Prologue: Ang Pagtatapos

(Not Yet) Over You
Please Subscribe to read the full chapter

"Soo, pahiram ng laptop mo," paalam ni Jongin. Ang aga pa lang pero nang-aabala na agad ang best friend ni Kyungsoo. Minsan pinagsisisihan niya talaga na binigay niya rito ang spare key ng apartment niya. Oh well. Perks of being the best friend.

 

Nakahiga pa si Kyungsoo na nagising lang talaga dahil sa kaibigan. "Go lang," sagot niya rito. Babalik pa sana siya sa pagtulog since inaantok pa siya dahil—

 

"KIM JONGIN!!!" Agad napabangon si Kyungsoo nang maalala kung bakit siya napuyat kagabi. Pero huli na ang lahat nang makita niya ang kaibigan na nakaupo sa harap ng laptop niya. Nakanganga ito at halos hindi kumukurap habang nakaharap sa screen.

 

"J-Jongin?" tawag niya sa kaibigan. Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba.

 

Lumingon ang kaibigan sa kanya. "What's the meaning of this, Kyungsoo?"

 

Kyungsoo. Parang nadurog ang puso ni Kyungsoo dahil sa narinig. Lalo na dahil hindi Soo ang itinawag nito sa kanya. Bilang na bilang lang ang beses na tinawag siya nitong Kyungsoo, at madalas ay kapag may tampuhan lang sila.

 

Hindi naman talaga balak itago ni Kyungsoo ang katotohanan mula sa kaibigan. Humahanap lang talaga siya ng right time at right words. Pero mukhang naun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet