Final.

Sa Susunod na Habang Buhay.

“Karina kunin mo nga yung tape recorder sa may basement alam ko nandoon lang yun e.” utos na naman ng mama ni Karina sakaniya.

 

 

“Ako na naman? Hindi lang naman ako yung tao dito sa bahay e.” 

 

“Huwag mo na pababain kapatid mo dun, ikaw lang nakakaalam doon kaya huwag ka na magreklamo, last na utos na 'yan, promise.” wala nang nagawa si Karina kundi sumunod sa mama niya, last naman na daw e.

 

———

 

“Hm, asan kaya 'yon? Hindi na lang kasi si mama yung kumuha e, hindi ko naman alam kung saan yun nilagay.” reklamo ni Karina.

 

Ilang box na rin ang binuksan niya pero hindi niya pa rin mahanap yung tape recorder na sinasabi ng mama niya.

 

Aalis na sana siya nang mabunggo ang paa niya sa mukhang lumang box, bubuksan niya na sana ito kaso nga lang ay may lock ito na kailangan ng number para mabuksan.

 

Binuhat niya na lamang ito at inakyat sa kwarto niya, pinabayaan niya na lang yung tape recorder na inuutos ng mama niya, hindi naman niya mahanap e.

 

———

 

Karina's

 

“Ano kayang password nito? Hm..” kasi e bakit kailangan may pa-password pa, masyado naman 'to pa-special, charot.

 

Inikot ko yung box para tignan kung may makita ako na clue para malaman kung anong password nito, dami kasing arte eh.

 

Sinubukan ko na yung 1234,5678 pero wala pa rin.

 

Try ko kaya birthday ko? wala naman mawawala e hihi. 

 

0..4..1..1

 

Oh? Nagulat ako nang biglang nagclick yung lock at nabuksan. Whoa—

 

Huh? Puro naman 'to sulat.

 

Akala ko nakakagulat na yung birthday ko password nito, mas may nakakagulat pa pala.

 

— TO KATARINA JIMIN YOO

 

uhm, what?

 

Pagkakita ko ng sulat ay agad agad ko itong binuksan. paano nagkaroon ng sulat para sa'kin tapos ganito kaluma? 

 

———

Jimin,

Parang kahapon lang simula nang magkakilala tayo, hindi ko pa rin makalimutan yung unang araw na nagkakilala tayo, sinungitan mo pa ako noon Hahaha :).. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko, nagmamadali kasi ako nun dahil binantaan ako ng pinsan ko na babatukan niya ako kapag nahuli ako.

Nagtuloy-tuloy pa yung pagsusungit mo sa'kin dahil tinakbuhan lang kita at hindi humingi ng patawad saiyo, hayaan mo kung mabibigyan man ako ng pangalawang buhay at nangyari ulit 'yon, paulit ulit akong hihingi ng tawad sa'yo, pangako!

                                                                     — Minjeong :)

 

———

Jimin,

Naalala mo rin ba yung ilang araw kong pangungulit sa'yo para lang mapansin mo? Hahaha.. tapos sa tuwing lalapit ako sa'yo bigla na lang sisimangot ang mukha mo :((

Pero kahit ganun, ang ganda ganda mo pa rin lalo na kapag naka-ngiti ka nakakaganda ng araw ^_^ 

Sana balang araw ako naman ang maging dahilan ng pagngiti mo!


                                                                       — Minjeong

 

———

Jimin,

Naaalala mo ba yung araw na umamin ako sa'yo? bigla mo na lang akong  sinampal, bumakat kaya kamay mo sa mukha ko nun!

Akala ko ay sinampal mo ako dahil ayaw mo saakin, yun pala ay dahil gusto mo lang malaman kung nananaginip ka lang, Hahaha..

Sulit ang pagsampal mo sa'kin dahil pagkatapos nun ay umamin ka rin sa akin, grabe yung saya ko no'n! 

Akala ko ay habang buhay na lang ako magiging duwag at patuloy ililihim ang pagmamahal ko sa'yo pero buti na lang at sinuntok ako ng pinsan kong si Giselle edi nagising ako sa katotohanan.

Sinabi niya sa akin na nag-iisa lang ang buhay kaya dapat sinusulit ang mga pagkakataon nasa huli daw kasi ang pagsisisi (edi matangkad siya? Hahaha! biro lang) , akalain mo yun? akala ko puro kalokohan lang ang alam niya Haha..

                                                                      — Minjeong.

 

———

“Wtf? sino si Minjeong?”

 

“KARINA BUMABA KA NA DIYAN KAKAIN NA.” ano ba naman 'to si Mama nagbabasa pa 'ko e.

 

Nilapag ko muna yung mga sulat sa kama ko atsaka bumaba, pagkababa ko ay nandoon na sila nakaupo.

 

“Asan yung tape recorder, Karina?” tanong sa akin ni mama.

 

“Hindi ko po nakita sa basement mama baka sa iba mo nilagay.” sagot ko kay mama, hindi naman na siya nagtanong pa, siguro hindi naman mahalaga 'yon.

 

“Nga pala mama at papa may sasabihin po ako sainyo.” 

 

“May boyfriend ka na?” 

 

“Hala mama! wala no!” Pagtanggi ko, hindi naman boyfriend gusto ko e, charot.

 

“Buntis ka?” Sabat naman netong kapatid ko.

 

“Ate epal ka lagi!” 

 

“Joke lang e, gagalit ka kaagad.”

 

“Seryoso po kasi, Hindi lang ba ako ang Karina Yoo sa pamilya?” Tanong ko kila mama.

 

“Bakit? gusto mo pa magdagdag ng Karina? ikaw pa nga lang sakit na sa ulo e.” 

 

“Ate! Hindi naman ikaw tinatanong ko e paepal!” 

 

“To answer your question, Karina—”

 

“Wow si papa nag-english.”

 

“Irene! Manahimik ka muna!” 

 

“Eto na nga tatahimik na nga e, gagalit kaagad kayo hmp!” Pagkasabi niya noon ay nanahimik na si ate at kumain na lang, inirapan pa ako, hala ka bakla.

 

“So yun nga, hindi lang ikaw ang Karina, ewan ko ba dito sa mama mo at pinangalan ka pa sa lola ng lola mo.” 

 

“Pake-alam mo ba? Ikaw ba naghirap ng 9months at nagluwal ha?” masungit na sabi ni mama, mag-aaway ba sila? sana nga, charot.

 

“Eto na nga e, mananahimik na.”

 

“Joke lang, hon. kasi naman o, kamukhang kamukha niya yung lola niya, parang pinagbiyak na pimple.” luh korni ni mama.

 

“Uhm, kilala niyo po ba yung Minjeong?” pagtatanong ko pa, bakit ba curious ako e.

 

“Minjeong? Kim Minjeong ba 'yan?” tanong ni papa.

 

“Opo” um-oo na lang ako, Kim naman ata apelyido nun e.

 

“Sa pagkakaalam ko, first love siya ng lola mo.” whoa? first love? cool.

 

“Nagkatuluyan po ba sila?” 

 

“Hindi.”

 

“Bakit po?” ewan ko kung bakit bigla ako naging interesado dito, siguro dahil kapangalan ko ang lola ko at sabi pa ni mama, kamukha ko raw.

 

“May ibang pinakasalan kasi ang lola mo, ayaw din nila kay Minjeong, dahil bukod sa parehas silang babae e nanggaling pa siya sa mahirap na pamilya, ewan ko ba dati, masyadong bigdeal ang estado sa buhay.” pagpapatuloy pa ni papa.

 

“Ano pa pong nangyari?”

 

“Hindi ko na alam, nak. Iyon lang kasi ang naikwento sa akin ng mga magulang ko, nga pala bakit mo naitanong at bakit kilala mo si Minjeong?” tanong sa akin ni papa, umiling na lang ako.

 

“Hm? wala po, curious lang sa istorya ng angkan natin.” sabi ko nalang at ipinagpatuloy ang pagkain.

 

Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ng sarili ay agad akong pumunta sa kama ko at kinuha ang nga sulat na nagkalat, gusto ko malaman kung ano nangyari sa kanila.

 

———

Jimin,

Ilang araw na kitang hindi nakikita Jimin, gusto na kitang mahalikan at mayakap nang mahigpit, bakit kailangan magkaganito Jimin? bakit kailangan pang ilayo ka sa akin ng mga magulang mo? ginagawa ko naman ang lahat para sa'yo, kulang pa ba iyon? 

Minsan iniisip ko kung may galit ba sa akin ang mundo at hinayaan na magkaganito tayo, masama bang hangadin na maging masaya kasama ka? hindi ko na alam ang gagawin ko Jimin, mababaliw na ata ako.

                                                                           — Minjeong.

 

———

Jimin,

Balita ko ay ikakasal ka na sa isang mayamang lalaki na pinili ng mga magulang mo para sa iyo, tuwang tuwa pa ako kanina kasi sabi ni tatay ay may balita siya tungkol saiyo pero para bang nagunaw ang mundo ko nang sabihin niya na ikakasal kana..

Jimin, paano na ako? ilang ulit akong pumupunta sa mansyon niyo pero paulit ulit din akong tinataboy ng mga magulang mo.

Totoo bang ayaw mo na akong makita Jimin? pati ba ikaw ay galit na sa'kin? masaya ka ba talaga na ipapakasal ka na sa iba?

Nakalimutan mo na ba yung pangako mo na tayo ang sabay na maglalakad sa altar? na tayo ang mangangako sa isa't isa? hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin 'yon Jimin, hanggang ngayon.

                                                                       — Minjeong.

 

———

Jimin,

Ngayon ang araw ng kasal mo, ewan ko ba kung bakit pumunta pa ako, alam ko naman na masasaktan ako, siguro dahil gusto ko rin makita ang masaya mong mukha kahit sa huling pagkakataon.

Pero alam mo kung anong mas masakit? yung kitang kita ko sa mga mata mo ang saya habang magkaharap kayo sa isa't isa, halatang mahal na mahal mo nga siya.

Dati sabi mo sa akin, ako lang ang dadalhin mo sa harap ng altar, tayong dalawa ang mangangako sa isa't isa, pero ngayon, iba na ang gumagawa no'n.

Sana ay gawin niya ang mga bagay na makakapagpasaya sa iyo, sana hindi ka niya saktan. 

Masaya ako para sa iyo Jimin, masayang masaya. 

                                                                          — Minjeong.

 

———

“Uhm, b-bakit ako umiiyak? haha.” hindi ko alam kung bakit naluha ako, baliw na nga ata ako.

 

yun yung last na sulat na nabasa ko, pero may isa pang sulat sa box na hindi ko pa pala nakukuha. 

 

agad agad ko itong kinuha at binasa.

———

Jimin,

Ito na ata ang huling sulat na ibibigay ko sa'yo, hindi ko alam kung nababasa mo ang mga ipinapadala ko sa iyo pero wala na rin akong pakealam.

Gusto ko lang sabihin na masaya ako na nakilala kita, hindi man maayos ang una nating pagkikita pero nagpapasalamat pa rin ako. Hindi ako nagsisisi na nabangga kita ng araw na yun, at hindi rin ako nagsisisi na minahal ko ang isang tulad mo.

Siguro nga ay galit talaga sa akin ang mundo, hindi man lang ako pinagbigyan na maging akin ka nang matagal hahaha..

Kung magkakaroon man ako ng pagkakataong mabuhay ulit, sisiguraduhin ko nang magiging akin ka, hindi naman masamang mangarap diba? Baka kasi hindi ito ang tamang oras at panahon para sa atin. Hahahaha..

Siguro nga ay itinakda lamang tayo magkita, pero hindi itinakda para sa isa't isa, masakit pero tanggap ko naman na. :)

Mahal na mahal kita Katarina Jimin Yoo, mahal na mahal. Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin Jimin, baka naman sa susunod na habang buhay sa akin ka naman? :)

                                                         Patuloy na nagmamahal,
                                                                    Kim Minjeong.

 

———

Sigurado akong suicide note ang sulat na ito, ang saklap naman. 

 

Ilalagay ko na sana yung mga sulat pabalik sa box nang may malaglag na picture galing doon sa suicide note.

 

Ito ata yung Kim Minjeong, ang cute nila tignan.

 

*Ring* *Ring*

 

Oh? gabi na ah, bakit may tumatawag pa sakin? 

 

Ningning..

 

“oh bakit? gabi na ah?

 

“alam ko, may nakikita ka bang araw?”

 

“ang pilosopo mo naman, babaan kita diyan e, bakit ba?”

 

“tatanong ko lang kung ayos na mga gamit mo, may pasok na bukas 'di ba?”

 

“hala oo nga, may ginawa pa kasi ako e.”

 

“edi mag-ayos ka na pala, sabay tayo bukas ah? ba-bye!”

 

'Pag tapos kong ibaba yung tawag ay dumiretso na ako pagtulog bukas ko na aayusin mga gamit ko maaga na lang ako gigising.

———

“Karina! kamusta tulog mo?” tanong sa akin ni Ningning habang naglalakad kami papasok sa school.

 

“Huh? ayos lang, bakit mo natanong?” 

 

“Mukha kasing puyat ka pa, may kachat ka kagabi no?” Pang-aasar niya sa akin, inirapan ko lang siya.

 

“Hindi ah, may binasa lang ako kaya ganun saka parang hindi mo alam na puyat ako, tumawag ka sakin kagabi dib—” hindi na natuloy yung sinasabi ko nang mabangga ako. 


Sisigawan ko na sana siya dahil balak pa ata akong takbuhan at hindi hihingi ng sorry pero bigla itong humarap sa akin.

 

“S-sorry! Nagmamadali kasi ako! Baka mabatukan ako ng pinsan ko kapag nalate ako.” Wtf? Panaginip lang 'to 'di ba?

 

“Sorry, sorry! Mamaya na lang ah? Hehehe.” Naalala ko yung nabasa ko kagabi. Wtf ulit.

 

“Hayaan mo kung mabibigyan man ako ng pangalawang buhay at nangyari ulit 'yon, paulit ulit akong hihingi ng tawad sa'yo, pangako!”

 

Tatakbo na sana ulit siya pero humarap na naman ito sa akin.

 

“I'm Kim Minjeong! Sorry ulit sa nangyari kanina ah?” 

 

 

 

“Nga pala, tinupad ko yung pangako ko sa'yo ah? Kaya 'wag mo na balakin na magsungit sa'kin! B-bye!” 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
astrum11
#1
Chapter 1: Sana may kasunod pa 🙏🏻
shajanie
#2
Chapter 1: Sequel nmn po please..
_sonchae_
#3
Chapter 1: next???9
TYTFshipper
265 streak #4
Chapter 1: Walang sequel ba otor? Hahahaha saka ano pala.. kelangan ko ng kasagutan bakit saktong 0411 ang password otornim bakeeet di naman siguro sila same pati ng birthday ni lola ng lola nya diba? 😅 or ganon? Or ewan panagutan mo otornim yung mga tanong ko charrr hahaha thank you sa story! 💕
Prenglesz_
#5
Chapter 1: HOYYYYYY HALA ANG GANDA NAMAN NITO????? WAAAAAHHHHHH FINAL NA TO? AS IN??? FINAL NA TALAGA????
kang_ddeul
#6
Chapter 1: hnggg, ang gandaaaa! 😭 thank you po sa story otor-niiim!! 🤩😭
Maatt_booii #7
Chapter 1: Final na talaga? Wala ng kasunod?? :))
uchinagassi #8
Chapter 1: Roldt ༼;´༎ຶ ۝ ༎ຶ༽
crimson_snow #9
Chapter 1: Di ko alam kung yung iyak ko dahil sa lungkot or sa saya. Basta sure ako naiyak ako 🥲