Mama, mumu!

Fantasma, 11:17pm
Please Subscribe to read the full chapter

Takot ako mamatay, pero parang gusto ko nalang humimlay sa pantiyon kasama ka.

 

song recommendation: caragan - cozy.

 

"Bumalik ka nga rito! Ano ha?! Tatakasan mo na naman 'to? Makikipag - inuman ka naman sa mga kabarkada mo?! Tapos hindi ka naman uuwi?!" Napasubsob ka nalang sa kama mo nang marinig mo na naman ang bangayan ng nanay at tatay mo, nahihiya ka nalang talaga madalas dahil rinig na rinig lang naman sa kapitbahay ang sigawan nila.

 

Parang hindi nagsiping at inungol ang pangalan ng isa't isa noon.

 

Napatawa ka nalang sa iniisip mo habang sinusubukang bumalik ulit sa pagtulog kaya lang mukhang hindi ata sayo pabor ang tadhana ngayon dahil mas lumalakas ang sigawan sa baba dahilan para inis na mapabangon ka.

 

Gabing gabi, nagsisigawan sila. Paano kung may natutulog na? Edi nareklamo pa kayo dahil sa pambubulabog ng magulang mo. Lahat nalang kasi dinadaan sa init ng ulo, eh. Alam mo namang wala ka sa sitwasyon nila at hindi mo alam ang issue nilang mag - asawa pero hindi ba nila iyon mapag - uusapan in a calm manner? Pinapangunahan kasi sila palagi ng inis sa isa't isa kaya ito ang kinahahantungan.

 

"Aalis ako kung gusto ko! Bahala kayo riyan!" Rinig mong sigaw ng lasinggero mong tatay kaya naman napairap ka nalang, ano bang bago? Ganyan naman talaga siya gabi gabi, to the point na mas komportable ka nang wala siya, kesa nandyan siya. Hindi mo rin akalain na darating ka sa puntong ganon, pero uncomfortable ka na talaga sa presensya ng tatay mo.

 

Inis na napatayo ka naman mula sa pagkakahiga nang marinig mo ang malakas na pagsara ng pinto at ang sigaw ng nanay mo na mukhang hinabol pa ang tatay mo sa labas. Gumagawa na naman sila ng eksena.

 

Minsan napapatanong ka nalang sa sarili mo kung mga paid actors ba ang parents mo dahil mahilig silang gumawa ng scene, eh. Iniisip mo kung mga influencers ba ang mga ito at nagpapaka clout chaser para lang makakuha ng atensyon, pero hindi naman. Talagang madalas lang mag - away ang magulang mo kaya naman nakakabulabog na rin sila ng ibang tao, syempre ikaw nalang din ang nahihiya kahit wala ka namang ginagawa.

 

Naalala mo pa ang sinabi ng tiya mo nung minsan kang maglabas ng sama ng loob dito, gawin mo raw ang makakaya mo para maibalik ang samahan ng magulang mo dahil ikaw nalang daw ang dahilan bakit sila nagsasama pa. Kasi merong ikaw, may anak sila, kamalas malasan, nagkaanak sila.

 

Pero anong magagawa mo? Masama ka na bang anak kung gugustuhin mo nalang na maghiwalay nalang din sila? Ginawa mo naman kasi ang lahat para mabalik yung pagsasama nila, tinry mong pagsamahin sila sa mga lakad, i-set up sa mga simpleng date lang, iniiwan mo sila para magkaroon sila ng bonding pero nauuwi talaga sa away. Hindi na sila mabuti para sa isa't isa, ang toxic na. Ang panget ka-bonding.

 

Kumuha ka lang ng simpleng sweatshirt dahil gabi na at malamig, medyo ginawin ka pa naman dahil manipis lang din ang balat mo at hindi kinakaya ang sobrang lamig. Kumuha ka lang din ng bucket hat, wallet, cellphone at dali - dali kang umalis bago ka pa maabutan ng nanay mong tiyak na mainit na rin ang ulo.

 

Saan ka pupunta?

 

Hindi mo rin alam.

 

Basta, basta, gusto mo lang makalayo sa bahay mong never naging tahanan sa'yo. Palaging magulo, palaging may nagkakasakitan. Gusto mo lang naman makalaya kahit sandali lang. Naistorbo na rin lang ang tulog mo, edi gumala ka nalang.

 

Tinignan mo ang oras sa wrist watch mo, 10:45pm. Gabi na nga pala 'no? Tsaka mo lang naalala na maaga ka rin dapat matutulog dahil ang sama sama ng pagkakagising mo kaninang umaga dahil kulang ka sa tulog, idagdag mo pa na pagod ka na rin sa eskwelahan kanina dahil may bida bida kayong teacher na gusto ipatapos lahat sa inyo lahat ng gawain sa isang araw.

 

Kaya lang napurnada, tignan mo nga naman, imbis na natutulog ka, hindi mo alam kung saan ka dinadala ng mga paa mo ngayon.

 

Magsisinungaling ka kung sasabihin mong hindi ka kinakabahan. Hindi rin sa pagmamayabang pero habulin ka talaga dahil maganda ka, paano kung mamaya may mangtrip sa'yo lalo na't mag - isa ka? Hindi mo pa naman masasabi ang panahon ngayon dahil kahit anong bihis mo, pag may manyak sa paligid, talagang magagahasa ka.

 

Hindi mo nga alam anong point ng mga namvivictim blame, eh. Mga apologist. Ipinaglalaban nila na babae rin daw ang may kasalanan dahil bakit daw hindi nag - iingat, bakit daw ganiyan suot, bakit daw lalabas mag - isa eh gabi na. Hindi ba't dapat silang magalit doon sa mga manyak na tigang na ginagamit ang lakas nila para mansamantala ng mga babae? Talagang gagawa pa ng sama para lang sa sarili nilang kagustuhan. Napapaisip ka nalang kung ganun ba sila kapangit para walang pumatol sa kanila kaya naman gagawa pa sila ng kagaguhan para lang masatisfy ang needs nila.

 

Oh well, hindi mo alam kasi hindi ka naman utak .

 

"Hala, gago, nasa sementeryo na ako." Mahinang bulong mo sa sarili mo, kaya ka nga nagsweatshirt kasi malamig tapos ngayon mararamdaman mong may butil ka ng pawis sa noo mo dahil sa kaba. Pero ikaw naman 'tong gaga, nagmamatapang talaga at tumuloy pa rin sa paglalakad. Akala mo naman magkakaroon ka ng award for that.

 

Para kang nasa horror movie at ginawa mo pa kamong flashlight yung cellphone mo dahil nga madilim na at sobrang tahimik pa. Hindi mo nga rin alam saan ka nakakakuha ng tapang ngayon, siguro dahil sa kagustuhan mo nalang din malagay sa tahimik dahil nga stressed ka na sa buhay mo.

 

Pero sino ba may sabi sa'yong pumunta ka sa sementeryo?

 

Wala, kagagahan mo lang.

 

Gusto mo lang naman maging mapayapa pero hindi naman panghabang buhay.

 

Sobrang dilim, kung hindi lang siguro dahil sa flashlight ng cellphone mo, baka nadapa ka na, natalisod, nadulas o kung ano pa man dahil literal na wala kang makikita masyado. Idagdag mo pa na medyo maputik din dahil umulan kahapon kaya ayan, nahihirapan ka maglakad.

 

May mga nakita kang lapida, malamang, mga kandila na tunaw na, pati na rin mga lantang bulaklak. Napaisip ka at naalala mo ang sinabi ng kaibigan mo noon, hindi mo alam kung seryoso ba siya o ano, pero isa rin daw na kahulugan ng pagtunaw ng kandila  ay para ipakita sa iba na hindi na ito maibabalik pa once na lagyan mo na ng apoy kaya naman dapat din pahalagahan ang mga tao habang nabubuhay pa sila.

 

Nang mapagod ka na kakakalakad, umupo ka sa isang malaking bato doon at hinihingal na pinunasan ang kaunting butil ng pawis sa noo mo. Hiningal ka roon ah. Tsaka mo lang napagtanto na napalayo ka na pala at sana lang makabalik ka pa mamaya.

 

Anong gagawin mo rito?

 

Wala, syempre.

 

Hindi mo nga alam bakit ka pa pumunta rito, nagghost hunting ka ba? Ito na ba ang epekto ng mga problema mo kaya naman pati ang mga multo gusto mo na rin makita? Ewan mo rin.

 

"Nakakatakot pala talaga rito," Mahinang sambit mo sa sarili habang kinakamot ang binti mo dahil mukhang may kumagat sa'yo. Hindi ka kasi madalas pumupunta rito kahit na dito nakalibing ang iba niyong kamag-anak dahil una sa lahat, hindi mo naman close yung mga kamag-anak na yun, at pangalawa, wala kang kasama. Hindi mo nga maintindihan saan ka kumuha ng tapang ngayong mga oras na 'to at gabing gabi na, tapos nandito ka pa, mag-isa.

 

Wag ka lang talagang makakakita ng mga lasing dyan na mapagttrip-an ka dahil mas nakakatakot pa rin talaga ang buhay kesa sa mga patay. Sabagay, naalala mo, pulis nga pala ang tatay mo. Kilala ka sa inyo, kaya naman never ka rin kinanti ng mga tao rito. Iyon nalang ang pinagpapasalamat mo sa dinami dami ng kinaiinisan mo sa tatay mo, medyo protektado ka ng posisyon at trabaho niya. Hindi ka rin naman naiinis sa katagang ACAB, all cops are bad. Agree ka rin doon pero syempre, hindi mo sinasabi sa tatay mo.

 

Hindi naman porket wala kang naranasang masama ay iinvalidate mo na ang mga taong namatay sa kamay ng mga mapang abusong pulis. Natatandaan mo pa nung nakausap mo ang tatay mo one time nung naglasing siya mag-isa kaya naman wala siyang kasama at ikaw ang kinakausap niya. Sinabi niya sa'yo na sa kanilang mga pulis daw, maraming nangyayaring dayaan, mga suhol, mga pasimpleng kuha at kung ano ano pa. May pinapalaya sila nang ganon ganon lang basta ba babayaran sila, pag may atraso sa kanila ay hindi nila hinuhuli basta may kapalit na ibibigay sa kanila. Kahit siguro gaano ka kalinis na tao, pag nasa police station ka kailangan mo nalang makikuha, makisabay, makisama.

 

Kaya kahit na pulis ang tatay mo, hindi mo rin maiwasan na mag-isip ng masama sa ibang mga pulis na ginagamit ang kapangyarihan nila para sa sarili nilang kagustuhan. Ang nagustuhan mo lang sa kwento ng tatay mo ay yung nakikisapak daw sila pag may daw na nahuli. O kahit hindi , basta raw sobrang malala ang kaso, pinagttrip-an daw nila sa kulungan.

 

"Tahimik naman." Sabi mo pa na akala mo may kausap ka, kala mo may makakarinig sa'yo. Meron naman talaga, hindi nga lang buhay kagaya mo. Napag-isipan mo na magpatugtog dahil wala naman sigurong magagalit sa'yo, bukod sa malawak ang sementeryo at kahit ang mga bahay ay medyo malayo sa pwesto mo, ikaw lang naman ang mag-isang tao rito.

 

Pumunta ka sa spotify mo at pinindot ang kung ano mang recent na kanta roon at nagulat ka nalang nang may ngongong nag-rap bigla.

 

Eto, mayro'n one thing lang (hey), 'bout to go down (hey)

Lahat kami dito, high as

Walang tigil, sige lang 'yung paspas

Kung sino-sinong mga babaeng nabasbas

 

Hindi mo na napigilan ang mapatawa nang marinig kung ano man yung nagpplay ngayon. Pash pash amputangina, hanggang ngayon talaga hindi mo pa rin alam ang lyrics dahil nung una nga hindi mo narealize agad na Pinoy pala yung kumakanta.

 

Hayop ka, Aeri.

 

Ito kasi ang huling nakinig sa cellphone mo kanina, hinihiram kasi madalas ang cellphone mo dahil sa hindi mo malamang dahilan at wala lang naman sa'yo dahil hindi ka rin naman madalas mag-phone sa school. Nakita mo kanina na nakikinig si Aeri sa spotify mo kaya naman iyon agad ang suspek sa karumal dumal na krimen na ito. Hayop na tugtugan yan.

 

Agad mong inalis pinause yung tugtog bago pa magdugo yung tenga mo dahil sa kanta habang natatawa pa rin na naghahanap ng pwedeng ipalit nang may matanaw ka sa harapan mo.

 

May nakasilip na babae na nakaputi at mahaba ang buhok.

 

Hala, putangina.

 

Para ka namang tinakasan ng dugo sa katawan nang makita mo ito at sure ka, sure ka na hindi lang iyon guni guni. Talagang may babaeng nakatayo at nakatingin pa sa gawi mo. Hindi mo masyadong naaninagan ang mukha dahil agad mong iniwas ang tingin mo dahil hello, bakit ka naman makikipag eye to eye contact sa multo?!

 

"Mama! Multo!!!" Agad kang sumigaw at kahit na namumutla ka na at muntik na madapa, agad kang tumakbo papalayo. Pakiramdam mo nanghihina ang mga tuhod mo at gusto mo nalang matumba sa takot. Mabuti nalang at naging responsive agad ang katawan mo sa gusto mong mangyari at nakagalaw ka naman kahit papaano, kahit na nanginginig ka pa rin sa takot.

 

Pakiramdam mo iniwan ka na ng kaluluwa mo at mas matindi pa iyon sa lahat ng rides na nasakyan mo. First time mo makakita ng multo, madalas ka makaramdam, makarinig ng kung ano ano at manlamig minsan sa batok pero hindi ka talaga nakakakita like as in kaharap. Kaya naman sobra sobra yung kaba na nararamdaman mo at napahawak ka sa dibdib mo na ang lakas lakas ng tibok ngayon, ikamamatay mo pa ata ang pagpunta sa sementeryo ng ganitong oras.

 

Napatingin ka sa orasan mo at nakita mong 11:17pm na. For sure ay mainit pa rin ang ulo ng nanay mo pero wala kang pake dahil mas gugustuhin mo nang salubungin ang mga sermon niya kesa naman makakita ulit ng multo.

 

Never again.

 

 

"Ha? Bakit ka naman kasi pumunta roon? Eh diba may sabi sabi nga raw na may nagpapakita roon!" Nakapamewang na saad sa'yo ni Ningning na tinanguan naman ng kumakain na si Aeri sa gilid niya.

 

"Nagmamatapang ka na namang bruha ka, iyan tuloy." Natatawang usal naman ni Aeri habang ngumunguya pa kaya nakatikim siya ng irap mo.

 

"Gusto ko lang naman matahimik dahil nga ang ingay ingay palagi sa bahay! Tapos nabadtrip pa ako dahil nga dapat maaga ako matutulog kasi ang sakit sakit ng katawan ko at inaantok na rin ako tapos nagising pa ako dahil sa away nilang parang ewan lang naman." Naiinis na sabi mo habang kinakamot ang pisngi mo, agad ka namang nagfocus sa pagsusulat nang maalala mo na may assignment ka nga palang kinokopya. Oo, kumokopya ka. Paano naman sa sobrang takot mo, nakalimutan mo na rin na may chat pala sa'yo si Ningning kagabi na may assignment. Dapat iyon ang aasikasuhin mo pag-uwi kaya lang dahil sa hindi nagulat ka talaga sa multo at parang tinakasan ka ng kaluluwa mo, nakalimutan mo iyon.

 

"Gusto mo ng tahimik na lugar pero bakit ka naman doon pumunta sa pantyon, ano yun nais mo ng katahimikan kaya ka pumunta sa himlayan ng mga patay? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip mo." Napapailing na sabi pa ni Ningning habang nakikikuha pa sa kinakain ni Aeri.

 

"Hindi ko nga kasi alam na doon ako mapupunta, okay. Hindi na ako umatras dahil nandoon naman ako, tsaka sinaniban ako ng katapangan kagabi, minsan nalang eh sinulit ko na. Malay ko bang may makikita pa pala ako!" Reklamo mo naman at nagkunwari pang umiiyak, dahil tangina, naiwan mo lang naman ang bucket hat mo doon. Ang paborito mong bucket hat dahil niregalo sa'yo iyon ng paborito mong pinsan. Hindi mo nga nahalata na wala ka na palang suot kundi ka lang natingin sa salamin sa kwarto mo.

 

Siguro dahil sa sobrang takot at pagmamadali na tumakbo, hindi mo rin namalayan na nahulog na pala ito. Kaya naman ayun, iyak ka ngayon at nag-iisip ka na ng magiging palusot sa pinsan mo kung sakaling magkita kayo at tanungin niya ang niregalo niya sa'yo nung birthday mo.

 

Ah, Ate Joy naiwan ko kasi nakakita ako ng multo.

 

Weird amputangina.

 

Tinawanan ka naman nila dahil sa itsura mo kaya naman napasimangot ka, mga walanghiya mong kaibigan.

 

"Saan kayo mamaya?" Tanong bigla ni Aeri pagkatapos niyang itapon yung balat ng kinakain niyang chichirya kanina. Bumalik ito sa pwesto niya habang may nakapaskil na nakakalokong ngiti sa labi niya.

 

"Well, hindi ako matutuloy sa pagsho-shopping mamaya." Sagot naman ni Ningning habang tinitignan pa ang daliri niya, mukhang sinusuri ang kuko. "Need ko na magpa-manicure pero bukas nalang siguro tinatamad ako." Maarteng dagdag nito kaya naman napatawa ka nalang habang napapailing. Masyadong kikay ang kaibigan mo, hindi mo talaga alam paano kayo nagclick eh ikaw simpleng tao ka lang naman. Bale nagiging balance niyo nga si Aeri eh.

 

"Wala naman ako pupuntahan." Ikaw naman nagsalita at binalik na ang notebook kay Aeri sabay kindat dito, "Oy, salamat sa sagot, hulog ka ng langit." Pambobola mo pa dahil totoo namang sinalba niya ang pwet-an mo sa masungit na guro niyo.

 

"Nambola ka pa. Pero thanks, alam ko." Natatawang sambit nito sa'yo at napapatango ka naman. Hindi ka muna kokontra dahil sariwa pa ang pagpapakopya niya sa'yo, mamaya nalang. "Pero kaya ko natanong, kasi I have a crazy yet interesting idea! I'm so excited." Pumapalakpak pa ito na parang bata kaya naman nangalumbaba ka habang nakatingin dito, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Maging si Ningning ay nakikinig na rin.

 

"What if magghost hunting tayo later?! Let's see if magpapakita yung sinasabi ni Winter na multo kagabi! It's fun!" Masayang suhestiyon nito na para bang iyon ang pinaka magandang suggestion na nasabi niya sa buong buhay niya dahil ang lawak pa ng pagkakangiti niya.

 

"Ano?!"

 

"What?! No!"

 

Magkasabay niyo namang binanggit iyan ni Ningning, siyempre siya agad yung naka no. Hindi naman siya super matatakutin talaga, maarte lang. Alam niyang mabaho, at maputik ang ibang sementeryo, idagdag pa na malamok. It's a no no tuloy for her.

 

Habang ikaw naman, syempre medyo duwag ka rin 'no. Kahit na nagmatapang ka kagabi, syempre it's not the same case ngayon. Lalo na't naka-experience ka na, grabe ang takot mo. Mas tumriple pa siguro, miski ang tumingin nga sa sementeryo kanina nung nadaanan mo ito ay hindi mo na rin nakaya. Dahil naaalala mo yung nangyari kagabi.

 

"No fun, no fun!" Parang ewan na sabi ni Aeri habang ineekis pa ang dalawang braso na parang sinasabi na KJ kayo, ekis kayo. "Bilis na kasi, hindi pa ako nakakakita ng multo, eh!" Natatawang sabi niya na para bang achievement makakita ng multo.

 

"Tarantado ka ba? Edi pumunta ka mag-isa!" Pag - irap naman ni Ningning habang may hinahanap sa bag niya, "Winter, huwag kang magpapademonyo riyan sa bruhang iyan! Ipupusta ko atay ko, mauuna pa yang tumakbo pag may nakita tayo!" Matapang na sabi nito sa'yo at mukhang sure na sure siyang tatakbo talaga si Aeri.

 

Tumatango ka naman, sang-ayon ka naman doon, wala namang matapang as in super matapang sa inyo. Lahat kayo mahilig lang sa horror pero takot din pag sa totoong buhay na nangyayari. Hindi mo nga alam kung anong trip niyang kaibigan mo at naisipang magghost hunting, idadamay pa kamo kayo. Siguro sumanib na sa kaniya yung katapangan na nasa iyo kahapon.

 

"Mga judgmental talaga kayong mga ulupong kayo!" Singhal ni Aeri habang madrama pa na hinawakan ang dibdib niya, "Ganiyan ba kayo sa akin? Hinuhusgahan niyo ang pagkatao ko!" Madramang usal nito at parang nanlulumo pang napaupo ngunit hindi niyo binili ang pag-iinarte niya.

 

Napasimangot ito nang makitang nakatingin ka lang sa kaniya habang nakasandal sa upuan mo at si Ningning naman ay kasalukuyang nag-apply ng liptint at pabango na parang hindi narinig ang pagdadrama ni Aeri.

 

"Hindi niyo talaga ako papansinin?!" Madramang pagsigaw pa nito kaya naman napatawa ka na, medyo napatingin pa nga sa inyo ang iba niyong kaklase na tinawanan din siya. Sanay na kayo sa kagaguhan nitong tropa mo. "Ganito nalang, pag napasabi ko kayo ng hindi, papayag na kayo!" Nakaisip na naman ito ng way para mapapayag kayo kaya naman napabuntong hininga ka nalang.

 

"Manahimik ka nga riyan Aeri." Masungit na sabi ni Ningning, crossing her arms over her chest. "Malapit na kita konyatan, umamin ka nga sa amin, may crush ka ba malapit sa sementeryo sa baranggay nila Winter? Nakakahalata na kami, ah. May kikitain ka ata at isasama mo lang kami para makalusot kay tita!" Sabi pa nito at para bang detective pang kinikilatis ang isa niyong kaibigan, "Akala ko ba ako lang?!" Nakangusong dagdag pa niya kaya naman umakto kang masusuka sa natanaw mo, ayon nakatikim ka ng batok sa bagyong Ningning.

 

"Wala akong kikitain, ano ba kayo!" Agad namang depensa ni Aeri sa sarili niya, "Gusto ko lang ma-try, tsaka mukhang exciting kaya. Uuwi rin naman tayo agad pag wala tayong nakita, eh."

 

"Ano? Uuwi rin tayo pag bulag ka na?" Pabalang na sabi mo naman dahil sinabi niya uuwi raw kayo pag wala kayong nakita. Edi bulag na kayo non? Dahil sa pambibwisit mo, dalawang batok na ang natatanggap mo ngayong araw. Kaya ka siguro nabobo lalo, eh. Ito ang definition ng pagmamahal ng mga kaibigan mo.

 

"Pilosopo ka." Mataray na sabi sa'yo ni Aeri kaya naman agad kang napangisi, ang tataray talaga ng mga kaibigan mo pag naaasar. "Ano ha? Pag napa hindi ko kayo, papayag na kayo ah?" Nakakalokong sabi nito na nakikipag - negosasyon pa sa inyo, hindi mo alam ano ang tumatakbo sa isip niya pero sure kang may kalokohan itong gagawin dahil iba ang pagkakangiti niya ngayon.

 

Napatingin ka naman kay Ningning para tignan kung ano ang gagawin niya at mukhang pareho kayo ng iniisip dahil nagkatinginan kayo. Sinenyasan ka niya na um-oo nalang para matapos na kaya naman napabuntong hininga ka at napatango. "Sige, sige."

 

"Yay!" Parang bata na sabi nito at pumapalakpak na naman, para bang expected na nitong mapapapayag niya kayo dahil sa pumayag kang makipaglaro. "Eto, may kwento ako, ah." Napataas naman ang kilay mo sa sinabi, akala mo bawal mapa-hindi? Bakit magkekwento ito?

 

"May pa-story telling pa ampotangina." Natatawang sambit ni Ningning sa tabi mo kaya naman nakatanggap siya ng isang masamang tingin mula kay Aeri, napatikom naman agad ito ng bibig na parang masunuring bata kaya gusto mong matawa.

 

"May babae, may hawak siyang itlog, tapos may nakita siyang isang bahay na punong puno ng ahas." Pagsisimula nito habang dinedemo pa ang kinekwento niya, may pa acting pa ang gago para ata dama. "Tapos nagtaka siya dahil abandonadong bahay nalang iyon, sinong gagamit non? At bakit punong puno ng ahas? Pero imbis na matakot, mas nanaig sa kaniya ang pagtataka kaya maman kahit kinakabahan ay pumasok siya sa bahay." Dagdag pa nito kaya naman maigi kayong nakikinig ni Ningning sa kwento niya.

 

"Teka, bakit ganiyan ang mukha niyo?" Nagkatinginan naman kayo ni Ningning habang nagtataka nang sabihin iyan ni Aeri, tinuro pa kayo. "Alam niyo na ata 'to, eh! Sana sinabi niyo agad!" Reklamo pa niya habang naka crossed arms kaya naman dali dali kang napailing, at mukhang ganon din si Ningning sa gilid mo.

 

"Hindi, ah!" Sabay niyong wika ni Ningning para itanggi ang akusasyon ng kaibigan niyo kaya naman bumunghalit na ng tawa si Aeri habang hinahampas pa ang arm chair niya. Napaawang naman ang bibig mo habang nakatingin sa tuwang tuwa na si Aeri habang sumasayaw pa at paulit ulit na sinasabing I won, I won!

 

Huh?

 

Hindi mo alam kung sabog ka ba o ano pero paanong nanalo siya?

 

Hindi naman kayo nag. . .

 

Tsaka lang nanlaki ang mga mata mo nang mapagtanto mo ang nasabi niyo, nagkatingin nalang kayo ni Ningning at mukhang pareho talaga kayo ng takbo ng utak dahil mukhang ngayon lang din niya naintindihan ang nangyari.

 

"Bakit mo sinabing hindi!" Sabay niyong sabi sa isa't isa habang nagtuturuan pa.

 

"Ikaw rin, eh!" Sabay na naman na para bang pinag - usapan niyo ang sasabihin niyo, background pa ang tawa ni Aeri sa pagsisisihan niyong dalawa eh pareho naman talaga kayong sumagot ng hindi.

 

"Losers!" Natatawang inasar kayo ni Aeri habang ang daliri nito ay naka pa L pa para ipamukha sa inyong nanalo siya at natalo kayo kasi shunga kayo at nagpadala sa sinabi niya, agad mo siyang sinamaan ng tingin pero ginaya niya lang ang pagkakangisi mo sa kaniya kanina.

 

Narinig mo ang pagrereklamo ni Ningning pero hindi mo na iyon inintindi, kokontra ka pa sana sa nangyari at sasabihin mong ulit kaya lang dumating na ang teacher niyo kaya naman napabalik na kayo sa kaniya kaniya niyong upuan.

 

Napalunok ka naman habang kinakabahan na napainom sa hydro flask mo, pakiramdam mo nanuyo ang lalamunan mo sa nangyari.

 

Ibig sabihin ba niyan, may posibilidad na makita mo ulit ang multo dahil nga babalik kayo? Paano kung magpakita ulit ito? Paano kung this time mapahamak ka na talaga at hindi makatakbo?

 

Pwede ka na ring humimlay dahil sa sobrang kaba.

 

 

"Basta ikaw nalang magpaliwanag sa mom ko if ever na hindi na ako makauwi!" Maarteng sabi ni Ningning habang hinihimas pa ang braso, mukhang giniginaw. Kasalukuyan kayong gumagala sa loob ng sementeryo gaya nga ng sinabi ni Aeri, around 11 na naman ang oras nang tignan mo ang wrist watch mo. Sabi pa nga ng walanghiya mong kaibigan, mga alas tres daw ng umaga kaya naman nabatukan niyo na siya, masyadong abusado akala mo naman punong puno ng katapangan.

 

"Siraulo ka ba? Kung hindi ka makakauwi, edi kami rin hindi!" Sagot naman ni Aeri rito, nangunguna pa nga habang may hawak hawak na flashlight. Naka hoodie kayong tatlo dahil malamig na naman at ayaw mo ring makaramdam ng kung ano sa balat mo kaya mas mabuti nang tago ang braso mo.

 

"Aba malay ko ba if magkahiwa hiwalay tayo like sa mga horror movies na napapanood ko!" Wika nito, rinig ang takot sa boses. "Anong oras ba tayo uuwi? Mga 20 mins na tayo rito, wala naman tayong nakikita." Dagdag pa nito na para bang naiinip pa dahil hindi pa kayo nakakakita ng multo.

 

Hindi pa nagpapakita yung nakita mo kagabi kaya naman medyo nakahinga ka na dahil baka dahil tatlo na kayo ngayon, hindi na ito magparamdam.

 

Pero baka you thought wrong.

 

"Gago! Ano yun!" Nagtititili naman kayo nang biglang sumigaw si Aeri at agad kang kinapitan ni Ningning, handa nang tumakbo kaya lang nagsalita ulit si Aeri habang natatawa, "Gago tae lang pala." Sinamaan niyo siya ng tingin nung sabihin niya ito dahil ang lakas pa mangtrip ng ganon eh halos maihi na kayo sa takot.

 

"Nakakainis ka naman, eh! Akala ko may multo na." Urat na urat na sabi ni Ningning at binitawan ka na, nagsimula ulit kayong maglakad at hindi mo nga sure kung saan kayo pupunta.

 

"Para naman tayong nasa Slendrina nito." Natatawang sabi mo kaya natawa rin ang dalawa mong kaibigan, nakwento mo nga kasi na mahaba ang buhok nung nakita mo at nakaputi rin kaya naman hawig kay Slendrina na nilalaro niyo lang noon, nagtutulakan pa nga kayo sino ang magcocontrol. Tapos ngayon, nagmamatapang si Aeri na pumunta rito at eto na nga, para kayong nasa horror.

 

"Sana all patay na!" Narinig mo pang sigaw ni Ningning kaya naman bumunghalit na naman kayo kakatawa. Tangina talaga nito. Napapailing ka nalang habang nakahawak sa tiyan mo dahil ang iingay niyo at natatawa ka nalang sa mga kagaguhan nila, baka mamaya kakasabi niya nyan may humatak talaga sa kaniya sa hukay.

 

"Gago, isama ka niyan talaga. Makita mo." Sagot mo naman dito kaya nakatanggap agad ka ng hampas.

 

"Joke lang po! Mahal ko pa po buhay ko." Agad namang bawi nito habang naka-peace sign pa, halatang natakot sa sinabi mo kaya naman napapahagikhik ka nalang.

 

Ang ingay ingay niyo sa buong sementeryo, ang tahi tahimik dahil bukod sa kayo lang naman ang tao talaga rito, talagang wala namang bibisita dahil gabi na. At gaya nga ng sabi mo, medyo malayo na kayo sa mga bahay. Parang nandito na kayo ulit sa pwesto mo kagabi kung saan mo nakita ang multo kaya naman medyo kinakabahan ka na.

 

"Hala ka, tumataas balahibo ko, parang may nararamdaman akong kakaiba." Hindi pa nakatulong ang sinabi ni Aeri na iyon kaya naman napalunok ka, pakiramdam mo eh natutuyo na lalamunan mo at kailangan mo ng maiinom dahil sa takot.

 

"Wala namang multo, eh. Balik na tayo!" Kinakabahang sabi naman ni Ningning habang hinatak na kayong dalawa ni Aeri, nagpapaawa pa ito para lang makauwi na.

 

Inaamin mo naman na natatakot ka talaga, pero iniisip mo nalang na tatlo naman kayo hindi katulad kagabi na mag-isa ka pumunta. Siguro naman hindi magpapakita iyon, hindi ba?

 

As if on cue, biglang may sumulpot sa harapan niyong babae na mahabang buhok, medyo matangkad sa inyo at ito, mukhang ito yung nakita mong elemento kagabi!

 

Kaya lang naka kulay red na ito.

 

Hindi niyo maaninag ang mukha nito dahil medyo malayo siya at madilim, kagayang kagaya lang kagabi.

 

"Ah!!! Gago, multo na naka-red!" Gusto mong matawa sa sinigaw ni Ningning dahil dinescribe pa talaga niya kung anong kulay ang suot nito kaya lang kinakabahan ka na rin kaya naman para kang naestatwa sa kinatatayuan mo.

 

"Takbo!" Rinig mo namang sabi ni Aeri kaya naman agad kang bumalik sa ulirat. Nakita mo lang na tumatakbo na sila kaya naman agad kang natakot na maiwan at tumakbo na rin, kaya lang nanlalata ka dahil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hi, sorry minadali ko HAHDHSHSHSHSHHSHS 🤙🏻 pero sana nagustuhan nyo.

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 1: hahaha kahit maganda pde din naman kasi tlga mumu
bacclaforaespa
#2
hehe pang ilang story ko na ata to huhu galing mo po mag sulat ng stories istg u r one of my fav authors na here in aff bakit ngayon ko lang nadiscover stories mo😭
CincoYoo
#3
Chapter 1: noise! malapit na panaman undas haha
JCLCF4E
#4
Chapter 1: sabaok
eyeseyeseyesTWICE #5
Chapter 1: Parang GHOST-o ko bumisita sa sementeryo
aerichandesu
#6
reread
Chaegoblin
#7
Chapter 1: Parang gusto ko tuloy tumambay sa cemetery baka makakita rin ako ng isang Karina, kaso close na by 6pm hahaha.
thatsnoneofurbusines
#8
Chapter 1: kinikilig pa rin ako 😭
YuJiministheStandard
#9
Chapter 1: Wala akong nakitang magandang multo, mala-demonyo lang yata. So ayon, I ditched my project again para magread na naman ng Winrina au. HAHAHAHA. As usual bilib na naman ako sayo, Bearchu. Winrina lang, mga ungas. Walang titibag!
lovejoohyunnie
#10
GANDA BASAHIN ULIT NITO KASI HALLOWEEN HIHI LOVE IT