Enemigo

Enemigo, schuhe
Please Subscribe to read the full chapter

NOTE: Hello, eto ulit ako. May ningselle shippers ba rito? If meron, hello eto na! Last time na sinearch ko ang ningselle stories dito sa aff, 82 (?) lang ata. So ayon, dagdagan natin. : d ENJOY! Hindi ko namalayan na naka 18k words na ako, hehe. May sinusulat din akong winrina, hintay niyo nalang, itutuloy ko pag sinipag ako. ༼ つ ◕‿◕ ༽つ

 

Ang gusto ko lang naman ay yung makita ka na masaya habang ginagawa ang mga bagay na pangarap mo mula nung una.

 

song recommendations:

john k - if we never met.

shamrock - alipin.

 

 

"Pst."

 

Unang tawag.

 

"Pst, hoy."

 

Pangalawa.

 

"Giselle!"

 

Pangatlo.

 

"Aeri!"

 

"Ano ba?! Nag-aaral yung tao!" Agad kong singhal kay Winter dahil kanina pa ako nito kinakalabit, kinalikot pa nga ang ilong ko habang eto ako nagsusunog ng kilay dahil malapit na ang exam week! Paano nagagawa ng tao na ito na maging kalmado?

 

"Huwag ka na mag-aral, hindi naman natin yan kailangan pag nagtrabaho tayo." Taas noo pa nitong sambit habang tumatawa na para bang may nasabi siyang maganda at makakatulong sa pagtaas ng ekonomiya ng Pilipinas.

 

"Kung isumbong kaya kita kay tita?" Pananakot ko naman sabay kuha ng cellphone ko at pakita sa kaniya ng contact number ni tita. Syempre, biro lang yun. Wala naman akong pantawag, eh. Tinatakot ko lang 'tong ungas na 'to, dahil mukhang walang plano sa buhay niya. Nakakahiya naman sa crush niya na straight A student.

 

"Teka lang! Nanloloko lang ako." She rolled her eyes and pouted her lips, mukhang pato. "Kasi naman, laro muna tayo, isang game lang!"

 

"Tigilan mo nga ako. Huwag mo ako isama sa pagbagsak mo, okay." Masungit na usal ko pa habang hina-highlight ang mga keyword para matandaan ko ang nirereview ko.

 

"Hindi ako babagsak, malinaw naman ang mata ko, eh." Natatawang sabi nito habang kasalukuyan ngayong naglalaro ng chess sa plato. Kanina pa niya ako binubulabog dahil may pustahan daw sila ng crush niya na kung sino ang manalo ay may isang wish na pwedeng hilingin. Malamang kaharutan ang gusto nitong gawin kaya naman pursigido sa pagpapractice, nakalimutan na atang may dapat siyang inaaral ngayon.

 

"Mag-aral ka muna, mamaya na yan. Lalaruin kita mamaya kung gusto mo, basta mag-aral ka." Sabi ko sa kaniya habang kinukuha ang textbooks niya sa loob ng bag niya, okay naman siyang estudyante pero minsan talaga sinusumpong siya ng katamaran pati ng pagiging isip bata. Kasalukuyan kaming nakatambay ngayon sa sala ng bahay nila at nag-aaral para sa nalalapit na exam namin.

 

Ay, mali. Kasalukuyan pala akong nag-aaral habang siya ay prenteng nakaupo lang sa couch habang naglalaro at pakain kain nalang chips delight na para bang hindi siya namomotivate sa ginagawa kong pagsisipag.

 

Tinignan naman niya ako, halatang halata ang pagdududa sa mukha niya. Hindi pa ata naniniwala sa sinasabi ko ang hinayupak, "Totoo ba iyan? Baka sinasabi mo lang iyan para makalimutan ko ang panukala ni Allan Peter Cayetano na may sampung libo bawat pamilya?"

 

Napairap naman kaagad ako sa sinabi niya dahil eto na naman siya, kung ano ano na naman ang sinasabi para malihis sa kaniya ang usapan. Kadalasan naman pag nag oopen up siya ng topic about politics, parehas na namin gigisahin ang gobyerno hanggang sa nawala na nga sa kaniya ang spotlight.

 

"Susumbong talaga kita kay tita, Winter. Isa!" Pagbabanta ko naman at sinamaan siya ng tingin kaya naman napabuntong hininga siya at kakamot kamot na tumayo mula sa pagkakaupo sa couch at tinabihan ako rito sa sahig, nandito ako ngayon sa lapag habang ang mga libro at binder ko naman ay nakalagay sa center table. Aral na aral ako rito habang yung may ari ng bahay eh pa-chill chill lang.

 

"Manang, kain po kayo!" Nakita naman ni Winter na pumasok si Manang Lolita na may dala dala pang timba, mukhang naglalaba siya sa likod ng bahay. Katiwala nila ito, kasambahay na nangangalaga rin sa bahay nila pag walang tao. Pati na rin gumagawa ng mga gawaing bahay dahil madalas si Winter lang ang naiiwan dito sa bahay nila. Kaya naman parang nanay na namin siya dahil lagi rin akong nakatambay rito.

 

"Sige, anak. Kumain lang kayo ni Aeri riyan, mamaya na ako, ha." Nakangiting sabi naman nito bago pumasok sa may kwarto, mukhang may kukunin.

 

"Sige po, manang! Kuha nalang po kayo sa kusina." Sagot naman ni Winter bago ipagpatuloy ang pagkain, nakatingin lang ako sa kaniya kaya naman nang mapansin niya ang pagtitig ko ay awtomatikong tinaasan ako nito ng kilay.

 

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong niya habang ngumunguya, muntik pa nga siyang maubo dahil sa laki ng pagsubo niya kaya naman agad niyang kinuha ang juice sabay inom at napapailing nalang ako.

 

"Mag-aral ka na, okay. Para sa'yo rin iyan, sige ka magagalit si Kari—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay agad na niyang sinubo ang natitirang cookie sa kamay niya habang nagmamadaling kinuha ang ballpen at pinunasan ang daliri niya gamit ang tissue.

 

Ngumunguya siya habang binubuklat ang libro kaya naman hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Mukhang engot talaga 'to, basta si Karina ang nababanggit, awtomatiko na umaayos, eh.

 

"Eto na nga, mag-aaral na." Sabi pa nito habang ngumunguya, nag thumbs up naman ako sa kaniya ngunit nginusuan niya lang ako.

 

"Anong plano mo sa college?" Biglaang tanong niya sa akin habang nagsusulat, kasalukuyan akong namamahinga habang hinihilot ang sentido ko dahil kanina pa ako nagbabasa. Tinignan ko ang oras at almost 3 hours na pala ako nakatutok sa mga libro at nagkakabisado. Hindi naman halatang masyado kong cinacareer eh 'no?

 

"Archi kukunin ko," I sighed heavily as I closed my eyes, sumandal pa ako sa may couch na nasa likod ko dahil kasalukuyan akong nakasalampak sa sahig. "Yun ang gusto nilang kunin ko, eh."

 

Kahit na hindi ko nakikita, alam kong nakatingin na sa akin ngayon si Winter. Nararamdaman ko lang ang mga titig niya sa akin, alam kong marami siyang gustong sabihin. Hindi naman siya nagkukulang sa pagpapaalala kahit na medyo gago siya.

 

"Ikaw ang mag-aaral, hindi sila." Narinig kong sabi nito, hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik dahil wala naman akong ibang maisip na isagot. Tama naman kasi siya, ako naman ang mag-aaral. Ako ang dapat kumokontrol sa sarili kong buhay pero hindi ko lang siguro talaga kayang suwayin ang mga magulang ko.

 

"How long will you let them control your own life?" I heard her soft whispers, "I don't want you to choose a path in college where you're not genuinely happy, insan."

 

Because of what she said, I heaved a sigh again and open my eyes, I immediately met her gaze on me. Kita ko sa mga mata niya ang awa at pag-aalala. Alam niya, alam na alam niya ang buong kwento ko— siya naman 'tong kasama ko mula dati pa, kasi syempre pinsan ko 'tong bugok na 'to. Kaya todo pilit ako rito na ayusin ang sarili niya dahil ayaw ko siyang maiwan sa ibaba, gusto ko siya hatakin pataas hanggang sa makakaya ko.

 

"I know, thanks for that, Win. I know you genuinely care for me and you want nothing but the best for me. I appreciate it. Pero—" A short pause, napatitig nalang ako sa mga libro at binder na nakakalat sa mesa na kanina ko pa inaasikaso. Masaya ba ako? "Alam mo naman na ayaw kong madisappoint ang mga magulang ko, diba?"

 

"You're not a disappointment, Gigi. You'll never be a disappointment, kahit na ano pang kurso ang kunin mo." Mahinang turan naman niya at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na kasalukuyang nakapatong ngayon sa binti ko, hindi ako sumasagot pero nakikinig ako. Gusto ko nalang maiyak dahil alam ko naman na mahal niya ako, at ganon din naman ako sa kaniya kahit nagbabangayan kami palagi. Siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin.

 

My parents could never.

 

"You'll do great, it's not your obligation to please them all the time. I hope you know that, choose what makes you happy. I don't want you to regret it in the end." Wika nito habang pinipisil pisil ang kamay ko na hawak hawak niya, binalingan ko siya ng tingin and I gave her a small smile.

 

"Kapag ang magulang na ang kalaban mo, paano ka mananalo?"

 

Natahimik siya matapos kong itanong yan. Miski ako ay hindi na rin nagsalita at tahimik lang kaming dalawa habang hawak hawak niya pa rin ang kanang kamay ko. Tanging ingay lang mula sa bluetooth speaker ang maririnig dahil naka connect don ang cellphone ko, hilig ko kasi magpatugtog ng chill songs o 'di kaya'y mga instrumental habang nag-aaral ako dahil mas narerelax ako pag ganun.

 

"Bobo po ako eh. . . hindi ko po masasagot yan. . ."

 

Yan ang sinabi niya matapos ang mahabang katahimikan kaya naman agad akong napatingin sa kaniya at maya maya lang din ay bumunghalit na rin ako kakatawa. Ginagaya niya lang naman yung nasa tiktok, pati yung facial expression nung bata na nagsabi niyan gayang gaya niya.

 

"Siraulo ka talaga." Natatawang sabi ko at binawi na ang kamay ko, alam ko naman na ayaw niya lang na maging mabigat ang usapan namin kaya naman ginago niya nalang ang tanong ko. "Mag-aaral na nga ulit ako, sana ikaw rin."

 

Ngumisi lang siya sa akin at bumuntong hininga, hindi ko na siya tinignan dahil abala na ulit ako sa pagrereview. Pasakit talaga sa buhay minsan ang school works lalo na't may standard at expectation ka na kailangan mareach. Pero hindi ko nalang iniisip yun dahil ayoko na pwersahin ang sarili ko palagi. Siguro, ako yung tipo ng tao na bahala na pero at the same time, gusto ko rin ng mataas na grado.

 

"Review-hin kita maya maya." Sabi ko sa kaniya dahil mukhang wala talaga siyang plano na magreview, nakatulala nalang siya nang sulyapan ko kani kanina at mukhang may malalim na iniisip.

 

Dahil sa sinabi ko, mukhang natauhan siya at napakurap, natingin din siya sa akin at parang sabog na nagsabi ng, "Ha?"

 

"Sabi ko rereview-hin kita mamaya. Mas madali na 'tong ginawa ko dahil nahighlight-an ko na yung keyword. May solution din ako riyan sa notebook na yan," Tinuro ko yung notebook ko na malapit sa gawi niya. "Nakalagay na ang lahat pati kung paano makuha dahil alam mo naman medyo makakalimutin din ako sa ganyan ka inexplain ko na sa notebook lahat paano masosolve."

 

"Ah, oo." Kumakamot ang ulo na turan niya at inayos ang pagkakaupo, "Thank you, Gigi."

 

Kumunot naman ang noo ko dahil mukhang wala na siya sa sarili niya, kanina lang ay kung hindi niya ako kinukulit na laruin siya at iniistorbo sa pag-aaral ko, naririnig ko naman ang tunog sa nilalaro niya. Ngayon kasi tahimik nalang siya at nakatulala, hindi siya nag-aaral pero hindi rin siya naglalaro. Mukhang may malalim na siyang iniisip matapos ang usapan namin kanina.

 

"Okay ka lang ba?" Tanong ko naman at sinalat ang noo niya, mukhang nagulat pa siya sa gesture ko. "Wala ka namang lagnat."

 

Hinampas naman ako nito sa balikat habang tumatawa dahil sa sinabi ko, "Wala akong sakit, ano ba."

 

"Eh bakit nakatulala ka na riyan? Hindi ka ganiyan kanina." Tinaasan ko siya ng kilay, matamang tinignan ko siya habang sinusuri ang buong mukha niya. Hindi naman siya maputla, hindi namna siya mukhang matamlay. Okay rin siya kanina pero bigla siyang naging tahimik.

 

"Wala. . ." Ngumiti siya sa akin, pagkatapos huminga nang malalim. "May naisip lang."

 

"Care to share?" I asked habang kinukuha ko ang laptop sa case, nakalimutan ko na may files nga pala ako rito at dito ko nasave ang ibang lecture namin. May mga teacher kasi kami na hindi kami hinahayaan na magsulat habang nagdidiscuss sila kaya naman sinesend nalang nila yung powerpoint nila sa gc para may kopya kami.

 

"Kung magkakaroon man ng gyera, at kalaban mo ang magulang mo. Mananalo ka, kasi wala silang sabi sa buhay mo. Kumbaga sa isang digmaan, ikaw may armas, sila may kapangyarihan. Kaya ka nila diktahan, pero hindi required na sundin mo sila. Tignan mo si Emilio Aguinaldo, mataas ang katungkulan niya at may kapangyarihan siya. Pero may nagawa ba siya para sa Pilipinas? Wala. Gawin mo nalang example si Heneral Luna at si Aguinaldo, paglabanin mo sila ng one on one. Si Heneral Luna may armas, si Aguinaldo wala, pero may sabi siya dahil siya ang panghulo. Pero may magagawa ba ang awtoridad niya kung may determinasyon si Luna na manalo? I don't think so."

 

Napakurap ako ng ilang beses nang marinig ko ang sinambit niya, hindi pa nga kaagad nagprocess sa utak ko dahil medyo mahaba ang litanya niya at hindi kaagad nagsink in sa akin ang mga sinabi niya. Pero nang maintindihan ko ay napatawa nalang ako, mahina lang.

 

"Ikaw ba talaga iyan, Winter?" Pang-aasar ko sa kaniya kaya naman napanguso siya sa akin at kinurot ako sa tagiliran. "Hindi ko ineexpect yun, ah." Yun pala ang iniisip niya kanina pa? Iniisip niya pa rin pala ang tinanong ko sa kaniya kanina.

 

"Heh, wala lang. Gusto ko lang sabihin." She shrugged her shoulders bago mapabuntong hininga na naman. Medyo matagal ko siyang tinitigan bago ako mapangiti ulit. Gaga lang talaga siya pero alam ko namang may sense ang mga sinasabi niya, gusto niya lang din sabihin sa akin na ako ang masusunod sa buhay ko. Kahit na mas makapangyarihan ang magulang ko, kahit na mas matanda sila sa akin, kahit na mas may kakayanan sila kesa sa akin.

 

Nakakatawa lang na naisingit pa niya ang mga bayani sa example niya, naalala ko lang tuloy ang pagtatraydor ni Emilio Aguinaldo. Nung bata ako, puro mabubuti ang mga nasa textbooks about sa kaniya. Bayani siya, unang presidente. Yun ang alam ng karamihan, unless tumanda ka at magkaroon ng interest sa history, malalaman mo kung ano at sino talaga siya, ano ang mga nagawa niya para sa Pilipinas— kung paano niya tinraydor ang mga kapwa niya Pilipino para lang manatili sa posisyon niya.

 

Hindi natin alam ang lahat, pero base sa mga nabasa ko, isa sa pinaka maayos na Heneral si Luna, siya ang may kakayahan na makatalo sa mga Amerikano nung panahon niya. May paninindigan siya na ipaglaban ang Pilipinas, ngunit tinraydor siya ng mga kapwa niya Pilipino. I don't know which hurts more, the gunshots and blades on the body, or the feeling of being betrayed by your own countrymen. Ang lungkot, kapareho pa nila ng uniform ang pumatay at bumaril sa kaniya.

 

Hindi ko alam ang buong kwento, wala rin sigurong perpekto. Pero isa lang ang alam ko, at sa bawat kwento na nalalaman ko tungkol sa ating mga bayani, mas lalo lang nadadagdagan at bumabangon ang galit ko para kay Emilio Aguinaldo.

 

"Namatay naman si Heneral Luna." Natatawang usal ko habang nag-iinat, nakakapagod din talaga ang pwesto ko at kanina pa ako nakaganito. Sumasakit na rin mata ko.

 

"Hindi ka mamamatay, ano ka ba. Masamang damo ka." Madiing sabi nito animo'y may pinaglalaban pa kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, gago 'to, ah?

 

"Dapat na ba ako matuwa niyan?" Napabungisngis siya dahil sa sinabi ko at marahil na rin sa itsura ko ngayon na nakabusangot sabay napakibit balikat.

 

"Lahat ng sasabihin ko dapat ikatuwa mo, dami kayang nagkakandarapa sa akin. Handang magpabaril makausap lang ako." Pagbubuhat nito ng sarili niyang bangko, taas noo pa siyang sinasabi iyan at kitang kita ang pagmamalaki sa mukha niya.

 

"Ikaw kaya barilin ko?" Pabalang na sabi ko kaya naman napatawa ulit siya.

 

"Sungit mo naman." She sighed while massaging her temple, "Pero seryoso, whatever happens, ano man ang maging desisyon mo, I'll be here and I'll always support you." Nag thumbs up pa siya sa akin kaya naman napangiti ako at pinisil ang ilong niya.

 

"I know, alam ko namang hindi mo kakayanin pag nalungkot ako. Mahal na mahal mo ako, eh." Pang-iinis ko pa sa kaniya kaya naman inismiran ako nito at umaktong nasusuka, dali dali ko naman siyang binatukan dahil umaandar na naman ang panggagago niya.

 

"Kadiri ka talaga, hindi tayo talo. !" Sabi naman niya at mukhang nandidiri pa sa akin.

 

Sinamaan ko naman siya ng tingin at tinaas ko ang middle finger ko para murahin siya, "As if naman papatol ako sa'yo kahit na hindi tayo magpinsan ngayon. May taste naman ako." Naduduwal na sabi ko kaya naman mukhang siya ang nabwisit dahil pabiro ako nitong sinampal.

 

"Gigil mo na talaga ako." Sabi naman niya at kinuha ulit ang ballpen ko, "Mag-aaral na ako, tulungan mo na ako." Pagpapacute niya habang nakanguso pa kaya naman napangiwi ako dahil hindi bagay sa kaniya, atleast for me.

 

"Oo na, oo na. Huwag ka na magpacute, hindi bagay." Sabi ko naman kaya naman sininghalan niya ako at bumubulong bulong na nagsimula ulit na magsulat. Mukhang may nirereklamo pa kaya naiiling nalang ako habang tinatawanan siya.

 

Hindi pa nakakalipas ang limang minuto nang matahimik kami at magsimulang magtake down notes ng mga importanteng nalesson namin ay tumunog na ang cellphone ni Winter na nakalagay sa may couch na sinasandalan namin kaya naman rinig na rinig pa rin namin.

 

"Ay, may tumatawag." Mahinang sabi niya sabay hablot ng cellphone niya at walang tingin tingin na sinagot at inilagay sa tenga niya ang gadget, "Hello? Oh, ikaw pala Ningning."

 

Pwe.

 

Awtomatiko akong napabusangot nang marinig ang pamilyar na pangalan na never kong ikatutuwa na marinig o madikit sa akin. Ito na naman yung maarte na si Ningning na mukhang mainit ang dugo sa akin simula una palang kaya naman nahawa na rin ako at nahighblood na rin ako sa kaniya.

 

Pero wala naman akong magagawa dahil bestfriend siya ng pinsan ko at kailangan ko rin siya pagtyagaan sa tuwing aksidente kaming nagkikita o nagkakasalubong sa school, mukhang hindi niya gusto ang presensya ko kaya naman nagsimula na rin akong mainis sa kaniya hanggang sa eto na nga, g na g kami sa isa't isa.

 

"Ngayon? Kasama ko si Aeri, nagrereview kami." Hindi ko naman gustong makinig sa usapan nila pero hindi naman tumayo si Winter habang kausap si Ningning dahil wala rin naman sa akin kung ano ang pag-usapan nila. As if I care sa bruhang yun.

 

"Oo, bukas nalang. Arte mo." Natatawang sambit pa ni Winter habang ako naman ay patuloy pa rin sa pagrereview. Hmm, mukhang nag-aaya ang bruha. Gumala, probably? Sorry nalang, pinag-aaral ko 'tong tukmol kong pinsan.

 

"Oo na, bye na. Iniistorbo mo ako, mag-aral ka rin." Wika ni Winter, napabuntong hininga naman ako dahil nahihirapan ako i-solve 'tong problem na nakalagay sa powerpoint ng teacher namin. Hindi ko na matandaan paano nakuha 'to, agad kong binuklat ang notebook na pinagsulatan ko para hanapin kung may nasulat ako na guide or formula para naman maaalala ko paano niya nakuha yung sagot. Ano kayang solution?

 

"Anong stock knowledge? Buang ka talaga." Humahagikhik na turan ni Winter, "Bye na!" Dagdag pa nito bago tuluyang ibaba ang tawag, nakita ko pa mula sa gilid ng mata ko na ibinalik niya ang cellphone sa couch kung saan ito nakalagay kanina at nagpatuloy na sa pagkopya ng notes na ibinigay ko sa kaniya.

 

"Si Ningning, sabi pupunta raw rito kaya lang sabi ko nandito ka." Agad naman niyang pagkwento matapos ng tawag nila kahit na hindi ko naman tinatanong, natural naman sa amin na magsabi ng kung ano sa isa't isa kaya lang hindi talaga ako natutuwa sa topic na may kinalaman kay Ningning. Basta Ningning related, nasusuya agad ako.

 

"Eh, bakit hindi pumunta?" Walang gana na tanong ko naman habang iniisip kung paano pa rin nasolve 'tong deputang problem na 'to ng teacher namin. Kahit na ganon ang tanong ko, deep inside nakahinga ako nang maluwag dahil ayoko naman siyang makita pa rito. Hindi ako makakalagaw nang maayos at baka magbangayan lang kaming dalawa. Imbis na makapagreview ako eh nagkaroon pa ng sabong dito.

 

"Ewan ko." Nagkibit balikat siya kahit na alam naman naming dalawa na ayaw rin ako makita ng bruhang si Ningning, "Mas okay na rin dahil wala lang akong maiintindihan kung nandito siya. For sure dadaldal lang yun." Naiiling na dagdag niya kaya naman napapatango nalang ako dahil clearly, she has a point.

 

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko, mas mahalaga 'to kesa sa kung sino mang spoiled brat na mukhang iiyak pag hindi nabilhan ng mga luho niya. Pwe.

 

Mabilis naman na lumipas ang araw at hindi ko rin inaasahan na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon kung saan ang lasing na si Winter ay kasalukuyang nakasandal sa akin habang nakatambay kami sa hagdan ng isang saradong building at nagrereklamo siya tungkol sa mahal niya na may bago na raw.

 

"Sabi mo, hindi tayo talo, bakit mo ako hahalikan!" Inis na pangaral ko naman kay Winter habang tinutulak ang mukha niya dahil muntik na siyang makanakaw ng halik sa akin! Gusto ba niya isumpa kami ng mga magulang namin? Iniisip ko palang yung scenario kung saan natuloy ang halik niya sa akin ay kinikilabutan na agad ako, pakiramdam ko tumaas ang balahibo ko sa batok!

 

Tahimik na ang buong paligid, tanging ilaw sa poste at sa ibang mga tindahan nalang ang bukas, pati na rin sa mga kotse na dumadaan. Madaling araw na rin kasi, hindi pa naman ganon karami ang pwedeng tambayan sa lugar na 'to kaya naman wala masyadong tao.

 

"Kainis, siya pa rin talaga gusto ko. Paano na 'to?" Parang nawalan na talaga siya ng pag-asa sa buhay kung makapagsalita siya, ramdam na ramdam ko ang bigat ng paghinga niya pati na rin ang sakit sa tono ng boses niya. "Paano niya ako nagawang ipagpalit!"

 

Pinigilan kong matawa nang marinig ang sinabi niya dahil alam naman naming lahat na walang sila ni Karina, hindi naging sila. Hindi ko nga sure kung nagustuhan ba siya ng dalaga dahil ang bagay na yun ay para sa kanilang dalawa nalang at hindi ko naman tinatanong dahil wala naman akong gagawin sa impormasyon na makakalap ko kung sakali.

 

Basta ang alam ko, si Winter ang nangungulit sa dalaga. Siya ang madalas lumalapit, siya 'tong naghahabol. Hindi ko alam kung ano ang point of view ni Karina pero nakakalungkot lang lalo na nung umiyak si Winter habang binabalita na may nobyo na raw talaga ang babae.

 

Napapaisip naman ako, so straight siya? O parehas siyang nagkakagusto sa lalaki at babae? Pero hindi naman siguro aasa si Winter sa kaniya at kekwentuhan ako na kinikilig siya kung hindi nagbibigay ng motibo si Karina, diba? Unless talagang assumera 'tong pinsan ko para bigyan ng malisya lahat ng bagay na gagawin ng dalaga sa kaniya.

 

"Hindi naman naging kayo, you sounded like an ex girlfriend she cheated on!" I laughed loudly habang hinihimas ang likod niya, mukhang malakas na talaga ang amats ng isang 'to. "Halika na, iuuwi na kita."

 

Hindi ko alam kung paano ko siya iuuwi sa kanila nang ganito ang itsura niya, malamang ay pati ako mapapagalitan ni tita for tolerating her eh nadamay lang naman ako. Medyo may tama na siya nang tawagan niya ako kanina at kahit na namamlantsa ako kanina ay talagang itinigil ko dahil baka mamaya nga malasing na talaga siya at mapahamak pa, lapitin pa naman 'to ng mga lalaki— sa makatuwid, lapitin ng gulo. Ang mga lalaki ang gulo, okay.

 

Hindi nga ako nagkakamali, ilang minuto lang pagkarating ko kanina ay wasted na talaga siya at kung ano ano na ang sinasabi niya. Grabe, baka akalain ng ibang tao na nadadaanan kami ay inaaway ko siya dahil kanina pa siya iyak nang iyak. Tinamaan na ata talaga 'to kay Karina. . .

 

"Have you ever been. . . in love?" She asked suddenly, nakatilt pa ang ulo niya, nakapikit lang siya habang nilalanghap ang sariwa at malamig na hangin dahil madaling araw na at mararamdaman mo na ang ginaw.

 

"Lasing ka na." Natatawang usal ko pa habang pinupulot ang mga kalat niya, tiyak kong kung nasa tama siyang katinuan, hindi niya itatanong sa akin iyan dahil alam niya ang sagot. "Tara na." Sambit ko pa at tumayo para itapon ang mga kalat niya sa pinakamalapit na trash can na natanaw ko at nang matapos ay nilapitan ko siya ulit upang hatakin.

 

Hindi naman siya mabigat, pero hindi rin naman ako ganon kalakas, lalo na kung walang cooperation ang isang 'to, mukhang mas lalo pa siyang nagpapabigat kaya mas nahihirapan akong alalayan siya lalo na't mag-isa lang naman ako.

 

"Don't make this hard for me lalo, please Win." I whispered habang nakalagay ang braso niya sa batok ko, nakapulupot habang ang kamay ko naman ay nakaalalay sa bewang niya. Medyo pagewang gewang pa nga kami na naglalakad dahil lasing na lasing 'tong kasama ko. Sana lang talaga ay makakuha pa kami ng sasakyan dahil kahit na may mga dumadaan pang sasakyan ay hindi naman taxi ang mga yon.

 

Tawagan ko nalang kaya si Ate Krystal? Kaya lang lagot ako ron, ang sungit pa naman non. Baka mamaya paluhudin na naman kami ni Winter sa munggo kagaya ng mga parusa niya sa amin nung bata kami! Grabe, I'm traumatized.

 

Si Ate Seulgi? No, busy yun sa girlfriend niya at mukhang wala sila ngayon dito sa area. Hay nako, Winter, paano tayo makakauwi niyan? Bakit ba naman kasi ngayon mo pa naisipan maglasing at dito pa talaga? Ang lakas din ng trip nito, eh.

 

"Hoy, teka, tae yan! Mag-ingat ka kasi!" Nagpapanic na sabi ko naman nang makita ko na may matatapakan na siyang tae dahil nga ayaw niya ayusin ang paglalakad niya. Daig ko pa ang may alagang bata ngayon dahil sa inaakto ni Winter, nakakastress! Pinapagalitan ko pa siya kahit na alam kong hindi naman niya naiintindihan ang sinasabi ko dahil nilamon na ng alak ang sistema niya.

 

"Winter, mag-ingat ka, tae rin yung hawak mo! Hindi ko ba maririnig yun galing sa'yo, Miss Giselle?" Literal na nanigas ako mula sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar— at nakakairita, na boses na iyon.

 

"Bakit nandito ka?" Asik ko sa kaniya nang makita si Ningning sa harapan namin, kalalabas lang nito ng convenience store sa tapat, may binili ata na chocolate milk. Naka simpleng grey sweatpants lang ito at pink hoodie. Hindi ko alam bakit sa dinami dami ng pwedeng pagbilhan, talagang itong store pa malapit sa pwesto namin ni Winter. Talaga bang wala akong kawala sa nakakairitang babae na 'to?

 

"Ay wow, lugar mo?" Sarkastiko na tanong niya kaya naman nakatikim siya agad ng irap mula sa akin. Kaasar talaga, gusto ko ring burahin ang ngisi na nakapaskil ngayon sa labi niya at kahit na— kahit na, ang ganda niya ngayon, that won't change the fact na bwisit siya sa buhay ko. Maarte siya, matapobre, brat! Hindi pala siya natutuwa sa akin, pwes ganun din ako sa kaniya! Ano, siya lang? Hah.

 

"Bahala ka riyan, uuwi na kami." Yun nalang ang sabi ko kahit na hindi naman required na magpaalam ako dahil hello, sino ba siya? Magsisimula na sana ulit ako maglakad habang inaalalayan 'tong lasing na si Winter na pasuray suray na naglalakad at ang ulo niya ay sinisiksik pa ngayon sa leeg ko habang nakatayo kami. Para siyang lantang gulay, mukhang pagod na pagod.

 

Siguro sa bahay nalang namin siya iuuwi, atleast don alam kong tulog na ang mga tao at hindi kami mapapahamak pareho. Kaya lang ang tanong, saan kami sasakay pauwi?

 

"May masasakyan ba kayo?" Hindi pa pala ang umaalis ang bruha habang pagewang gewang kami na naglalakad ni Winter, kanina ko pa nga siya hinahampas dahil ayaw niya talaga umayos! Muntik pa kami may makabangga kanina kaya naman todo sorry ako dahil mahirap na mapaaway pa, kaming dalawa lang ang magkasama ngayon at borlogs pa siya, shuta.

 

Napatingin ako sa gawi niya, kahit na madilim na, naaaninag ko pa rin ang mukha niya. "Halata ba?" Sarkastikong tanong ko naman sa kaniya kaya naman nakita ko ang pag-irap niya.

 

She crossed her arms over her chest as she raised a brow, "Sumabay na kayo sa akin."

 

Matamang tinignan ko siya bago i-adjust ang pagkakahawak ni Winter sa akin dahil malapit na siya sumubsob sa kalsada, ang bigat niya dahil wala siya sa katinuan kaya naman lahat ng bigat niya ay napupunta sa akin habang lasing siya.

 

"Nagdadrive ka?" Medyo nagdududa ko pang tanong at tinignan ang paligid, taga rito ba siya? Hindi ko naman tinatanong kay Winter— at bakit ko itatanong in the first place? Basta lagi ko siyang nakikita sa school at nabibwisit na niya ako. Nauna naman siya!

 

"Hindi." She scoffed sarcastically as if I said something funny. "Halata ba? Sasabihin ko ba yun kung hindi ako marunong?"

 

"Malay ko ba," Umiwas ako ng tingin, tiyak kong may mapang-asar na ngiti na ngayon sa labi ko dahil nakikita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagkunot ng noo niya. "Mukha ka kasing bata, eh. Minor ka pa diba?"

 

"Excuse me?! 18 na ako!" Singhal naman niya sa akin habang nakapamewang, alam ko naman na legal na siya, gusto ko lang siya inisin dahil mukhang gustong gusto na niya tumanda. Hindi ko alam anong sense dahil masaya kaya maging bata?

 

"Sure," I smirked and I saw how she scoffed again, avoiding my teasing gaze. Pinalo ko ang pwet ni Winter dahil ang likot na naman niya, parang pasan pasan ko ang mundo ngayon dahil bukod sa wala siya sa wisyo, ang likot likot niya talaga.

 

"Hindi kami sasabay, I can manage." May pride pa naman ako, hindi ko maaatim na sumakay sa mamahaling kotse ng maarte na 'to, hindi ko pa nakikita ang kotse pero sure ako na mamahalin yun dahil hello, spoiled brat 'to, mukha bang makukuntento siya sa simpleng sasakyan lang?

 

Hindi talaga maganda ang kinalalabasan pag nagkakasama kami sa iisang pwesto, nagbabangayan lang kami palagi at nagiging ugat ng gulo kaya naman hindi na ako umaasa na magiging ayos kami. Hindi ko naman siya kinaiinisan noon, wala akong sama ng loob o iniisip na masama sa kaniya.

 

Kaya lang nung iparamdam niya sa akin na ayaw niya sa akin at pinaandaran ako ng kaartehan niya, roon na ako tuluyang nabwisit sa kaniya. Hanggang ngayon, hindi talaga nagiging maganda ang resulta ng bawat conversation namin.

 

Mabuti nang umiwas sa gulo. Oo, si Ningning mismo ang gulo.

 

"Kahit huwag ka na, si Winter nalang ang ihahatid ko. Hindi ko naman gugustuhin na mahirapan bestfriend ko dahil sa pride mo." Pagpaparinig niya habang pinapaikot na sa kamay niya ang susi ng kotse niya, nakita ko ring iniinom na niya ang chocolate milk na binili niya kanina sa store kung saan ko siya nakita.

 

Inismiran ko naman siya at nakita ko ang mapang-asar na ngiti na naglalaro ngayon sa labi niya. I know she's doing this on purpose. "Bakit ko naman ibibigay sa'yo ang pinsan ko?" Diniinan ko pa ang word na pinsan kaya naman nakita kong tumaas ang kilay niya.

 

"Bakit hindi? May kotse ako, ikaw ba meron?" Aba, gago 'to, ah. Namemersonal ang deputa, hindi ako natutuwa, sarap niyang sapakin ngayon sa mukha lalo na't sobrang nakakainis ang nakapaskil na ngisi sa labi niya.

 

"Kahit na may helicopter ka pa, airplane, barko o kung ano pa man, wala akong pake!" Naiiritang usal ko naman sa kaniya, "Akin si Winter, hindi ko siya ibibigay sa'yo. Pinsan ako, bestfriend ka. Kadugo ako, ikaw hindi. Kaya shoo, uuwi na kami!"

 

Never in my life kong inimagine kong pag-aagawan namin si Winter kagaya ng ginagawa namin ngayon. Actually, wala naman akong pake kung siya ang mag-uwi sa gaga na 'to dahil alam kong wala naman siyang gagawin na masama sa pinsan ko. Pero dahil si Ningning siya, at ultimo maliliit na bagay na pwedeng pag-awayan ay pinag-aawayan namin, hinding hindi ako papatalo sa kaniya! Lalo pa't si Winter ang usapan.

 

Alam ko sa sarili ko na mas may karapatan ako, no, I won't let her win like that, not on my watch!

 

"Madaling araw na, kung gusto mo mahirapan makauwi, wala akong pake lalo. Pero isasama ko na si Winter dahil lasing siya at mahihirapan din kung hindi mo pa tatanggapin ang offer ko." Maarte na sabi niya at hindi ko alam kung sinasadya niya na magflip hair dahil maarte niyang hinawi ang buhok niya na nakalugay ngayon, oh edi wow, ikaw na maganda, hindi pa rin ako natutuwa sa'yo.

 

"Pwede ba, kaya ko sarili ko pati pinsan ko." Madiin na sambit ko kahit na hindi na ako sigurado sa sinabi ko, kaya ko nga ba talaga? Hindi pa kami nangangalahati sa nilalakad namin, susuko na ata ang katawan ko!

 

Lalakad na sana ulit ako habang akay akay ang pisting yawa na 'to nang may maramdaman akong kamay na humawak sa palapulsuhan ko para pigilan ako. It immediately sent electrifying sensation in my system but I just pull away my arms from her. Bakit ba may paghawak na ang babaeng 'to?

 

"Hey, I know we're not in good terms pero please, babaan mo na pride mo just for Winter. Kailangan niya na magpahinga and I'm pretty sure, ikaw rin. Exhausted ka na, wasted siya. You both need a rest." Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita at naririnig ko dahil malumanay ang boses niya, nakita ko rin na malamlam ang mga mata niya at mukhang napagod na rin makipagtalo sa akin kaya nag please na siya.

 

I felt bad naman agad dahil siya na nga 'tong gagawan kami ng pabor at nag-iinsist na ihatid kami dahil wala naman talaga kaming masaktan tapos nakipagtalo pa ako.

 

Can't blame myself din naman dahil hindi madaling tanggapin ang offer ng babae na kinaiinisan mo. Ganon din naman ang nararamdaman niya kaya the feeling is mutual lang.

 

"O-okay. . ." Ano na, Aeri? Natameme ka na. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin lalo na't nag please na rin siya, mukhang pagod na rin siya kaya naman pumayag nalang ako. Hindi talaga maganda na pinapairal ang pride pero may dignidad pa rin naman ako, mahirap ibaba ang pride lalo na't hindi lang ibang tao 'to, si Ningning 'to! Si Ningning na lagi kong katrashtalk-an. "Saan ba?"

 

I saw her lips formed a smile kaya naman I mentally rolled my eyes, hindi ako sure kung para saan ang ngiti na iyon pero tiyak kong nang-iinis siya sa isip isip niya.

 

"Dito." Lumakad naman siya at hindi ko alam if talagang ganon siya maglakad dahil hindi ko naman pinapansin pati paglakad niya sa school, pero para siyang model na rumarampa sa red carpet, ginagawa niya atang runway ang lugar.

 

Hindi ko nalang pinansin dahil alam ko namang anak mayaman siya at baka ganon na talaga ang kinalakihan niya, sobrang elegante niya rin kasi tignan, hindi na rin ako nagtataka kung bakit ganiyan siya umasta dahil lumaki nga naman talaga siya na may gintong kutsara. Lahat ng kakainin niya sa umaga ay nakahanda na para sa kaniya, lahat ng gusto niya bilhin mabibili niya, lahat ng mga gusto niyang puntahan ay mapupuntahan niya. Ultimo mga simpleng bagay na sasabihin niya ay tiyak kong may magbibigay sa kaniya.

 

Kaya niyang paikutin ang mga bagay bagay sa palad niya. Kasi may kapangyarihan siya, lalo na ang angkan nila.

 

Para tuloy siyang nanggaling sa wattpad, mga fanfictions. Para siyang character sa ganon, sobrang. . . rangya ng buhay niya, nakakalula nalang din minsan.

 

Hindi ako maalam sa mga kotse kaya naman hindi ko alam kung ano ang kotse na dala dala niya para bumili ng chocolate milk, mantakin mong naglabas ng ganitong kaganda na kotse para lang sa isang milk na naubos na niya! Ano 'to? Chill chill lang?

 

Parang nahiya naman ako na pumasok dahil baka mamaya eh magasgasan ko at baka mas mahal pa nga sa buhay ko ang presyo ng kotse na ito, pero dahil ayokong pagtawanan niya ako sa pagiging ignorante ko ay hindi nalang ako nagsalita. Baka sabihin niya ngayon lang ako nakakita ng ganitong kotse! Kahit totoo naman.

 

Tinitignan niya lang ako habang nakasandal siya sa kotse niya at mukhang nag eenjoy pa siyang panoorin ako na nahihirapan alalayan itong bwisit na si taglamig. Talagang hindi niya ako tutulungan? Nakabusangot tuloy ako habang inaakay 'tong babae na 'to na mukhang tinamaan talaga ng alak dahil hanggang ngayong borlogs pa rin. Pabigat talaga, sisiguraduhin ko na sisingilin ko 'to bukas at sa mga susunod na araw! Hindi madali ang pinagdaanan ko dahil sa mga kagagawan niya lalo pa't nagkasama pa kami ni Ningning ngayon dahil sa kaniya. Kainis.

 

Hindi naman ako nagsalita kahit na alam kong kitang kita na ang mukha kong lukot na ngayon dahil sa pagkainis, hmp. Hindi talaga siya nag abalang tulungan ako kay Winter, talagang nakasandal lang siya sa kotse habang nilalaro laro ang keys sa daliri niya at nakatingin sa akin.

 

Matagumpay ko namang naipasok si Winter sa backseat ng kotse ni Ningning at ingat na ingat pa ako dahil ayoko namang may masira o magasgas dito sa kotse niya, jusko, hindi ko akalain na pati ang pagsakay sa kotse ay maaaring katakutan lalo na kung ganito kamahal at hindi mo pagmamay-ari.

 

Tatabi na sana ako sa tabi ni Winter sa backseat nang biglang umubo si Ningning na nasa labas pa rin, nakatingin lang sa ginagawa kong pag-aayos sa itsura at pwesto ni Winter sa likuran. Hindi nga niya talaga ako tinulungan, walanghiya.

 

"Bakit dyan ka?" She raised a brow, nagsusungit na naman. "Gagawin mo ba akong driver niyo?"

 

Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa tanong niya, "Ano namang masama sa pagiging driver?" Hindi naman ako inis sa paraan ng pagkakatanong ko, genuinely asking lang dahil bakit naman parang ayaw niya maging driver?

 

Marangal naman ang trabaho ng mga ito kahit na madalas lang sila nakikita as taga drive syempre, pero mahalaga sila lalo na't hindi tayo makakapunta sa mga pupuntahan natin kung wala sila. Unless, gago ang mga driver, ibang usapan naman na yun. Pero para sa akin, walang dapat ikahiya sa pagiging driver. Kahit na rin sa iba pang trabaho, hindi naman porket hindi ka professional ay dapat mo nang itago ang pinagkakakitaan mo. Hangga't wala kang ginagawang masama at hindi ka nakakatapak ng ibang tao sa paghahanap buhay mo, wala kang dapat ikahiya.

 

Kahit na hindi kasing laki ng mga abogado, doctor, engineer at kung sino pa man ang sweldo mo, hindi mo dapat ikahiya iyon. Basta napapakain ka, pati na rin ang pamilya mo ng pera na pinagpapaguran mo, you should be proud.

 

Her lips parted in shock, at napakurap pa siya habang nakatingin sa akin. Nakikipagsukatan lang ako ng tingin at hindi ko rin inaalis ang pagkakatitig kagaya ng ginagawa niya.

 

"That's not what I meant." She whispered, mukhang sumusuko na sa usapan. "Wala akong sinasabi na masama ang trabaho ng drivers, okay. Hindi ako ganon mag-isip. It's just that— bakit mo naman ako iiwanan mag-isa sa harapan?" Hindi ko inaasahan ang ginawa niya dahil bahagyang ngumuso pa siya kaya naman napaubo ako ng bahagya at napaiwas ng tingin, what. . . the hell was that?

 

"A-ah, ganon ba." Yun nalang ang nasabi ko habang kumakamot ng ulo, mukhang hindi siya sanay na walang katabi pag nagdadrive. "Sige, sa shotgun seat nalang ako." Wala na rin akong nagawa dahil siya naman ang masusunod dahil kotse niya 'to, ayoko namang iwanan niya ako sa gitna ng kalsada pag nagreklamo ako sa mga sasabihin niya.

 

Nakita ko namang napangiti siya dahil sa sinabi ko kaya naman umiwas nalang ako ng tingin dahil ayokong makita na naman ang mga ngiti na iyon. Medyo naghehesitate pa ako kung bubuksan ko ang pintuan ng kotse ngunit dali dali rin akong pumasok nang taasan niya ako ng kilay, ganito ba ang epekto sa akin ng kotse na 'to at napapasunod niya ako sa simpleng ganon niya!

 

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Bigla niyang pagpuna sa akin habang inistart ang sasakyan, seryoso lang ang mukha niya habang inistart ang kotse.

 

Napansin ko na binubuksan niya automatic ang pintuan ng sasakyan kanina at may remote pa ata siya ngunit nagtataka ako ngayon na hindi niya iyon ginamit. Pero hindi ko nalang tinanong dahil wala naman sa akin. Hindi naman ako sosyalin.

 

Hay, kapagod.

 

Humihikab na ako habang siya ay patuloy na nagdadrive, smooth lang ang takbo dahil wala namang ibang kotse at hindi kami pahinto hinto, marami pa ring tao dahil hindi naman mauubusan kahit na madaling araw na pero hindi na para matraffic ang kalsada. Ang dilim dilim na sa labas, sana lang talaga tulog na ang nanay at tatay ko dahil pareho kaming malilintikan ni Winter. Mas lagot nga lang ako dahil ako ang anak!

 

"Sleepy?"

 

Hindi ko alam bakit niya ako kinakausap pero dahil na rin sa pagod na nararamdaman ko, tumango nalang ako at mukhang sinaniban pa nga ako ng hindi malamang espiritu dahil napanguso pa ako ng kaunti. Mukha tuloy akong nagpapacute sa itsura ko, ngunit nang mapagtanto ang karumal dumal na nagawa ko ay inayos ko rin ang mukha ko at sumandal nalang.

 

Lalo akong inaantok dahil ang lamig sa loob ng kotse niya, nakatapat pa sa akin yung aircon. Mabango rin, amoy mamahalin talaga. Nakakahiya. Amoy araw pa ata ako.

 

Her lips slowly formed a smile after staring at me for a moment. She chuckled and shook her head a little. "Then sleep."

 

"Okay lang?" Mukhang sinasaniban nga ata ako ng kabaitan pag inaantok ako dahil nagawa ko pang maging considerate sa kaniya. Pagod lang siguro talaga ako at wala rin akong gana makipagtalo pa sa kaniya.

 

"Yeah, of course." She mumbled, ang tingin niya ngayon ay nasa daan na. Nakahawak ang kamay niya sa manibela habang mahinang tinatapik tapik ito gamit ang index finger niya, nagha-hum din siya ng hindi ko malamang kanta kaya naman parang lalo akong inaantok dahil para akong dinuduyan ng boses niya. Corny.

 

Hindi na ako nagsalita at tuluyan nalang ako pumikit ngunit bago pa ako tuluyang lamunin ng antok ay narinig ko pa ang sinabi niya, mahina lang iyon, mukhang hindi niya rin intensyong iparinig ngunit sa kasamaang palad ay narinig ko.

 

"You could ask for help, you know. I would gladly help you if you just asked for it. I'm willing naman," She heaved a sigh, hindi ko alam kung nananaginip na ba ako dahil naramdaman ko pa ang paghaplos nito sa mukha ko. "Sleep well."

 

Kasama man 'to sa panaginip ko o hindi, basta ang alam ko lang natulog ako na magaan ang pakiramdam ko at may mumunting ngiti sa aking mga labi.

 

Mukhang mabait naman siya, namisinterpret ko lang.

 

Pero isang malaking pagkakamali na inisip ko yon dahil ang mga sumunod na araw ay naging impyerno para sa akin dahil lagi lang naman akong inaasar at binabanas ng isang bruhilda na nagngangalang Ningning. Hindi ko alam ano ang trip niya o may nagawa ba ako sa kaniya para asarin niya ako at sirain palagi ang araw ko pero— gusto ko nalang siyang sakalin! Para akong bulkan na anytime pwedeng sumabog dahil talagang punong puno na ako sa kaniya.

 

Nakabusangot ako habang lumalakad sa hallway, sukbit sukbit sa balikat ko ang duffel bag dahil may training kami ngayon sa badminton at buti nalang talaga, walang Ningning sa team namin kaya naman, ugh! Dumating na talaga ako sa punto ng buhay ko na gusto ko nalang siyang iwasan.

 

"Hoy, ang aga aga mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa!" Agad namang pamumuna sa akin ni Winter nang sabayan niya ako sa paglalakad, mukhang papunta na rin siya sa music club na malapit lang sa court ng school namin.

 

Sinamaan ko naman agad siya ng tingin dahil siya talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to, after kami ihatid ni Ningning ay hindi nga ako nagkakamali sa mga naiisip ko, talagang ginamit niya yun as card para bwisitin ako! Kesyo, may utang na loob daw ako dahil hinatid niya kami na para bang pinilit ko siya eh siya nga 'tong nag iinsist na isakay kami!

 

At bakit ako lang? Hindi ba't dapat mas malala ang singilin niya sa siraulo kong pinsan? Inalalayan ko lang naman siya bakit parang ako pa ang napasama, badtrip talaga.

 

"Kasalanan mo 'to." Masungit na sabi ko habang humihikab, kulang ako sa tulog. Nasobrahan ako sa panonood ng anime.

 

Nakita ko naman ang pagtawa niha kaya naman gusto ko nalang siya sapakin ngayong mga oras na 'to sa mukha, "Hanggang kailan mo ba ako sisisihin? Eto naman, alam mo namang broken hearted ako!"

 

"Nakakainis ka pa rin." Ginulo ko naman ang buhok ko dahil nasstress ako. "Pagsabihan mo nga yang bestfriend mo, bukod sa ang arte arte niya, binibwisit pa niya ako. Talaga bang gusto niyang umabot kami sa pisikalan?"

 

"Talo ka kung ganon." Walang prenong sabi naman niya. I gave her a piercing look that earned a heartily laugh from her. Pero kahit namatay na ang tawa niya, nakangiti pa rin siya sa akin na parang nang-aasar. Hindi na ako nagtataka kung bakit nagclick sila ni Ningning, sa isang bagay sila nagkakasundo at nagkakapareho, pareho nilang kaya sirain araw ko.

 

"Umalis ka na, may training pa ako." Mataray na sabi ko at nginuso pa ang building na malapit sa court kung saan nandoon ang room ng club nila.

 

"Oo na, oo na." She grinned, nakita ko na naman ang nanunukso niyang mga tingin kaya naman inirapan ko siya. Liliko na sana siya papunta sa building nila ngunit mukhang may nakalimutan itong sabihin dahil humarap ulit siya sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay. "Aeri, sabi nga pala ni Ningning, may picture raw siya sa phone niya ng itsura mo nung tulog ka at may record siya nung naghihilik ka!" Dali daling sabi niya sabay takbo kaya naman agad na nagsalubong ang kilay ko. Ano raw?!

 

Tiyak kong kung makakabuga lang ako ng apoy ay matagal na sunog ang paaralan na ito dahil sa inis ko! Dahil naiinis ako sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, hope you enjoyed it! BTW, if you wanna send me some of your opinions, feedbacks, prompts that you want me to write, or your queries, please do message me on my telegram : @yesangki ╰(^3^)╯ I also sell premium accounts with different supplier! Nf, spoti, viu, yt and many more! Hmu, salamuchie.

Comments

You must be logged in to comment
seiikihavre
#1
Chapter 1: halaaa jajshdjdjd ang puso ko
f8nt_echo
#2
Chapter 1: First time kong maka basa ng ningselle-centric fic and sobrang ganda! Maraming salamat authornim at binahagi mo sa amin ito. Iba talaga ang kilig pag ningselle na.
CincoYoo
#3
Chapter 1: 1st ningselle fic na nabasa ko and super worth it yung haba niya, bitin pa nga eh. Kilig malala shet! >•<
YuJiministheStandard
#4
Chapter 1: This is really good, Author. Kinilig ako, wushuuu. As always, bilib na naman ako sa pagkagawa ng story mo. Ang galing mo gumawa ng flow ng story. It was natural and sophisticated. Sobrang undderrated ng Ningselle :( . Di ganon karami yung fanfics nila, people are missing out something beautiful in their life. Hoping for more Ningselle ffs, Bearchu. : )
Im_minari24
#5
Chapter 1: first NingSelle ff na nabasa ko dito sa aff,, grabeng ff na to nandito na ang lahat TT mapahistory man, politics, pangarap, family o pag-ibig kumpleto na shdjxkfdjns pati nga love life ni Wintet nasubaybayan dito,, daming lessons na matututunan at marerelate sa buhay kaya ang ganda talaga. Authorr Bearchuism never disappoints! pero grabe talaga NingSelle dito.. layag na layag! more to come /j. huahaha^^

tmi lng otorr, ngayon lang ako nagkaroon ng will (will?!?! HAHSJAJAH) magbasa kase nagsabay-sabay acads, ung gp999(yurinaaa><), at happenings sa life pero sobrang pinagsisisihan ko din sana dati pa binasa to! emerout. niweys magbabasa ulit ako mamaya ng mga ff mo po [sorry rant talaga i2] ,, luvlots pi authorr :*
laiguanlingual
#6
Chapter 1: Grabeee, first ningselle fic ko to omg naiiyak ako, naubos ata sana all ko dito sa fic nato huhu ang cute lang nila magtalo tapos yung damuhan scene, may pagkirot sa puso >< salamat po sa pagbahagi nito otor, sana magsulat ka pa ng ningselle fic if possible hehe love your oneshots as always
savaege
#7
Chapter 1: Heaven!!!! Thank you, author.
AE-STAR
#8
Chapter 1: Grabeee 🤧 iba talaga epekto ng ningselle sa akin huhu
aenergy
#9
Chapter 1: MADALAS MAN NA PARANG ASO AT PUSA- PUTANGINAAAAAAA
Moguri
#10
Chapter 1: AUQ NA NAIIYAK AKO SA KILIG TALAGA HSHDJFJF