Esknobiya

Eksnobiya, pendejo
Please Subscribe to read the full chapter

📌 Note : Hello, pasensya na ngayon lang ako nakapagbukas. It's been a while since I last published a one shot here. Tinapos ko lang talaga yung queendom era para makapagfocus sa mga isusulat ko, hehe. Stream tayo para sa mga luvies din dyan. :D Btw, random lang 'to, naisip ko kahapon at ayon naka 16k words pa ako LOL. Sana magcomeback na rin aespa, grabe na huhu. Enjoy! 📌

 

 

Kainis ka, may pasabi sabi ka pa na babalik ka sa ex mo pero hindi mo naman ako hinahayaan na makamove on sa'yo!

 

 

finneas - i don't miss you at all.

 

 

"Gusto mong tusukin ko mata mo?" Eksaheradang pamumuna ng kaibigan mong si Ryujin sa akin, kasalukuyan kaming kumakain ng fried siomai habang nakatambay sa harapan ng bahay namin dahil grabe na naman ang sermon ng nanay ko kaya naman minabuti ko nalang na lumabas pero hindi naman ako makakalayo dahil mas lalong iinit ang tumbong non kaya naman nakatambay nalang ako rito. Basta ayaw ko lang na makita niya ako at pagalitan na naman dahil lalong nadadagdagan ang stress ko.

 

Grabe na nga ang stress ko sa lovelife, pati ba naman ito dadagdag pa? Sana sinaksak niyo nalang ako kung ganun.

 

"Tumahimik ka nga. Hindi ako natutuwa sa'yo, baka unahan pa kitang dukutin ang eyeballs mo." Pagsusungit ko naman sa kaniya habang walang gana na tinutusok ang fried siomai na nakalagay sa plastic cup na binili namin kanina. Siguro kung nakakapagsalita lang 'tong siomai ay binulyawan na ako nito at sinabing bakit kanina pa ako tusok nang tusok, wala naman pala akong planong kainin.

 

Nakita ko naman na ngumuso siya sa gilid ng mata ko kaya naman I mentally rolled my eyes, "Grabe ka sa akin, bestfriend. Kasi naman, bakit ganyan ka makatingin kay—"

 

"Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya kung ayaw mong sabihin ko kay Lia na bagsak ka sa exam natin last week." Pananakot ko naman sa kaniya dahil alam ko na ayaw na ayaw niyang sabihin sa girlfriend niya na bumagsak siya dahil abot abot ang sermon na matatanggap nito rito. Daig pa kasi ng jowa nito ang nanay niya pero alam naman namin na ang mga sinasabi ni Lia ay para rin sa tukmol na 'to.

 

Naalala ko lang talaga ex ko sa girlfriend niya, sarap nalang talaga manuntok ng pisngi sa sobrang inis ko ngayon.

 

Nang mapatingin ulit ako sa mukha niya ay nakita ko agad na namumutla ito kaya naman napakagat ako sa ibabang labi upang pigilan ang pagtawa ko, mukha siyang engot.

 

Takot na takot.

 

"Joke lang! Hindi na nga, eh." Sabi naman niya habang kumakamot ng ulo, binigyan ko lang siya ng isang ngisi at pinilit na isubo ang siomai na kawawa na, kanina pa nasusundot pero hindi naman natutuloy na kainin. Isa pa, kumakalam na rin naman talaga ang sikmura ko. Talagang nawalan lang ako ng gana sa nakita ko, tipo bang hindi naman ako busog pero parang nawalan ako ng amor sa pagkain na kakainin ko sana at takam na takam pa ako kanina. Iba talaga ang epekto ng babaeng iyon sa akin, hindi na maganda.

 

Nakakatakot na.

 

She has this effect on me to the point that I could do everything for her and that’s my greatest fear.

 

Yung macontrol ako ng isang tao dahil sobrang mahal na mahal ko sila, na handa akong gawin lahat para mapasaya sila. Para mapagstay sila, para akin lang sila. Nakakatakot kasi hindi ako ganun.

 

Hindi ako lumaking ganon.

 

Pero mukhang nagbago talaga ang lahat nang makilala ko siya, dami ko agad kinatatakutan simula nung mahalin ko siya.

 

Unang una sa listahan, ang mawala siya.

 

Pero ano nga bang nangyari bakit napunta kami sa ganitong punto ng buhay namin na halos gawin na namin ang lahat para hindi magtagpo ang mga landas namin? Na para kaming may mga nakakahawang sakit at mahahawa namin ang isa't isa pag nagkatinginan kami kaya naman todo iwas kami sa kahit anong contact, physical contact, eye contact, o kahit anong interactions kahit na iisa lang naman kami ng group of friends.

 

Ewan ko.

 

Masaya naman kami.

 

Naging masaya naman kami.

 

Dami nga lang talaga naming hindi pagkakaunawaan, pero that doesn't mean na hindi namin aayusin at the end of the day at alam kong ganon din ang gusto niya.

 

Pero tignan mo nga, isang linggo na kami ganito. Break na nga talaga kami, hindi pa nagsisink in sa akin, pakiramdam ko isang linggo na nagpaprocess sa utak ko ang mga pangyayari pero wala pa ring maayos na kasagutan sa utak ko.

 

Kasalanan ko naman. Siguro.

 

Ay, oo, kasalanan ko pala talaga.

 

Ang hirap lang talaga, nahihirapan na siguro talaga kami.

 

Buntong hininga, hingang malalim. Napapikit nalang ako dahil sumasakit na naman ang ulo ko, especially ang mata ko dahil sa mga nakikita ko.

 

Si Karina at si Jeno.

 

Nagtatawanan pa kamo.

 

Nakakairita, hindi sila maganda para sa puso kong mahina na. Hindi talaga sila healthy para sa akin. Pakiramdam ko isa silang crispy pata para sa malapit nang bumigay kong puso at sila pa magiging dahilan ng pagkamatay ko, ganon.

 

Gandang ganda ako sa ex girlfriend ko mula dati pa, pero ngayon, ngayon lang siya pumanget sa paningin ko. Kahit na gaano kaganda ang mga ngiti niya, hindi ko ikinatutuwa na hindi ako ang dahilan ng paghagikhik niya sa mga oras na 'to. Hindi maganda sa paningin, ang panget. Mabigat sa pakiramdam.

 

Masaya naman ako na masaya siya, pero hindi pa ata ako ganon ka martyr para maging masaya agad para sa kanilang dalawa.

 

Masakit pa, teka lang.

 

"Titig pa more." Narinig kong bulong ng ungas sa tabi ko kaya naman tinignan ko siya at tinaasan ng kilay, nakita ko naman na umakto siya na parang clueless at para bang hindi niya sinabi iyon kahit na alam naman naming dalawa na siya ang nagsalita non. Bugok talaga.

 

"Ewan ko sa'yo. Panget na nga ng nasa harapan natin, panget ka rin. Lahat nalang ba panget sa mundo?" Pagrereklamo ko naman habang kumakamot ng tenga kaya naman naramdaman ko nalang ang paghampas niya sa hita ko, aray ha, ang sakit talaga mamalo ng isang 'to, mukhang nakakalimutan niyang volleyball player siya at ang bigat ng kamay niya. Punyemas.

 

"Oo, pati ikaw, gago." Ganti naman nito kaya naman inirapan ko nalang siya at binigay sa kaniya ang siomai na kinakain ko at malamang, hindi ko naubos. Wala akong sinabi ngunit alam na niya ang gusto kong iparating kaya naman agad niya iyong kinuha sa kamay ko. Ngiting aso na naman, palibhasa pagkain eh.

 

"Salamat, bestfriend. Ikaw talaga the best. Ganda mo pa." Agad na bawi naman niya sa sinabi kanina na para bang hindi niya sinabi na panget ako. Grabe talaga ang asungot na 'to, masyadong plastik. Basta pagkain ang usapan, natatago ang sungay at buntot eh.

 

Pero ipupusta ko talaga buong bungo ko, pag ubos na ang pagkain niyan, kung ano ano na naman ang side comments niya.

 

"Kidding aside," Tumingin ako sa kaniya nang magsalita siya, ngumunguya pa ng siomai na binigay ko sa kaniya. "Bakit hindi nalang kayo mag-ayos? Kahit na anong sabihin niya, basta makapag usap kayo. Isang linggo na kayo hindi nagpapansinan, kaya mo pa ba?"

 

Ano bang klaseng tanong yan?

 

Kaya ko pa ba?

 

Syempre.

 

Syempre, hindi.

 

Sino bang makakaya eh isang linggo na kami hindi nagkikibuan? Para bang dinelete na niya talaga ang existence ko sa buhay niya at parang sinampal ako ng katotohanan na kaya niya pala talaga kahit wala ako. Bagay na nagsstruggle ako. Kasi naman, sobrang miss na miss ko na siya.

 

Sa araw araw, walang gabi na hindi ko siya iniiyakan at walang umaga na hindi ako umaasa na baka magkausap ulit kami kaya lang matatapos ang buong araw na wala namang nagaganap na pag-uusap. Mukhang wala rin kasi siyang balak na kausapin ako at bakit ba umaasa pa ako ron?

 

Dahil matangkad siya, mataas din ang pride niya, sobra.

 

Pero sige, oo, kasalanan ko naman.

 

Pero that doesn't mean na I didn't make an effort to talk to her, I tried naman. Talagang hindi niya ako pinapansin, eh.

 

Kaya lang ang sakit lang talaga na sa isang linggo na nasasaktan ako dahil hindi kami magkasama, siya naman masaya pag kasama ang Jeno na yun. Grabe sore eyes pag nasa paligid sila.

 

Ang sarap talaga magpatugtog sa bluetooth speaker sa tuwing nasa paligid sila ng nobody's gonna love you like I do kaya lang baka isipin pang papansin ako kahit na medyo true naman.

 

Attention niya lang naman ang kailangan ko.

 

Pero mukhang malabo na yun ngayon.

 

Lalo na ngayon, kaya naman niya kahit wala ako. Masaya naman siya kahit wala ako, sobra sobra na pagiging sad girl ko pero ang sakit kasi talaga na ang bilis ng pangyayari, habang ako nahihirapan na makabangon, siya naman ang bilis makaahon.

 

Paano lods? Paseminar naman paano makamove on agad agad.

 

Hindi niya nga ako matignan, sa tuwing dadaan ako, sa tuwing nagsasalita ako medyo malakas pa para magpapansin sa kaniya, sa tuwing gumagawa ako ng paraan para magkasalubong kami, sa tuwing on purpose kong nilalaglag mga gamit ko, hoping na baka tulungan niya ako pero walang nangyayari. Wala, hindi niya ako tinitignan. Hindi ako binabalingan kahit na isang segundong tingin lang, kahit sulyap wala talaga.

 

Sakit.

 

Parang wala nalang talaga ako sa kaniya.

 

Dito nalang ba talaga kami magtatapos?

 

Sure na ba yan? Wala na bang hahabol na balikan? Or I'm sorry baby? Or I want you back? True ba na hanggang dito nalang talaga kami?

 

"Syempre hindi." I heaved a sigh, "Tinry ko naman na kausapin siya, kaya lang galit na galit talaga siya sa akin, eh. I think."

 

"Bakit ka ba kasi nagpahalik sa Minju na yun? Gaga ka rin, eh." Maririnig ang pagkastress sa boses niya kaya naman bahagya akong napanguso dahil na rin sa sinabi niya.

 

Hindi naman ako nagpahalik.

 

Talagang mali lang ng iniisip si Karina. Tinry ko naman na kausapin siya about that matter pero nagmistulang hangin ako sa harapan niya. She's ignoring me on purpose, and I swear, that hurts. Para kasing wala nalang talaga ako sa kaniya.

 

Pero oo, sige. Hindi ko naman siya masisisi. Kasalanan ko naman talaga. Hindi ko lang kasi maintindihan bakit nagiging sarado ang utak at tenga niya sa gusto kong sabihin, para bang wala na talaga siyang balak na pagsalitain ako.

 

Paano yung mga mas malaki pang problema? Paano namin mahahandle iyon nang maayos kung tatakasan niya pala ako palagi?

 

Pero naiintindihan ko naman, kaya hindi na rin ako nagsasalita. Kung kailangan niya ng space, handa naman akong bigyan siya kahit gaano katagal basta sa akin pa rin siya, at maging ayos na siya. Pero bakit naman sa isang linggo na pagbibigay ko sa kaniya ng espasyong kailangan niya, bakit naman mukhang naaagaw na siya ng iba?

 

You said you needed a little time from my mistakes.

 

Agad akong napatingin kay Ryujin nang biglang tumugtog ang kanta ni Justin Bieber na that should be me na kanina naman eh hindi ko naririnig, nakita kong parang inosente siya na kumakain ng siomai kahit na hawak hawak niya ang cellphone na malamang, pinanggagalingan nung tugtog.

 

It's funny how you used that time to have me replaced.

 

Agad ko siyang hinampas sa balikat dahil puta, I never thought that I could relate to a song this much. Grabe, tinamaan ako ron, ah? Nakita ko naman na natatawa siyang pinatay ang music niya habang pinapaulanan ko siya ng isang matalim na tingin.

 

Nag peace sign pa siya na para bang humihingi ng tawad, displaying her innocent smile na para bang walang ginawang kagaguhan kanina sa akin.

 

Alam na alam niya talaga kung paano ako matatamaan, eh. Napaka walanghiya.

 

"Teka lang! Mamaya mo na ako hampasin." Tinaasan ko naman siya ng kilay nang sabihin niya yan, at nakita kong medyo finast forward niya ang music at mukhang may tinatapatan siyang verse.

 

Sakto namang napatingin ako ulit sa gawi nila Karina nang biglang tumugtog ang chorus part ng kanta.

 

That should be me, holding your hand.

That should be me, making you laugh.

 

I smiled bitterly while observing the two of them infront of me. Looks like they're really having fun. The way her eyes were sparkling in happiness, makes me feel relieved somehow.

 

I mean, atleast she's happy right? Her laugh, her voice, the way she playfully hit him on his shoulder whenever he say something funny.

 

That used to be us, eh.

 

We used to be like that.

 

Pero, tignan mo nga naman.

 

I'm just their audience now. And I can't do anything, I can't take away that happiness she's probably feeling right now because of him.

 

"Itagay nalang natin 'to, tsong." Napatingin ako sa kaibigan kong tukmol nang marinig ang binulong niya kaya naman nagsalubong ang kilay ko. Nakalimutan na ba nitong hindi ako umiinom ng alak? Yakult, pwede pa.

 

"Ewan ko sa'yo, mag-isa ka." Sabi ko naman sabay napabuntong hininga ulit at binalik ang tingin kay Karina na nakita kong nakatingin pala sa gawi namin ngunit nang magtama ang mata namin ay mabilis pa sa mga riding in tandem na iniwas niya ang tingin sa akin.

 

Bumalik ulit siya sa pakikipagtawanan kay Jeno habang may finifilm ata sila for school purposes na parang walang nangyari.

 

Malas, kapitbahay ko pa si Jeno.

 

Kaya ayan, nakita ko na naman silang dalawa ni Karina.

 

Okay sana kung si Karina lang. Kaya lang wala, eh. Daig pa buy 1 take 1 ng Angel's burger. Kapag may Karina, kailangan may Jeno rin. Laging nakasabit si gago.

 

"Hindi ka tatayuan ng rebulto sa pagiging masokista mo kaya itigil mo iyan." Usal ulit nito kaya naman napabuga nalang ako sa hangin, tama. Tama naman siya, wala namang mali sa sinabi niya. Bakit ko nga ba sinasaktan ang sarili ko ngayon? Bakit tinotorture ko yung sarili ko eh alam ko namang masasaktan lang ako kahit na tinitignan ko lang sila?

 

Sige, paka martyr ka riyan Winter.

 

Walang best in pananakit sa sarili award.

 

"Tara na nga." Nasabi ko nalang at tumayo na, gusto ko nalang pumasok at pakinggan ang bratatat na bunganga ng nanay ko kesa magtagal pa rito sa labas eh baka langgamin lang ako sa kasweet-an nilang dalawa. Hindi nakakatuwa, sana sila nalang kagatin at magpantal buong katawan nila tutal makati rin naman sila pareho.

 

Hindi ako bitter.

 

Hindi talaga.

 

"Woy, saan pupunta?" Nakita ko namang tinapon niya ang pinagkainan habang sinusundan ako sa loob ng bahay. "Gusto mo bang mag shot? Alam kong masakit—"

 

"Tarantado, wag mo akong demonyohin. Hindi ko sisirain atay ko para kay Karina." Weh? Oo, talaga. Hindi talaga ako iinom. Ayoko nga ng amoy ng alak, eh. Hindi ako iinom dahil sa babae na mukhang wala naman na pake sa akin, iyon ang strong independent woman.

 

"Sus, sinasabi mo lang yan! Patago ka lang na mag-eemote, eh." Parang gago na pagpipilit niya kaya naman kumunot ulit ang noo ko nang balingan siya ng tingin.

 

Kasalukuyan akong nagdidilig ng halaman, nakita ko kasi pagpasok ng gate na tuyo na at mukhang hindi pa nadidiligan kaya naman eto ako ngayon, sana hindi mahawaan ng bad energy ko ang mga halaman dahil nakabusangot ako ngayon habang nagdidilig. Hay. Wala, eh. Wala na talaga ako sa mood.

 

Paano ba magmove on? May tutorial po ba?

 

"Bahala ka riyan." Nasabi ko nalang habang patuloy pa rin sa pagdidilig, nakita ko naman sa peripheral vision ko na naka crossed arms pa ang bruha habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko.

 

Hindi siya umimik kaya naman hindi na rin ako nagsalita, busy ako sa ginagawa ko. Baka masapok pa ako ng nanay ko pag hindi ko inayos 'to, masyado pa namang OA yun pagdating sa mga halaman niya. Mas mahal pa ata kesa sa aking anak niya, eh.

 

"Dito ka nga muna."

 

Hindi na ako nakareact agad nang bigla niya akong higitin para sa isang yakap, a hug that I didn't see coming, what the ? Hindi ako agad nakapagsalita at nakaawang nalang ang bibig ko dahil parang ewan na naman 'tong peste na 'to at hindi ko na naman maintindihan mga kinikilos niya.

 

"Ayan, wala na." Parang nandidiri pa kamo siya na lumayo sa akin kaya naman nagsalubong agad ang kilay ko habang nakapamewang na pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang jinujudge ang buong pagkatao niya.

 

"Ano yun, ha?" Nagtatakang tanong ko naman aa ginawa niya kanina. "Ano na namang pakulo yun?" Naghihinala ang tono na ginamit ko, alam ko kasing may kagagahan na naman 'tong ginawa. Hindi ako yayakapin nito nang ganon ganon lang.

 

"Ah, eh. . ." Kumakamot pa siya ng ulo niya kaya naman tinitigan ko lang siya habang nakataas ang kaliwang kilay ko, "Dumaan kasi sila Karina at Jeno, dahil tanaw naman tayo sa labas, ayon niyakap kita nung makita na palingon siya sa gawi natin."

 

Ano raw?

 

"Ha? Gago?" I asked while scratching my nape, did I hear that right? Hindi ba ako niloloko ng pandinig ko? Did she really hugged me so Karina could see the both of us hugging each other? What for? For Karina to be jealous of the two of us? Ang gulo talaga ng utak ng gago.

 

"Ganti lang 'no!" Tumawa pa ito na parang demonyo habang pumapalakpak, nagtatakang tinignan ko lang siya. "Lagi kang pinagseselos, eh. Hayaan mo na siya naman makaramdam non!"

 

"Huh? Anong pinagseselos?" Naguguluhan talaga ako sa sinasabi niya, ano bang pinagseselos ang sinasabi nito? Wala namang ginagawang ganun si Karina sa akin. Oo, nagseselos ako pero that's not her fault. Talagang masaya siya kay Jeno, eh. Ako lang naman talaga 'tong bitter na hindi pa rin makausad hanggang ngayon. Aabutin pa ata ako ng pagbaba ni Duterte sa pwesto, baka ganon pa rin feelings ko para kay Karina.

 

"Are you really that dense?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin, umiiling iling pa na para bang expected na niya pero gulat pa rin siya. Parang shunga. "She's doing that on purpose!"

 

"Huh?" I pursed my lips, while staring at her, clueless of what she said. Nakatingin lang din siya sa akin na parang inaabangan ang reaction ko pero nang makita na ganon ang itsura ko ay napabuntong hininga nalang siya.

 

"Alam mo, ewan ko sa'yo." Nasstress na sabi niya habang kumakatat pa. Para bang kasalanan ko pa na naguluhan ako sa sinabi niya, wow ha? Pasensya na, eto lang ako, sana pinutok nalang ako sa kumot.

 

"Basta ako, walang problema. Hindi ako slow, manhid, walang pakiramdam—"

 

"Hey, ganun din ako!" I cut her off. Mukha kasing may gusto siyang palabasin, eh.

 

"Oh talaga, Winter? Pakyu." Panggagaya nito sa nauusong vid ni Tekla ngayon kaya naman natawa ako sa mukha niya at pabirong sinampal aiya.

 

"Umalis ka na nga. Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Pagtataboy ko sa kaniya nang matapos na ako sa pagdidilig, magtatanghalian na rin pala. Naririnig ko na ang Eat Bulaga sa TV ng kapitbahay.

 

Kumain na kaya siya?

 

Sabagay, mukha namang hindi siya gugutumin ni Jeno. Sa tuwing makikita ko sila eh kumakain sila madalas, mukhang binibilhan siya ni Jeno ng kung ano ano, which is maganda naman. Gusto ko palagi siyang busog. Although ganon ang gawain ko dati, at napapaisip ako madalas ng ako dapat yan eh pero wala naman na tayo magagawa, diba?

 

There are things we can't go back to. No matter how hard we try, no matter what we do. What's over is really over. Some things are better that way. Kailangan nalang talaga tanggapin na we used to be like that, pero we won't be like that again. Never again.

 

Pighati.

 

Dalamhati.

 

Pagdudusa.

 

Charot. Pero oo, masakit. Masakit to the point na para akong sasabog anytime pero, sige, baka kailangan na unti unti ko nalang tanggapin na hindi na talaga siguro kami ang para sa isa't isa.

 

Ang drama ko talaga kahit kailan, hindi na nakakatuwa.

 

"Makikikain na ako rito, eto naman. Parang wala tayong pinagsamahan." Nakangiting aso na saad nito kaya naman pinaikutan ko siya ng mata.

 

"Diyan! Dyan ka magaling! Ang lumamon." Pang-iinis ko naman habang pinapagpag ang kamay ko, "Tara na nga. Kumain ka na rito." Dagdag ko pa kaya naman ngiting tagumpay siya na sumunod sa akin sa loob ng bahay. Naiiling nalang ako habang natatawa. Kahit naman bugok 'to, nagpapasalamat ako na ginagawa niya lahat para maging ayos ako. Nandiyan din siya pag kailangan ko ng makakausap at pinapatawa niya ako sa mga kagaguhan niya pag malungkot ako.

 

May pagka siraulo nga lang siya pero alam ko namang mahal ako nito kahit halos masuka suka kami pag sinasabi namin yon sa isa't isa.

 

"Ma, gutom na raw si Ryujin!" Natatawang sambit ko pagpasok dahil naisipan ko lang na pagtrip-an 'tong hayup na 'to, sa hindi malamang dahilan, natatakot siya sa nanay ko, mukhang naiintimidate. Kaya naman agad siyang namutla nang sulyapan ko siya kasabay ang pagkurot niya sa braso ko. Natatawa nalang ako sa itsura niya.

 

"Ganon ba? Teka lang, maluluto na 'to!" Rinig ko namang sagot ng nanay ko mula sa kusina kaya naman napangisi ako. Hindi naman siya nakakatakot o ano, bungangera lang talaga siya at baka iyon ang tumatak sa utak ng siraulong si Ryujin kaya naman natatakot siya kay mama.

 

"Tita, ayos lang po! Take your time! Hindi pa naman po ako gutom." Kinakabahang sigaw naman pabalik ni Ryujin habang hinahampas ako. Natatawang iniilagan ko naman ang mga hampas niya pati na rin ang matalim na tingin niya sa akin.

 

"Tangina mo talaga, Winter." Pabulong na sabi nito at nararamdaman ko yung gigil kaya naman natatawa akong nagpeace sign sa kaniya.

 

"Joke lang!" Ang sakit na ng tyan ko kakatawa at nakahawak pa ako mismo rito dahil ewan ko ba, parang pakiramdam ko mauutot na ako sa saya. Nakakatawa kasi mukha nitong bugok na 'to, eh. Parang nahuli sa krimen na ginagawa niya.

 

"Hayop ka, gagantihan kita kala mo." Pagbabanta naman niya sa akin at pinakitaan pa ako ng middle finger kaya naman kinindatan ko lang siya kahit na medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Hello? Ang dami niyang pwedeng pangganti sa akin. Si Karina palang ang gamitin niya, talo na agad ako. Hayop.

 

Pero dahil ako si Winter at nature na naming dalawa mag-inisan, hindi ko pwedeng ipahalata na kinabahan ako sa sinabi niya dahil baka mas makaisip pa siya ng kalokohan. Alam ko na takbo ng utak nitong hinayupak na 'to, eh. The more na nakakakita siya ng  nerbyos sa inaasar niya, mas gaganahan siya lalo mangtrip.

 

"Bring it on, Ramos!" Natatawang paghamon ko pa sa kaniya kaya naman inismiran ako nito. Pikon talaga pero pag siya nantitrip, akala mo nanalo sa lotto kung makahalakhak.

 

At ayon, hindi nga nagtagal eh nakaganti agad ang yawa sa akin. Sabihin ba naman kay Somi na pumayag ako sa date na inaaya niya. Putangina?

 

Pakipaalala nga sa akin na sasabunutan ko talaga mamaya 'tong babae na 'to, paasahin ba naman yung tao. Putcha ka talaga Ryujin.

 

Eto ako ngayon, awkward na nagpapatangay sa kaniya. Hawak hawak ba naman ang kamay ko na para bang aalis ako anytime soon sa pagkakahawak niya sa akin. Pinagdadasal ko nalang na sana hindi mamawis ang kamay ko dahil pasmado pa naman ako.

 

Nakakahiya at ang awkward dahil hindi ako sanay. Wala naman kasing humahawak ng kamay ko bukod kay Karina, alam na non lahat lahat sa akin at wala na ako dapat ikahiya. Pati nga utot ko pamilyar na siya, eh.

 

Hay, Karina.

 

Kung nandito ka lang sana.

 

Nakakaguilty naman. Somi's right here with me, yet I'm still thinking about Karina. Kamusta na kaya siya? Masaya kaya siya? Genuine kaya yung mga tawa niya? Talaga bang okay na siya kahit wala ako?

 

Isang malalim na buntong hininga ulit. Ang bigat na naman ng pakiramdam ko.

 

Dapat si Somi ang iniintindi ko pero yung utak ko, lumilipad sa tao na wala naman dito.

 

Wala naman dapat dito. Kaya lang anong magagawa ko, nasa puso't isip ko siya, eh. Hindi ko man kasama ang katawang lupa niya, talagang siya pa rin ang hinahanap hanap ko.

 

Lakas ng epekto sa akin, to the point na hindi na ako natutuwa.

 

Imagine wala naman na kami pero nagguguilty pa rin ako na para bang nagchecheat pa rin ako sa kaniya kahit na wala naman na siyang karapatan sa akin.

 

Sarap talaga mapakanta ng I know I said goobye and baby you said it too, but when I touch her I feel like I'm cheating on you. Pwe. Pakiramdam ko nagkakasala pa rin ako ngayong magkahawak ang kamay namin ni Somi kahit na siya naman 'tong nang-iwan sa akin.

 

"Saan ba tayo?" Parang ewan na tanong ko naman habang kumakamot ng ulo, kasi naman hindi niya binibitawan ang kamay ko at hinahayaan ko lang siya na hatakin ako pero wala akong ideya kung saan kami pupunta.

 

Napalingon naman siya sa akin, nakapaskil pa rin sa mukha niya ang matamis na ngiti na para bang ito ang pinakamasayang araw niya kaya naman lihim na napabuntong hininga nalang ako. Paano ko sasabihin na hindi naman ako pumayag sa date na 'to at kagagawan lang 'to ng bwakanginang na si Ryujin? How can I tell her those words without hurting her? Is that even possible?

 

"Actually, hindi ko rin alam." Muntik ko na masapo ang mukha ko dahil sa sinabi niya, taena. Hindi rin pala niya alam, akala ko naman may plano na siya kung saan kami kakain. "Pero may naisip na ako, sana magustuhan mo. Favorite ko lang kainan yun sa tuwing uwian." Dagdag pa nito kaya naman napatango nalang ako at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.

 

Mabait naman siya, she's nice, adorable, kind, beautiful, has a lovely smile and bubbly personality. Actually, lahat ng magagandang words na pwede i-describe sa isang tao, pasok naman siya, eh.

 

Kaya lang hindi ko naman kasalanan kung si Karina pa rin ang hinahanap hanap ng puso ko, diba? Kung siya pa rin, kahit na baka hindi na ako.

 

The tightness of her grip on my neck. Higpit ng pagkakahawak niya sa puso ko. Sa pagkatao ko. Sa akin. Even though we aren't in a relationship anymore, I still really love her. She's still the one. It's driving me insane.

 

"Somi, kain tayo!" Napatingin kami pareho sa nagsalita at parang nanuyo ang lalamunan ko nang matanaw ko si Karina, may dala itong duffel bag at mukhang kakagaling lang sa practice. Uwian na rin kasi kaya naman marami rami na ring estudyante ang nakauwi.

 

Nakangiti si Eunbi na tumawag kay Somi habang kumakaway pa. Awkward na nakatayo lang ako habang hawak hawak pa rin ni Somi ang kamay ko. Tatlo silang nakatayo sa hindi kalayuan at medyo pawisan pa, pero hindi naman dugyot tignan. Gaganda pa nga eh. Lalo na yung isa.

 

"Pass muna ako, kasama ko si Winter." Agad namang pagtanggi ni Somi kaya napakamot ulit ako sa ulo ko, pwede naman na next time nalang kami kumain kaya lang mukhang desidido na 'to na ngayon na kaya naman hinayaan ko nalang. Wala naman akong magagawa, mukhang wala akong kawala sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

 

"May date kayo?" Nakangising tanong naman ni Heejin na parang nang-iinis na sinundan pa ng tawa ni Eunbi sa tabi nito kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko.

 

Bakit ba ako kinakabahan?

 

Ang seryoso lang kasi ni Karina habang nakatingin sa aming dalawa. Specifically, sa kamay naming magkahawak ni Somi. Gusto kong bumitaw pero mukhang huli na ang lahat dahil nakita na niya.

 

Ngayon ko lang naalala na magkateam nga pala sila sa volleyball at mukhang kakatapos lang ng training nila.

 

Napalunok nalang ako dahil wala pa rin akong reaksyon na nakukuha mula kay Karina ngunit agad ding nawala ang kaba ko nang marealize na wala na nga palang kami.

 

Ouch.

 

Wala naman akong dapat ikabahala at ikahingi ng tawad, hindi ko rin kailangan magbigay ng explanation dahil wala namang kami. Tapos na kami.

 

Pero gaya ng sabi ko, pakiramdam ko nagccheat pa rin ako kahit na hindi naman na.

 

Nasanay kasi ako na kaming dalawa lang, eh.

 

Pwede bang kami nalang ulit?

 

I must be crazy.

 

"Oo, eh!" Gulat na napatingin naman ako Somi nang isagot niya yan dahil talaga ba? Baka iba ang isipin ng mga 'to sa word na date at ayoko non dahil hindi ko binibigyan ng malisya 'tong sa aming dalawa. Kaya nga ayokong pumayag dahil ayokong magbigay ng motibo kaya lang napasubo ako dahil sa walanghiyang si Ryujin. Sarap talaga pasabugin ng bungo, eh.

 

Kinikilig na naghampasan naman sila Eunbi at Heejin kaya naman napangiti nalang ako ng mapait. Naalala ko na hindi nga pala sila aware na naging kami ni Karina, wala namang masyadong nakakaalam dahil mas pinili naming dalawa na i-private ang relationship namin kaya naman wala silang kaalam alam na nagbreak na rin kami.

 

Ako lang ba ang naawkward-an? Mukhang wala naman kasing pakeelam si Karina, hawak hawak niya lang ang duffel bag habang diretsong nakatingin sa amin na para bang sinusuri ang reaksyon ko kaya naman napaiwas nalang ako ng tingin.

 

"Yun naman pala, luma-lovelife!" Pang-aasar ni Eunbi while wiggling her eyebrows kaya naman I mentally rolled my eyes. Sige, gatong pa.

 

"Tara na nga, baka nakakaistorbo pa kami. Bukas nalang ulit!" Natatawang wika naman ni Heejin habang inaayos ang pagkakahawak sa bag niya.

 

"Babush, guys. Ingat kayo." Nakangiting paalala ni Somi habang kumakaway pa kaya naman nginitian ko nalang ang dalawa nung balingan nila ako ng tingin dahil ayoko naman maging rude. Hindi ko sila super close pero kilala naman namin ang isa't isa. Tsaka may mga pagkakataon na nagkakasama kami sa mga programs sa school. Kaya we're good.

 

Kaya lang etong ex ko, masyadong tahimik. It's not that I care, okay. Pero kanina pa siya walang imik at tahimik niya lang kami na tinititigan, kaya naiilang ako. Kasi grabe siya makatingin, parang nakikita na niya pati kaluluwa ko.

 

I wonder what's on her mind right now.

 

Hah, why do I care? We're done with each other.

 

Okay, hay. I should stop lying to myself. Aware naman ako na siya pa rin ang mahal ko kahit na nag end up kami sa ganito.

 

Medyo unfair lang kasi bakit ganon siya? Bakit ang bilis niya ako sukuan?

 

Pero napapaisip nalang ako, baka talagang ganon. Baka talagang napagod na. Isa pa, kasalanan ko naman.

 

Wala naman na magagawa. The damage has been done. Kaya lang sana mas naipaliwanag ko pa yung side ko, ang nangyari kasi nagbreak kami na ako yung masama sa paningin niya, eh.

 

"Let's go." For the first time, nagsalita na rin siya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero binigyan niya ulit ako ng isang sulyap— masamang tingin, na para bang nagbabanta bago siya tumalikod at dire diretsong naglakad na nagtatakang sinundan naman nung dalawang kasama niya.

 

Huh?

 

Ano bang ginawa ko? Bakit ganon na naman siya makatingin na para bang may ginawa na naman akong hindi maganda sa kaniya?

 

"Tara na?" Napatingin ulit ako kay Somi nang magsalita siya at bumungad na naman sa akin ang magandang pagkakangiti niya. Nakakahawa ang kasiyahan niya kaya naman napangiti nalang din ako at tumango.

 

"Tara."

 

Habang naghihintay kami ng pagkain sa inorder-an namin kung saan madalas daw tumambay si Somi sa tuwing lunch break o uwian, nagtingin ako ng mga messages sa telegram dahil wala naman kaming ginagawa kundi ang tumanga at napakunot agad ang noo ko nang makita na may message rito.

 

Yuji loves: Babaero

 

Huh?

 

Anong babaero?

 

I scoffed while typing my reply, the audacity naman. She ignored me kanina tapos ngayon magchachat siya ng ganito?

 

Mnjng: what the hell r u talkin abt

 

Ayan dapat, ganyan mataray.

 

Napangisi nalang ako nang isend ko na yan sa kaniya. Waiting nalang sa reply. Matapang talaga ako pag sa chat lang, pero proven and tested na tumitiklop pag nasa paligid na siya. Iba talaga ang kamandag ng babaeng yun, eh. Lakas ng epekto sa akin, unfortunately.

 

Napanguso ako nang mapagtanto ang nickname niya sa akin kaya naman agad ko iyong iniba dahil ayoko na paasahin ang sarili ko sa mga bagay na tapos na.

 

Panget: Babaero ka

 

I rolled my eyes and clicked my tongue. Hindi siya nagtatanong, nang-aakusa siya. Sinasabi niya. Sure na sure siya. Sigurado sa mga paratang niya.

 

Ano bang pinuputok ng butsi nito? Hindi ko na siya maintindihan sa totoo lang. Hindi ba dapat masaya siya na hindi ko na siya ginugulo? Eh nitong nakaraan na nagmamakaawa ako sa kaniya na balikan niya ako, wala naman akong narinig mula sa kaniya.

 

Tapos ngayon, tsaka lang siya magchachat sa akin. Ganito pa? Grabe ka na, 2021.

 

Bahala siya, akala ba niya namimiss ko siya?

 

Hmp.

 

Mnjng: hindi ko alam sinasabi mo, stop bothering me thx

 

I grinned as I clicked the send button. Serves you right, Karina Peñosa! Akala niya ata siya lang ang marunong magmaldita. Kaya ko rin, aba. Seasonal nga lang. Depende rin sa lapit niya sa akin.

 

"Why are you laughing?" Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Somi at napaayos na rin ako ng upo dahil ang bad man, pero nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya. Tumikhim ako, at sumandal sa upuan bago siya gawaran ng isang matamis na ngiti.

 

"Wala naman, natawa lang ako sa nakita ko sa twitter." Pagdadahilan ko naman at napatango nalang siya, mukhang naniwala sa sinasabi ko. "Gutom ka na ba?" Tanong ko naman dahil I felt bad for ignoring her presence a while ago eh siya naman 'tong kasama ko. Atensyon ko na kay Karina pa rin. Bwisit talaga si Ryujin, pakiramdam ko pinapaasa ko yung tao.

 

"Okay lang." She gave me a warm smile, "Ikaw ba? Are you hungry?"

 

"No, I can manage." Nakangiting sagot ko nalang habang tumatango tango pa, "Hindi naman ako ganon kagutom. Keri pa." I laughed softly while playing with my fingers.

 

"Thank you." I took a glance at her when she whispered that, nakita kong nakangiti siya sa akin. She's really beautiful, and also has a pretty smile. "One of the best days for me."

 

"Why?" Kunot noong tanong ko naman dahil hindi ko ineexpect na sasabihin nya yun. Curious lang.

 

"Uh. . . kasi I'm with you?" She chuckled while fixing her bangs. Nakatitig lang ako sa kaniya while she's doing her thing and I can't help but to feel sad because of what she confessed. Nalulungkot ako kasi I can't return the love she's been giving me since day 1. I mean, she deserves so much better. She loved me even though I may be the worst person but for her, I'm the best.

 

Pansin ko naman.

 

Pero sadyang hindi ko pinapansin.

 

Dahil bukod sa ayaw ko siyang umasa, alam ko naman na si Karina lang talaga ang mahal ko. Kahit na wala nang kami, hindi magbabago yun.

 

"Thank you rin." Nakangiting sabi ko nalang kaya naman tinignan niya ulit ako dahilan para magtama ang mata naming dalawa.

 

"For?" She asked, giggling. Nginisian ko nalang siya sabay kibit balikat.

 

"Kasi libre mo?"

 

"Gago."

 

We burst out laughing kaya naman napapatingin sa aming ang iilan na nakikikain kaya naman tinakpan ko ang bibig ko at ganon din siya. Nakakatawa pa nga na sabay na sabay naming ginawa na para bang iisa lang ang tumatakbo sa utak namin.

 

I'm really comfortable with her presence, never niyang pinaramdam sa akin yung awkwardness pag nag-uusap na kami kagaya ng ganito. Kahit na vocal siya sa feelings niya sa akin, dinadivert naman niya sa iba agad ang topic pagtapos para hindi ako mawalan ng sasabihin o maging uncomfy sa situation.

 

Kahit na hindi ko siya napapansin madalas.

 

Paano ko nga ba mapapansin?

 

Nakatuon lang naman ang atensyon ko palagi kay Karina.

 

Sa kaniya lang.

 

I'll never regret those days when I was still with her. Those memories were precious to me, really. Never kong ipagpapalit yon sa kahit na anong bagay, that was priceless.

 

"Galit ba sa'yo si Karina?"

 

Napabalik ang tingin ko sa kaniya nang magsalita ulit siya after we fell into a comfortable silence. I didn't expect those questions na sa mismong bibig niya manggagaling, hindi naman kasi namin palaging napag-uusapan si Karina. Hindi ko rin alam, pero hindi ko nalang pinapansin.

 

Pero ngayon, nagulat ako kasi bigla niyang sinabi iyon, napansin niya?

 

"Huh. . .?"

 

Syempre, I pretended not to understand even though it was definitely clear to my ears. Bakit nanuyo bigla ang lalamunan ko when Somi mentioned her name? I don't know.

 

"I saw the way she looked at you kanina, eh. It seems like may beef kayo sa isa't isa." She shrugged, inayos pa niya ang upo at kinuha ang cellphone sa mesa. "I mean, I could be wrong naman. Yun lang ang napansin ko kanina, ang sama kasi ng tingin niya then hindi rin niya tayo pinansin kanina. Nagsalita lang siya nung inaya na niya yung dalawa."

 

"Ewan ko," Nagkibit balikat nalang ako, shutting off the conversation quickly. "Hindi ko alam bakit ganon siya." Liar, of course alam na alam ko. Bawat detalye, pinagmulan, rason, dahilan kung bakit kami nag end up in bad terms.

 

"Close kayo, diba? Bakit nagkaganyan kayong dalawa ngayon?" Tanong pa niya kaya naman I pursed my lips, not sure what to answer.

 

Bakit nga ba?

 

Malamang, alam ko ang exact reason kung bakit kami naghiwalay. Alam ko yung dahilan ng away naming dalawa, tandang tanda ko ang bawat salita na binitawan niya at sariwa pa sa akin ang sakit na naramdaman ko that day we broke up.

 

Pero napapatanong nalang din ako,

 

Bakit?

 

Is that really the exact reasons why we ended up this way? I'm not quite sure, hindi ko na alam, to be very honest. Kung bakit naging madali sa kaniya na bitawan ako, kung bakit ang bilis ng pangyayari and in just a span of 10 minutes, nawala ang lahat sa akin.

 

Funny.

 

"By the way, nakita mo ba yung pet ko?" Nakangiting tanong niya sa akin nang mapansin na hindi ko alam ang isasagot ko kaya naman I gave her a warm smile, she really know how to lighten up the mood. Umiling ako kaya naman natutuwa niyang ipinakita sa akin ang pictures ng pet niya pati na rin ang mga random pictures na kinukuhanan niya raw sa tuwing nagtatravel sila ng kapatid niya.

 

Hindi namin napansin na nandito na pala yung inorder namin dahil ang dami niyang kwento sa akin at syempre, aliw na aliw naman ako dahil ang interesting at witty niyang tao.

 

"You should try this!" She beamed a smile while offering me a piece of tonkat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
By the way, let's be moots sa twt! @baetokkism, salamat sa pagbabasa <3

Comments

You must be logged in to comment
yujisaurus
#1
Chapter 1: mahapdi siya slight ah pero masaya basahin HAHAHAHA
howdoyouknowmee
539 streak #2
Chapter 1: Bet ko talaga yung kurot neto eh
yongsunsbaldcap_oop-
#3
Chapter 1: SGAHAHAHAHAHA ANU BA WINTOT T^T GANDAAAA!!
Luwijen
#4
Chapter 1: hay nako mapapasanaol ka nalang HAHAHAHAHA
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 1: Hahahah...nakakaloka si winter napaka slow... buti na lang at mahal na mahal pa rin siya ni Karina...

Sobrang haba pero worth it...thank you author.

And commended yung malalim na Filipino...
shipper_jmj #6
Chapter 1: Ang slow ni Winter hahahaha laging loading.
bacclaforaespa
#7
Chapter 1: HAHAHAHAHA JUSQ SOBRANG SLOW NI WINTER TEH KASTRESS ANW KAKILIG JUHU STAY STRONG
gomtokkim
2150 streak #8
Chapter 1: Cute ni Winter kahit sobrang dense niya XD
Darnanays
#9
ang kulit talaga ni W. hahaha
Chaegoblin
#10
Chapter 1: Win medyo slow tayo ah Hahaha. Ang Kyut ni Karina mag selos, kinikilig ako.