Episode 1

Kathang Isip
Please Subscribe to read the full chapter

Lahat naman siguro tayo ay nakaranas na mahulog sa kaibigan. 

 

Alam natin ang mga consequences nitong pinasok natin. Pero ano pa nga ba magagawa natin diba? 

 

Hindi ko rin alam kung paano nagsimula, parang pagka-gising ko na lamang ay biglang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. HIndi ko rin naman siya masisisi dahil ginawa lang naman niya ang role niya as my bestfriend. Siguro ako nga 'tong may mali dahil binigyan ko ng malisya yung oras na yon na nakasama ko siya. Hanggang sa malito na ako sa nararamdaman ko.

 

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

 

 

Bakasyon nun. Ilang weeks siguro bago mag start ang aming college life. Inimbita ako ni Karina sa resort kung saan may mini outing ang kanyang pamilya, todo pa ang tanggi ko dito dahil ayaw ko rin naman makigulo pa sa bonding nila, at tsaka ang dami kong iniisip nung araw na yon. 

 

Talagang hindi mawawala ang problemang pamilya noh?

 

Pero makulit siya eh, pinilit pa ako na sumama. Hindi rin naman mahirap na magpaalam sa magulang ko dahil ilang taon na din nila kilala 'tong kaibigan ko at ang pamilya niya. Mas may tiwala pa nga sina mama at papa sa kanya kaysa sa akin eh. Dibale 3 days and 2 nights kami dun sa resort, masaya naman siya, na-enjoy ko mga mini activities na nandun. Kahit ang bigat ng nararamdaman ko nung araw na yon, sasaya at sasaya talaga pag kasama ko siya.

 

Gabi na, syempre kami ang magkasama sa isang room. Nasa banyo siya nun, siguro ginagawa skin care routine niya. Iba talaga. Yung kama ko ay malapit sa may bintana, sulyap ko ang maliliit na puno at ang bilog na buwan. Siguro dahil nga sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na tumutulo na pala luha ko. Hindi pa naman siya tapos, kaya naisipan ko na lang na matulog para matigil ang masyadong overbearing thoughts na bumabagabag sa akin.

 

"Winter? Tulog ka na?"

 

Hindi na ako sumagot. Tuloy-tuloy lang ang pag-guho ng aking luha, may kasama pang sipon. Hindi ko namalayan na papalapit na pala siya sa aking kama, tsaka ko lang nalaman ang presensya niya nung biglang lumubog yung kabilang side ng kama at may naramdaman akong braso na pumulupot sa aking bewang.

 

Wala siyang sinabi, naka yakap lamang siya sa akin habang tuloy-tuloy ang aking paghikbi. Hindi ko na rin kasi napigilan nun, masyado na kasing masakit yung binabato nilang salita sa isa't-isa. Kung ano man problema ng aking magulang sana ay maayos nila iyon dahil baka isang araw ay hindi ko na makayanan at lumayas na.

 

"I'm sorry." Simula niya, humigpit ang kanyang yakap. "I shouldn't have brought you here with us. I didn't know."

 

Kasalanan ko din naman na hindi ko sinabi, pero hindi naman kasi niya kailangan malaman pa, lalo na't paulit-ulit na lang. Ang galing lang dahil alam na niya agad ang problema sa unang hikbi ko pa lang. Humarap ako sa kanya at sumiksik sa may bandang dibdib, at doon, hinayaan niya lang ako na ilabas lahat, mapa luha man o sipon.

 

"Hindi mo naman alam eh." Sagot ko nang matapos ako sa pag-iyak. Hindi na niya tinanggal ang kanyang pagkaka yakap. Tumingin lang siya sa akin at hinawi ang buhok ko. Normal lang naman yun sa amin, lalo na pag kailangan namin ng comfort ng isa't-isa. 

 

"You want to sleep na?" Tanong niya. Tumango naman ako. Nakaka pagod talaga umiyak, feeling ko malapit na bumagsak talukap ng mata ko. Akma naman siyang tatayo pero hinawakan ko siya sa braso.

 

"Karina?" Tumingin lamang siya sa akin, hinihintay ang susunod kong sasabihin.

 

"Tabi tayo." Sabi ko. Napa ngiti naman siya doon at tumabi na sa akin. Inuulit ko, normal 'to sa amin, walang bago. 

 

Matapos ang ilang pagsiksik sa kumot ay yumakap ulit siya sa akin. Naka harap pa rin ako sa kanya nang maipikit na niya ang kanyang mata, may maliit na ngiti sa kanyang labi. Siguro antok lang yon at medyo sabaw na ako, pero ang ganda pala niya talaga.

 

Walang bago naman yun sa kanya dahil madami na rin ang nag tangkang manligaw sa kanya at isa siya sa may

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: awww, hugs for bebe win! 🥺 kayanin mo lods huhu