One

✨💜PURPLE AND WHITE🤍✨


“Napansin ka?” agad tanong ni SungKyung habang pabalik si Jooyoung.

 

“Hindi nga eh” Malungkot nyang sabi. Pano naman kasi di nanaman sya napansin ng crush nya na si Irene.

 

“Pangit mo kasi eh pota ka.” Hinampas ni Sung Kyung si HyeJung kasi di naman nakakatulong yung sinabi nya kay Jooyoung.

 

“Oo nga eh, Mama ko lang nagsasabi na di ako pangit eh.” Patawang sabi ni Jooyoung.. 

 

“Di ka naman talaga pangit sa paningin ng Mama mo, kaso di nya rin sinabi na may itsura ka.” Natatawa si Hyejung nung sinabi nya yon.

 

“Alam mo Jooyoung my friend gutom lang naman talaga to eh. PWEDE BA MANAHIMIK KA NA! DI KA NAKAKATULONG!” Sinakal na ni Sungkyung si Hyejung gamit yung isa nyang braso, wala naman magawa si Hyejung kasi napakalaking tao ni Sungkyung kumpara sa kanya. Si Jooyoung? Ayun tatawa tawa lang pero deep inside malungkot padin.

 

Papunta sila sa canteen kakatapos lang ng klase nila.

 

"Pano ba kasi ginawa mo?"

 

"Wala naglakad lang pabalik-balik sa harap nya. Malay mo mapansin ako." Mahiyaing sinabi ni Jooyoung.

 

"Ayy ang bobo mo. Pano ka mapapansin nun?!" Binatukan ni HyeJung si Jooyoung, gusto rin saktan ni SungKyung kaso nakakaawa na masyado kaibigan nya eh.

 

"Intindihin mo nalang, elementary palang crush na crush nya na yun eh." Nagtawanan si HyeJung at SungKyung. Pano naman kasi High school na sila crush pa rin ni Jooyoung si Irene.

 

Di mo rin naman masisisi si Jooyoung, ang ganda naman kasi ni Irene, yung tipong kahit di naman naging kayo ang hirap mag move on.

 

"Bahala kayo dyan. Di ko kayo kaibigan." Nauna na lumakad si Jooyoung.

 

Kakamadali nya iwan mga kaibigan nya di nya napansin yung nasa harapan nya.

 

"OMG!"

"AHHH!"

 

"Okay ka lang?" Narinig ni Jooyoung yung boses na nambasa sa kanya. Para naman syang nanghina nung nakita nya na si Irene pala yon.

 

"O-O-Okay lang p-po."

 

"Basang basa na uniform mo, may extra shirt ka ba na dala?" Tanong ni Irene habang kinukuha yung panyo nya sa bag.

 

"Meron po s-sa l-locker." Hiyang hiya parin si Jooyoung habang nakayuko. Di naman kasi nya ine-expect na sa  gantong sitwasyon makakausap si Irene.

 

"Sige, sorry ah. Nagmamadali kasi ako. Tutulungan sana kita, eto oh panyo ko. Punasan mo nalang muna. Sorry ulit." Kinuha ni Irene yung kamay ni Jooyoung kasi napansin nya mahiyain sya masyado at di makaimik. Inabot nya yung panyo tsaka tinapik ng mahina yung braso ni Jooyoung bago umalis.

 

"Pasensya ka na ha, God bless."

 

Ayun yung huling narinig ni Jooyoung bago nya tingnan yung panyo sa kamay nya. May maliit na ngiti sa kanyang mukha kahit na basa parin sya ng tubig.

 

Kahit paliguan pa ko ng tubig ni Irene okay lang sakin eh. Kung makakausap ko naman sya bakit hindi.

 

Napatingin sya sa likod nya nung may naririnig syang pumapalakpak.

 

"Iba ka na my friend." Inakbayan ni SungKyung yung kaibigan nya habang tatawa tawa.

 

"Tingnan mo! Kahit pangit ka mapapansin ka ni Irene eh!" Pang aasar pa lalo ni HyeJung.

 

"Sshhh wag kayo maingay. Tara sa canteen libre ko na lunch natin."

 

"Ayy wow! Sana araw araw kang buhusan ng tubig ni Irene." Excited hinatak ni HyeJung si Jooyoung papunta ng canteen.

 

 


_





































 

_
"Maiba ko. Kala ko lilipat na kayo ng ibang bansa?"

 

"Oo, pinapatapos lang ako ng first year dito eh bago kami lumipat." Malungkot na sabi ni Jooyoung.

 

Mamimiss nya mga kaibigan nya, mahiyain din naman kasi sya kaya si HyeJung at SungKyung lang naging kaibigan nya mula Elementary.

 

"Gano ka katagal don?"

 

"3 to 4 years? Di ko rin sure eh, depende sa trabaho ni Papa at Mama."

 

"Pasabi kay Tita mamimiss ko mga luto nya."

 

"Puro pagkain naman nasa isip mo HyeJung, ako ba di mo mamimiss?"

 

"Wala ko pake sayo. Si Irene ba di mo mamimiss?"

 

"Manahimik ka nga!" Binato ng tissue ni Jooyoung para manahimik. Hanggang ngayon di pa rin sya maka move on sa kaninang nangyari sa kanila ni Irene.

 

"Pustahan tayo crush padin ni Jooyoung yon hanggang pagbalik nya sa Pilipinas." Lalo pang inasar ni SungKyung.

 

"Ewan ko ba dyan. Patay na patay kay Irene."

 

Di naman talaga nila malalaman kung bakit, kasi di naman kinukwento ni Jooyoung kung ano nagustuhan nya kay Irene.

 

"Sa tingin nyo guys? Umamin kaya ako kay Irene sa foundation day? Para kung sakali mandiri sya sakin atleast aalis na ko pa-ibang bansa."

 

Bigla naman naging seryoso itsura ng mga kaibigan nya.

 

"Ikaw bahala, basta nandito naman kami palagi eh pag kailangan mo ng tulong."

 

"Basta kahit ano mangyari tandaan mo na maganda ka sa paningin ng Mama mo ah." Hinampas nalang ni SungKyung si HyeJung kasi puro kalokohan nanaman sinasabi.

 

"Aray! Pero seryoso Jooyoung, bata pa naman tayo eh wag mo masyado dibdibin kung pangit magiging reaction ni Irene.

 

Wala ka na ngang dibdib kaya wag mo papahirapan sarili mo ah."

 

"Busit ka talaga wala kong mapapala sayo na matino."

 

Bigla naman kinabahan si Jooyoung.

 

Kakayanin ko kaya pag amin sa kanya?


 

Bigla nyang kinapa yung panyo sa bulsa nya.

 

Nakita nya yung El Shaddai na panyo na binigay ni Irene. 
 

Sana nga kayanin ko.

 


Lord, Please help me. 

____________________

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
baejoojoo_nim
Uhhmmm hi? Matagal na to nakalagay sa drafts ko eh last year pa ata. Kaya share your thoughts. I'll update as much as I can. Thank you.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet