Hello again, my childhood friend

Idyllic
Please Subscribe to read the full chapter

Hello, again, this was written a year ago? Tinuloy ko lang. Grabe, nasasanay na ulit ako magsulat hehe, medyo. Matagal na rin kasi ako hindi nagsusulat, nagsulat lang ako nung nagpublish ako rito sa AFF. Feeling ko nag improve ako konti kasi dati 1-2k words lang okay na ako minsan nga wala ako maisip para maging 2k manlang. Ngayon hindi ko namamalayan naka 13k na pala ako. Thank you po pala sa mga nagbabasa. God bless y'all.

*

"MASARAP mahiga, magpahinga, habang kumakain ng pringles." Mahinang sambit ko habang kumakain ng paborito kong pagkain—pringles, ah heaven. Nakasalampak ako sa couch habang nanonood ng we bare bears, favorite ko rin kasi kamukha ko sila. Wala akong ginagawa. Walang pasok dahil bakasyon. Ang saya saya nga ng buhay ko. Tahimik, mapayapa at walang gulo. Ganito lang ako araw - araw. Gigising para kumain, manood, maglaro, magscroll sa socmed tapos matutulog ulit. Nakakaboring pero eto nga ang gusto ko dahil tamad talaga akong tao, antukin pa. Mas nakakarelax kaya sa bahay.

"Hoy, batugan ka talaga!" Nagulat ako nang biglang pumasok sa pintuan si Kim Yerim, o mas kilala bilang Yeri. Pero kahit ano mang itawag sa kaniya, demonyo pa rin siya. Siya lang naman 'yung bata na lagi akong kinokontra sa kung ano mang sasabihin ko. Isa siya sa tinik sa buhay ko pero kahit ganun, mahal ko siya. Syempre, magkasama ba naman kaming tumanda. Nakakalungkot diba? Wala naman akong choice, mula pagkabata eh panget niyang mukha ang kasama ko edi sige, mapagtatyagaan naman siya. Kidding aside, mahal din ako niyan ramdam ko yon.

Inis na tumingin ako sa kaniya, "Ano bang kailangan mo? Nandito ka na naman, hindi ka welcome rito. Shupi." Pang-iinis ko sa kaniya sabay sumubo ng pringles. Nakita ko naman ang pag-irap niya sa akin kaya napahagikhik ako. Pikon. Ganito lang talaga kami, mahilig magbwisitan. Hindi siguro nabubuo ang araw namin hangga't wala kaming nasasabing nakakainsulto sa isa't isa.

"Duh, pumunta lang ako dito dahil kailangan kita. Kung hindi ko kailangan ng tulong mo, hindi ako pupunta rito para makita lang ang batugang gaya mo." Harsh na sabi niya sa akin kaya umakto naman ako na nasaktan. Grabe naman, alam ko naman na tamad talaga akong tao pero hindi na dapat pinapamukha pa 'yon dahil alam ko naman. Pero sige, hayaan nalang. Truth hurts talaga.

"Aray ha, hindi naman masama kung hindi mo ako sasaktan." Sarcastic na sabi ko. Masyado talagang mapanakit magsalita ang batang 'to. Pero sanay na ako dito, kahit ganyan yan, alam ko naman na may pake siya sa akin at parang kapatid na ang turing niya sa akin. Naaappreciate ko naman ang mga ginawa at ginagawa niya sa akin dati pa man pero pag talaga sinasapian siya ni Satans, nakakalimutan ko. "Oh, eh anong klase ng tulong ba ang kailangan mo mula sa magandang katulad ko?" Nakangiting sabi ko. Umayos ako ng upo habang ngumunguya pa rin ng pringles.

"Kailangan ko kasi sunduin ang pinsan ko sa airport, eh alam mo namang hindi ako sanay mag-drive, at kahit sanay man ako, wala pa akong lisensya." Sabi niya kaya napapatango ako habang ngumunguya, parang ewan na tumatango tango.

"Gusto mong ihatid kita sa airport?" Tanong ko sa kaniya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin. Eto talagang isang 'to, kahit anong sabihin ko, mapa maganda, maayos o kung ano pa man, laging nakakunot ang noo.

"Obvious ba?" Pabalang na sabi niya kaya naman inirapan ko siya. Nanghihingi ba talaga ng tulong 'to? Bakit parang hindi ko naman mabahidan ng kahit anong kabaitan ang isang 'to? Siya pa talaga ang matapang, talaga bang kukunin na siya ng impyerno?

"Oh please, I'm doing you a favor here." Inis na sabi ko kaya napatawa siya. Bwisit talaga. Napatirik naman ang mata ko sa inis, sa sobrang ano ng pagkakairap ko eh muntikan ko na makita ang utak ko. Kung meron man ako non. Pero pakiramdam ko naman meron, kahit siguro maliit. Junior ko yan.

"Oo, parang ganun na nga, ate. Syempre susunduin natin siya tapos ayun. Inshort, gagawin ka naming driver." Sinamaan ko siya ng tingin, grabe talaga 'tong pandak na to. Hindi talaga makapal ang mukha niya, eh no? Una sa lahat binulabog niya ang pamamahinga ko, hello? Ito ang pinaka importanteng parte ng araw ko, ang pagkain ng paborito kong pagkain at panonood ng paborito kong cartoon. Tapos sisirain niya lang? Tatamaan ka talaga sa akin, Kim Yerim.

"Kailan ba?" Tanong ko at bumalik sa pagkakahiga. Ang sarap sarap magpahinga, eh. Hay. Pakiramdam ko ay pagod ako kahit na wala naman ako ginagawa at nakahilata lang naman ako buong araw. Nakakapagod mahiga?

"Ngayon na!" Agad na nanlaki ang mga mata ko sa narinig at napaupo ulit. Napahawak naman ako sa leeg ko na napwersa ata sa pagkabigla dahil tumunog. Aray, puta. Tumama pa ang likod ko sa kahoy sa likod ko dahil nga biglaan akong napaupo. Tangina, kapag sineswerte ka nga naman, insert sarcasm.

"Seryoso ka ba?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Tignan mo, hindi pa ako nakabihis ng maayos! Tapos—" Hindi na natapos ang pagrereklamo ko nang magsalita siya. Bastos talaga ang batang 'to, mabait naman ang nanay at tatay niya, ewan ko kung kanino nagmana ang hinayupak na 'to.

"Ate, mag-ayos ka na. Hindi naman kailangan na naka-dress dun! Magsusundo lang tayo!" Nakita ko pa ang pag-irap niya. Wow naman at tinawag niya pa akong ate sa lagay na 'yan, eh makautos akala mo boss. "Bilisan mo, sandali lang naman tayo." Sabi pa niya sa akin kaya naman bagsak ang balikat na pumunta akong kwarto para magbihis.

Kung hindi ko lang mahal tong squirtle na 'to, bahala na siya sa buhay niya. Ang sarap sarap ng higa ko, eh. Nasira na ang pagmumuni muni ko. Nasira na ang pamamahinga ko! Paalam na muna, Panpan, Grizz at Ice bear. Babalikan kayo ni dada mamaya. 

Napanguso naman ako habang naghahanap ng desenteng masusuot. Hindi naman na siguro kailangang magpaganda? Keber ko ba sa susunduin namin eh hindi ko nga kilala kung sino mang pinsan ni Yeri yun, isa lang ang concern ko. Sana naman hindi siya kampon ni Satanas, ayokong magkaroon ng dalawang demonyo sa kotse ko mamaya. Pagod na ako kay Yeri palang.

*

"SINO bang susunduin natin?" Tanong ko kay Yeri, habang tinatapik tapik ang lap ko. Nakahinto na kami sa harap ng airport. Nasaan ba 'yung susunduin nitong batang 'to? "Bakit ang tagal?" Dugtong ko pa. Sa totoo lang, inip na ako. Buti nalang talaga at merong ac sa mga kotse dahil kung wala eh, bored na nga ako, haggard pa ako!

Nakita kong may ka-chat siya sa cellphone niya, nakita ko naman na sinulyapan niya ako pero sandali lang. Attitude talaga ang isang 'to. Kala mo kung sinong kagandahan, iniwan naman ni Saeron. "Teka lang, ate, baka malapit na 'yun." Sabi niya at inalis ang seatbelt niya. "Puntahan ko na, ha. Diyan ka muna." Sabi naman niya kaya tumango ako. Hay salamat naman ano? Talagang nabulabog lang ako at nahatak dito eh. Hindi naman dapat ako kasama dahil ano ako? Parte ng pamilya? Ganda ko ring driver ng pamilya nila if ever ha. 

Nagpatugtog lang ako ng favorite kong kanta. Kanta ng Red Velvet, syempre. Sumasabay pa ako dahil bored na talaga ako. Red Velvet nalang talaga ang tanging kasangga ko sa nga panahong ganito. Corny man pero napapasaya nila ang aking baklang puso.

Kasi naman, ang ayos ayos ko kanina. Nagulo ang tahimik kong buhay dahil sa babaeng susunduin namin. Ang tagal tagal pa, pa-VIP ang ate girl mo. Hindi naman ako na orient na kahit galing pala sa ibang bansa eh sinasabuhay ang Filipino time pagtapak sa bansa. Ganda ka, 'te?

Napatingin ako nang biglang bumukas ang pinto ng kotse, nakita ko si Yerim na pumasok at umupo sa tabi ko. Mag-isa lang siya kaya naman napakunot ang noo ko, ano? Wala pa rin ba ang pinsan niyang prinsesa ata ng England sa sobrang pagka VIP.

"Oh nasaan 'yung pinsan mo—" Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil may babae na pumasok sa back seat. Napatitig ako sa salamin at nakita ko ang isang magandang babae na may dala dalang malaking bag. Inaayos niya ito pero kahit na naka side view ay natatanaw ko ang magandang mukha nito. Maganda ito—no, sobrang ganda. At napatitig nalang ako sa kaniya.

"Siya 'yung pinsan ko, ate. Si Ate Irene." Agad na nanlaki ang mata ko, at napatingin ulit sa babaeng nasa likuran. Nakita ko na nakatingin din siya sa akin at napangiti na para bang nang-aasar. Mula noon, hanggang ngayon, ganyan na ganyan pa rin ang mukha niya sa t'wing tinatapunan ako ng mapang-asar na ngiti. Bagay na kinaiinis ko nung bata ako.

Nanlalaki ang mata na nakatingin ako sa kaniya. What the ? Irene? Si Irene na uhugin at bungi dati? Yung parang tanga na siga siga sa tuwing nakikita niyang tatamad tamad ako? Yung medyo lampa at kumakain ng kulangot dati? Ay teka hindi pala siya yung kumakain ng kulangot.

Pero, hindi. Hindi ito maaari. 

"Hi, Kkangseul. Long time no see." Right, siya nga si Irene na kababata ko at madalas akong guluhin, asarin at sapakin. Walang ginawa sa buhay kundi ang isama ako sa mga gulo niya sa buhay. Na kahit anong gawin ko ay hindi ako makatakas dahil para bang nakadikit na ang Seulgi sa Irene. Ang Irene na nagustuhan ko noon kahit nakakairita ang ugali nito. Kahit na puro pangbibwisit lang ang sinasabi sa akin at kahit na grabe ang pamimisikal sa akin nito noon.

She's back.

At hindi ko alam kung matutuwa ba ako matatakot.

Sino ba naman ang mapapanatag nang matanaw ko ang kakaiba nitong ngiti nung makitang nakatingin ako sa kaniya. Para akong kinilabutan dito. Hindi pa naman undas pero bakit naman ganito?

*

"HOY! Hinay hinay lang naman, teka, akin 'to!" Napapailing nalang ako habang tinitignan si Yeri na nakikipagbalyahan kay Karina at Lia. Ano ba 'tong mga 'to? Mukha silang tanga sa totoo lang. Daig pa ang nakikipagbalyahan sa pag mine sa mga items, eh. Pero sila talagang bardagulan kung bardagulan, aba kanina nanabunot pa si Karina, pamilya talaga sila ng mga maattitude at brutal.

Kasalukuyan silang nag-uunahan sa mga pasalubong ni Irene na ngayon ay natatawa lang sa kanila habang kumakain ng kwek kwek. Namiss nya raw kasi ito kaya naman pinabili ako ni Yeri. Oo, hindi kayo namamalikmata. Ako talaga ang pinabili.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito eh, saling kitkit lang, 'te? Hindi nga ako kasama sa pamilya nilang puro dragonita, ano. Mabait akong bata. Binulabog lang naman ako ni Yerivil kanina para sunduin itong mas demonyita pa pala, oh ngayon, nakauwi na sila, hindi pa ba tapos ang ganap ko rito? Hindi ko na talaga sila ma-gets. Gusto ba nila tumanga ako rito habang pinapanood silang magsampalan, magsabunutan at magsipaan para lang sa mga pasalubong?

Bakit hindi nalang sila maging fair at mag-usap kung sino ang gusto nito, sino ang gusto non, para naman hindi magulo, diba? Kaya lang naalala ko, may saltik pala sila lahat kaya nangyayari ito. Napaka-gulo, paano naman kasi lahat sugapa. Gusto ko sana sabihing hinay hinay lang sa pagkuha dahil hindi naman nila masosolo lahat ng pasalubong ni pandakekong kaya lang baka ako pa ang mapasama.

Mahal ko pa naman ang buhay ko, hindi lang halata. Kahit naman hindi ko inaalagaan masyado ang sarili ko eh ayoko naman na ang ikamatay ko eh pinagtulungan ako ng mga anak ata ni Lucifer. Joke lang po, tito. Mabait talaga ang magulang ng mga 'to, hindi ko alam bakit sila nagkaganito.

"Makaalis na nga!" Oo, hindi ako nagtatanong, nagsasabi talaga ako. Desidido na ako umalis, aba. Hindi naman ako display o audience rito ano. May sarili akong buhay. At busy akong tao. Busy ako kumain at manood ng tatlong oso, pwede ba?

"Where do you think you're going?" Napatigil naman ako nang marinig ang boses ni Irene na hindi na nga malinaw eh Ingles pa. Lumingon ako rito at nakitang kumakain pa pala ito ng kwek kwek kaya naman hindi maayos ang pagsasalita niya. Tinaasan ko ito ng kilay, konti lang naman. Baka mamaya sampalin ako bigla, eh. Brutal pa naman 'to nung mga bata kami, malay ko ba if sumobra na pala kasamaan niya ngayon.

"Sa bahay?" Alanganing sagot ko at tinuro pa ang bahay ko sa tapat ng bahay nila Yeri. Dito sila nakatambay ngayon, hindi ko lang alam if dito magsstay si Irene pero mukhang dito nga talaga dahil hindi naman sila dito magpapahatid if hindi, diba? Isa pa, magkakalapit lang naman ang bahay nilang magpipinsan. Si Karina eh limang bahay lang ata ang layo habang si Julia naman eh sa kabilang baranggay pa pero keri pa rin naman lakarin.

Grabe, napapaligiran talaga ako ng mga demonyita. Matapang na ba ako?

"Alam ko, hindi ako tanga," Umirap pa ito, nako ang taray naman po, parang kailan lang may espasyo pa ang ngipin mo sa gitna ah. Bungi ka naman dati pero lakas magtaray ngayon. Atsaka oo na, hindi ka na tanga. Ako lang naman talaga 'tong tanga. Tangang nahulog sayo noon. Ay, parang iba na yon? "Hindi ko pa naman sinasabing umalis ka. Kaya dyan ka lang. Sit." Aba't siraulo talaga 'to! Ginawa pa akong aso. Ano ba 'tong paghihirap na 'to? Tsaka isa pa, hindi ba talaga siya nahihiya sa akin? After so many years, ngayon nalang ulit kami nagkita tapos ganito agad siya? Ano 'te? Talaga bang sagad na sagad na kawalanghiyaan?

"Tarantado ka ba?" Singhal ko habang nakapamewang pa, ano akala niya sa akin? Katulad pa rin kami ng dati na takot sa kaniya? Aba, oo. Nakakatakot pa rin siya pero nag-improve naman ako 'no! Marunong na ako lumaban. "Gusto ko na mamahinga. Nahatid ko naman na kayo, ano pa gagawin ko rito?" Inis na sabi ko sabay nagpaikot pa ng mata.

At ang bruha, talagang hanggang dito eh dinala ang pagiging competitive at umirap din. Mas mataray pa kamo, grabe na talaga. "Pag sinabi kong dito ka lang, dito ka lang!" Pagtataray niya sa akin at hinatak pa ako para paupuin sa sofa nila Yeri, napangiwi pa ako konti dahil may naupuan akong laruan na siguro ay laruan ng bunsong kapatid ni Yeri. 

Okay, sinabi ko naman na marunong na ako lumaban pero hindi ko sinabing mananalo ako. Napabuntong hininga nalang ako at napa-crossed arms, "Okay! Hindi mo kailangang manakit." Pairap na turan ko rito at nakita ko na naman ang nakakainis na ngiti nito.

Maganda ka pero sarap mo ring sapakin pa minsan minsan eh. Kung hindi lang ako natatakot na baka triplehin mo pabalik sa akin eh ginawa ko na talaga. Hindi naman tayo pero inuunder mo pa rin ako.

*

"Natahimik ka 'no." Natatawang pang-aasar sa akin ng bruhildang nagsimula ng lahat ng ito. Kung hindi ako ang inaya niya na ipagdrive sila edi sana maayos ang buhay ko at hindi na naman nagulo ang nararamdaman ko. Kasalukuyan akong umiinom ng banana shake dahil bukas na ang tindahan sa tabi ng bahay namin kani kanina lang. Hilig ko talaga bumili dyan ng shake dahil tag-init na rin, eh. 

Awtomatiko naman ang pag-ikot ng mata ko, "Alam mo, ewan ko sa'yo. Sa dinami dami ng pwede mo utusan na ipagmaneho kayo eh ako pa talaga ang pinili mo. Hindi mo rin sinabi sa akin na si Irene pala ang pinsan na sinasabi mo, malay ko bang uuwi pa rito yun!" Singhal ko sa kaniya sabay sipsip ulit. Ang init init na nga ng panahon, sumasabay pa ulo ko.

"Hindi kita maintindihan, parang nung nakaraan lang eh sabi mo namiss mo s'ya—" Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil walang sabi sabing tinapakan ko siya, "Aray!" Sinamaan niya ako ng tingin at hinampas pa. Tignan mo ang isang 'to, magsasabi ng kung ano ano tapos hindi ready sa consequences, eh kung sinasapak ko kaya 'to?

"Pwede ba i-preno mo 'yang bibig mo? Baka nakakalimutan mo nandito lang siya sa tabi?" Sarkastikong sabi ko at umirap na naman kaya natatawang tinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko. Irita talaga 'to, palibhasa wala siya sa posisyon ko, eh. Kanina pa ako kinakabahan? Lalo na sa t'wing napapansin kong tinitignan ako ni Irene from time to time.

"Hindi lang kasi kita ma-gets, bakit iniiwasan mo siya eh parang hindi kayo magkababata. Remember sabay kayong naliligo dati?" Parang ewan na pinaalala niya pa talaga iyon kaya naman napahilot nalang ako sa sentido ko. Sumasakit lalo ang ulo ko eh, masakit na nga dahil sa init at nakatambay ako rito sa labas dahil nga ayoko matabi kay Irene. Tapos dadagdagan pa niya.

"Manahimik ka nga, hindi mo ba na naiintindihan na dati pa 'yon? Hello, 12 years na ang nakakalipas? At yung pagsabay namin maligo noon eh walang malisya, bata pa kami non, kilabutan ka nga!" Sabay bato ko sa kaniya ng pinagbalatan ng piattos na kakabili ko lang din kanina. Tinitira ko talaga ang bato ko, eh. Bakit ba?

Napatawa naman siya sa sinabi ko at napapapalakpak pa, "Manahimik ka rin! Sino niloko mo? Eh crush mo naman talaga siya dati pa. Hindi nga't para kang tuod sa tuwing nagsasabay kayo magbihis dahil late na raw kayo at parehas naman kayong babae? Hindi ko kayo sineualize dahil bata pa kayo, ah. Pero yung naramdaman mo nalang mismo, ikaw naman ang may alam non. Alam ko naman na crush mo talaga siya—" Hindi na siya natapos sa pagsasalita dahil sinabunutan ko agad siya, oo yung aabot yung sakit sa bumbunan. Nakakainis na talaga ang isang 'to, ginulo na nga ang medyo tahimik kong buhay tapos ipapaalala pa sa akin ang mga yon. Oo na, bakla na talaga ako dati palang. Ano bang pinupunto nito? Ang tagal tagal na non.

"Aray! Napaka ano mo talaga!" Inis na sabi niya nang bitawan ko na ang buhok niya, mukha syang kinalahid ng manok. Napatawa naman ako sa itsura niya. Buti nga sa'yong pandak ka. Kinurot naman niya ako sa hita kaya naman napangiwi ako at hinampas agad ang kamay niya palayo, sinamaan ko pa ng tingin. Ito talaga laging may ganti. "Bakit ka ba nananakit dyan? Sinasabi ko lang naman ang totoo!" Dagdag pa niya habang hinimas pa ang ulo at inaayos ang buhok niyang nagulo dahil sa akin. 

Minsan na nga lang makaganti sa'yo, edi sinulit ko na.

"Hindi ko kasi alam anong sense bakit mo minemention ulit 'yan. Hello? A lot of things changed, maybe meron nga akong something sa kaniya noon pero that was what? 12 years ago? Do you think ganoon ako katanga para hintayin lang siya sa loob ng 12 years na yon?" Dire diretso kong sabi sabay iwas pa ng tingin at pulot ng binato ko kanina na balat ng piattos kay Yeri.

Sa totoo lang, oo, ganon nga ako katanga. Hindi naman talaga ako naghanap ng iba after nung pag-iwan niya sa akin noon. Wala eh. Hindi ko rin alam. Bata pa ako non at hindi ko nga alam ano ang meron sa amin noon pero aaminin ko na sobrang apektado ako na hanggang ngayon, hindi ako makahanap ng iba.

"Feel ko lang bet mo pa," Yun lang ang nasabi niya kaya naman tinignan ko siya at pinagtaasan ng kilay. At kailan pa naging observant 'tong bruhang to? Love expert na ba siya ngayon? "Hindi ko naman alam ang lahat ng details sa relationship niyo noon. Pero duh? Ikaw na nga ang nagsabi 12 years na ang nakakalipas, so hindi mo ba siya na-miss? Dito ka nalang ganon? Iiwasan mo siya palagi? Alisin na natin yung fact na may crush ka noon sa kaniya, parang hindi kayo naging magkaibigan." Sabi naman nito kaya naman napabuntong hininga ako dahil alam kong may point naman siya. Pero hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin. Sa totoo lang, ibang iba na kasi siya sa Irene na kilala ko noon. Or should I say, Hyunnie. Hyunnie ang tawag ko sa kaniya nung mga bata kami at yung Hyunnie na kilala ko eh bungi, tapos may pagkalampa. Iyakin pa kamo. Kahit na sadista na talaga siya noon at mahilig ako utusan, ewan ko ba, iba na kasi ngayon.

Like what I've said, a lot of things changed. Pero hindi sumama 'tong nararamdaman ko para sa kaniya, nanatili eh.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Tsaka, nahihiya ako. Ang ganda kaya ng pinsan mo." Iyon nalang ang nasabi ko dahil totoo naman. Nahihiya ako dahil hindi ako sanay na ganyan na ang itsura niya, maganda naman na siya kahit noon pa mang mga bata palang kami, pero hindi ganyan kaganda. Isa pa, lahat ng gagawin namin ngayon, may malisya na. Hindi katulad noon na crush crush lang, parang wala lang naman sa amin yun. Ngayon kasi, nasa tama na kaming pag-iisip, nakakaramdam na ako ng kung ano ano. At oo, naiilang ako. Nahihiya ako.

"Matakot ka if hindi siya maganda dahil hindi siya kabilang sa pamilya kung ganon, nakita mo ba lahi namin? Lahat kami walang tapon." At ganon na lang ang pagbusangot ng mukha ko nang taas noo niyang sabihin yan sa akin with matching ngiting aso pa. Ewan ko ba sa isang 'to, nung nagpaulan siguro ng kawalanghiyaan at kakapalan ng mukha ko eh gising na gising siya, nagtatampisaw, nakanganga pa. Lakas talaga ng apog, hindi ko mareach.

"Bakit mo sinama sarili mo? Oo maganda sila, sila lang. Pakiramdam ko nga minsan eh ampon ka." Pang-iinis ko sa kaniya at gaya ng inaasahan nakatanggap na naman ako ng malakas na hampas sa braso. Pamilya talaga sila ng mga sadista. Nasa dugo ba 'yun? Namamana pala yun?

"Ewan ko sa'yo!" Pag-irap nito kaya natawa ako, pikon din talaga 'to. Malas mang-asar pero pag binalik sa kaniya eh nananakit na at magtataray. "Sinasabi ko lang naman 'no. Lapitan mo 'yon. Namiss ka non." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ako? Namiss ni Irene? Hindi naman siguro. Baka namiss hampasin, bwisitin at utusan kamo. Aba kanina gusto ko umuwi, mantakin mong pinigilan pa ako at ginawang aso.

"Bakit mo ba ako pinupush sa pinsan mo? Nakakahalata na ako, ah." Sabi ko nalang dahil sa totoo lang, napressure ako sa sinabi niya. Hello? Palapitin ba naman ako? Ano? Hanggang sa pagtanda ba naman namin ako ang mag-aadjust? Ako ang magfifirst move? Ako na nga 'tong iniwan pero ako pa rin ang maghahabol.

"Kasi masaya ka sa kanya." Tipid na sabi niya at tumayo na. Napaawang naman ang bibig ko dahil hindi ko maintindihan sa kung paano niya bitawan ang mga salita na yun ay may kakaiba rito. At paano naman niya nasabi na masaya ako kay Irene? Kakauwi nga lang nito. Hindi ko na nga siya kilala sa totoo lang. Maaaring siya nga ang kababata ko, nakita niya na lahat lahat sa akin pero that was a long time ago. Maraming nagbago, mga paborito ko, itsura ko, mga ambisyon at paniniwala ko sa buhay, at sure naman akong ganoon din siya. 

Iniwan na nga ako ni Yeri na ngayon eh nakikipagkulitan na naman sa dalawang itlog na sila Karina at Lia. Napapailing nalang ako habang iniisip pa rin ano ang ganap ko rito. 

Tumayo nalang ako at lumapit sa basurahan sa labas ng gate nila at bumalik ulit sa pagkakaupo, kaya lang this time may tumabi na ulit sa akin. Hindi na si Yeri, kundi ang babaeng kanina pa gumugulo sa isipan ko.

Kailan pa siya nakalapit sa pwesto ko nang hindi ko nahahalata? Ganoon na ba ako kasabog? Ganoon na ba talaga ka occupied ang utak ko?

"Lalim ng iniisip mo ah." Patawang sambit nito ngunit hindi naman niya ako tinatapunan ng tingin, nakaupo kami ngayon sa may labas ng bahay nila Yeri kung saan may mahabang bangko doon na tambayan ng mga nagpapaaraw sa umaga. At dahil nga hindi niya ako pinauwi kanina, eto nandito ako ngayon, kanina kumakain pa ako ngunit ngayon wala na. Nakatanga nalang. Hindi pa ako tapos manood eh, naiwan ko na rin ang pringles sa kwarto ko kaya naman ayon, nakakaiyak nalang minsan.

Tinignan ko naman siya, hindi ko alam saan ako humugot ng lakas ng loob para matitigan siya kahit na nakakasilaw ang kagandahan niya. Kahit na side view talaga eh maganda eh, nasaan ang hustisya sa mga katulad ko na mapa front view eh panget? Mukha lang akong kriminal na nag mugshot. Pero echos lang hindi naman ako umabot sa ganoong punto kahit mukha akong haggard most of the time.

"It's rude." Ika nito sabay tingin sa akin kaya naman nanlaki ang mga mata ko at dali daling nag-iwas ng tingin kahit na nahuli naman niya akong nakatitig sa kaniya at mukhang ewan ata na naglalaway sa kagandahan niya. Masisisi niyo ba ako? Eh ang bilis bilis na nga rin ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko rin eh napipi ako dahil hindi ko talaga mahanap ang dila ko para magsalita.

"S-sorry." Iyon nalang ang nasabi ko at hindi na nga siya tinignan, nakatingin nalang ako sa bahay namin sa tapat dahil nga magkatapat ang bahay namin at bahay nila Yeri, kaya madali niya rin akong nabubulabog, eh. Ang batang iyon talaga.

Hindi ko man siya tinitignan ay alam kong nakatingin siya sa akin, maya maya lang ay natawa na ito. Huh? Bakit naman ang saya niya ata? Napapapalakpak din ito parang si Yeri sa t'wing natatawa ito. 

"Ang funny mo naman, hindi ka na talaga tumingin sa akin, masunurin ka pa rin?" Pagkaraa'y sabi niya habang natatawa pa rin kaya naman napakunot ang noo ko at tinignan na siya, nakita kong nakangiti na siya. At sinumpa ko ang kabaklaan ko dahil gandang ganda na naman ako sa kaniya, may nagpapaliksahan na naman atang mga kabayo sa loob ng dibdib ko. 

"Ewan ko sa'yo." Yun nalang ang nasabi ko dahil naiinggit ako sa kaniya, paano niya nagagawang kausapin ako na parang wala lang? Dahil ba mukha pa rin akong bata sa paningin niya? O mukhang uto uto? Ganon pa rin ang tingin niya sa akin after so many years. Samantalang ako, naiintimidate na sa kaniya. Ibang iba na kasi siya, eh.

Aaminin ko naman na hindi ako nagbago, baka kaya siguro comfortable siya na gawin sa akin kung ano man ang nakasanayan nyang gawin nung bata palang kami. Ang mang-inis, mambwisit dahil alam niyang hindi ako nakakapalag. Kung ano naman ang iniwan niyang ako, ganon pa rin hanggang ngayon. Siguro napatunayan niya iyon nung sinunod ko siya kanina. Pasensya na ha? Mukha lang talaga akong ewan na sumusunod lalo na pag siya ang nag-uutos, pakiramdam ko nga eh may magic siya sa akin.

"Hindi ka pa rin nagbabago." She told me in a matter of fact tone. Napatikhim naman ako at umayos ng upo, seriously? Ako lang ba ang naiilang sa aming dalawa? Ako lang talaga naiintimidate at hindi nagfafunction ng maayos ngayon?

Tama ka naman, hindi pa rin ako nagbabago, natatanga pa rin sa'yo.

Sa mga ngiti mo na mapapapikit nalang ang titingin dahil kumikinang ka talaga. Ganda rin ng ngipin mo, lahat nalang maganda sayo ultimo ata burnek mo.

"Paano mo nasabi?" Hindi naman ako nang-aasar sa tono ko pero inirapan niya naman ako. Bilis magbago ng mood, ah. Kakaiba talaga ang pamilya nila. Angkan ng mga topakin.

Hindi na siya nagsalita at tumingin nalang din kung saan ako nakatingin ngayon, sa harap ng bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya at hindi ko naman siya matanong. Aba ini-snob niya nga ako, eh. Nahihiya pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Namiss kita." Usal nito, mahina lang ngunit sapat na para marinig ko. Napayuko nalang ako, hindi ko siya matignan, hindi ko alam kung nakatingin na ba sya sa akin o ano.

Pero paano ako makakatingin ng diretso sa kanya kung ang sarili kong puso ay hindi ko mapakalma?

*

"Hoy ano ka bang bata ka! Tanghali na, aba gumising ka na!" Umagang umaga ay yan ang bumungad sa akin, sabayan mo pa ang tirik ng araw na tumatama sa mukha ko na nakakasilaw at ang init, teka nga! Sino ang hudas na nagpatay ng electric fan eh natutulog yung tao rito?

Ano ba namang buhay 'to? Araw araw nalang ba ako paparusahan sa mga kasalanan ko? Pero teka nga, may kasalanan ba ako? Ewan ko rin, pero bakit naman kasi araw araw ata ako minamalas. Daig ko pa mga kinakarma.

Rinig na rinig ko pa rin ang mala MAMA performance ng nanay ko sa baba na dadaigin pa ata si Kwon Jiyong sa pagrarap. Kumukusot ang mata na tumayo naman ako at sumigaw ng, "Bababa na!" Para naman matigil na ang nanay ko sa pagbunganga. 

Nakakunot ang noo ko naman na tinignan ang wall clock at nakita ko na 8 am palang. Wow ha? Oo nga ma, tanghali na. Walastik naman, oo. Wala naman akong pasok pero hindi pa ako hayaan na makatulog kung hanggang kailan ko gusto. Malapit ko na mahalikan si Lee Jieun sa panaginip ko, eh. Ano ba naman.

Pagkatapos ko maghilamos sa CR dito sa kwarto ko eh agad naman akong bumaba para magreklamo sa nanay ko kung bakit naman ang aga aga niya ako ginising eh mas nauna pa atang dumilat ang mga mata ko kesa tumilaok ang manok ni Mang Ruben. Oo, late talaga yung manok non. Ewan ko ba. Paubos na ata ang battery.

"Ma, bakit naman ang aga—" Hindi na natapos ang script na binuo ko sa utak ko para magreklamo sa nanay ko with respect nang matapunan ko ng tingin ang babaeng nasa kusina namin ngayon habang prenteng nakaupo at umiinom ng tsaa.

"Good morning." Nakangiting sabi nito ngunit may kakaiba sa mga ngiting yun, para bang nang-aasar. Ano na naman ba kailangan nito?

Dalawang linggo na rin simula nung umuwi si Irene rito at nang makitira siya sa bahay nila Yeri. Inshort, araw araw ko siyang nakikita. Dalawang linggo na rin. Paano ba naman, sa t'wing lalabas ako eh saktong palabas o papasok din siya. Kaya ayon, hindi maiwasan na makita na naman ang mapang-asar niyang ngiti. Minsan eh may mga pa-side comment pa siya para lang laitin ako. 

Kaya napatunayan kong itsura lang talaga ang nagbago sa kaniya. Siya na siya pa rin ang Irene na nambibwisit sa akin noon, eh. Grabe lang.

At walang araw— walang araw na hindi siya nambulabog. Buti pa nga mga estudyante, pahinga ang weekends. Pero etong babaeng 'to, ultimo Sabado at Linggo, nandito at kung ano ano ang ginagawa sa bakla kong puso. Linggo na dapat araw ng pamilya ngunit nasa bahay rin siya at nakikipagtawanan pa madalas sa nanay ko. Grabe 'te, may bago pala akong kapatid, hindi ako na-inform.

Ay kapatid lang ba? Sayang naman.

"Magandang umaga rin sa'yo, Irene, na una pang nakainom dito sa bahay namin kesa sa akin na nakatira rito." Sarcastic kong sabi habang kumukuha ng tubig sa ref. Inilibot ko ang tingin at napansing wala na palang ibang tao rito kundi kami lang. Saan naman kaya nagpunta yung iba? Pero syempre, hindi ko tinanong sa kanya. For sure, babarahin lang ako nyan. Ugali niyan, eh.

Napatawa naman siya na minsan eh nakakapagpatibok ng puso ko at minsan nakakapagpairap nalang ng mata ko. Grabe talagang 'tong babaeng 'to, parang pinanganak at sinugo ng Diyos para asarin ang isang simpleng mamamayan na kagaya ko. Baklang mamamayan.

"Cute mo." Hindi ko talaga alam kung nang-aasar ba siya sa t'wing sinasabi niya yan. Mukha naman siyang seryoso at gusto kong maniwala sa kanya kaya lang paano ko magagawa iyon eh sa tuwing pinupuri niya ako may nakapaskil na mapang-asar na ngiti sa mga labi niya? Bakas naman ang pang-iinis sa mata niya kaya naman paano ako maniniwala? "Lalo na pag tulog." Ayan tignan mo 'yan, sinasabi ko na nga ba.

Aba't teka nga, ano raw? Pag tulog? 

Wag niyong sabihin. . .

"Here, oh. Incase you're wondering." Parang ewan na sabi niya sabay pakita pa ng pic ko sa cellphone niya, alam kong kanina lang ito dahil yan ang suot ko ngayon. Gulo gulo pa ang buhok ko at bahagyang nakanganga pa. Tangina, nakakahiya!

"Burahin mo 'yan!" Asik ko at nagmamadaling

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Okay na-edit ko na doon sa "pangako" na part!!! Omg, hehdhahaha namali pa ako, sabog ata ako.

Comments

You must be logged in to comment
rilakchaerin91
#1
Chapter 1: Kakilig at kainggit lang at the same time 🥹🫶🏻
its_aaarrriii
43 streak #2
Chapter 1: *umiyak* worth it ang di pagtulog ko
its_aaarrriii
43 streak #3
Chapter 1: I'm not crying u are
YuJiministheStandard
#4
Chapter 1: Binabasa ko 'to yesterday which is New Year, umabot pa nga ako ng madaling araw, antok na antok ako habang binabasa 'to. Yung tipong inaantok ka, tapos tatawa and kikiligin ka, kaya ngayon ko na lang natuloy yung 1/4 to the last. Sobrang sakit ng panga ko kakangiti kagabi, kasalanan mo 'to, Bearchu! Doon sa confession scene na part, kinikilig na ako eh. Why mo naman pina-kindat si Seulgi? Kawawa yung bata, hoy. 😭

You really did great as usual. Pa-kiss nga! Charot. Happy New Year, Bearchu!
Goeynceilove
47 streak #5
Chapter 1: Love & Fluffiness... 💯🙌🐻🐰
kang_ddeul
#6
Chapter 1: ang cute nila talagaaaa!! 🤩🥺😭✊
Gab_17
#7
Chapter 1: Pota talandee haha kakilig naman mamser :))
spacecaramel
#8
Chapter 1: 💗💗
000014
#9
Chapter 1: Grabe huhu ang sarap sa puso
redbelve
#10
Chapter 1: Waaahhh napaka cute