I Wanna Hold Your Hand

I Want To Hold Your Hand

Yurina's POV

"Qiao halika nga dito, hawakan mo kamay ko." Lumapit sakin si Xingqiao at inabot ang kamay niya.

"Thanks! Yun lang hehe chupi ka na." sabi ko sabay bitaw sa kamay niya.

"Hoy ano yun?" Tanong niya at inamoy ang kamay niya. Bilang tao na ipinaglihi sa trust issues, binigyan pa kong masamang tingin ni bugok.

"Tanga wala! Malinis kamay ko!"

"Weirdo ampot-" pinutol ko na sasabihin ni Qiao kasi wala naman lalabas na maganda sa bibig niya :3... "--pakyu"

"SHIROOO~" Tawag ko sa isa ko pang matalik na kaibigan.

"Bakiiiiit~" Sagot naman nito habang papasok sa kwarto niya kung saan kami nakatambay na may dalang pagkain. 

 

Kaya kaibigan ko to eh, tipong project pinunta namin dito sakanila pero syempre kain lang ginawa namin HAHAHAHAHAHA.

 

"Lapit ka sakin Shiro, akin na kamay mo."

"Bakit?" Nagtanong pa siya pero inabot lang din naman yung kamay.

"Ano feeling na ka-holding hands mo ko?" Tanong ko habang hinahaplos at nillock ang mga daliri namin ahihi landi lang.

"Uhmm wala? Araw-araw mo naman kami tsinatyansingan anong bago?" Sabi niya na parang pinaparating na manyak ako. Baboy bhie.

Hayy ayoko na sa prens ko tyansing daw ako.

"Kapal mo rin minsan no Shiro? Wala naman ako makakapa sa'yo hehe. Pa-kiss ngaaaa!"

"Tignan mo? Pinagsasamantalahan mo lang talaga ako eh. Pero anong kagagahan nga 'to siz may hand ka na?"

"Weirdo lang talaga yan si Yurina wag mo na intindihin. Tag-tuyot lam mo na, di kasi sumama dito si Xiaoting."

"Luh pangit mo ka-bonding Huang Xingqiao. Hindi ko nga makapitan yon, ni isang beses!! Mga siz yun na din problema ko ngayon, naisip ko lang kasi... diba bespren ko naman kayo, bespren ko din si Xiaoting... bakit never kami naghahawak kamay? Tangina nakakalungkot? Mabantot ba ko?"

Legit nalulungkot talaga ako. Ngayon ko lang naman kasi napansin 'to pero bakit ganun? Ilang taon na kami magkaibigan di pa ba kami close? 

Ano feeling kahawak siya? Luh... parang tanga...

 

 

 

Day 1, attempt 1

Katabi ko si Ting maglakad papuntang cafeteria. Medyo nakakairita lang. Kasi naman, bakit ang layo niya? I mean hindi naman malayong malayo pero di kami magkadikit!!

Kung si Shiro 'to kanina pa siguro ako naka-kapit. Walang rason para di ko gawin kay Ting pero bakit di ko magawa? Pleaaaase huhu ang awkward isipin na hahawakan ko siya pero gusto ko talaga i-try.

Isang beses lang I swear.

 

"Yurina, anong gusto mo spag or carbonara? Dahil perfect ako sa quiz kanina, libre na kita hehe.. 😎" Tangina ang pogi ng bespren ko.

"Ikaw gusto ko ihhh 👉👈" Syempre biro lang.

"Mag-carbonara ka nalang." K.

"Mukhang mabigat yang plato na dala mo Ting, tulungan na kita." Hehe syempre hahawakan ko lang talaga kamay niya.

"Tanga tigilan mo ko." Awts sheket nemen makaiwas sa'kin wagas. Wala na ayoko na makipaghawak-kamay!

 

 


Day 2, attempt 2

Dahil tapos na ko mag-inarte kahapon gusto ko ulit i-try hawakan si Ting ngayon.

"Yurina smell me, I got a new perfume! Ays ba? 😌😌" Oh shet! Ang papi ng amoy ni bespren. Bat ganto bespren ko rold? 5'6, Chinese, matalino, talented, mabango, may abs, pogi, may abs, at pogi talaga. Huhuhuhu.

"Huy Ting wag ka masyado magpabango naiinlab ako. Payakap nga!!" Payakap na ko sakanya nang tinulak niya ulo ko palayo. Awts x2. Rejected not once but twice. How can I dalkomhan chocolate when I'm not the one you fancy lods.

"Sinuswerte ka? Not today babe 😉" Alam niyo, ganyan siya ang landi landi pero hanggang salita lang yan. 'Babe' your pretty face.

"So kailan pwede? Yakap lang naman, ang damot mo. Pahawak nalang sa kamay BABE~" Aabutin ko na sana yung kamay niya pero biglang dumating si Prof. Tinapa.

Edi umupo na si Ting sa upuan niya!! Ganda ng timing mo Ma'am!! Wuuuuu strong army!! GRAAAAPE!!

Magkalayo kami ng upuan ni Ting!! Rold, kung di mo kami kaya ipaglapit, ipilit natin!

 

 


Day 2, attempt 3

Sabay nga pala kami uuwi ni Ting ngayon. Alam na dis. Since magkalapit lang bahay namin at di rin kalayuan sa school, sabi ni Ting maglakad nalang daw kami pauwi para makatipid siya.

Edi maganda!!!!

Madami akong pera, kahit araw-araw ko pa sagutin pamasahe namin, kahit buhayin ko pa siya habang-buhay jk. Pero ayaw ni Ting ginagamit pera ko, ang cute lang. Minsan ang sarap niya...kutusan. Syempre ngayon sang-ayon ako na di gumastos. Ayaw ko din mamasahe kasi mag-HHWW pa kami.

Walangya, ang dami ko palang bitbit. Bukod sa backpack ko, may PE uniform pa na nakalagay sa eco bag, may laptop sa laptop bag, saka bitbit ko din props namin sa roleplay bukas. how???

Tinignan ko naman bitbit ni Ting, may dala din siyang uniform at props pero libre yung isang kamay niya. Maderpakkerz I pakking got diz.

Nilipat ko sa isang kamay ko lahat ng bitbit ko, kaya ko 'to... kaya ko 'to, kaunting balanse lang, ipit sa kili-kili yung props. Ngayong libre na din isang kamay ko hahawakan ko na kamay ni Ting ahihi.

"Huy ano ba ginagawa mo dyan?" Tanong ni Ting nung napatigil ako kasi nahulog yung props na naka-ipit aa kili-kili ko. Pakker ang hirap kasi bitbitin lahat sa isang side lang.

"Ahh masakit kasi kabilang braso ko."

"Eh? Napano ba braso mo? Mukhang okay naman kanina?" Tinignan niya ko, yung mukha niya para bang sobrang nag-aalala. Hala uy baka kiligin ako, gagi wag. Chz kinikilig ako di ko na talaga alam kung bakit. Siguro kasi ang bango nung pabango niya kanina?

"Biglang sumakit eh, gusto mo check?" Binigay ko braso ko sa kanya pero balewala. Edi wow, pasalamat ka ikaw pinakamaganda sa mata ko ngayon at ang bango mong hayup ka.

"Tulungan na kita, bigay mo sakin laptop mo." Sabi niya sakin at tinulungan ako magbuhat ng gamit ko. Ayy... gentlewoman yarn?

Napatitig nalang ako sa likod niya nang mauna na siya maglakad ulit. Bibo kid.


Nakauwi na kami.
Tangina di ko na naman nahawakan si Ting.

*message received
Ting 🐺: Pa-check mo agad braso mo, nurse naman si Tita. Baka mapano pa yan. Rest well ❤️

EH BAT MO KO PINUPUSUAN!? charot.

 

 

 

Day 3, attempt 48

"Ting, sine tayo." Aya ko sakanya kasi gusto ko manuod ng pelikula. Nood lang. Ganun. Yun lang naman ginagawa sa sinehan diba? Hehe.

"May maganda bang palabas? Pag nagpunta tayo ngayon baka ikaw lang maganda dun." Ha? Ano daw?

My ears. It's ano... so blessed by Naevis.

"Di pa tayo nagpupunta alam ko nang mas maganda ka, Ting." Akmang hahawakan ko mukha niya pero syempre virus nga ako tapos siya si Superman di tinatablan, siya din si Flash kung umiwas.

"Bukas sine tayo." sabi niya habang nagmamadali pumasok sa cubicle.

"Taeng tae ha? Tae well babe." Pang-asar ko sakanya. Badtrip.

 

 

 

Day 4, attempt 101

"Uy nilalamig ako, di mo ba ko yayakapin?" Tanong ko kay Shen pogi, baka lang naman.

"Hindi." Awts x69. I'm hort, nakakarami ka na ah? Hinubad niya jacket niya at binigay niya sakin.

"Aanhin ko 'to?" Di naman ito yung gusto ko. Sad lyf.

"Akala ko ba nilalamig ka?" Nanlalamig sa'yo pre, nt, gg, bawi nxt lyf.

"Oo nga sabi ko nga." Sinuot ko nalang din kasi why not? Nasagap ng ilong ko yung amoy na kinaadikan ko, ang bango bango talaga... Sisinghutin ko to hanggang mamatay ako. 1/2 charot.

Napatingin ako sa baba at nakita ko yung kamay niya sa gilid ko. Tama, kamay nalang. Baby I want to hold your hand ahihi.

Dahil magkatabi lang naman kami kinapa ko na kung nasaan ang kamay niya. Nakatingin ako sa pinapanuod namin para di halata, pero putangina asan yung kinakapa ko? Lumingon ulit ako sakanya, ayon.


Sige, lumamon ka dyan. Mabilaukan ka sana.

 

 

 

Day 7, after attempt 999

No, I don't think you understand. 
✨I'm obsessed.✨

Tiktoker yarn?


Update lang, napagdesisyunan kong titigilan ko na 'to. Totoo. Legit. No cap. 

Papasok na kong rehab. Nagaadik kasi ako. Tas yung kinaaadikan ko isang chekwang germaphobe na takot na takot sa hawak ko.

Maling mali eh.

Bakit?
Kasi araw-araw ko na siya iniisip. Ngumingiti na ko habang nagsasaing. Nananaginip na kong gising. Hinahanap ko na amoy niya na parang aso.
Nagmamadali na ko magbukas ng phone pag may notif. Dumadami na ginugupit kong bangs. Mababaliw na ko pls. Pigilan niyo ko!

Nung una gusto ko talaga siya hawakan, alam niyo yon para mukhang close na close na talaga kami. Pero ngayon kinakabahan na ko. Lalabas na puso ko sa dibdib tuwing sinusubukan ko. Di naman ako nagkakape pero yung nerbyos ko... pakshet ka Xiaoting...


"YURINA!!" Speaking of... nagulat ako nang tinawag ako ni Shen pogi, ang pogi kong bespren, ang lab na lab kong Ting ting. 1/2 charot.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ano yan?" Tanong niya sa tanong ko.

"Anong ano?" Tanong ko sa tanong niya sa tanong ko.

"Yung mukha mo." Wow.

"Yawa ka ano meron sa mukha ko?" Dafak? Wag mo inaano mukha ko ah? Ilang araw na ko gandang ganda sa'yo.

"Tanga yung mukha mo para kang pinagbagsakan ng langit, lupa, impyerno." Sabi niya na may mukhang nanloloko pero gugustuhin kong magpaloko. 1/2 charot ulit.

MAS TANGA KANG CHINESE KA, KASALANAN MO 'TO INAMO!! Ito ang gusto kong isagot pero syempre mananahimik nalang ako.

Di ko na siya sinagot. Don't talk to me beetcchhhh.

"Huy joke lang." Medyo natatawa niya pang sambit.

"Yurinaaaaa" Cute ka?

"Uy pansinin mo ko." Xiaoting tigilan mo ko.

Di ko din alam pero hindi na talaga ako maka-imik. Pagod na yata ako, para akong naghabol... sa wala... char...

"Ang arte ha? Di bagay sa'yo HAHAHAH" Tawa ka dyan.

Ngl, for the first time, gusto kong umalis si Xiaoting sa harap ko.

"Alam mo ba? Bagay sa'yo kung nakangiti ka, pero mas bagay nga lang sa'yo ang isang... ako 😎" Proud ka nyan? May pagturo pa sa sarili si gago.

"Alam mo, puro ka joke." Sagot ko sakanya. Di ko alam saan nanggaling attitude ko gags pero naguguluhan na din talaga ako sa sarili ko.

"What?" Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinignan siya ng masama.

"Huy. Pinapatawa lang kita. Sorry naman." Nakatingin pa din ako sakanya. Tbh di ko naman kaya magalit dito, tignan niyo naman yung bespren ko.

"Ano problema mo?" Tanong niya.

Tinalikuran ko siya. Sad girl na kung sad girl pero pota. Nababadtrip ako eh! Naiiyak ako, natatakot ako, kinakabahan ako, lahat na.

Di ko na mapigilan nararamdaman ko, pota naman. Di ko na napigilan lumuha, di ko na din maintindihan bakit ako ganito ngayon.

Naramdaman ko siyang lumalapit sakin.

"Uy. Kung ano man yun, sorry na."

"Harapin mo ko... please?"


"Yurina."


Ayoko siya harapin pero nagulat ako nang yakapin niya ko sa likod.

Gago!?

Hinawakan niya kamay ko at inikot niya katawan ko para iharap sakanya. Di niya pa din ako binibitawan, di ko siya matignan kaya tumingin nalang ako sa magkahawak naming kamay.

Ramdam kong tinitignan niya lang mukha ko. Pag ako natunaw, ewan ko nalang sayo Shen Xiaoting.

"Tumingin ka sa'kin."

"Tingin dito..." Di ko kaya bhie.

Pinagdikit niya mga noo namin. Pakshet wag ka ganyan huhu. Why are you suddenly touching me? Parang tanga naman ih.


"Akala mo ba di ko alam? Isang linggo mo na ko pinipilit ilapit sa'yo. Eto na oh." Inangat niya kamay namin para mapakita sakin ang tinutukoy niya.

"Eto pa." Inikot niya braso ko sa bewang niya at ahil sa pwersa, napasandal ako sa katawan niya.

Lord. Niyayakap ako ng isang Shen Xiaoting. ANO GAGAWIN KO?

 

 

"Yurina, mahal kita."

 

HOY!?

Tinulak ko siya agad ng bahagya para makawala sa yakap niya.

 

"Uy joke ba 'to? Hindi ako natatawa Xiaoting ah?"

"Walang halong biro. Peksman mamatay man." Sabay ngiti sa akin. Madaya. May powers yung ngiti.


"Eh bakit mo ko iniiwasan? Alam mo pala na gusto kita mahawakan..."

"Kasi Yurina, mahal kita." Shet inulit pa? Tumigil siya pero tila marami pa siyang kailangan sabihin kaya kahit nabibigla ako, hinayaan ko na muna siya magsalita.

"Noon pa man at hanggang ngayon." Giiiiiiirrrlll I--- 

"Pag napalapit ka sakin tulad nito, alam kong di na ko makakapagtago sa'yo. Iniiwasan ko lang na mahulog lalo. Yurina best friend kita. Wala na kong pake kung cheesy to, pero ayokong mawala ka. Kaso ang kulit kulit kulit kulit mo punyeta trip na trip mo ko. Napakalandi mong nilalang." Natawa naman ako sa pagtatapat niya, kalahating abnoy din eh. Oo trip na trip talaga kita tanga.

Niyakap niya ko ng mahigpit. Siz. Cloud 9. Good 169%. Ganito pala feeling.

"Panagutan mo ako." Bulong niya sa tenga ko. Rold nung sinabi kong ayoko na, joke lang yun ha. Salamat!

#feelingblessed

"Ting wag dyan, may kiliti ako dyan." Kems, yung hininga kasi ni gago sa tenga ko!! Puso ko teka lang...

"Pero Ting, for the record, sabi nila tyansing ako. Mas tyansing ka pala sakin. Palitan mo muna label natin uy..."

"Bahala ka, basta ako di ko na bibitawan to. I want to hold your hand forever." Sambit niya sabay halik sa kamay ko.

H4luUh cn0 b/\h n/\m@n 4kkU p/\ruUh 7Um/\nGG!

 

 

End.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
prism4tic
#1
Chapter 1: "Wuuuu strong army! GRAAAAPE!" WAHAHAHA bet ko to, kuhang kuha yung pagka kalog ni yurina 😭