Winter

Zodiac Sign Trashtalkan
Please Subscribe to read the full chapter

"Bakit kaya may mga taong mahilig mang-iwan at bakit mga Aries yun?” 

🤡

Pagkamulat ko ng mata, agad kong chineck ang phone ko. Intensyon ko lang talaga icheck yung oras pero nakita kong may notification galing sa Facebook.

*Check out new posts in Zodiac Sign Trashtalkan*

Agad ko naman tong pinindot at walang ano ano ay agad akong nagscroll sa mga new posts. Simula nung madiscover ko na may mga ganitong groups sa Facebook, araw araw na ata akong tambay dito, never naman ako nagpost, lagi lang akong like at paminsan minsan comment at tag sa mga tropa ko. 

Napatigil ako sa isang post. 

"Bakit kaya may mga taong mahilig mang-iwan at bakit mga Aries yun?” 

Napaisip ako. Alam ko sa sarili ko na okay na ako. Nakamove on na ako. Pero di ko maiwasan minsan na maisip ang mga bagay bagay. Ang dami kong what ifs at what could've beens, pero minsan pinipigilan ko na. Wala rin naman saysay dahil ako nalang ata yung nagiisip ng ganito. 

Natawa nalang ako at naisip ko agad i-tag si Ryujin. Naalala ko Aries nga rin pala zodiac sign niya pero alam ko namang wala pa siyang iniiwan basta basta or iniwan for that matter. Alam ko kaya lahat ng nangyari sa lovelife nitong mokong na ‘to. Exception siguro siya sa mga Aries. Lol. Kahit wala pa man siyang iniiwan basta basta and hopefully wala naman siyang balak kasi babatukan ko talaga siya, itatag ko na rin siya for fun, hindi dahil may naalala ako. Hindi talaga, promise. 


Bestfriend ko si Ryujin. During second year high school ko siya nakilala. Transferee siya noon from a public school and walang pumapansin sa kanya nung first day kaya minabuti ko nalang na kaibiganin siya. Di naman ako nagkamali sa desisyon. Mabait na kaibigan si Ryujin. Mapang-asar lang madalas pero okay naman siya kasama at kausap. Hanggang ngayon, bestfriends pa rin kami kahit naghiwalay kami ng school nung college na. Nag-aral ako sa UP while siya naman sa PUP. May tita daw kasi siya na nagwwork dun at gusto daw siyang ipasok kasi dun din nagtapos parents niya at kapatid niyang babae. Kahit naman magkaiba na kami ng school, hindi naman nawala yung communication namin at madalas pa rin kaming magkita. Siya lang naman ang nakakaalam ng hanash ko sa buhay at lalo na sa nangyari samin ng ex ko. Siya yung nakawitness lahat ng mga katangahan at kagaguhan ko. 

Nagttype na ako at nagiisip kung anong ilalagay ko sa comment. Sa huli ay naitype ko lang ang first letter ng apelyido ni Ryujin at di ko na nagawang matignan kung naicomment ko ba dahil biglang nagring ang cellphone ko. Nagulat pa ako kasi nakatitig ako sa phone ko at di ko pala to nasilent kagabi. Nakita kong si Ryujin yung tumatawag at agad ko naman sinagot. 

"Hey Win! Good morning. Nakapagprep ka na ba? Baka malate tayo sa gig natin!"

Tumingin ako sa wall clock at nakita ko na 7 am palang naman. Meron pa akong enough time to prepare dahil 10:30 am naman ang call time.

"Ang aga mo naman mambulabog. May alarm naman cellphone ko, Ryujin." Reklamo ko.

"Wala akong tiwala sayo, Winter. First time natin magkaroon ng malaking project na ganito, ayaw ko magsayang ng oras!" Rinig ko ang excitement sa boses ni Ryujin kaya nagdecide ako pagtripan muna siya. 

"Sus, ang sabihin mo excited ka lang makita yung writer. Wala kang mabbull dito, Manalas."

"Eh ano naman kung gusto ko makita si Lia? Wala ka na don." 

"Wow, first name basis agad? Ang tindi mo talaga bes."

Narinig ko yung signature "tsk" ni Ryujin at natawa lang ako. Alam kong medyo yamot na 'to. Tumayo na ako para mag-cr. Iniisip ko kung magluluto ba ako o pabibilhin ko nalang si Ryujin ng almusal sa Mcdo. Namimiss ko na rin mag-mcmuffin. 

"Bes, nagbreakfast ka na?" Pagiiba ko ng topic. 

"Oo bakit? Magbreakfast ka na dyan! Magpapabili ka nanaman sa akin tapos di mo naman babayaran. Lugi sayo eh." Narinig kong pabirong reklamo ni Ryujin. 

"Tigas mo naman! Baka gusto mong magcompute ako ng mga utang mo sa akin ngayon. Sige na bilhan mo na ko mcmuffin may malapit naman mcdo sainyo. Daanan mo na. Nga pala, ano pala gagamitin natin today? Sayo nalang?"

"Oo na sige na! Yung sayo nalang, baka mapagod baby monts ko."

"Eh pano mo ko mabibilhan ng mcmuffin?" Asar ko. Ayaw ko rin gamitin yung kotse ko ngayon. Ako nanaman magpapagasolina for sure. Alam ko naman di magaambag 'to si Manalas. 

"Eh di pag may nakita tayo! Kilos na Win, see you! Kotse mo nalang ah."

"Sige na, walang hiya. Wala ka talagang dulot." Binaba ko na ang cellphone ko at di ko na nagawang icheck pa. Nagprepare na ko para umalis. Nangiti ako dahil totoo, excited kami pareho ni Ryujin dahil eto na ata yung pinakamalaking project na mahahawakan ng studio namin. Nakakuha kami ng short film project. Ayan ang sabi sa amin nung writer pero sabi nya, we’ll make a shorter version ng magagawa namin na short film para maging ad siya. Hindi naman niya sinabi kung sino yung client at sa mock shoot na ini-sched nalang daw namin pagusapan yung ibang details. Ang sabi nung writer, nakita nila yung portfolio namin and they were impressed kaya agad nila kaming kinontact. Hindi ko makakalimutan yung ngiti sa mukha ni Ryujin nung araw na yun. Sigurado pareho lang kami ng laki ng ngiti. Pero alam naming dalawa na deserve namin to. 

Pagkatapos ko magprepare, tinext ko si Ryujin na paalis na ko. Hindi ko na nagawang icheck yung notifs ng phone ko, mamaya nalang siguro. Agad ako sumakay sa kotse at nagdrive na papunta kila Ryujin. Mahaba-habang araw 'to sigurado. 

Habang nagddrive ako, naisipan kong magpatugtog. Good mood ako today at alam ko matatapos namin ng maayos yung project dahil kasama ko si Ryujin. Madalas man kami maglokohan, alam kong sa trabaho, maaasahan ko siya.

Binuksan ko ang radio at agad kong narinig ang boses ng dj. Narinig kong pinapagalitan niya yung caller. 'Ang aga naman nito magpagalit.' Naisip ko at napangiti nalang ako. 

"Hay naku sis! Ikaw mang-iiwan tapos ikaw pa yung galit? Sana okay ka lang." Rinig kong sabi ng dj. Ouch. 

Naisip ko bigla, nung iniwan mo 'ko, galit ka ba sa akin kasi hindi kita hinabol? Kasi pumayag agad ako? Na kahit friendship di mo na nagawang i-offer sa akin kahit ramdam ko pa rin ang presence mo? Hindi ka naman totally nawala eh.. Andyan ka pa rin sa paligid knowing na may iniwan ka. Ramdam na ramdam pa rin kita. Iniwanan mo lang talaga ako ng walang dahilan at nagpanggap na parang hindi ako nag-eexist sa mundo mo. Friends naman tayo bago naging tayo ah? So bakit?

Napailing nalang ako. I don't need distractions right now. Kailangan ko magfocus. Narinig ko yung dj na tuloy tuloy pa rin ang pagalit dun sa caller. Kawawa naman, di na sana siya tumawag. 

Mabilis naman akong nakalabas ng EDSA. Buti at wala masyadong traffic sa may bandang Pasig gawa ng Sunday ngayon. Isa lang to sa mga gusto kong benefits ng pagiging freelancer at business owner, no need makipagsabayan sa traffic during weekdays. 

Patuloy akong nakinig sa dj at sa caller habang binabaybay ang EDSA. Narinig kong nagrequest na ng kanta yung caller. 

"Pakiplay nalang po ng Burnout ng Sugarfree." mahinang sabi ng caller. Feeling ko sa sobrang hiya nito, nagsisisi siya na tumawag pa siya. Narinig kong nag-hehello yung dj, binaba na pala kasi agad nung caller yung tawag after magrequest ng kanta. Walanghiya, tama nga siguro iniisip ko. 

"Hello? Hello Ms. Nangiwan, andyan ka pa ba? Hello??" Sabi ng dj. Natatawa naman ako sa nickname niya. Ibang klase talaga tong dj na to. 

"Aba at narinig niyo ba yan guys? Binabaan tayo after magrequest ng kanta! Di ko na kasalanan kung naoffend siya sa mga sinabi ko 'no! Anyway, sige. To appease Ms. Nangiwan, here's Burnout by Sugarfree. Pero bago ko iplay, gusto ko lang mag-iwan ng mensahe sa mga taong nang-iwan ng walang dahilan! Magisip isip naman kayo? Magaganda't gwapo ba kayo? Charot! Eto na! Burnout by Sugarfree!"

Natawa naman ako sa sinabi nung dj. Hahaha. May point naman siya. Pero nawala agad yung ngiti ko. Kasi narinig ko nanaman 'tong kantang 'to. Medyo ayaw ko nitong kanta na 'to eh, trauma. Pero for some reason, hinayaan ko lang siya magplay.

Nakakainis din si Ebe, bakit ba siya gumagawa ng mga ganitong kanta? 

Teka muna, teka lang

Kailan tayo nailang?
Kung iisipin mo
Di naman dati ganito
Kay bilis kasi ng buhay
Pati tayo, natangay

Bakit mo ako iniwan, Karina? 

-

"Ryujin, dito na ko sa labas! Bilisan mo na. Gutom nako." 

Nakarating din ako after 30 mins sa bahay nila Ryujin. May 1 hour pa kami para magbreakfast. Magddrive thru nalang siguro kami para mas maaga kami makarating sa meeting place. After all, first impression lasts. Kailangan namin magpagood shot para makaulit. 

Maya-maya pa ay nakita ko na si Ryujin palabas ng bahay nila. Bakit parang ang dami namang bitbit nitong bag?!

"Bakit ang dami mong dalang bag? Camera lang naman pinapadala ko sayo at tsaka tripod ah?"

"Oa mo naman bes! Dalawang bag lang dala ko ah! Yung isa, andyan yung camera. Yung isa, damit na pamalit. Magpapalit ako bes mahirap na baka maturn off sa akin si Lia." Ngisi ni Ryujin habang inaayos ang seatbelt nya. 

"Taragis! Bakit? May lakad ba kayo after ng mock shoot?"

"Wala naman pero malay mo? Hehehe. Magkausap kami ngayon eh. Tanong ko ba? Tingin mo bes?"

"Hoy, sinasabi ko sayo ah writer natin si Ms. Gomez, pag tayo nasabit dyan sa ginagawa mo.." Warning ko kay Ryujin. Alam ko naman hindi manloloko si Ryujin at hindi naman to siraulo pero kasi nakakaba dahil first big project namin to at ayaw ko magkaaberya. 

"Wag ka mag-alala tol! Hindi ko naman issalvage yung proj natin. Tsaka as friends lang naman... For now. Hehehehe."

"Bahala ka sa buhay mo." Napailing nalang ako. Tigas ng ulo din nito eh. Nagumpisa na ulit akong magdrive habang nagiisip kung saan ang pinakamalapit na Mcdonalds. Habang tinatahak ko ang daan, lumingon ako saglit kay Ryujin at nakita kong busy siya sa phone at sobrang laki ng ngiti. Malamang si Ms Gomez nanaman kausap nito. Naalala ko bigla yung tinag ko kay Ryujin kaninang umaga. Simula pagalis ko ng bahay, hindi ko na ulit nagawang icheck yung cellphone ko. 

"Bes, by the way, nakita mo ba yung tinag ko sayo sa FB kaninang umaga?" 

Nakita kong lumingon sa akin si Ryujin at nagtataka. 

"Hindi, bakit? Ano yun? Wala naman nagnotif sa 'kin." Nakita kong kinakalikot na ni Ryujin yung cellphone niya at tumingin ulit siya sa akin, hinihintay ang sagot ko. 

"Yung sa zodiac trashtalkan bes. Yung group na tinatambayan natin?" 

"Huh? Wala naman eh. Check mo baka di mo naman ako natag."

"Sige mamaya sa drive thru."

Sa wakas, nakita ko na rin ang sign ng Mcdonalds. Gutom na gutom na ako. Simula kagabi wala pa akong kain gawa ng nagprepare ako para sa mock shoot namin ngayon. Ayokong may makalimutan at ayokong magmukhang hindi prepared. Hinintay kong makaalis yung car sa harap namin at saka ako nagdrive paforward. 

"Good morning ma'am! Welcome to Mcdonalds! May I take your order?" Masiglang bati sa amin ng crew mula sa speaker. Medyo nagulat pa ako kasi parang ang taas naman ata ng energy niya sa umaga. Hindi ko siya nakikita pero feeling ko sobrang energetic niya lang na tao.

"Uh, isang mcmuffin at isang large coffee. Ryujin ano sayo?" Nakita kong busy pa rin siya sa phone niya kaya tinapik ko na sa balikat para lingunin ako. 

"Huh? Ah, eh. Kung ano nalang din sayo bes!" 

"Sige, make it two nalang." Sabi ko. Inulit niya yung inorder ko at agad naman akong pinaforward sa cashier window. 

Paghinto ko sa harap ng cashier window, medyo nagulat pa ko sa boses nung cashier. Hindi kasi siya nakatingin sa akin at busy sa pagkalikot ng kung ano sa may cash register at bigla nalang kasi siya nag-good morning at medyo malakas din yung boses niya.

“Good morning po, ma’am! Repeat ko lang po yung order niyo. Two mcmuffins and two large coffees. Do you want to add anything else po?” Lumingon siya sa akin at nakita ko ang paglaki ng ngiti nya sa akin and to be honest medyo na-weirded out ako. Bakit parang ang saya ng mga tao dito sa Mcdo? Akala ko ba sa Jollibee ang bida ang saya?

“No, that’s all.” Alanganin akong ngumiti sa kanya. “Magkano po lahat?”

"252 pesos po ma'am." Sabi ng cashier with matching nahihiyang ngiti. Nagulat ako ng bahagya sa tono niya. Parang nag-ibang tao si ateng cashier. Biglang naging soft yung voice niya at parang nahihiya pang tumingin sa akin. Nag-aadik ba to?

Kinuha ko yung wallet ko at dali dali akong nagbayad. Mahirap na baka isipin nitong interesado rin ako. Hindi naman sa feeling maganda ako pero hindi ako interesado na pumasok sa kahit na anong relationship ngayon. Kahit fling pa yan. Focus lang muna ako sa sarili ko at sa business namin. Oh diba ang layo na nang naisip ko? 

"Winter Halcon, tsk tsk. Pati cashier talaga?" Naramdaman ko ang mahinang hampas sa akin ni Ryujin sa balikat.

"Ikaw talaga siraulo ka." Tinignan ko lang siya ng masama at tinuon ko ulit ang atensyon ko sa cashier. 

"Joke lang bes. Grabe yung ngiti nung cashier eh. Nga pala, ano ulit yung tinag mo sa akin? Check mo na phone mo habang nakatigil tayo."

Pagtapos kong magbayad ay pinaforward na rin ako ni ateng cashier sa may last window para i- claim yung orders namin. Hindi ko nalang pinansin yung paghabol ng tingin sa amin nung cashier. Akmang may sasabihin pa kasi siya pero binilisan ko nalang magdrive. 

Nang makatigil ako sa harap ng claiming window, agad ko naman kinuha at inunlock yung cellphone ko. Nakita kong pineprepare pa naman nila yung orders namin so I think okay lang magcheck ng phone while waiting. Chineck ko yung notifs ko at nanlaki yung mata ko bigla. 

'Karina Montecillo reacted on your comment'

"! !" Nanginginig akong inunlock yung phone ko at tinignan muli yung notifications ko. Nagdadasal ako na sana mali lang yung nabasa ko. Naririnig ko na sa utak ko yung paulit ulit na sabi ng 'Tanga! Tanga! Tanga!'

, totoo ba 'to?!

"Oh bakit Win? Anong nangyari? Nagulat naman ako sayo bes!" Napahawak sa dibdib si Ryujin pero di ko na siya magawang sagutin.

Nanginginig kong binuksan yung FB ko at nakita kong si Karina nga yung natag ko sa post. Ilang beses ko pa nirefresh yung post at baka sakaling nagkamali lang talaga ako ng tingin pero kahit anong refresh ko, si Karina talaga yung natag ko. Nagpapanic pa rin ako na humarap kay Ryujin. 

"Bes!!! Kaya pala di nagnotif sayo! Si Karina yung natag ko. Taragis!" Nagpapanic kong sabi. Sa dami ng itatag ko?! Pag minamalas ka nga naman talaga.

Narining kong tumawa si Ryujin. Tumingin ako sakanya ng masama bago ko ulit tinuon ang atensyon ko sa phone ko. , paano ko 'to lulusutan? This is so awkward! God, I hate myself sometimes. Napapikit ako sa hiya. To think na sa ganung post ko pa siya na-itag? Bakit hindi nalang sa mga horror stories na lagi kong nababasa sa timeline ko? O 'di kaya nama'y sa mga chismis na laganap ngayon sa Facebook? Hay naku. 

"Bes, papaano at si Karina ang natag mo dyan? Ang layo ng R sa K ah.." Ngumiti ng nakakaloko si Ryujin. 

"Shuta naman kasi bes, nasanay ako na surname mo yung tinatype ko gawa ng ayun yung format ng name mo sa FB dati. Nasanay nalang ako na Manalas yung tinatype ko. Bwisit. Hindi ko na madedelete to, nagreact na siya eh. Napakajejemon mo kasi dati!" Ismid ko.

"Hahahaha! Hoy, excuse me. Wag mo nga sisihin yung format ng name ko dati. Tsaka alam mo naman na nagkamali lang ako ng lagay nun noh. Pinalitan ko naman agad siya nung pwede na siya palitan. Playdead ka nalang bes. Ano ba kasi yung post na yun?"

Pinakita ko kay Ryujin yung cellphone ko at agad siyang natawa ng malakas sa nabasa nya. Gago 'to alam kong inaasar lang ako nito. Pero nagulat ako na biglang naging seryoso yung mukha niya. 

"Bakit bes? Di ba totoo yang post na yan?"

Hindi ko siya sinagot at tumitig ulit ako sa post na yun. Nakita ko yung nireact ni Karina at agad akong nagtaka. 'Bakit sad react? Ikaw yung nangiwan tapos ikaw yung sad?' Isip ko. Natahimik kami saglit. Napaisip nanaman ako. Bakit ba kasi andito ka rin sa group na to? Sino ba nagsali sayo? Huhu.

"Hello ma'am.. Here's your order po." Narinig ko yung crew at agad ko naman siya nilingon para kunin ang order ko. Kanina niya pa ata ako tinatawag para iclaim yung order ko. Kita ko kasi na na parang medyo bagot na yung itsura niya. 

Pagkatapos kong kunin ay nahihiya akong nag-thank you at inabot ko kay Ryujin yung order namin. Mabuti nalang wala kaming kasunod.

"Lagay mo muna yung sa akin dyan sa gilid. Mamaya na ako kakain." Malamya kong sabi kay Ryujin. 

Nasense niya siguro na nawalan ako ng gana kasi bigla siyang tumawa at sinabing, "Gusto mo subuan kita habang nagddrive ka, baby?"

"Bwisit ka! Mandiri ka nga." Natatawa kong sabi. Thankful ako kay Ryujin kasi di niya na pinush yung topic. I knew I can only count on her. Kilala niya talaga ako. 

"Sige, malapit lapit na rin naman tayo sa meeting place. Bilisan mo nalang magdrive. Tawag lang ako kay Lia."

"Hindi makapaghintay bes? 

"Hindi eh. Bleh."

Maya maya ay naririnig ko nang magkausap si Ryujin at Lia. Iba talaga 'tong beshie ko. Speed lang. 

Nagpatuloy ako sa pagdrive pero di ko maiwasang isipin yung mess na nagawa ko sa FB. Baka isipin ni Karina na hindi pa ko nakakamove on sa kanya. Baka isipin niya inlove pa din ako sa kanya. Yung una sure ako. Yung pangalawa, ewan ko. Nagtatalo pa rin kami ng puso ko. 

'Kamusta ka na, Karina?'

——————

"Possible bang mangyari yung inlove ka pa rin sa tao kahit nakamove on ka na?" Narinig kong tanong ni Ryujin kay Lia. Nasa site na kami ngayon. Tahimik lang akong nakikinig sa discussion nila ni Ryujin habang kinakain yung binili namin sa Mcdo kanina. Ineexplain ni Lia yung story at concept ng short film na gagawin namin. It turns out na yung gagawin naming short film eh para sa Valentines special ng McDonalds. May ilalabas din kasi silang bagong product na appropriate for Valentines. Galing 'di ba? Love ko 'to talaga. 

Medyo natawa rin ako sa tanong ni Ryujin. How ironic, iniisip ko lang ‘to kanina about kay Karina. Possible nga ba? Sa case ko siguro oo. Alam ko namang nakamove on na ako. Pero yung love, di ko naman madedeny na andyan pa rin. Iba kasi yung samahan namin ni Karina noon eh. Hays.

"For me ha," Narinig kong bumwelo si Lia at saglit akong tinitigan. Sumenyas ako na ituloy lang ang sinasabi niya dahil nakikinig naman ako kahit panay ang nguya ko. 

"For me, yep. Possible yun. Pwede kasing nakamove on ka lang sa kung anong nangyari sainyong dalawa, pwedeng napatawad mo na siya or pwedeng napatawad mo na yung sarili mo pero yung love, andyan pa rin. You can still love a person pa rin naman kahit hindi na kayo.. It's your feelings after all. Yun nga lang, there are some things na hindi mo na maibabalik kaya mas pinipili nalang natin magmove on and decide na lagyan nalang ng special space sa puso natin yung tao na yun instead of completely forgetting them.." pag-explain niya. "Pero syempre ha, depende pa rin sa case yun. Pag niloko ka or ghinost ka, ibang usapan yun." she chuckled.

Naramdaman kong tumingin sa akin si Ryujin pero hindi ko siya pinansin. Alam kong the moment na narinig niya yung story ng short film, ako agad ang nasa isip niya kaya nagtatanong siya kay Lia ng kung ano ano. Wala naman ako magagawa dun kaya pinapabayaan ko nalang. Makakatulong din n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
fyeahwinrina
Hi guys! Ngayon lang ulit ako magsusulat after 6 years?! Wow. First winrina story ko 'to. Sana magustuhan niyo. Thank you! :)

Comments

You must be logged in to comment
winter_gae #1
Chapter 2: Winter, kayanin mo.
Prenglesz_
#2
Chapter 2: Wintuuuurrr ano yan di makatiis? Pero hays wintuuur wag ka magpakarupok bading ka! Iniwan ka niyan ng walang valid reason sinaktan ka besh! Tapos tinanong ka pa kung pwede kayong mag stay as a friend nako bakla ayusin mo! Ako nasasaktan for you eh pero hmmmm may reason din siguro talaga tong si karina why nangiwan siya hmmm pero kahit na! Wrong parin
Topkangseul
#3
Chapter 2: Winter marupok HAHAHAAHHA
ayperos_
#4
Chapter 2: marupok hahahahaha de jok lang.
not_summer
#5
HALAAAA OMGGG!!! ARAW-ARAW YATA MAY DAGDAG SA WINRINA TAGS AND I'M LOVING IT!!❤️❤️❤️

DEFINITELY READING THIS❤️❤️❤️
jmjwnr
310 streak #6
Chapter 1: bakit naman nangiwan 😮😮😮
yurielle
#7
Chapter 1: karina red flag ka na ba?
ayperos_
#8
Chapter 1: bat ba nagbreak? shet wintot tara nomi
howdoyouknowmee
539 streak #9
Chapter 1: Hala may bagooo
ayperos_
#10
oi gagi eksyted nako para dito