lesson 1: simula

Lesson 9: natuto ka ba talaga?

“I hope we can stay as friends, or we can be friends. Hindi man ngayon pero soon. Sorry ulit”

 

Ibinaba ko ang aking telepono pag katapos kong muling basahin ang huling mensahe nya sa akin. dalawang linggo na din simula noong sinabi nya ang mga katagang ‘yon sa akin, at hindi ko rin alam kung bakit paulit ulit ko itong binabalikan. Siguro it’s my way na din na baka sa kakabasa ko eh mamanhid na din ako sa sakit.

 

Napag daanan ko na kasi to, bakit na andito nanaman ako sa katayuang to?

 

“wen” napalingon ako ng tawagin ako ng kasama ko

“oh?”

“bakit ka umiiyak?” concerned na tanong nya sa akin

 

Hinawakan ko ang aking pisngi at naroroon nga, ang taksil na mga luha mula sa mga mata ko. hindi na ako nakaimik ng yakapin ako ng kaibigan ko at hindi ko na rin napigilan na ibuhos lahat ng kinikimkim kong sakit.

 

“shh shh magiging okay din ang lahat” bulong nya habang hinahaplos ang likod ko

“gago kasi joo, akala ko iba yung estorya namin. Akala ko, akala ko ngayon may magiging bunga yung pag iintay ko, yung pag talon ko. tangina umasa nanaman ako sa wala” rant ko sa kanya habang humihikbi sa pagitan ng mga yakap nya

“it’s not your fault, hindi mo naman alam eh.”

Umiiling akong kumalas sa yakap ni joo

“yun lang ang sinabi ko sa inyo”

“what do you mean wends?”

 

Huminga ako ng malalim bago ko tinagpo ang mga tingin nya sa akin

 

“alam ko na, alam ko ng dito kami babagsak pero pinagtanggol ko pa din sya sa inyo. It’s just a ing déjà vu joo, what happened to me and Joy is just like what happen to Seulgi and I”

Kumunot ang noo nya

 

 

“what? Wen, ano ba talaga nang yare?”

 

 

 

 

--

 

 

 

 

Alas onse na ng gabi hindi ako makatulog, ang ganda kasi netong storya na binabasa ko. masyado akong into sa plot kaya di ko na namalayan oras. Isa pang rason eh kausap ko pa yung bwisit kong crush na may gusto sa iba. Saklap

‘@joyp replied to your tweet’

binookmark ko ang binabasa kong pahina at tiningnan ang notification na lumabas sa phone ko

‘@joyp: tara g!’

‘@wanishon: dm!’

 

Nag tweet kasi ako na gusto ko ng ka jamming bago ako mag basa kanina, akala ko nabura ko na ang tweet na yon kasi wala namang pumapansin.

 

We started there

 

Nag simula sa hi, hello, hanggang sa umabot sa mga banatan ang usapan namin ni joy. Joy nalang daw itawag ko sa kanya eh, kahit kabaliktaran ng pangalan nya yung mood nya. hindi pa rin natutuloy yung tinweet kong jamming sa kanya kasi wala naman akong space at wala rin akong alam na app na pwede ko syang macontact. Nakakahiya namang tanungin agad ang facebook nya kaya gabi gabi nalang kami nag chahcat. Hindi ko na din nakakausap ng matino yung crush ko kasi pag kausap ko si joy hindi ko na iniintindi ang iba. Tyaka mukhang masaya naman na sya dun sa gusto nya.

‘@joyp sent you a message: hiiiii’

At kagaya ng nakasanayan, alas onse ng gabi eto na ulit sya at nag iwan ng mensahe sa akin. kagaya rin nang mga nakaraang araw, medaling araw na muli kami natapos ng usapan na wala namang katuturan. Sa araw-araw na pag uusap namin natutunan ko ang iba’t ibang bagay tungkol sa kanya. Para ko na nga siyang kilala nang matagal sa dami nyang kinekwento sakin. Kagaya nalang nga mga kaibigan nyang malakas ang trip sa buhay, kahit na nga antok na antok na ako nawawala dahil sa mga estorya nya.

‘@joyp: may facebook ka?’

‘@wanishon: meron, bakit?’

‘@joyp: may promise ka sakin diba?’

Napangiti ako, ilang beses na kasi syang humihingi ng kanta galling sakin. Para daw mamotivate sya sa ginagawa nya. kahit na hindi naman talaga ako kumakanta, napa-oo ako sa request nya. kaya kahit isinumpa ko na ang messenger napa-install ako at sinend sa kanya ang dummy acc ko. maya maya pa nakarecieve ako ng mensahe rito

Park sooyoung sent you a message

Agad ko naman tong binuksan, at sinagot ang napakahabang yehey nya, at listahan ng mga kantang pinpakanta nya sa akin.

 

Hindi ko lang siguro natandaan, siguro dahil ko rin naman talaga inalala na dito rin nga pala kami nag simula. Hinayaan kong masanay ako sa presensya nya kasi akala ko hindi ito ang pag susulit na pinaghandaan ko.

----

 

Unang bwan, every night na kaming mag kausap. Kahit nakita ko na profile nya sa facebook hindi pa rin sya nag faface reveal sa mga calls namin. Ako lang yung nag papakita sa kanya, palaging nakatago or naka flip sa kawalan yung camera nya, pero hindi ko naman sya pinipilit.

“wan, ang aga ng deadline ko bukas” sabe nya sakin kasabay ang pag hikab nya, napahikab tuloy ako

“anong oras?”

“8am” napatingin ako sa orasan, alas tres na ng umaga

“gago, three o’clock na”

“kaya nga baka di ako magising ng maaga”narinig ko syang nag lipat ng papel

“gisingin kita?”

Nakatingin lang ako sa screen nya habang inaantay ang sagot nya. medyo inaantok na din ako kaya napapapikit na ako, kaya nagulat ako ng bigla syang lumitaw sa screen ko.

“pwede?” malambing nyang tanong sa akin

At ako namang namesmerize sa ganda nya, hindi ako agad nakasagot. Parang nawala lahat ng antok at pagod ko, at bumilis rin ang tibok ng puso ko.

“huyy wan”

“h-ha?” kumurap kurap ako at ngumiti sa kanya

“nakatulog ka na ba ng bukas ang mata? Hahahaha” natatawa nyang tanong sakin

“gago hindi. Anong sinabi mo?”

Tumago syang muli sa screen at para bang makikita ko sya, isinunod ko ang ulo ko

“kung pwede mo’kong gisingin bukas” sagot nya at sumilip muli sa screen

Noon lang ako nag pasalamat sa screen ng phone ko, kasi kung kaharap ko talaga sya ng mga oras na yon, hinimatay na ako sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.

‘lord mukhang aakyat na ako’ bulong ko sa isip ko

Parehas lang kaming nag katitigan sa screen, habang patagal ng patagal lalo akong nawawalan ng hininga. Totoo pala yung gandang breath taking, lalo akong nawalan ng ulirat ng ngumiti sya

“hoy ano bang nangyayare sayo?” natatwa nyang tanong sakin at lumayo ng kaunti sa screen

“ang ganda lods” pabulong kong sabe

“ha?” nakakakunot noo nyang tanong

Umiling ako bilang tugon pero hindi ko inaalis ang tingin sa screen.

“hay nako wanni parang sira” natatwa nyang sabe sa akin at tumago na muli mula sa view ng camera

Kinuha ko ang telepono kong naka patong sa holder at nag sulat ng mensahe para sa kanya

@wannishon: hey sorry. Ano kasi, ano.

@joyp: haha ano??

@wannishon: ano nagulat kasi ako

@joyp: ha? saan?

@wannishon: ano kasi,ang ganda mo

Ilang minuto na ang nakakalipas at na iwan ako sa seen zone. Nag alala na ako ng di sya nagreply sa akin at namatay na din yung tawag kaya mag iiwan sana ako ng mensahe sa kanya ng nagreply sya sakin

@joyp: hjklvcsbl parang sira to

Bigla syang nag send ng meme sa akin na palagi naman naming ginagawa. Natawa nalang ako, at the same time kinikilig din ako. Hindi ko rin alam siguro kasi alam kong kinikilig sya right now, at ako yung dahilan.

@wannishon: so ano nga? gigisingin ba kita bukas?

@joyp: pwede?

@wannishon: oo naman :)

 

And it starts there, everyday I wake up early for her kahit na almost 2hrs lang sleep namin just to wake her up. It didn’t matter to me kahit na I lose a lot of weight because of the lack of sleep or when I sleep in the middle of the day  para makasabay sa schedule of sleep nya. my life shifted 360 degrees, she invades my mind more and more each day we spend together.

One month has passed and we’re still talking, akala ko nga di na to aabot pa ng one month. I found more and more about her and I sometimes used those knowledge para masakyan trip nya. my feelings grew over the days too, some might say it was fast and it is! One month, hindi ko din alam how, and why pero, all I want is to spend my days with her. That’s what I’m actually gonna do today. If I have enough courage to tell her I will.

My 11:11 alarm went off and I sent her a meassage

@wannishon: happiness mo

@wannishon: dreams mo to come true

@wannishon: peace of mind mo

I smiled while sending those chats, we always wait for 11:11 and wish each other something. I saw her got online and wait patiently on her reply. 11:11 is almost up

@joyp: hapioness mo

@joyp: peace if mindf mo

Received 11:11

@joyp: YES! UMABOT AKO!!

@wannishon: hahaha congrats?

@joyp: che! Chat kita maya may ginagawa lang ako. Byeee

@wannishon: oki, oki..

Inayos ko na aking munting sorpresa para sa kanya, kahit sobra akong kinakabahan sa gagwin ko hindi ko rin alam kung tama ba yung oras para gawin ito parehas pa naman kaming hindi pa ganon ka handa sa relasyon. Pero kaya ko naman syang intayin, yun ang palagi kong sinasabe sa kanya.  At dahil hindi pa rin ako mapakali ay binuksan ko ang chats ko at hinanap ang pangalan ng taong alam kong maari akong tulungan or payuhan.

@wannishon: ma

@yeont: yes nak?

@wannishon: I need you help with something.

@yeont: what is it?

@wannishon: so, I was gonna ask joy sana tonight if I can court her and I’m really nervous like, should i? baka kasi sobrang bilis ko, at mabigla sya.

@yeont: hmm, bakit sa tingin mo mabibigla sya

@wannishon: one month pa lang kasi ma. Isang buwan palang since we start talking

@yeont: wala naman yan sa tagal ng pinagsamahan nyo. Kapag ba di mo sya tinanong ngayon makaktulog ka?

@wannishon: ewan ko haha.

@yeont: then go for it, it’s hard to live with what ifs nak

@wannishon: and if she’s not ready?

@yeont: I ask you, what will you do?

I was left speechless, I mean it’s just a month at hindi ko naman sya minamadali. Maybe the fear of waiting again is what makes me nervous and anxious. I couldn’t send a reply back to ma, I just stare at nothing and let her question roam my mind.

 

Waiting, the thing I feared the most at that time.

 

Sa sobrang focused ko sa pag katulala, hindi ko namalayan na alas dose na pala at ilang mensahe na ang naisend nya sakin.

@joyp: heloo

@joyp: Wan

@joyp: Wani, tulog ka na ba?

@joyp: tulog ka na?

@joyp: ayun na seen

Napangiti ako sa huling mensahe nya. kinuha ko ang telepono ko at akmang mag tatype na akong muli ng umappear ang pangalan nya sa screen

 

Park sooyoung is calling...

 

“heloo” bati ko sa kanya

“ang tagal mo sumagot ha?”

“sorry naman, namiss mo naman ako agad?”

“ang feeling mo naman po?” narinig ko ang mahina nyang pagtawa at napangiti nalang ako

“tapos ka na sa project mo?”

Narinig ko ang pag buntong hininga nya sa kabilang linya

“hindi pa nga eh. Aabutin na naman ako ng medaling araw dito”

“sasamahan naman kita” natahimik sya kaya tiningnan ko ang telepono ko kung namatay ba ang tawag

 

Park sooyoung is requesting open your camera

 

Inaccept ko ito at bumungad ang nakataas na kilay nya.

“oh problema mo?” natatwa kong tanong sa kanya

“napaka mais mo” nag make face sya bago ako irapan

“oh totoo naman ah, sinasamahan naman kita araw araw ah”

Ngumiti sya akin, “tenchu”

Hindi ko napigilang iscreenshot ang pag kakataong yun. Hindi ko na rin alam kung gaano ka daming screenshot ng mukha naming dalawa ang laman ng gallery ko. tuwing nag uusap kami ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na kuhanan ang maganda nyang mukha. Syiempre yung mga wacky nyang ityura madami din sinendan ko nga sya minsan at dalawang araw nya yong tinatawanan.

“baka makatulong ako dyan sa project mong yan.”

“ihh, di na okay na kaya ko naman tong gawin”

“sure ka?”

“mmhmm”

“okay, gawin mo na yan.”

“kantahan mo’ko. may utang ka pang concert sa’kin”

“oh? Akala ko ikaw naman mag concert?”

“anong ako? Taga-palo lang ako ng lamesa tyaka instrumental. Yun na ambag ko”

“daya naman po”

“ehhh, dali na para ganahan ako mag gawa”

Sumilip sya sa camera muli at nginitian ako

 

Napakadaya talaga, pano ako hihindi dyan

 

“hays sige na nga, daya mo parin” nag pout ako at narinig ko naman ang pag tawa nya

Nag scroll ako sa aking playlist at nag hanap ng kakantahin.

“baka may request ka.”

“hmm.. kahit ano wan”

“wala naman kantang kahit ano eh” reklamo ko

“wan ko sayo haha”

Naka-ilang scroll pa ako bago ako nakapili ng kanta para kantahin. Pinlay ko ang kanta ng ben & ben at sinabayan ito. habang gumagawa siya ng proyekto nya ay kinkantahan ko lang sya kagaya ng ibang mga araw na nagkakausap kami. Minsan sumasabay rin sya sakin at hinahayaan ko lang sya pag napansin na nyang di na ako sumasabay ay mahihiya sya at magtatampo sa akin.

Alas dos ng umaga ng matapos nya ang kanyang ginagawa, masakit na rin lalamunan ko kaya tumigil na ako sa pag kanta at pinanuod nalang syang mag ayos ng mga gamit nya. nang matapos sya ay umupo nang muli sya sa harap ng camera nya.

“inaantok ka na?” tanong nya

“hindi pa naman, ikaw?”

“konti, pero mamaya na”

Natahimik kaming parehas at tinitigan ang isa’t isa. hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing titingin sya ng diretyo sa mga mata ko. Ang kakaibang bilis ng puso ko kapag ngumingiti sya hindi ko pa rin makasanayan. Ito na ata talaga ang epekto nya sa sistema ko, lahat ng normal na takbo ng katwan ko nagiging abnormal kapag nakikita ko sya.

“joy, may gusto  sana akong sabihin” seryoso kong sabi sa kanya

“hmm, ano yun?”

Huminga ako ng malalim, hindi ko ininda ang panginginig ng mga kamay ko sa sobrang kaba

“ano, pag di ka comfortable sa sasabihin ko just tell me”

“okay? Ano ba yun?”

 

“gusto kita”

 

dalawang salita, isang siguradong nararamdaman. Noong mga panahon na sinabi ko ang mga katagang yan sigurado ako, sobrang sigurado at diterminado na kahit ano mang maging sagot nya ay tatanggapin ko.

 

“ha?”

“ano, okay this may sound weird or kung ano man but, yeah I like you. Gusto kita joy, hindi lang as a friend and siguro naman nararamdaman mo. I’ve been very vocal naman about my feelings for you lagi kong sinasabi na gusto kita in a jokingly way pero this time I am sure na di na to joke”

Natahimik sya at nanatiling naka tingin sa akin

“I don’t want to make this awkward between us. So, please say something?”

“I-... di ko alam sasabihin. Thank you?”

May kaunting sakit akong naramdaman pero hindi ko ito ininda

“alam ko parang ang bilis like one month pa lang at ayokong mabigla ka so if this makes you uncomfortable wag mo na intindihin yung sinabi ko”

“what? No, hindi “ umiling sya

“hindi ko lang alam sasabihin , like it’s the first time someone confessed to me.”

“really?”

Tumango sya

“at, what is not to like about you? Para kang bola ng sunshine, napaka selfish mo and you always make me feel assured.”

Gumuhit ang maliit na ngiti sa aking mga labi

“it’s just that, hindi ko alam kung ready ako. Kung kaya ko ba ulit mag open ng puso ko.”

“i’m not rushing you naman eh tyaka I just confessed”

“I know, pero parang di ko deserve yung confession mo”

“bakit naman?”

“I don’t know, and wan I do like you too”

“ha?”

Parang nag lag yung utak ko sa sinabi nya at nanatili ako ang naka nganga ng ilang sandali. My heart skipped a beat, maybe stopped for a solid second by her words

“I like you too, pero I’m scared to say it kasi I have so many issues at I think it’s unfair for both of us. Ayoko munang pumasok sa relationship ng ganito ako.”

“I’m not rushing you naman joy”

“alam ko, pero dito naman yun mag uumpisa right?”

“I’ll be honest, what was gonna ask you is if I can court you. Pero I felt like it wasn’t the time to ask that”

“haha see? Pero are you sure? Sa akin, na puro baggage pa. hindi ba ang unfair no’n?”

“ako din naman may baggage eh. Alam mo naman how I fear waiting pero if it’s you, sure”

“pano kung mawala ka rin sa akin kagaya nung una?”

“I won’t do the same thing that hurt you. At I’ll make sure to remind you every day, every second na I will never do that. I will never leave you, kilala mo ako”

“pano pag ako yung nawala?”

“kung ikaw man, what ever man reason mo to go I will accept. Kung hindi man ako yung piliin mo okay lang, iaaccept ko yun wholeheartedly”

Nakita kong nang gigilid ang mga luha nya bago nya I off ang camera nya.

“sure ka na ba talaga sakin?”

“haha oo nga, 500% sure”

“I have my issues pa, kaya I’m not sure kung kelan ako magiging ready”

“hihintayin ko, hihintayin kita. Hanggang maging ready ka, I’m not rushing you so take your time”

“thank you. Super skeptical pa rin ako sa ldr, at sa pag iintay na yan. Pero I’m willing to risk it”

“willing ka mag risk sa atin?”

“yes po, pero sorry if I’m not ready pa for a relationship”

“no, it’s okay. As long as I know you like me back okay na ako dun”

“thank you talaga wan.”

“so, I’m courting you na?” narinig kong natawa sya

“I think so?”

 

And that was one of the happiest day of my life. Hindi man sigurado ang hinaharap, hinayaan kong muling sumugal ang puso ko para sa kanya. Not all will understand how I felt that time o kung ano man yung naging agreement namin. But one thing is for sure, I like her and she likes me back that is more than enough for me para I-look forward ang future namin together.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
honeyblood17
#1
Chapter 1: hanubaaaa feeling ko kailangan ko ng closure!! 😩😩😩😩😩