Final

Wag mo akong utusan

Wag mo akong utusan

 

Pandemic happens for seulgi its a blessing dahil online class mas makakapasok sya sa work nya. She's a 3rd yr working educ student dahil sa kasalatan sa buhay eh napilitan mag trabaho, bukod kasi sa kanya lima pa ang pinag aaral ng mga magulang nya, panganay lang naman sya sa mag kakapatid kaya lahat ng responsibilidad bilang ate ay tumabon sa kanya bakit ba kasi hindi naisip ng magulang nya mag family planning ayan tuloy isang kahig at isang tuka sila pero kahit na nga ganun yung buhay nila eh ayos lang dahil masaya naman sila. 

 

"Pre gusto mo?" Alok sakin ni byul ng stick ng twomoon nyang hawak, alam na alam nya naman na hindi ako naninigarilyo eh.

 

"Ayoko pre ekis sakin yan" pag nag bisyo pa ako bawas pa yan sa sweldo ko dami dami namin gastusin sa bahay. 

 

"Alam ko pero napansin ko kasi stress na stress ka baka makatulong" kahit tempted ako ngayon na manigarilyo eh hindi ko magawa. Iniintay ko lang naman si byul matapos mag hit, sakanya kasi ako sumasabay pag parehas kami ng duty sa jabz (jollibee) closing kami parehas sayang naman kung mamasaheros pa ako.

 

"Pre may iba kapa bang alam na ibang raket dyan?" Tanong ko kay byul, sya kasi maraming alam sa ganyan mas pinili nya mag trabaho kesa mag aral sabi nya "hindi sakin ang pag aaral pre, naiinip lang ako" ewan may mga tao kasi na ganun saka hindi naman kami parehas mayaman ni byul binubuhay din nyan yung pamilya nya dahil nga di naman nag tratrabaho ang tatay nya at nag titinda naman ng ulam ang nanay nya.

 

"Sama ka sakin pre sa sabado maluwag naman na ngayon may pag cacater-an na tamang tama naghahanap pa ng assistant event organizer yung papasukan ko extra din yon" sabi nya sa akin, papa rest day nalang ako sa TL namin para makasama ako sayang den yon 1k ang bigayan kung tutuusin tatlong araw na pasok ko yung sa jabz kung pirming 7hrs ang pasok ko bonus pa kung galente si client.

 

"Yon salamat, pero pre ala kaba yung mapapasukan sana" need ko talaga ng pera ngayon may sakit si tatay eh kaya pinatigil muna namin mag trabaho sa construction si nanay naman itinataguyod kami sa pagbebenta ng gulay.

 

"Pre bakit hindi ka muna tumigil ng pag aaral isang taon lang naman ipon ka muna" suggest ni byul 

 

"Naisip ko na yan pre kaso 3rd yr na ako sayang naman kung titigil pa ako ng isang taon, saka ala naman kasiguraduhan ang buhay byul, alam mo naman na anim kaming magkakapatid mahirap tantyahin kung makakaipon ako mainam nga na online class ngayon atleast kahit na nasa labas ako pwede akong sumilip lang sa meet" pag papaliwanag ko, baka mamaya payagan nang mag face to face ng gobyerno na sa tingin ko ay malabo pero malay mo naman mainam na yung ready ako susulitin ko na itong online class para maitaguyod ang mga kapatid ko. Hindi ko man pangarap maging teacher eh yun lang ang available sa lugar namin ayoko naman mag criminology yan kasi ang mga libre na edukasyon dito sa amin mahalaga lang sa akin ang diploma.

 

"Sabagay matalino ka naman kasi pre, sige hayaan mo pag nakabalita ako sasabihin ko kaagad sayo" tinapon na ni byul yung sigarilyo nya "tara na alas dose na" aya nya sa akin. Ganito kami tuwing closing madaling araw na nakakauwi. Sumakay na ako sa motorsiklo ni byul hindi naman kasi nag kakalayo bahay namin isang kanto lang ang pagitan sya nga din ang nag aya sa akin na mag trabaho kami sa jabz.

 

Sampung minuto namin binaybay ang daan papauwi di naman kalayuan ang bahay namin sa jabz kaya kaagad lang kaming nakarating sa barangay namin, hininto na ni byul yung motor sa tapat ng eskinita papunta sa bahay namin. 

 

"Salamat pre sa uulitin" tinanguan naman ako ni byul. Nag simula na akong lumakad sa papasok sa eskinita namin, dikit dikit ang mga bahay dito sa amin wala kang makikita na space kaya pag nag kasunog tyak na maraming bahay na patutupok. Malapit din kami sa ilog problema nga tuwing tag ulan tumataas ang tubig isama mo pa ang bulok namin na mga bubong hay buhay hirap.

 

Nakarating na ako sa maliit namin na bahay konreto naman ito pero pag dating sa loob puro plywood nilagayan kasi ni tatay ng mga divider yung bahay para naman daw may privacy kami kahit papaano. 

 

"Nay bat gising pa ho kayo?" Tanong ko kay inay madaling araw na gising pa tyak na maaga syang gigising dahil lulusong pa syang tumana para manguha ng gulay para sa pag titinda nya. Sa sala kasi naka pwesto sila nanay kasama nila yung tatlo kong maliliit na kapatid habang kami naman nung natitira pang tatlo sa kwarto.

 

"Ay kasi anak tinulungan ko pa mag gawa ng project ang kapatid mong si yeji kailangan daw kasi nya ng mag vivideo sa kanya" napatango nalang ako, ito lang ang hirap sa online class kailangan ng mga gadgets alam kong maraming mahihirapan dahil hindi naman lahat may privilege na bumili ng cellphone o ng laptop. Sa totoo lang isa ako dun sa nahirapan dahil nung una una ako lang ang may cellphone sa amin kaya't nag ka problema talaga ako kung papaano ko magagawan ng paraan na mag karoon ng gadgets ang mga kapatid ko. Nag tabi naman sila nanay at tatay ng pera para doon kaso hindi sasapat kaya katakot takot na trabaho ang ginawa ko para lang makabili ng kailangan nila, sa awa naman ng diyos eh naitaguyod ko.

 

"Yej kailangan mo pa ba ng tulong" tanong ko sa kanya.

 

"Hindi na ate kaya ko na to naturuan mo naman na ako pano mag edit" sabi nya Grade 12 na si Yeji dyan sa pampublikong paaralan sa amin ABM strand ang kanyang kinuha balak daw nya sanang mag accountancy kaso wag nalang daw dahil hindi namin kakayanin ang matrikula.

 

"Yej na try mo na bang mag entrance exam dyan sa state university?"

 

"Hindi na ate mag cricriminology ako para libre matrikula" 

 

"Diba sabi ko naman sayo yeji kaya ko saka wala naman masyadong babayaran don sa state uni" pag papaliwanag ko sa kanya.

 

"Ate tinanong ko kasi yung kakilala ko dun eh medyo may gastos nga din daw ayaw ko naman na kayong pag problemahin nila tatay" malungkot nyang sabi.

 

"Yeji kaya ko, mag exam ka kakayanin namin pangarap mo yan hindi ba? Susuportahan kita" pag eencourage ko sa kanya ayaw kong matulad sya sa akin gusto ko makuha nya ang pangarap nya.

 

"Ate naman tignan mo nga sarili mo ang payat payat mo na, alam kong hirap kana ayoko nang dumagdag pa" 

 

"Di kaya nakikita mo bayan?" Hinawi ko yung manggas ko at pinakita sa kanya yung mga braso ko.

 

"Oo ate mukha kang kalansya hahahah payat payat ng braso mo mas matcho pa ko sayo eh" nagtawanan kaming dalawa.

 

"Mag eexam ka ok?" Napasimangot naman si yeji sa sinabi ko.

 

"Ate naman" 

 

"Wag kang makulit sige ka gusto mo sabihin ko dun kay jojie pumapayag ka na ligawan ka nya" pang aasar ko si jojie kasi yung mabahong tambay sa kanto namin medj may toyo yon trip na trip si yeji eh.

 

"Ateeeeee" pinalo palo nya naman yung braso ko di ko naman mapigilan di tumawa.

 

"Pag hindi ka nag exam sige" 

 

"Sige ate mag eexam ako pero sa isang kondisyon" iba na talaga mga bata ngayon may kondisyon pa.

 

"Ano yon?"

 

"Mag eexam lang ako kung papayagan mo ako mag part time habang di pa nag faface to face" hays ang kulit talaga ng bata na to.

 

"Kaya mo ba?" Mahirap kasi pag sabayin ang pag aaral at pag tratrabaho hating hati ang oras mo tapos maghahabol kapa ng mga requirements.

 

"Oo ate ikaw nga kinaya mo edi kaya ko din" 

 

"May magagawa pa ba ako?, pero pag nakasagabal yan sa pag aaral mo ititigil mo yang pag tratrabaho" seryoso kong sabi sa kanya naintindihan nya naman agad. 

 

"Salamat ate" niyakap nya ako, at niyakap ko din sya pabalik.

 

"Tulog na tayo yej maaga pa bukas klase ko" 

 

Nag palit na akong damit, tinignan ko muna ang cellphone ko at baka may mahalaga akong mga messeges galing sa mga prof namin. Sa awa ng diyos ala naman kaya itanabi ko na ang cellphone ko at pumikit.

 

-

"Ate gising na mag aalas otso na diba start ng klase mo yun?" Gising sakin ni winter pangatlo sya saming anim na mag kakapatid.

 

Napabangon naman ako agad at tinignan ang oras 7:45 na pala napahaba ang tulog ko, bumangon na ako para mag sipilyo at mag hilamos nakakahiya naman sa prof namin kung mukha akong bagong gising nag papa oncam pa naman si Doctor Matias ayaw na ayaw pa naman non ng hindi presentable ang itusura.

 

"Winter pwede mo bang ipag timpla ng kape si ate?" Sabi ko kay winter wala naman syang ginagawa kundi mag pipindot sa cellphone nya kaya pwedeng mautusan.

 

"Penge akong bente ate" tignan mo to.

 

"Aanhin mo naman? Aga aga bente agad" tanong ko sa kanya.

 

"Ah eh ate kasi may assignment kasi ako kailangan daw ilagay sa word punta muna ako sa compshop, hindi ko naman magagamit yung laptop mo kasi dala ni ate yej gagawa daw silang research" mahabang pag papaliwanag nya.

 

"We? Gusto mo lang makita yung bantay ng compshop don eh ano nga ulit pangalan non? Kalina? Kavina?" .

 

 

"Karina ate"

 

 

"Oh hule"

 

"Seryoso nga kasi ate tignan mo oh eto sinend ng teacher namin ayaw kasi maniwala" natawa naman ako sa ka itsurahan ni winter mukhang naiinis na. 

 

"Sus oo na timpla mo muna ako ng kape" sabi ko sa kanya, hindi kami sanay mag agahan kaya tamang kape lang kami sa umaga, alam ko naman na hindi advisable sa mga bata ang kape kaso ano magagawa namin kape lang afford namin mahal ang gatas mas pipiliin pa namin bumili ng bigas kesa iyon.

 

Binuksan ko na ang google meet dahil eksaktong alas otso na agad pa naman nag papa attendance si Doctor Matias, ganito routine ko sa umaga klase muna hanggang alas dose sa hapon naman ay nasa jabz ako, nag hahanap pa nga ako ng iba pang papasukan sayang kasi yung mga natitira ko pang oras madalas kasi alas sais na pasok ko sa jabz sayang pa ung natitira kong limang oras. 

 

Smooth ko naman naitaguyod ang klase namin sa first subject asynch naman yung kasunod so wala kaming meet nag intay lang ako ng konti kaso mukhang ala naman ibibigay na activity si Sir kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinanap si winter.

 

"Winteeeeeerrrr san ka?" Sigaw ko, lumabas naman sya sa kwarto namin. Dumukot ako ng bente sa bulsa ko at iniabot ko sa kanya.

 

"Ayan ah landi well" pang aasar ko. 

 

"Ate naman hindi ko crush yon" pag mamaktol nya.

 

"Eh bat sabi sakin ni ningning" 

 

"Hindi totoo yun issue lang yon"

 

"Sige sabi mo eh" nginitian ko sya inis na eh baka sipain na ako.

 

"Salamat ate, alis na ako ah" 

 

"Umuwi ka dito ng tanghalian ah" pag papaalala ko sa kanya, lagi kasi yong nag oovertime sa compshop nalilipasan ng gutom madalas kaya kapayat din eh. Isa pa sa madiskarte ko yun na kapatid sakin ata nag mana yung sampong piso nun nagiging 200 dahil sa mga kapustahan nya sa laro sa mga bata roon, di ko naman din mabawal kasi ganun din galawan ko nung nasa edad nya ako.

 

Yung tatlo ko naman na mga nakababata na kapatid for sure nasa mga laruan na yung mga yon kaya ako nalang at si tatay ang nasa bahay dahil nag titinda na ng gulay si nanay. Pinuntahan ko si tatay sa kusina.

 

"Tay kamusta naman pakiramdam nyo?" Tanong ko mukhang nakaka recover na si tatay trinangkaso kasi sya at may injury ang paa kaya nilagnat.

 

"Ok na anak tsk lakas kaya ng tatay mo oh" flinex nya yung dalawa nyang braso, natawa nalang ako kasi ang matcho nya kaso malaki ang tyan hahaha.

 

"Oo nalang tay" 

 

Narinig kong nag ring yung phone ko

 

"Oh bakit byul?"

 

"Sama ka mamaya bday ni jisoo sama tropa diba restday mo naman ngayon?"

 

"Oo inuman ba?" 

 

"Kasama yon syempre mag unwind ka naman kahit konti lang pre ako bahala kila jisoo pag pinainom ka ng marami"

 

"Anong oras ba?" 

 

"Alas singko sunduin na kita sa inyo" 

 

"Sige" 

 

May tropahan kasi kami dito si Byul, Jisoo, Lisa, at Wendy mga tropa ko sila bata palang kami. Pero kami talaga ni Byul laging mag kasama, dahil sa subdivision nakatira sila Jisoo Wendy at Lisa eh mas malapit bahay ko kila byul.

 

"Tay bday ni jisoo mamaya punta ko" 

 

"Ge paki sabi kay jisoo happy bday painom naman sya" 

 

"Iinom kami" maigsing sabi ko

 

"Daya bat kayo lang? Di ako kasama" 

 

"Kung hindi ka injured tay for sure ikaw pa kukunin na tanggero non mas tropa ka nun kesa sakin" natatawa kong sabi.

 

"Ge lang nak basta drink responsibly ayoko pa mag ka apo" natatawa nyang sabi.

 

"Tay naman"

 

"Ay oo nga pala di ka nga pala makakabuntis hahahah" si tatay lakas ng trip ganyan bonding namin asaran lang.

 

-

 

"Pre lika na" dumating si byul sa bahay namin nag mano naman sya kila nanay. "Tito fred Tita Jo kidnapin ko muna si Seulgi sa inyo pag hindi nakauwi samin sya nag stay wag kayo mag alala update namin kayo" 

 

"Nako byul kahit di mo na iuwi yan" natatawang sabi ni tatay. "Sabihin mo kay jisoo dayuhin nyo ako minsan dito inuman tayo" napa iling naman ako sa sobrang cool tatay nya pati barkada ko barkada din nya.

 

"Oo naman tito fred makakarating miss ko na session naten" 

 

"Nako kayo talaga puro alak nasa isip nyo" panunuway ni nanay. 

 

"Minsan lang naman yon Jo" sabi ni itay 

 

"Sige na, tay nay alis na ko babye, kayong trio pakabait kayo ah" turo ko sa mga bata kong kapatid tumango naman sila at bumalik sa pag lalaro.

 

"Pre ayos na ba tong suot ko?" Tanong ko kay byul naka plaid poloshirt at white tee panloob maong pants at converse na sapatos suot ko, may kaya kasi sila ji kaya medyo concern ako sa suot ko.

 

"Pre sila ji lang yon saka relatives di naman party na party, wag mo sabihin sakin na pumoporma ka don dahil kay ji" pang aasar ni byul.

 

"Bugok di kami talo ni ji baka magsapakan lang kami non" nagtawanan kaming dalawa inner joke na kasi namin na mag asaran ni ji crush daw kasi nya ako dati pero nung nag kausap kami di daw pala kami talo hahaha.

 

 

 

Nakarating na kami sa bahay nila Ji medyo maingay sa loob rinig ko boses ni Wendy at Lisa mukhang nag babangayan na naman.

 

"Uyyyy anjan na pala sila Seulgi" sabi ni wendy. Lumabas naman galing kusina si Jisoo. 

 

"Jisoo hapi bertday" bati namin ni Byul. 

 

"Asan regalo ko?" Tanong nya samin dalawa.

 

"Halika kiss nalang kita" sabi ko napangiwi naman si jisoo.

 

"No thanks salamat nalang puta ka" nag tawanan kami di naman kasi samin uso ung regalo regalo, more on giving favors kami tulungan ganon.

 

"Ano tara na inuman na!" Sabi ni Byul 

 

"Mahiya muna kayo kahit saglit anjan pa mga relatives ko sandali lang parang pinag kaitan kayo ng alak ah" sabi ni Ji pero natatawa yan "pakikilala ko muna kayo"

 

"Luh kilala naman namin nanay at tatay mo" sabi ni lisa

 

"Deh kasi umuwi yung family ng pinsan ko galing manila pakikilala ko kayo sa pinsan ko" napatango naman ako.

 

"IRENE LUMAPIT KA DITO" sigaw nya kanina binabawal nya kami tapos sya din pala maingay.

 

"Ano ba Ji panget ng boses mo" narinig ko naman ang mga yapak galing sa taas nila.

 

Bumaba ang isang babae nakamaikling shorts at naka off shoulders, maputi c at higit sa lahat maganda..... lalo syang gumanda, matagal ko nang kilala si irene bata palang kami noon dito pa sya nag aaral pero nung nag highschool na sya nag decide yung dad nya sa manila na sila mag aral ng mga kapatid nya kaya tuwing summer nalang sya nakakauwi, hmm 2yrs ago ko sya huling nakita close kami dati pero syempre maraming nag bago sa loob ng dalawang taon

 

"Wow naman Irene lalo kang gumanda ah iba talaga pag manila girl" asar ni Byul 

 

"Akala ko naman kung sino ipakikilala mo si irene lang pala, eh kilala na namin yan eh" sabi ni lisa natawa naman si irene 

 

"Long time no see" sabi nya samin.

 

"Hi seul" 

 

"H-hello irene long time no see" nakangiti kong bati sa kanya 

 

Siniko ako ni byul "kilig ka na nyan" 

 

"Gago manahimik ka nga"

 

 

"Hey ji ininvite ko friends ko dito ha" sabi ni irene.

 

"Ikaw may bday?" Pang aasar ni jisoo

 

"Sabi mo kasi mag invite ako duhhh" pag tataray nya as usual ganyan naman talaga ugali nya

 

"Sige sige the more the merrier umiinom naman ba friends mo?" Tanong ni jisoo.

 

"Yes"

 

"Ayown sama kayo samin mamaya jan lang tayo sa gazebo iinom" tumango naman si irene

 

"Sige iwan ko muna kayo, may ginagawa pa ako sa taas"

 

"Nako kausap mo lang jowa mo eh"

 

"Wala akong jowa jisoo" naiinis na sabi ni irene at tumakbo na papunta sa taas.

 

"Pre ang ganda ng pinsan mo" sabi ni byul

 

"Pre offlimits yun sayo payag pa ko kung si seulgi" sabi naman ni Jisoo.

 

"Luh yan? Eh babaerong pusakal din yan eh" natatawang sabi ni Lisa nag tawanan naman silang lahat except sa akin.

 

"Ako nanaman nakita nyo"

 

"Atleast si Seulgi marespeto ikaw byul manyakol ka eh" sabi ni Ji

 

"Nag away pa kayo eh pareparehas lang naman kayo eh, kaibahan lang kay seulgi yung babae lumalapit, sa inyo hindi" pang aasar ni wendy.

 

"Saka hindi uso label kay seulgi kaya ekis na dapat pareng Ji" sab ni lisa.

 

"Mga bugok pinagsasabi nyo" bawal ko sa kanila. 

 

"Hoy new life natong si pareng seulgi naten, simula nung nag ka pandemic wala na kong babae na nakita" inirapan ko si byul epal kahit kelan.

 

-

"Girls antagal nyo naman nag iintay na si Jisoo dito" tinawagan ko na sila jennie sobrang tagal nila after akong ipakilala ni Ji sa mga friends nya 2hrs na ako dito sa kwarto hindi pa din sila dumadating mga pa vip akala mo naman kung sinong magaganda.

 

"Sandali lang kasi irene atat ka? Sisihin mo si joy nag make up pa, bat kasi binanggit mo sa gc na mga pogi friends ni Jisoo ayan tuloy alam mo naman na sabik to" walangya talaga yung joy na yun humanda sya sakin mamaya.

 

"Sige na dalian nyo ha bababa na ako intayin ko nalang kayo"

 

Napag desisyunan ko na bumaba, for sure nag start na sila Ji uminom. Pumunta na ako sa gazebo binilin ko nalang kila manang sila jenjen.

 

"Oy irene asan na mga friends mo?" Tanong sakin ni Jisoo

 

"Papunta na daw on the way na" pinaupo naman ako ni Jisoo sa tabi ni Seulgi sya kasi nasa dulo tapos bakante na yung mga nasa kanan ko.

 

"Hi" bati sakin ni seulgi, ang laki ng pinag bago ni seulgi mas naging maganda sya na pogi gets nyo ba ako? Like she's hella attractive sobrang girl crush, honestly before ako umalis dito nung huling bakasyon ko 2yrs ago I think we have a thing kasi lahat ng sweet gestures ginagawa nya sakin like isang jowa pero naudlot yun dahil di naman kasi ako nag sstay dito at nabusy ako non sa college life kaya hindi ko makuha umuwi dito.

 

"Hello seulgi" balik kong bati sa kanya nginitian nya ulit ako.

 

"Oh rene eto oh" inabot nya sakin yung smurnoff Ji knows hindi ako heavy drinker kaya light lang, ayoko din namang umiinom. Sila Ji kasi cuervo at redhorse ang iniinom.

 

Nag kwentuhan naman silang lahat nakikitawa ako sa mga kwento ni Lisa at Byul noong highschool days pa nila pati nadin ang pag tawa nila sa mga nakasave na pictures sa cellphone ni lisa, naalala ko pa nun itsurahan ni seulgi sobrang cute nya pa nun ngayon kasi cute padin pero nananaig ang pagiging attractive nya.

 

Dumating na din sa wakas sila Jen, pinakilala ko sila sa tropa ni Ji, sila jen rosie joy at yeri lang naman kasama ko ngayon si nayeon kasi hindi pwede dahil may tinatapos na requirements. Kanya kanyang upo lang sila. 

 

Tamang kwentuhan lang ang nangyari nakikipag kilala sa isat isa nakahanap naman ng kanya kanyang partner.

 

Si joy kay wendy, si jen kay jisoo, si yeri kay byul, si rosie kay lisa, at kami ni seulgi kaso medyo awkward kami ni seulgi.

 

"Hmmm anong course mo irene?" Tanong sakin ni Seulgi kala ko pipi na to marunong naman palang mag salita.

 

"Educ 1st yr" napatango naman sya

 

"Huh bakit 1st yr?" sabi nya.

 

"I took up nursing and hrm bago ako nag educ hoping na last shift ko na to" natatawa kong sabi, lets just say na hindi ako nag enjoy sa nursing at hrm kaya nag shift ako sana talaga last na tong educ. Di naman kasi ako pinepressure ni Dad sa pag aaral saka di ko din talaga alam gagawin ko in my life im the youngest kasi, and ako nalang nag aaral sa amin yung business namin si Ate tiff ang mag hahandle my mom even said na ok lang kahit mag aral ako all my life ayoko naman ng ganun noh.

 

"Ikaw ba?" Tanong ko kay seulgi, tumingin ako sa mapupungay nyang mata, mapang akit kaya nilihis ko ang tingin ko.

 

"Educ den 3rd yr na" maigsi nyang sagot.

 

"Ahhh" awkward talaga kaming dalawa. 

 

"Cr muna ko ah" tumango ako. After 2 mins di ko alam kung bakit na uurge ako sumunod sa Cr pero bahala na. Tumayo ako at pumunta sa loob ng bahay pumunta ako sa cr pinihit ko ang doorknob bukas naman siguro ala namang tao kaya bukas. 

 

Nakita ko si seulgi sa loob nag hihilamos nakatanggal na yung plaid poloshirt nya naka tshirt nalang sya na white ngayon.

 

Napatingin naman sya sa akin sa salamin sumara naman ang pinto. "Bakit?" Tanong nya sa akin, kanina pa talaga may tension sa aming dalawa.

 

"Uhmm you dont like me?" Tanong ko sa kanya. 

 

"Huh?" Taka nyang tanong humarap sya sa akin. 

 

"Like sobrang awkward kasi natin eh" 

 

Ngumiti sya "hmm no.... its not the reason kasi" kumamot sya sa batok nya.

 

"What then?" 

 

Lumapit sya sa akin "kasi nahihiya ako sayo" 

 

"Bakit naman? Wala ka naman dapat ikahiya were friends seulgi bata palang tayo" 

 

"Di ko din alam pero kasi........ hmm basta" 

 

Nilock ko yung pinto ng cr "hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo sinasabi kung bakit" 

 

"May boyfriend kaba?" Tanong nya sa akin

 

"Wala" sagot ko kasi wala naman talaga.

 

"Girlfriend?"

 

"Wala din" 

 

"So walang magagalit pag ginawa ko to?" Bigla nyang hinapit ang bewang ko at hinalikan ako sa lips. Nag proprocess pa sa utak ko yung ginagawa nya, kinagat nya yung lower lip ko kaya napa buka ako ng bibig, pinasok nya naman ang dila nya sa bibig ko. Di ko naiwasang mapaungol sa ginagawa nya, tinugunan ko na din ang halik nya. 

 

Naghiwalay kami nang mawalan kami ng hangin parehas.

 

Mukhang nahimasmasan sya sa ginawa nya "i-i i'm sorry" nataranta sya, dali dali syang lumabas ng banyo. 

 

Naiwan akong nakatayo dito sa cr matapos nyang magpakasarap sa halik ko iiwan nya lang ako dito and for godsake sya kauna unahang tao na nakahalik sa akin ng ganun katagal.

 

-

 

"Byul tara na lasing kana" aya ko sa kanya alas dos na ng madaling araw. Bothered ako sa ginawa kong pag halik kay irene hindi naman sa ano pero kasi kanina pag ko frustrated sa itsura nya I'm ing pati nadin yung mga titig nya sa akin kanina, kaya nga umalis ako sa inuman para mahimasmasan pero hindi ko naman inaakala na susundan nya ako sa cr. Nakainom din ako kaya siguro tumapang ako pero aware ako sa ginawa ko paano na ngayon wala na kong mukha na maihaharap sa kanya.

 

"Hilo na ako seulgeh tara na" nakita ko si irene papalabas ng bahay iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

 

"Ji happy bertday ulit una na kami ni byul tinamaan na eh ikaw na bahala jan ah" pag papaalam ko hindi naman ganun kalasing si Jisoo 

 

"Ingat kayo pre" 

 

Sumakay na kami sa motor ni byul ako na ang nag drive siguro sa kanila nalang ako matutulog baka magising ko pa sila nanay.

 

Nakarating na kami kila byul ng ligtas, pumasok na kami sa loob ng bahay nila alam ko naman na ang pasikot sikot dito sa kanila kaya pumunta na ko sa kwarto ni byul at humiga.

 

Hays ano ba ginawa ko puta.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Tay" tawag ko nakita ko kasi sya nakatambay sa labas namin papasok palang ako sa bahay galing kila byul.

 

"Oy nak" bati sa akin ni tatay

 

"Si nanay?" Tanong ko 

 

"Nanjan sa tabi tabi lang yon" tumango ako, pumasok na ako ng bahay halos mag aalas dyis na ako nakarating dito sa amin. Late na din kasi ako nagising. May pasok din ako maya maya sa jabz kaya umuwi na din ako. 

 

"Ate may nag hahanap pala sayo kanina" sabi sa akin ni winter. 

 

"Huh sino?" Tanong ko sa kanya.

 

"Ay hindi sinabi pangalan eh" kamot nya sa batok nya.

 

"Describe mo sakin itsura"

 

"Ah maputi, maganda, c" hmmm sino naman mag hahanap sa akin ng ganun, di naman siguro si irene yon.

 

"Bakit daw ba ako hinahanap?" Tanong ko kay winter.

 

"Sabi sakin sabihin ko daw sayo na hindi pa daw kayo tapos" 

 

Tinignan ko yung phone ko, hindi ko pa nga pala na icharge, dali dali akong pumasok sa kwarto para icharge. 

 

 

Daming missed call ni Ji sa messenger pati na din messeges

 

Hoy 

Hoy

SEULGI

GUMISING KA JAN

MAY KASALANAN KA

HOY

SIRAULO KA 

HUMANDA KA SAKIN

BAKIT MO HINALIKAN YUNG PINSAN KO HA?

 

yan na nga ba sinasabi ko pota naman kasi hmmm bahala na iiwasan ko muna sila. Humiga ako sa kama at muling natulog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"J-jollyafternoon mam ano po order nila?" Medyo na utal pa ako nung una kasi naman bakit pinag lalaruan kami ng tadhana iniiwasan ko na nga, or sinadya nya to.

 

"I want.................. you" nakangiti nyang sinabi.

 

"Uhm w-wala po kaming ganon sa menu" napatingin naman yung katabi kong nasa cashier.

 

"Sayang naman hmm large fries and cokefloat lang" sabi nya, pinunch ko naman na yung order nya. Pinag pawisan ako ng malamig dun ah.

 

Binigay ko na ang order nya, may inabot naman sya na papel sa akin.

 

09xxxxxxxxx call me wag mo kong iwasan pls

 

Natapos naman ang shift ko as usual madaling araw na  uwi ko. 

 

Chineck ko naman yung messenger ko 

Kita kong ako ang topic sa gc namin ng tropa

 

Lupet talaga ni erp seulgi- byul

 

Seulgi lang sakalam- lisa

 

Tangina mo pa den Seulgi- Jisoo

 

Di talaga kumupas- wendy

 

Sineen ko lang sila bukas ko nalang sila haharapin napagod ako ngayon

 

-

Lumipas ang tatlong araw na pag iwas ko sa kanilang lahat, sabado ngayon meron event na aayusin, mag kasama kami ni byul.

 

"Hahalikan mo tapos iiwasan iba ka pre" sabi sa akin ni byul

 

"Nakainom ako nun" dipensa ko sa sarili ko 

 

"Kilala kita seulgi hindi ka nanghahalik ng babae..... unless type mo saka alam ko naman na crush na crush mo si irene" natatawa nyang sabi.

 

"Tsk" 

 

"Magpakita kana gago para ka naman kasing ewan wala naman kayong jowa parehas" sabi ni byul 

 

"Di ako ready byul sa relasyon" 

 

"Eh bakit mo hinalikan? Di naman lahat ng babae katulad ng past mo pre iba si irene pinsan ni jisoo yun alam mong matino, big deal sa kanya yung ginawa mo, saka kulang nalang dati label sa inyo hindi ba?" 

 

"Di ko alam gagawin ko"

 

"Alam mo ayaw mo lang gawin, kausapin mo kung ayaw mo ng relasyon putulin mo na sa halikan nyo besides first time nyo makita ang isat isa after 2 yrs sinunggaban mo agad iba ka pre"

 

"Hindi ko din nga alam bakit ko ginawa yon"

 

"Gusto mo pre aminin mo na alam kong may pag nanasa ka kay irene"

 

"Gago gaya mo ko sayo"

 

"Kidding aside pre kausapin mo na"

 

"He ewan ko sayo tara na baka pagalitan tayo ng organizer matanggal pa tayo sa trabaho" 

 

Nag simula na kami ayusin ang mga dapat sa decoration hanggang sa daloy ng program, after nito tatambay lang kami ni byul sa gilid gilid hanggang matapos ang event.

 

Nakakapagod den pero mas nakakapagod ang trabaho sa jabz 

 

 

 

 

 

 

"Erp nakikita mo ba yung nakikita ko" sabi ni byul tumingin naman ako sa tinitignan nya. 

 

"Tangina tago mo ko" 

 

 

"Gago chance mo na mag explain"

 

"Sira baka pagalitan ako"

 

"Di break naman na natin until matapos yung event tatawagin nalang tayo pag may problema"

 

Nakita namin si irene papasok sa hall mukhang invited sya. 

 

Nagkatagpo ang tingin namin kitang kita ko naman sa mata nya ang pag ngiti nya kahit naka mask sya. Lalapit sya dito 

 

"Pre kausapin mo ah, yung matino" sabi ni byul, iniwan nya ako dito mag isa habang si irene ay papalapit sa akin.

 

Napaayos ako ng tindig pinagpapawisan ako ng matindi.

 

"Hi" bati sa akin ni irene.

 

"Uhmm hi" nahihiyang sabi ko

 

"Sabi ko sayo tawagan mo ako ilang araw mo na akong iniiwasan ganun mo ba kaayaw sa akin?" Diretso nyang tanong.

 

"H-hindi naman sa ganon Irene" sabi ko sa kanya 

 

"Eh bakit mo ako iniiwasan?" 

 

"Nahihiya kasi ako sayo sa ginawa ko" 

 

"Bakit mo ako hinalikan seulgi" nakatitig sya sa akin, yan yang tingin nya na yan nakakapanghina ng tuhod feeling ko matutunaw ako anytime.

 

"K-kasi ano"

 

"Ano?"

 

"Nakainom ako nun tapos tapos ang ganda mo kasi"

 

"Ah so sinisisi mo yung alak? Tapos hinalikan mo lang ako dahil maganda ako?" 

 

"O-oo"

 

"Kung ganon gago ka, pareparehas lang kayo" galit nyang sabi sa akin. 

 

"S-sandali irene ano kasi ilikeukayakitahinalikan" 

 

"Ano? Paki ulit ang bilis" 

 

"I mean I'm attracted to you pinipigilan ko sarili ko na di ka hawakan nung gabi na yon kaya tumayo ako para mag cr para makalimutan ko yung naradamdaman ko, di ko inaasahan na susundan mo ko kaya ayon" 

 

 

"So kasalanan ko pa?" 

 

"H-hindi irene kasalanan ko yun ako unang humalik I'm sorry" 

 

"Hindi ako tumatanggap ng sorry panindigan mo ko" natahimik ako sa sinabi nya hindi ako confident pumasok ng relasyon ang dami kong priorities, ang dami kong problema isa pa magkaiba kaming dalawa, magkaibang magkaiba kumbaga langit sya lupa ako, mayaman sya ako hindi ayokong problemahin pa nya yung pamilya nya kung sakaling magkaka relasyon kami.

 

"Irene hindi ako ready pumasok sa relasyon" nakita ko naman ang pag lungkot ng mata nya.

 

"Bakit?" 

 

"Magkaiba tayo irene, marami akong responsibilidad hindi ko alam kung kaya ba kitang bigyan ng panahon paano kung magkulang ako sayo? Ayaw kitang saktan isa pa mahirap lang ako irene mas maraming mas better sa akin dyan marami ka pang ma memeet irene" 

 

"Wala akong pake sa ibang tao seulgi ikaw lang ang nakikita ko, saka ano ba tingin mo sa isang relasyon responsibilidad? Burden? Hindi ako papasok sa buhay mo para mag pabigat sayo nandito ako bilang susuporta sayo, nandito ako para maging inspirasyon mo, kung iniisip mong mahirap kalang wala akong pakeelam dun hindi habang buhay anjan ka, alam kong masipag ka base sa kwento sakin nila Ji alam kong aangat ka"

 

"Irene hindi mo ako maintindihan"

 

"Sige ipaintindi mo sakin seulgi" 

 

"Madami kaming mag kakapatid Irene kailangan ko silang suportahan, nag tratrabaho ako, nag aaral hindi kita basta basta mabibigyan ng oras" 

 

"Gusto mo ba ako seulgi?"

 

"Oo pero-"

 

"Tama na yun kaya ko seulgi kaya kong tiisin na hindi ka makausap ng matagal, kaya kong mag tiis seulgi"

 

"Hindi ba unfair ako sayo nun?" 

 

"Gusto din kita seul ready ako gawin ang lahat para sayo"

 

"Irene pwede pa naman mawala yang pag ka gusto mo sa akin, pwede mo pa akong di gustuhin kaya pls hanggat hindi pa tayo itigil na natin to" 

 

"Wag mo akong utusan seulgi hindi basta basta mawawala ang nararamdaman ko sayo, matagal na kitang gusto seulgi highschool palang tayo kung sasabihin mo na kalimutan ko ang nararamdaman ko sayo hindi mangyayari yon" 

 

"Ano bang hindi mo maintindihan irene sa hindi ko kayang pumasok sa relasyon? Hindi nga tayo pwede bakit ang kulit mo?" Tumaas na ang boses ko nakita ko naman sa mga mata nya na nasaktan sya sa sinabi ko, ako din nasasaktan sa ginagawa ko ayoko ko syang saktan pero wala akong choice mas lalo lang syang masasaktan kung magiging kami

 

"Bakit hindi mo muna kasi subukan? Bakit ang duwag mo? Sinabi ko naman sayo hindi ako magiging burden sayo gusto din kitang tulungan seulgi" umiiyak na sya, parang tinusok naman ang puso ko sa nakikita ko 

 

"Wag kang umiyak pls" pinunasan ko ang luha nya gamit ang mga kamay ko. 

 

"Bakit mo ba lagi akong inuutusan sa tingin mo ba hindi masakit yung sinabi mo?"

 

"B-bigyan mo ko ng panahon irene kusa akong lalapit sayo" 

 

"Sige hihintayin kita Seulgi" 

 

-

 

Simula nung nag usap kami ni irene sa event non lagi nya na akong inuupdate kung nasaan sya ano ginagawa nya ganun din naman ako hindi man kami nagkikita these days dahil busy ako pero we keep each other updated hindi ko din alam pero suggestion to ni irene pambawi ko daw sa pagpapaiyak ko sa kanya, di na ko tumanggi gusto ko rin naman tong nangyayari.

 

"Seul pupunta pala ako sa party ni suho ngayon" -irene 

 

"Oh bday ni suho? bat di ako invited?" Tanong ko isa din yan sa kababata namin kalaro din namin yun dati bakit hindi ako invited. 

 

Nagchat ako sa gc namin mag trotropa 

"Mga erp invited kayo sa bday ni suho?" 

 

"Ako oo" -ji

 

"Dehins"- byul 

 

"Oo" -lisa

 

"Invited ako" -wendy 

 

"Di din ako invited byul lol bakit kaya?"

 

"Di ako pupunta tanginang yan, alam ko na kung bakit" - jisoo

 

"Eh ji pupunta daw si irene baka wala yun kasama" 

 

"Kasama nya friends nya"- jisoo

 

"Umay kay suho umangat lang sa buhay eh nakalimutan na yung mga kaibigan nya" -lisa

 

"Di na din ako pupunta hype na yan" -wendy

 

Nag chat na ulit si irene

 

"Hindi ko alam seul, hindi nalang ako tutuloy?" -irene

 

"Bakit naman?" 

 

"Hindi ka kasi invited whats the use?"

 

"Hindi naman ako yung ipupunta mo dun" 

 

"Gusto kita makita :(("

 

"Sus pumunta ka don sa bday party ni suho for sure iniintay ka non" 

 

"Selos yan? Hahahah"

 

"Bakit naman ako mag seselos?" 

 

"Ewan ko pero sige pupunta na ako ha sabi mo di ka nagseselos" 

 

"Hmm ok bahala ka buhay mo naman yan, ingat ka don" 

 

Initsa ko yung cellphone ko sa kama naguguluhan ako ayokong maging ganito kami ni irene habang buhay gusto ko din lagyan ng label pero handa na ba ako? Kaya ko na ba? 

 

Naputol ang pag iisip ko ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko.

 

"Bakit irene" 

 

"Nagseselos kaba?" 

 

"Hindi"

 

"Lokohin mo lelang mo" tumawa pa

 

"Edi ok" 

 

"Seul ikaw lang gusto ko ok?, formality lang kaya pupunta ako don ininvite din kasi sila dad ako yung proxy"

 

"Hmmm naiintidihan ko ingat ka don"

 

"Hey seul baby pls wag kana mag selos don ok? Sunduin mo nalang ako after an hour" 

 

"Bakit may pagsundo ala naman akong sasakyan, maglakad tayo" 

 

"Ay oo nga pala hahaha sige lets walk di naman kalayuan bahay nila suho" 

 

"Ok sige ingat ka" 

 

"Ok byeee~" binaba nya na ang tawag.

 

Everyday pinapatunayan sakin ni irene na kaya nyang mag adjust para sa akin, na kaya nyang tanggapin kung ano ang meron at wala ako, sobrang nagiging unfair ko na talaga sa kanya this time maybe takot lang talaga ako kaya ko naman siguro Kakayanin ko ayoko na mag sayang pa ng panahon unfair na sa kanya.

 

-

"Seulll sunduin mo na ko pls miss u :((" text sakin ni irene, sinimulan ko na mag lakad galing lang ako kila ji kase sa kanila 10 mins walk lang yung bahay nila suho pag samin pa galing eh 30mins na baka mainip si irene.

 

"Papunta na ko miss u too <3" 

 

After 10 mins nakarating na ako sa bahay nila suho naka hoody lang ako at naka jogger pants at tsinelas. 

 

"Kuya paki sabi naman kay irene andito na sundo nya"

 

"Sino po ba kayo?"

 

"Paki sabi po si seulgi" 

 

Sinunod naman ako ni kuya guard nakita ko naman si irene papalabas kasama si suho mukhang ihahatid pa palabas. 

 

"Seulgi?" Tanong ni Suho "sya sundo mo irene?" Tumango naman si irene. "I didnt know nag wowork kana bilang driver ni Irene" hindi ko na sya pinansin pero si irene mukhang na nainis sa sinabi ni suho 

 

"Hindi ko sya driver suho" 

 

"Eh ano mo sya? Personal yaya?" Natatawang sabi ni suho

 

"Hindi she's my girlfriend suho so you better off kasi naiinis na ako sayo ang yabang yabang mo kingina ka" naiinis na sabi ni irene.

 

"Yan ba natutunan mo sa girlfriend mo? Mag mura hays irene sinasayang mo buhay mo sa kanya" 

 

"Ulul ikaw ang sayang ang buhay saka ni hindi nga nag mumura sa harap ko si seulgi pano nya ko matuturuan, and for your information mas sayang ang buhay ko sa katulad mong naka asa sa magulang puro pasarap ang alam" gigil na sabi ni irene.

 

"Irene tama na umuwi na tayo"

 

"Alam ba ng dad mo yan?"

 

"Wala kang pake sa buhay ko suho stay in your lane" 

 

Hinawakan ko ang kamay ni irene pinisil ko ito, napukaw ko naman ang atensyon nya. "Halika na" nginitian ko sya, tumingin ulit sya kay suho at inirapan. 

 

Ilang minuto din kaming tahimik ni irene "rene ok ka lang?" 

 

"Dapat ako mag tanong sayo nyan seul ok ka lang ba?" 

 

Nginitian ko sya "oo naman" 

 

"Bakit hinahayaan mo silang maliitin ka seul?" 

 

"Hmm kasi totoo naman sinasabi nila na mahirap kami"

 

"Pero kahit na pareparehas lang naman tayong tao!" 

 

"Rene diba sabi mo sakin hindi ako habang buhay na nandito, saka pag pinansin ko sila ma stress lang ako mas mabuti pa na huwag ko nalang patulan hindi ko sila katulad mag isip" 

 

"Sya nga pala hows your day?" Pag iiba ko ng topic nagsimula na kwentuhan namin hanggang makarating kami ng bahay nila. 

 

"Sige na bye na" sabi ko sa kanya. 

 

Binaba nya naman ang mask ko at hinalikan ako sa labi sandali lang naman. 

 

"Bye seul hihi" tumakbo sya papasok sa kanila napailing naman ako pero kinikilig ako.

 

-

"Seul ano na desisyon mo?" Tanong ni irene kay seulgi

 

"I'm sorry irene ayoko na, hindi ka para sakin" 

 

Hindi naman maintindihan ni irene ang nangyari ang alam nya ayos sila ni seulgi ano ang nangyari. 

 

"A-anong sinasabi mo?"

 

"Ayoko na hindi na kita gusto" 

 

"S-seulgi naman tama na biro"

 

"Paalam" 

 

Tinalikuran sya ni seulgi habanng si irene ay naiwan na umiiyak.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

After 3yrs

"Hi long time no see" bati ni Seulgi kay irene, tatlong taon na nawala ang pamilya ni seulgi na parang bula nag try mag hanap ni Irene noon pero wala talaga syang makuha impormasyon kung asan sila.

 

"Pakyu" mura ni irene kay seulgi ibang iba na itsura ni seulgi ngayon base sa suot nya at postura mukhang isa na itong professional.

 

"I love you too" nakangiting sabi ni seulgi.

 

"Ang tapang ng hiya mo pang mag pakita sakin matapos mo akong iwan" galit na sabi ni irene.

 

"Let me explain first irene pls" pag mamakaawa ni seulgi 

 

"Ayoko nang marinig explanation mo ayoko na matagal na tayong tapos" 

 

Lumuhod si seulgi "pls let me explain muna bago mo ko iwan" napahinga ng malalim si irene

 

"Okay fine now explain 5 minutes lang.

 

"Your dad asked me na lumayo muna sayo, we make a deal irene inofferan nya ako ng scholarship kasama non ang pag wowork sa company nyo, pinalayo nya ang buong pamilya ko sayo"

 

"Bakit nyo tinago sa akin?"

 

"Yun ang kapalit irene ng scholarship at pagtulong sakin ng dad mo, sabi nya sa akin pag ginawa ko yon hahayaan nya tayong magmahalan na dalawa, sumugal ako kasi mahal kita gusto kong mabigyan ka ng magandang kinabukasana rene kaya pls wag mo akong iwan" tumulo ang luha ni seulgi matagal syang nag tiis na hindi makita si irene, bukod don mahirap ang naging buhay nya sa company ng daddy ni irene dahil ang bigat ng pressure sa kanya nito kailangan nyang maging best sa lahat.

 

"Totoo ba yang sinasabi mo? Baka ginagangster mo lang ako"

 

"Totoo yun irene kahit tanungin mo pa si dad mo" tumingin si irene sa likod nya andun yung daddy ni irene tinanguan naman sya nito.

 

"Subukan mong iwan ulit ako seulgi wala ka nang babalikan" 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: wahhh ayun oh! sila pa rin sa dulooo 😻 thank you po for writing this story, otor-nim! :)))
Goeynceilove
44 streak #2
Chapter 1: I hold my breath until the last scene....thank goodness happy ending sya!!!!