pinakamagandang obra maestra

Payapang Pahinga
Please Subscribe to read the full chapter

Tahimik ang paligid at tanging ang marahang paghampas ng alon lamang ang ingay na tumatama sa pandinig mo.

Kasalukuyan kang nagmumuni-muni sa tabing dagat, sa ilalim ng madilim na kalangitan. Pasado ala-una na ng madaling araw at wala nang masyadong tao ang naglalagi sa dalampasigan kaya naisip mong magpahangin — at mag-isip isip na rin.

Sa ilang linggong parang binugbog ang katawan mo dahil sa tambak na trabaho sa opisina, hindi mo maiwasang isipin na sadyang karapat dapat para sayo ang bakasyong ito.

Bilang isa sa mga kilalang pintor sa bansa, kaliwa't kanan ang mga proyektong dumadating sayo at sa kompanyang pinapatakbo mo. At talagang nag-uumapaw ang puso mo sa mga ito dahil bata pa lang, ito na ang pinapangarap mo.

Naalala mo tuloy kung paano ka kutyahin ng mga taong walang bilib sa kakayahan mo. Kesyo hindi ka naman magaling gumuhit, hindi maganda ang mga kulay na ipinipinta mo, at meron pang ayaw tangkilikin ang minsan mong pagkokomisyon dahil mahal ka raw magpresyo.

Eh ano bang akala nila sa pagpipinta? Instant noodles lang? Natawa ka nang pumanhik sa alaala mo ang mga paghuhumyaw mo noon sa mga kaibigan mo.

Pero sa dami ng mga taong minaliit ang ginagawa at pangarap mo, may nanatiling naniniwala sayo.

Napakasarap sa pakiramdam na magkaroon ng taong sinusuportahan ka sa mga kagustuhan mo, kahit na wala siyang ni-katiting na ideya sa mga ito.

Hindi siya mahilig sa sining dahil wala naman daw siyang nalalaman sa ganyan. Stickman nga lang ang kaya kong idrawing, paano naman ako matutuwa doon diba? Ilang taon na ang lumipas pero sadyang hindi napapanis ang pagkahilig mo sa linya niyang iyon.

Kahit na ganoon ang inis niya sa larangang minamahal mo, hindi mo naman siya kayang kamuhian — dahil isa rin siya sa mga tinatangi mo.

Napahinga kang malalim at dinama ang pag-iisa mo sa animo'y magandang senaryo na kinaroroonan mo. Hinimas mo ang malambot na buhangin sa tabi mo, hinihiling na sana nandito siya kasama mo.

Dahil bukod sa bakasyon kung nasaan ka ngayon, eh isa rin siya sa mga pahinga mo.

Mali.

Siya lang naman talaga ang pahinga mo.

Siguro ay inaasar ka nga ng panahon dahil kasabay ng pangungulila mo ay niyakap ka ng malamig na hangin. Napasinghap ka dahil may kanipisan ang suot mo at perpektong binalot ng lamig ang katawan mo.

Walang kamuwang-muwang na bumagsak ang balikat mo. Lalo mo tuloy naramdaman ang pangungulila sa taong kanina pa tumatakbo sa isip mo.

Ipinikit mo ang mata mo sa pagsusumamo ng lubos mong kahilingan.

Napaigtad at napadilat ka naman ng biglang may yumakap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
37 streak #1
Reread
Highseul
#2
Chapter 1: Sobrang ganda po ng gawa niyo, maraming salamat po sa pagbabahagi niyo ng kwentong 'to sa amin... shet, naging makata na rin ako hahahahaha pero seryoso, solid po! Thank you~
Highseul
#3
Chapter 1: Sana all 😭
chimkwen
#4
Chapter 1: when kaya makakahanap ng pahinga