul: Dejoke lang huy ano ba wag ka nang magtampo.

 

Hindi na agad nag-reply si Hyun na kinataka ko naman. Hinayaan ko na lang at baka nakatulog na ito. Nag-aral ako saglit at naligo na para makatulog nang bigla na namang nag-chat si Hyun.

 

Hyun: Crush mo ba ako, Seul?

 

Nanigas ako sa nakita ko. Hindi ko naman agad nabuksan ang message dahil hindi ko na rin alam ang isasagot. Natulog na lang ako at pagkagising ko, mukhang dinelete ni Joohyun ang message niya sa akin. Tangina ang paasa naman. Chance ko na yun eh. Naisip ko na ayoko na rin patagalin ang pag-amin ko kay Hyun. Maiintindihan ko kung irereject niya ako at gusto lang niya na friends kami. Ganon ko siya kamahal. Nirerespesto ko lahat ng desisyon niya para sa aming dalawa. Hindi naman tanga si Joohyun.

 

Buong araw ko siya hindi kinausap at nang mag-gabi na ulit, naisipan ko nang ichat si Joohyun. Pagkakataon ko na to. Hindi na talaga ako aayaw.

 

Seul: Hyun

 

Hyun: Ano yun, Seul? May problema ba?

 

Ano kaya nakain nito ngayon at parang ang bait.

 

Seul: Hyun, gusto kita.

 

Hindi na naman agad nag-reply si Hyun. Putangina sobrang pabitin talaga!

 

Seul: Huy andiyan ka pa ba? Hyun, sorry. Alam ko naman na best friends tayo pero hindi ko maiwasan na bigyan ng meaning lahat ng ginagawa natin. May ganon bang best friends? Hindi ko talaga alam Hyun. Basta ang alam ko, gusto kita.

 

Hyun: Seul, hindi ba ganon ang mag-bestfriends? Ewan ko, Seul.

 

Seul: I’m sorry, Hyun. Okay lang naman sa akin kung hindi mo kaya ibalik yung nararamdaman ko. Sapat nang nakaamin ako sayo. Kung gusto mo, lalayuan muna kita.

 

Hyun: Ayoko naman nang ganyan, Seul. Importante ka rin sa akin.

 

Hindi ako nakapagreply agad.

 

Hyun: Seul, Pwede bang mamaya na muna tayo mag-usap? Tinatawag kasi ako ni mama.

 

Seul: Okay, Hyun. Ingat ka.

 

Pagkatapos namin mag-usap. Hindi ko na naiwasang humikbi na lang dahil takot akong mawala ang pagkakaibigan namin ni Hyun. Ang tanga-tanga ko naman kasi. Bakit ako nahulog sa sarili kong best friend? Grabe ang uhog na lumalabas sa aking ilong dahil grabe rin ang pag-agos ng luha ko. Ewan ko ba, ang sakit lang siguro na hanggang dito na lang kami ni Hyun. Narinig ko na lang bigla na may nag-message sa aking phone. Si Hyun. Ayoko na. Dalawang beses ba niya ako balak tanggihan?

 

Hyun: Seul, may sasabihin ako sayo.

 

Seul: Hi Hyun, ano okay na ba yung inuutos sayo ni tita?

 

Hyun: Ah oo, Seul.

 

Hyun: Seul, wag ka muna magrereply. May sasabihin ako sayo.

 

Hinayaan ko na lang siya na mag-type at di na nag-reply. Nakatulog ako at paggising ko sa umaga, grabe ang pasasalamat ko sa mga anghel at buti naman at hindi dinelete ni Joohyun ang messages niya kagabi. Binasa ko naman agad ito.

 

Hyun: Seul, kinausap ako nila Yeri tungkol sayo. Excited ako sobra noon dahil siyempre, ikaw pinaguusapan eh. (Okay wag sana lumaki ulo mo.) Nakita ni Wendy kung gaano ako kasaya kapag ikaw ang usapan hanggang sa cinonfront nila akong dalawa ni Joy. Nung una sinabi ko na oo kinikilig ako pero hinahayaan ko lang kasi baka ganon talaga ang mag-bestfriends. Ngayon, sigurado na ako. Seul, you make me happy. Seul, I like you too.

 

Hyun: Seul? Andiyan ka pa?

 

Hyun: Putangina mo Kang Seulgi nakatulog ka na naman! Bahala na sana kiligin ka kapag nakita mo to bukas. Wag na uhugin, pangit. :P

 

Kilalang-kilala talaga ako ni Joohyun. Sa sobrang saya ko ay agad akong nagpahatid sa bahay nila Joohyun. Nang makarating ako sa kanila nila ay agad akong pinapasok ng kasambahay nila. Halatang nasurprise din ito dahil sinabi niya sa akin na tulog pa rin si Joohyun. Pag-akyat ko sa kanyang kwarto, kinatok ko na lang ang pinto at narinig ko ang pagsigaw ni Joohyun. Ugali talaga nitong babeng to, napaka-warfreak. “Sino ba yan?! Walang namang pasok ah. Please go, inaantok pa ako!” Pag-iinarte nito. Kumatok ulit ako at bagot niyang binuksan ang pinto. Nagulat siya dahil nakita niya ang pigura kong nakangiti sa kanya. Kita ko ang mga mugto niyang mata. Bakit naman umiyak ’to? Agad ko siyang niyakap. Gulat pa rin siya dahil kaharap ko siya ngayon. “Seul, ano ginagawa mo di-“. “Hyun, tayo na ba?”. “Ha? Anong sinasabi mo?” Nung una ay nagtataka siya nang bigla na lang siyang napabulong dahil naalala niya agad ang mga sinabi niya kagabi. “.” bulong nito.

 

Niyakap ko siya nang mahigpit. “Joke lang, Hyun. Ang bilis naman kung tayo agad pero sure na ako, I love you, Hyun.” Halos maihi ako sa kilig nang sabihin ko iyon. “Ang landi landi mo talaga Kangseul! Che! Ang baho pa nga ng hininga mo. Di ka ba naligo papunta dito?” Pagmamaktol nito at bigla ba naman ako hinagisan ng unan. Ouch. Siya rin naman ang baho pa ng hininga. Bagong gising eh. Nang naramdaman niyang nagtatampo na ako, agad naman niya akong binack-hug. “Uy Seul, wala pa nga tayong 12 hours tapos LQ agad gusto mo? Joke lang eh. I love you too, Seul.”

 

Inannounce naman naming agad kina Wendy, Joy, at Yeri ang naging aminan naming. Masayang natapos ang taon namin ni Hyun. Hindi naman namin minadali ang aming relasyon kaya alam kong tatagal kami. Marami kasing nagsasabi na parang ang bilis naman ng aminan naming dalawa. Ganon talaga siguro kapag sigurado ka sa taong gusto mo makasama habambuhay. I trust Joohyun. Siya ata pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Alam ko rin na hindi niya ako kayang saktan. Ganoon din naman ako sa kanya.

 

Nang palapit na kami sa aking bahay, nakita kong natutulog si Hyun. Naka-nganga siya. Natawa ako at pinagmasdan siya. Ang ganda pa rin talaga kahit nakanganga. Nakaramdama ata siya na nakatitig ako nang matagal sa kanya kaya nahiya ito bigla sa akin. Nag-ayos ito ng upo at saka inayos na niya ang kanyang bag pati na rin ang kanyang sapatos dahil feel na feel niya ang tulog niya sa kotse. Ibinalik niya ang mga tingin ko sa kanya at nag-mouth ako ng “I love you.” sa kanya. Hindi nagtagal ay nag-iba bigla ang tingin niya. Walang laman ang mga mata ni Joohyun. Parang pagmamakaawa lang. Umiling siya nang sabihin ko ang mga salitang iyon. Agad ko naman itong naintindihan at hinayaan na lamang ito.

 

Sa loob ng relasyon namin ni Joohyun, madalas kami mag-away kahit maliit lang ang dahilan. Marami rin kaming naging iyakan. Pero ganoon naman lahat ng nasa relasyon. Naaayos din naman lahat. Masaya kaming dalawa ni Joohyun. Hindi mapagkakaila ang bond naming dalawa dahil nagsimula kami bilang magkaibigan. Naghiwalay kami noon nang saglit at nagkabalikan ulit. Nakakatawa talaga, parang mga bata. Pero kahit pa ganoon kaming dalawa. Maraming taon man ang dumaan, alam kong mamahalin ko pa rin si Joohyun. Ganoon din siguro ang isip-isip niya.

 

Nakarating na kami sa bahay at bumaba na kaming pareho. Hinihintay ni Joohyun ang kanyang sundo dito sa bahay. Ganon kasi ang gawi pagdating sa amin. Uuwi siya ng bahay ko tapos dito siya susunduin ng daddy niya.

 

Napalibutan kaming dalawa ng katahimikan. Niyaya naman siya ng magulang ko na kumain pero ngayon, tumanggi siya. Sinamahan ko na lang siya ulit na hintayin ang sundo niya nang bigla na lang binasag ni Hyun ang katahimikan.

 

“Seulgi, hindi na ako sasabay sa inyo simula bukas.”

 

Ramdam ko yung kirot ng puso ko nang sabihin niya sa akin ‘yon.

 

“Si mama na rin kasi nagsabi. Uh, siya na raw ang magsusundo sa akin sa Cubao so di niyo na ako kailangan isabay pa.”

 

Matagal na kaming hiwalay ni Hyun. Tumagal naman kami ng limang taon.

 

“Ah ganon ba, Hyun? Sige sabihan ko na lang si papa tungkol diyan. Salamat.”

 

Hindi ko na rin maalala kung bakit kami naghiwalay pero sabi niya ayaw na raw niya. Pagod na pagod na raw siya. Hanggang dun na lang daw talaga.

 

“Ah, tsaka Seulgi.” Basag niya ulit sa katahimikan. “Wag na tayo magkikita.” Putangina. “Isipin mo na lang na hindi na tayo magkakilala. Na hindi mo ko kilala. Mas madali yun, Seulgi, para makapag-move on ka kaagad diba? Para sayo rin naman.”

“Hyun, grabe-“

 

“Seulgi, ayoko na talaga eh. Ayan ka na naman. Please, paulit-ulit ko na lang ba sasabihin sa ‘yo?! Ayoko na. Nagsasawa na ak- nakakasawa ka na.”

 

Seryoso ka ba, Hyun? Haha.

 

Hindi na ako nakipag-away sa kanya nung gabing iyon. Pagod na rin kasi ako.

 

“Sige, Hyun, susundin ko na lang din lahat ng gusto mong mangyari.”

 

“Salamat, Seulgi. Pasensya na. Iniisip ko lang din kasi sarili ko. Alam mo naman na, na-explain ko naman na. Ayoko na. No offense na rin pero, hindi na kasi talaga kita nakikita sa future ko.”

 

Saksakin niyo na lang ako. Please. Lintek na pag-ibig.

 

“Ano ka ba, Hyun. Hindi naman natin mapipilit yun. Naiintindihan ko. Mahal kita, eh.”

 

Pilit kong ngiti.

 

“Please, Seulgi. Tama na kasi. Stop saying you love me. Tapos na tayo, okay?”

 

“Ah eh, okay Hyun.”

 

Dumating na ang daddy ni Joohyun at sinundo na siya. Hindi man lang siya nakapag-paalam sa akin. Hindi man lang niya ako nilingon muli. Hindi bakas sa mukha niyang nasasaktan din siya.

 

Yun na rin ang huling pagkakataon na nakita ko si Joohyun.

 

Kahit sa uni, hindi ko na rin siya nakikita. Busy na rin kasi kami noon preparing for thesis kasi pa-3rd year na kami. Hindi na rin niya cinontact sila Wendy at Joy. Si Yeri na lang ata ang may contact sa kanya pero ayaw ipagsabi sa akin ni Yeri ang kalagayan niya. Napag-isip isip ko na mabuti nang ganon. At least, mas mapapadali nga ang pagmove-on ko. Minabuti ko na lang na mag-focus sa pag-aaral at sa ibang bagay na importante para sa akin.

 

Madalas ang breakdown ko simula noong iwan niya ako. Nasanay kasi ako na siya ang kasama ko sa lahat ng bagay. Pero ngayon, wala na siya sa buhay ko. Buti na lang andiyan sila Wends at Joy. Sila rin kasama ko sa mga inuman at sa tuwing nagwawala ako kapag lasing na lasing na ako sa bar. Hindi ko na rin natripan na maghanap pa ng iba ulit. At ayun, awa ng Diyos, naka-graduate din kaming lahat.

 

Hindi ko siya nakita sa graduation rites.

 

Patuloy pa rin naman ang buhay ko hanggang sa maging lisensyadong doktor na ako.

 

Nandito ka sana sa tabi ko ngayon. Doktor ka na rin siguro, no?

 

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung nasaan siya. Nawalan na completely ng contact sila Yeri sa kanya pagkatapos ng graduation namin.
 

Ayaw magpakita. Ayaw magpahanap.

 

Hindi nagtagal, sa loob ng ilang taon kong sinusulat ito, mas lumalabo na rin ang pagkakaalala ko kay

 

Ano ulit ang pangalan niya? Agh, hindi ko na rin maalala.
 

Hindi ko na rin maalala ang pagmumukha niya.

 

Wala na rin namang punto. Sinasayang ko na lang ang oras ko.

 

Siguro, ang tanging hiling ko na lang din ay sana;

 

Nakalimutan niya na rin ako.

 

-END-

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kangs0ul
Hello guys! Thank you for reading this. First time ko magsulat ng au kaya sorry sa mga typos and hindi magandang flow ng story. Also, some scenes are based on true events talaga so yeah, double the pain 😭 Ayun lang. Sana napasaya kayo ni Seul at Joohyun 🐰🐻 Happy SeulRene Day! Wag na uhugin! :D

Comments

You must be logged in to comment
kreidz #1
Chapter 1: sarap ng sakit
Goeynceilove
42 streak #2
Gawa ka ng totoong Fluff. Hindi po BLUFF😂
rinagayed
#3
Chapter 1: wla bang krystal n lilitaw ganon?
seulsbear
#4
Chapter 1: “Fluff” “slightangst”🥲🥲🥲🥲🥲
ikablink29
#5
Chapter 1: Fluff nga..
ynslrn #6
sana may sequel irenes pov hehe! job well done author!!
000014
#7
Chapter 1: Ah ok fluff pala to hahahahah
kkangseulbjh #8
Chapter 1: Nabudol ako doon sa fluff na tag ah HAHAHAHA PART 2 PLEEK
Reveluvmoo #9
Chapter 1: Part 2 naman jan, happy ending sana sakit eh parang kagat ng dinosaur
Pristinemoon
38 streak #10
Chapter 1: Na scam ako doon sa tag na fluff 🥲🥲. Akin ka nalang seul 🥺🥺🥺