paalam.

huling gabi.
Please Subscribe to read the full chapter

Heto na naman tayo, pagkatapos ng payapang oras na tayo lang, sa mundong para sa atin lang, aalis ka na naman, iiwanan mo na naman ako. Babalik ka na naman sa nagmamay-ari sa’yo. 

 

Maaga man para sa akin ang pag-alis mo nang alas-nuwebe, hindi ko pwedeng kalimutan na may iba nga palang naghihintay sa’yo makauwi, na hindi lang ako yung naghahanap at naghihintay sa mga mahigpit na akap mo tuwing sasapit ang isa na namang malamig na gabi. 

 

Hindi ko pwedeng kalimutan na hindi nga pala ako sa’yo at hindi ka sa’kin. 

 

“Ang aga mo atang uuwi ngayon?” Pagtatanong ni Seulgi mula sa sofa.

 

Patuloy lang si Irene sa pag-aayos ng kanyang sarili sa salamin, “Tinext ako ni Sehun. Maaga raw siyang makakalabas ngayon.”

 

Naramdaman ni Seulgi ang pag kirot ng kanyang dibdib sa narinig, ngunit sino ba naman siya para makaramdam ng pait? Hindi naman siya ang una sa puso at isip ni Irene. Ni wala ngang kasiguraduhan si Seulgi kung mahalaga ba talaga siya sa kanyang katabi ngayon. 

 

Sinadya niyang lakasan ang kanyang pag buntong hininga na parang bata na nanghihingi ng atensyon. Hindi inalis ni Seulgi ang kanyang atensyon kay Irene na nag-aayos pa rin. Mabilis siyang sumulyap kay Seulgi sa salamin. May kaunting bahid ng dismaya sa kanilang mga mukha ngunit magkalayo ang dahilan; kay Seulgi, dahil hindi sapat ang oras ng kanilang munting ‘pagkikita’; at kay Irene, dahil mukhang hindi na naman maintindihan ni Seulgi na hindi niya kayang– hindi siya dapat manatili, kahit anong pagmamakaawa o pamimilit pa niya.

 

Tuluyan nang hinarap ni Irene si Seulgi na ngayon ay nakaupo na sa kama, ulo’y nakatungo at mga kamay magkadikit na para bang nagdadasal siya. Alam ni Irene na hinihintay na lamang siya nito na magpaalam at tuluyang lumabas ng pintuan. 

 

“Seulgi,” Tawag ni Irene, mahina ngunit buo, binubuo ng babala. 

 

Siya na rin mismo ang bumuntong hininga, “Alam mo namang bawal, ‘di ba?”

 

Lumingon si Seulgi sa kausap, may kislap ng pagkabigo at dalita sa kanyang mga mata. Narinig ni Irene ang panunuya ni Seulgi na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig.

 

“Bakit ka ba nagpapaliwanag?” Tanong ni Seulgi mula sa kama habang diretsong nakatingin kay Irene. Bumungisngis siya bago sinabing, “Bago ‘yan ah.”

 

Sa puntong iyon, si Irene naman ang sumimangot. Walang ibang sumasakop sa isip niya kundi inis at pagkalito.

 

Pinigilan muna niya ang sarili niya, “Ano bang gusto mong sabihin ko?”

 

Hindi sumagot si Seulgi. Tuloy lang ang pagtitig niya sa kausap. 

 

Suminghal si Irene at sinuot na ang kanyang amerikana, “Tapos hindi ka sasagot. Ayo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Topkangseul
#1
Chapter 1: Aray ko po
softforseulrene #2
Chapter 1: ang gusto ko kagat ng langgam. hindi kagat ng dinosaur rAwr ror
Maatt_booii #3
Chapter 1: Aayy.
jojoyismyname #4
Chapter 1: HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHHASANASINAKSAKNYONALANGAKO
Geeyyll #5
Chapter 1: Ouch pain :<