Ako, Waiting Shed mo

Hintay, Ihahatid na kita
Please Subscribe to read the full chapter

Umabot ka na ba sa puntong bumagal ‘yung oras mo? ‘Yung mga panahong nakaupo ka sa harapan ng computer mo at hinihintay ang pagbubukas nito, ‘yung may nakalagay pa na ‘loading…’ sa screen? Hinintay mo rin ba iyon? Lumingon kung saan-saan dahil akala mo mas mapapabilis noon ang oras na ipinaghihintay mo? O kaya naman, inabala ang sarili mo sa mga gawain na dapat mong tapusin kung sakaling mag-on na yung computer? O baka naman ikaw ‘yung tipo ng tao na gumagawa ng ibang bagay habang naghihintay?

 

Kung ako ‘yung tatanungin, masasabi ko na ako ‘yung nag-iisip na ng gagawin sa computer habang naghihintay. Oo, ako ‘yung tipo ng tao na nag-paplano bago pa mangyari na ang isang bagay. Advanced nga, kung sabihin ng iba. Ahead of time, always prepared and ready kumbaga.

 

Kaya’t nung sinabi mong magkita tayo, matyaga akong tumayo sa dati nating tagpuan. Pumwesto ako sa waiting shed, pinanood ang pagtatakbuhan ng mga tao dahil sa malalaking patak ng ulan. Ayon sa weather forecast kanina, may rain showers daw. Wala namang sinabing color warning so siguro hindi rin siya magtatagal. Tahimik akong tumayo doon, hawak-hawak ang jacket mong itim.

 

Naalala ko pa ‘yung araw na ibinigay mo ito sa’kin. HIndi naman gan’on kalakas ang ulan nung panahon na ‘yun. Medyo mahangin lang at napansin mo ang bahagyang panginginig ko. HIndi ko naman akalain na ganito pala ang magiging dulot ng jacket mo.

 

Ilang beses akong napagalitan ni Mama, bakit daw ba ako nakasuot ng jacket kahit ang init-init. Halos 35 degrees celsius sa labas pero suot ko pa rin ang jacket mo. Medyo nakakapagtaka nga eh, alam kong paborito mo ‘to pero ipinahiram mo pa rin. Hinayaan mong suotin ko. 

 

Hindi ko alam kung bakit, paano, anong mahika ba ang meron? Bakit sobrang komportable sa pakiramdam ng jacket mo? Para bang nakayakap ka sa’kin at idinadampi sa’kin ang pabango mo. Hindi ito matapang dahil alam ko naman na hindi ako nito kayang ipaglban. Hindi rin naman siya sobrang tamis dahil sabi mo nga,

 

“Ayoko ng masyadong sweet-scented, Rene… baka habulin pa ‘ko ng bubuyog.”

 

Napatawa ako sa naalala kong iyon. How long has it been na ba? One year? Two years? Ah, almost four years… nagkakilala tayo n’on unang araw ng kolehiyo. Tuwang-tuwa ako sa’yo dahil maliban sa napaka-approachable mo, sobrang bait mo pa at ang galing mo sumayaw. Hangang-hanga ako nung napanood kita nung Froshie Fair, kaya pala pinapapunta mo ako kahit na ayaw ko naman talagang um-attend.

 

Sabi mo kasi... 

 

“Gusto ko kapag umakyat ako sa stage, ikaw ‘yung una kong makikita. Nahihiya kasi ako.”

 

Para sa’kin wala ka naman dapat ikahiya. Ang galing-galing mo kaya sumayaw… at siguro gan’on ako karupok. Doon ko na-realize na… crush na kita.

 

Medyo pang-elementary ‘yung term pero sadyang gan’on talaga. Sumali ka pa sa dance company ng school natin. Pinapanood ko palagi ang practice niyo, hinihintay kitang matapos. At tuwing may team building kayo, gabi-gabi kang tumatawag sa’kin--kagaya nung nagpunta kayo sa Cebu para sa team building (gan’on yata kalaki ang budget ng organization niyo).

 

Tumawag ka sa’kin, hating-gabi.

 

“Rene… hindi ako makatulog, kwentuhan mo naman ako--tell me about your day.” Ako naman ‘tong halos hindi magkaintindihan sa kama ko. Malay ko bang gusto mo rin palang marinig ang mga kwento ko, at malaman kung ano bang nangyari sa araw ko.

 

Nagsimula akong magkwento tungkol sa terror nating prof, sa nag-away na Sophomore at Junior sa cafeteria, pati na rin ‘yung nagtapon ng coffee jelly sa damit ko. Ikinuwento ko kung anong bumuo at sumira sa araw ko. Lahat ng ginawa ko at naging tagpo sa mga lugar na pinuntahan ko. Napatigil lang ako nung narinig ko na ang mahinang paghilik mo.

 

“Goodnight, Seul… Salamat sa pagbuo ng araw ko…” I didn’t mind the dark bags underneath my eyes dahil halos alas-singko na ng umaga ‘yun. Hindi ko pinagsisihan ang antok ko during classes, after all it was all worth it… because it was you.

 

Lagi tayong magkasama, every breaktime gumagawa ka pa ng paraan para kahit sampung minuto man lang magkasama tayo kahit na hindi pareho ang schedule natin. Hindi mo ipinaramdam na nakakadagdag ako sa inaasikaso mo, tipong kahit ang dami mong plates na tatapusin… gumawa ka ng paraan para mai-celebrate natin ‘yung birthday ko.

 

Sobrang saya ko nung mga panahon na ‘yun. Pakiramdam ko sobrang espesyal ko, at talagang napakahalaga ko sa buhay mo. Siguro iyon ang naging simula…

 

Simula ng unti-unting pagdami ng paru-paro sa tiyan ko tuwing magkasama tayo. Your smiles, and laughter made each of my days special and worth-remembering. The little things about me na naaalala mo, and the small things you do to make me feel like I really do matter.

 

Basta makita ko ang mga ngiti mo at maramdaman ang init ng palad mo, para na akong nakalutang. My heart

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
demiseYuri
@demiseYuri / @yuriiii_mo on twitter

Comments

You must be logged in to comment
Destresce
#1
Chapter 1: ❤️
purplejoch
#2
Chapter 1: damnn unrequited love 🤧 sakit naman nun otor
KaiserKawaii #3
Chapter 1: Baket ansaket