Annoyingly cute

Cortejando
Please Subscribe to read the full chapter

Hello! Sinimulan ko to isulat around 2019? Tapos tinuloy ko lang. Sorry for the errors and karingey-han once again. Hope you enjoy it. Naka almost 14k pala ako rito, hindi ko namalayan. Natatawa ako dahil may JenSoo pa pala rito akong nalagay dati LOL.

 

***

"ETO na naman siya." Seulgi mumbled. Kausap niya ang mga kaibigan niya na sila Wendy, Joy, Kai, at Chaeyeon about sa mga chismis sa loob ng school nila, mga dakilang chismosa sila, oo. Masaya silang nag-uusap nang biglang mahagip ng mga mata niya si Bae Joohyun, o kilala bilang Irene—ang archer, president ng dance club, at muse ng classroom nila. She's famous, Seulgi can't deny that. That's a fact. Pero nakakairita ito, sobrang nakakairita. 

Biruin mo, lagi ba naman nakalingkis kay Seulgi. Binibilhan siya ng kung ano - ano kahit na hindi naman niya hinihiling dito. Laging nakasunod dito, laging nakatingin. Kahit na anong gawin niya ay pinupuri nito kahit na alam niya sa sarili niya na she didn't gave her best. Lagi itong present sa mga laban nila at hindi niya makakalimutan na sa tuwing may laban sila sa ibang school ay pupunta ito na may cheering squad pa na dala. Nagpamigay pa ito one time ng pamaypay sa mga taong nandoon na may mukha niya, oo mukha ni Seulgi na naka-nguso. Hiyang hiya siya that time kahit na napunta sa side nila lahat ng audience doon ay hindi pa rin niya makakalimutan kung paano siya mamula dahil sa ginawa ni Irene. Lagi rin siya nitong pinaglulutuan at binibigyan ng pagkain. And she doesn't like it. 

Yes, Irene is the goddess, masyado itong maganda para sa mundo ng mga tao. Talented, matalino. Lahat na siguro ng magagandang katangian na dapat nasa isang tao ay sinalo na nito, siya talaga yung beauty and brain, plus talent pa. At hindi niya alam kung bakit gustong - gusto siya nito.

Isa lang naman siyang simpleng estudyante na gustong maka graduate ng walang bagsak. Hindi katulad ni Irene na kailangang gumraduate na maraming medalya at achievements, hindi niya ma-reach. Out of her league kumbaga. Habang siya ay pa chill chill lang tuwing exam week nila, at kahit na hindi ma perfect basta pasado ay okay na sa kaniya. Unlike Irene, na todo pursigi sa pagrereview at miski isang mali lang ay ikinakalungkot nito. Kung siya naman ay okay lang kahit saang club sumali, kung hindi nga lang required ay hindi naman siya makikisali sa mga ganito, si Irene naman ay sobrang busy dahil president ito ng dance club at science club. Siya, average lang. Si Irene, sobra sobra for her.

Pero kahit na na kay Irene na ang lahat, at binigay na rin nito sa kaniya ang lahat, hindi niya ito gusto—yun ang alam niya, hindi niya ito magugustuhan dahil may iba na siyang gusto. Si Jisoo, yes, the one and only, Kim Jisoo. The campus chic, the social butterfly.

Kahit alam ni Seulgi na ang gusto ni Jisoo ay ang kaibigan ni Irene na si Jennie. Kay Jisoo lang ang atensyon niya, hindi niya alam kung bakit pilit na nakikihati dito si Joohyun. Bakit ito nagpapapansin pa rin sa kaniya kahit na ilang beses na niya pinamukha rito na hindi naman niya ito gusto. Medyo harsh, pero kesa naman paasahin niya ito, diba? Pero mukhang wala ata talagang talab ito sa dalaga. Kahit na anong gawin niya, magugulat siya kinabukasan ay okay na naman ito sa kaniya. Binabalik - balikan talaga siya.

"Hi, Seulgi, honey!" Nakangiting bati sa kaniya ni Irene. Sabi na nga ba. Hindi matatapos ang araw na 'to na hindi nilalapitan at nilalandi ni Irene si Seulgi. Mapagkakalaman na nga silang mag-jowa kung hindi lang lagi itong itinatanggi ni Seulgi. Alam ng lahat kung gaano ka-gusto ni Irene si Seulgi. Takutin ba naman nito ang mga teachers at gamitin lahat ng connections niya para maging kaklase si Seulgi. Ipinaiba rin niya ang sched ng training nila para masabayan ito sa lunch. Lahat lahat, ginagawa nito para makasama si Seulgi. Alam ng lahat iyon—at alam din ng lahat na tinatanggihan palagi ni Seulgi si Irene.

Na ikinapagtataka naman ng karamihan. Ano pa bang kulang kay Irene? Eh, halos ng tao nga sa eskwelahan nila, patay na patay dito at baka matignan lang sila ni Irene ay mapaluhod na sila. Sikat na sikat nga ang linya ni Irene na I'm making you fall to your knees dahil legit 'yon mga mare. 

Hindi niya na rin mabilang kung ilang lalaki at babae na ang nireject ni Irene for her, which is somehow, nakaka-guilty. Irene did a lot of things for her, yet she can't return the love that Irene gave her a long time ago. Hindi niya rin alam kung bakit, maganda naman ito, at hindi naman siya hipokrita para sabihin hindi siya attracted dito noon. Naging crush naman niya si Irene, pero bakit ngayon ay nawala na?

Inaamin niya naman na minsan napapasaya siya nito, pero hindi naman nya masasabi na mahal niya ito o ano. Baka mamaya nasanay nalang siya sa presensya ng dalaga. Isa pa, alam niya na si Jisoo talaga ang gusto niya. Kahit na mukhang wala talaga siyang pag-asa rito at tinawag pa nga siyang pare nito nung huli nilang pagkikita. Yan ang tropa-zoned.

"I'm not your honey, Irene." Inis na sabi ni Seulgi dito, nagtawanan naman ang mga kaibigan niya na kasama niya sa mesa at for sure, pag-alis ni Irene, iinisin na naman siya ng mga ito at ipupush na naman siya na i-date si Irene.

Hell no.

Hindi niya alam bakit push na push din ang mga kaibigan niya rito sa dalaga. Dahil ba sa inaasar lang siya ng mga ito dahil alam nila kung gaano siya naiinis sa tuwing nililink siya kay Irene, o talagang gusto ng mga ito si Irene para sa kaniya? Minsan na rin niya itong natanong kung bakit lagi nilang inaasar si Seulgi sa muse nila, pero ang sabi lang ng mga ito; kasi bagay kayo.

Anong bagay? Tao sila. Tao lang.

Naramdaman naman niya ulit ang kamay ni Irene na naka-angkla sa braso niya kaya napairap na naman siya. Napaka-clingy talaga nitong si Irene. Kung hindi lang talaga alam ng mga tao dito na ayaw ni Seulgi kay Irene, iisipin na nilang mag-jowa na 'yung dalawa dahil sa lagi silang magkasama. Well, si Irene kasi laging lapit ng lapit at sa hindi maintindihang dahilan—hindi rin ito kayang paalisin ni Seulgi. Oo, lagi niyang tinataboy si Irene pero alam niyang matigas ang bungo nito kaya most of the time, hindi nalang niya ito pinapansin.

Ang nagiging ending tuloy, lahat ng ginagawa ni Irene kay Seulgi ay hinahayaan nalang madalas ng oso. At hindi niya rin malaman kung bakit hindi naman siya uncomfortable sa ginagawa nito. Hindi niya ito gusto, pero dapat ay naiilang siya pero hindi, eh. Hindi naman siya natatakot dito, oo, madalas niya itong iniiwasan dahil nakasanayan na rin niya itong pagtaguan, at ayaw na rin niya ng issue galing sa ibang tao. Pero pag nandyan naman si Irene, imbis na maging uncomfortable ay iba ang nararamdaman niya.

Para siyang safe.

"Aww, you're so cute pag naiirita ka, honey." Irene cooed. Agad naman na napahagikhik ang mga nakakarinig. Kinikilig pa nga 'yung iba, lalo na 'yung mga kaibigan ni Seulgi na push na push yung ship name nila na SeulRene. 

Suportadong suportado talaga sila kay Irene at mismong sila Wendy pa nga ang nagbibigay ng impormasyon tungkol kay Seulgi kay Irene. Nung una ay inis na inis si Seulgi nang malaman ito dahil parang pinapamigay na talaga siya ng mga kaibigan sa babaeng hindi naman niya gusto. Nagulat nalang kamo siya isang araw pagpasok niya sa classroom ay may sampung pringles sa silya niya. Naiinis man siya dahil sa nangyari at nakahatak na naman sila ng attention, hindi naman niya makakalimutan ang gesture na iyon ni Irene sa kaniya.

Naaappreciate naman niya ang efforts nito, lahat ng mga bagay na ginawa at ginagawa nito para sa kaniya. Mga bagay na hindi pa nagawa ng kahit sino para mapangiti siya.

"Cute ka raw, Seul. Mag-thank you ka naman." Natatawang sabi ni Kai kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Seulgi. Tangina nito. Lakas pa mang-alaska, eh. Lagi talaga silang gatong sa tuwing kasama nila si Irene at tuwang tuwa naman palagi ang kuneho sa tabi niya. Siguro ang taas na ng confidence nito dahil alam niya, at sure siya na boto sa kaniya ang mga kaibigan ni Seulgi.

"Hell no, why would I?" Inis na tanong ni Seulgi. Lumingon siya sa babaeng nakalingkis sa kaniya at nakita niya na nakatingin din ito sa kaniya habang nakanguso at halata mo namang nagpapacute. Napalunok naman si Seulgi, tangina bakit ba ganiyan mukha ni Irene? Bakit nagpapacute ito palagi sa kaniya? At bakit iniisip niya na cute talaga ito?

At kailan pa nagkaroon ng epekto sa kaniya lahat ng ginagawang pagpapacute ng dalaga sa kaniya?

"O-okay, t-thank you." Sabi ni Seulgi at umiwas ng tingin. Nagtawanan naman ang mga kaibigan nila dahil sa itsura ni Seulgi na inaasar pa talaga dahil sa pagbigay nito sa pagpapacute ng katabi. Bwisit talaga sila, sa isip isip ni Seulgi. Alam naman nila na hindi si Irene ang gusto ni Seulgi kundi si Jisoo. Hindi ba? Iyon naman ang lagi niyang sinasabi sa sarili maging sa mga tao sa paligid niya, pati na rin sa mga nagtatanong kung sila na ba ni Irene.

Pero bakit ganito tibok ng puso niya? Bagay na hindi naman niya nararamdaman tuwing nandyan si Jisoo; na sinasabi niyang gusto niya.

***

"HI, sweetie!" Nakangiting sabi na naman ni Irene nang lumabas si Seulgi mula sa court. Volleyball player kasi si Seulgi, at may training talaga sila tuwing ganitong araw at oras. Seulgi mentally rolled her eyes. Nandito na naman si Irene. Bakit naman kasi masyadong botong boto ang mga kaibigan niya sa kuneho na 'to, at talagang halos ipagkanulo na siya at ibigay pa schedule niya.

Nakangiti ito sa kaniya ng matamis at mukhang wala lang naman dito ang iritadong mukha ni Seulgi nang makita siya. Mukhang immune na ito sa kasungitan ng oso at tinatak niya na rin sa kukote niya na mapapalambot din niya ang matigas na oso na ito. 

"Bakit nandito ka na naman?" Bored na tanong ni Seulgi habang naglalakad at inaayos ang bag niya. Agad naman siyang sinundan ni Irene at dahil nga may inaayos si Seulgi, hindi niya napansin ang nguso sa mukha ni Irene.

"Hindi mo ba ako namiss, honey?" Tanong ni Irene sa kaniya kaya naman napabuntong hininga si Seulgi, at nilingon ito. Nakita niya na nakanguso si Irene, at syempre hinding hindi niya aaminin na—ang cute cute nito. Idagdag pa ang cute na bucket hat nito na may design pa ng kuneho. Hindi niya alam kung saan niya ito nabili o kung pinagawa niya ba ito pero bagay na bagay naman ito sa kaniya.

"Hindi." Masungit na sabi ni Seulgi kaya naman mas sumimangot ang mukha ni Irene. Pinigilan niyang ngumiti dahil sa nakita. "Bakit ba nandito ka? Diba busy ka? Bakit lagi kang nakabuntot sa akin?" Tanong ulit nito sa dalaga. At hindi naman ito ang first time na tinanong niya ito ng ganon. Actually sa tuwing ganito ang nangyayari, na pupuntahan siya ni Irene sa mga ganitong ginagawa niya, tinatanong niya iyon dito. Paano naman kasi, alam naman niyang busy na tao si Irene at hindi niya alam kung bakit pinag-aaksayahan siya nito ng oras. Ang dami daming ginagawa nito, nagmamanage ito ng dalawang clubs as of now, archery player din ito at sa pagkakaalam niya ay tatakbo rin itong vp ng ssg council nila this school year.

"Honey, I will always find a way para mapuntahan ka dito. I will always make time for you." Sweet na sabi niya kay Seulgi with matching ngiti pa na pasok na sa commercial ng toothpaste kaya naman napaiwas ng tingin si Seulgi. Bakit ganun? Alam naman niya sa sarili niya na hindi si Irene ang gusto niya pero kinikilig siya rito. Siguro, dahil maganda naman talaga si Irene? Kaya siya kinikilig sa sinasabi nito? At alam niya kung gaano siya nito ka-gusto. Siguro, iyon nga. Siguro ganun lang. Hindi naman pwedeng gusto niya si Irene dahil alam niya na si Jisoo ang gusto niya. Naiirita siya sa presensya ni Irene pero pag nawawala ito, at hindi niya ito nakikita, hinahanap hanap niya ito.

Dahil lang ba sa naging crush niya rin naman ito noon kaya siya nagkakaganito ngayon? O dahil sa nasanay nalang siya sa presensya ng dalaga kaya naman niya ito hinahanap tuwing wala ito?

Iyon lang ba talaga, Seulgi?

"S-stop doing these things for me, hindi ko naman maibabalik 'to. Hindi ikaw ang gusto ko." Matigas na sabi ni Seulgi, hindi niya binibigyan ng sulyap si Irene dahil ayaw niyang makita ang reaksyon nito. Hindi niya alam pero kahit naman na naiirita siya kay Irene, nagtataka siya kung bakit siya ang gusto nito, at minsan naiisip niya na baka pinagtitrip-an lang siya nito, ang lakas ng epekto nito sa kaniya. Kung paano ito masaktan sa tuwing may sinasabi siyang makakasakit dito, kung paano siya ngitian nito, kung paano ito mag-effort para lang makausap siya.

Sinasabihan niya ito ng kung ano ano sa tuwing sumosobra na ito sa mga ginagawa niya, gusto niya itong tumigil na sa pangungulit sa kaniya dahil ayaw niya rin na masaktan ito lalo sa bandang huli pero hindi niya rin naman naaatim tignan ang malungkot na mukha nito sa tuwing ginagawa niya iyon.

Hindi niya alam pero hindi lang naman awa ang nararamdaman niya sa tuwing nasasaktan niya si Irene, it's more than just a pity. Nasasaktan siya pero hindi niya rin ma-explain kung bakit.

"I know, honey." Irene chuckled. Napabalik ang tingin ni Seulgi dito at nakita niyang nakangiti pa rin si Irene pero hindi na katulad kanina. Medyo lumungkot ang mata nito. Para namang nadurog ang puso sa nakita. Ano ba yang ginagawa mo, Seulgi. "I know. Pero that doesn't mean na hindi ko na pwedeng iparamdam sayo na gustong gusto kita, diba?" Irene asked, while smiling. Para bang nawala agad ang kanina lang malungkot na mata nito sa sinabi niya. "I want you to be happy, kahit na hindi ako, kahit na hindi tayo. Gusto ko lang bigay sayo lahat - lahat ng love and attention cause you deserve it, Seulgi. Habang wala pa, habang hindi pa kayo, habang single ka pa, hayaan mo akong gawin to sayo. Wag kang mag-alala, pag naging kayo na, titigilan na kita." Yan ang sinabi ni Irene at hindi alam ni Seulgi kung bakit ang bigat sa pakiramdam nung sinabi ni Irene. Ang bawat salitang binitawan nito ay tumagos sa puso niya at para bang piniga ito na hindi niya malaman kung bakit.

Naguguilty lang siya. Oo, yun lang siguro 'yung nararamdaman niya.

Kahit na mabigat ang pakiramdam ni Seulgi sa mga binitawang salita ni Irene, nagawa niya itong taasan ng kilay—gaya ng lagi niyang ginagawa. Sige, Seulgi. Paniwalain mo ang sarili na hindi ka naapektuhan sa sinabi niya. "Bakit naman? Bakit mo ginagawa 'to? Hindi mo naman kailangan gawin 'to para saktan ang sarili mo lalo na't alam mo naman palang hindi ikaw ang gusto ko." Sabi ni Seulgi kaya napatawa ng mahina si Irene. Para bang wala na rito ang sinasabi niya, ang paulit ulit na pagpapamukha rito na hindi naman ito ang gusto niya.

Bakit, Irene?

Matapos ang ilang minuto na katahimikan ay nagsalita ulit ito, na nakapagpatigil na naman kay Seulgi. Hindi naman na bago na marinig ang mga katagang ito mula sa dalaga pero sa tuwing naririnig niya ay iba pa rin ang epekto sa kaniya.

"Because I love you. . ."

***

HINDI alam ni Seulgi kung bakit nakangiti siyang bumangon nung tumunog ang alarm clock niya. Hindi niya alam kung bakit nakangiti siya na parang tanga kahit umagang umaga palang. Hindi niya alam kung bakit good mood siya. Kung bakit pagkadilat na pagkadilat ng mga mata niya kanina at pagkahikab ay umukit na agad ang ngiti sa labi niya. Hindi niya alam kung bakit masaya sya.

Basta masaya siya.

Kailangan bang may dahilan palagi para maging masaya? Hindi naman siguro required na masaya ka dahil sa isang tao, bagay, o pangyayari diba. Basta nagising siya na magaan ang kalooban at para bang ang aliwalas ng paligid.

"Good morning!" Masayang bati pa nito habang bumababa ng hagdan, nakita nito ang kanyang mommy bear na nag-hahanda ng breakfast nila. Lumingon ito sa kaniya at ngumiti. Kahit na halata mong may edad na ito ay maganda pa rin ito. May pinagmanahan talaga ako, pagyayabang niya sa isip niya.

"Good morning, anak. Kumain ka na, tapos ay maligo ka na at magbihis para naman makapasok ka na." Sabi nito sa kaniya. Tumango naman siya at umupo na nga. Agad siyang nagsimulang kumain nang biglang magsalita ulit ang nanay niya.

"Anak, bakit parang ang saya mo ata ngayon? Bago yan, ah." Her mom chuckled. Agad namang natigilan si Seulgi sa pag-nguya at nilingon ang mom niya. Nakita niyang naghahalo ito ng kape habang nakatingin din sa kaniya.

"Halata ba, ma?" Tanong nito at nagsimula ulit na sumubo ng hotdog. "Na ganito ang mood ko?" Dagdag pa nito. 

Kahit pala ang nanay niya ay napansin na parang ang saya niyang bumangon ngayong araw. Hindi naman kasi siya morning person, madalas talaga ay halos batuhin na siya ng nanay niya para lang magising lang siya. Ang ending ay nakabusangot tuloy ang mukha niyang bababa galing sa kwarto. Idagdag mo pa na hindi naman talaga siya sobrang pala ngiti.

Her mother nodded, while giggling. "Yes, anak. Nakakapanibago nga pero mas maganda ngang ganyan ang mood mo. Ang aliwalas mong tignan. Mas maraming magkakagusto sayo kung hindi ka lagi nakasimangot." Natatawang sambit nito na nakapagpanguso sa oso.

Mukha ba siyang masungit? Hindi niya alam. Sabi rin ng mga kaibigan niya ay bawas bawasan niya ang pagtataray at pagkunot ng noo dahil nagmumukha siyang nakakatakot kahit pa na mukha rin siyang mabait paminsan minsan. Hindi niya rin maintindihan bakit madalas ay grumpy siya pero hindi naman siya rude na tao. 

Kay Irene lang, minsan.

Napatigil sa pag-kain si Seulgi nang biglang magvibrate ang phone niya na nasa lap niya. Dali - dali niyang binuksan ito at hindi niya alam kung bakit naeexcite siya na makita kung sino ang nag-text sa kanya. Tangina, bakit ba ang weird niya ngayong araw? At bakit inaabangan niya kanina pa ang message nung tao na yun?

Hi, Seulgi honey. Good morning! May training kayo buong mag-hapon diba? Wag kang mag-alala, dadalhan kita ng lunch mo mamaya, then pang-meryenda! Wag kang magpapagutom at magpapapawis! Ingat ka palagi! Love you!

At yun, yun na nga ang nakapagpangiti ng bongga kay Seulgi with matching mahinang tili pa. Hindi niya alam kung bakit at ano ang dahilan bakit niya nararamdaman 'to ngayon. Okay naman siya nung nakaraan, at kahit na anong sabihin ng dalaga ay hindi siya naaapektuhan, well, slight. Pero ngayon kasi grabe naman, parang may kung anong nagrambulan sa tyan niya nang makita ang text nito sa kaniya. Okay, what the ? Tama ba 'tong nararamdaman niya? Kinikilig ba talaga siya kay Irene?

Bakit? Kailan pa? Tangina.

Eh parang nung unang text lang sa kaniya ni Irene nung kakakuha palang nito ng number niya ay nainis pa siya rito at ilang araw niyang hindi nireply-an kung hindi lang ito nagpacute sa kaniya. At syempre, dahil nga may kakaibang magic sa kaniya ang dalaga, nagrereply na siya rito kahit tipid lang.

At hindi man niya aminin sa iba, alam niyang iyon ang nakapagpabuo ng umaga niya.

***

PAGTAPAK palang ni Seulgi sa unibersidad, agad na siyang sinalubong ng mga kaibigan niya. Nakangiti ang mga ito sa kaniya kaya naman napataas ang kilay niya. Ano naman kayang problema ng mga ito? Umagang umaga ay baka sirain na naman ng mga ito ang magandang araw niya.

"Hi, Kkangseul! Good morning!" Agad na bati ni Joy at inakbayan siya. "Mukhang good mood ka, ah." Agad na puna nito sa maaliwalas niyang mukha. Kumakain pa ito na itinapat sa mukha niya na parang inaalok siya ngunit umiling nalang siya, busog pa siya.

"Syempre, makikita ko na naman si Jisoo." Sabi agad ni Seulgi. Hindi niya alam pero hindi naman talaga si Jisoo ang iniisip niya habang papunta siya sa school nila. Ni hindi nga ito pumasok sa isip niya—at natatakot na si Seulgi dahil ang weird niya na talaga. Hindi ba dapat na si Jisoo naman talaga ang magiging dahilan ng lahat ng nararamdaman niyang ito?

Okay, aaminin na niya. Hindi naman niya talaga sobra— as in sobrang gusto si Jisoo, humahanga lang siya rito. Kasi nararamdaman naman niya sa sarili na hindi naman siya gaanong nasasaktan kahit na naiisip nya yung thought na hindi siya magugustuhan nito pabalik.

Hindi niya rin alam kung bakit. Hindi naman niya masasagot ang mga sariling katanungan kung bakit niya ito nararamdaman. Siguro talagang nasanay nalang siya na sabihin sa iba na si Jisoo ang gusto niya, maging ang sarili niya ay pinapaniwala niya rito.

"Si Jisoo ba talaga?" Nang-aasar na sabi ni Chaeyeon kaya naman napataas ang kilay ni Seulgi sa kanya. Eto na naman ang mapang-asar na ngiti nito. Kahit talaga sinusungitan na sila ni Seulgi ay hindi pa rin nagpapatinag ang mga ito sa pang-aasar.

"Oo, bakit sino pa ba?" Syempre, dahil nga sa takot na maalaska ng mga kaibigan, hinding - hindi niya aaminin kung sino ang nakakapagpangiti sa kanya. Hindi ata makakaya ng pride niya yun, na parang kailan lang eh halos ipagduldulan niya sa mga ito na hindi niya magugustuhan si Irene tapos ngayon kinikilig siya rito.

At nahihirapan din siya aminin sa sarili niya yon.

"Akala namin si—oh, speaking of! Hi, Irene!" Sabi naman ni Kai. Kulang nalang mabali na ang leeg ni Seulgi sa pagkakalingon nang marinig niya ang pangalan ng babaeng kanina pa niya iniisip. At yun nga, nakita niya nga si Irene, nakangiti ito, as usual. Kailan ba hindi? Kahit naman kailan niya ito makita, basta mabalingan siya ng tingin nito ay automatic na ang kurba ng mga labi nito. Sobrang ganda ng mga ngiti nito lalo na nang makita niya si Seulgi. Dali - dali itong lumapit sa kanila. Hindi alam ni Seulgi pero ang bilis na talaga ng tibok ng puso niya at unti unti na siyang kinakabahan. Bakit ganito? Diba dapat kay Jisoo siya nagkakaganito?

Kasi iyon yung hinahangaan niya. Kahit na tanggap niyang hindi ito magiging kaniya, iyon pa rin ang gusto niyang paniwalaan. Si Jisoo dapat. Si Jisoo. 

Pero bakit ikaw, Irene?

"Hi!" Masayang bati ni Irene nang makalapit siya, as usual, agad na umangkla ito sa braso ni Seulgi. Napalunok lalo ang oso, eto na naman ang abnormal niyang puso. "Good morning!" Bati pa nito at humarap sa kaniya. Rinig na naman ni Seulgi ang mahinang tili ng mga kaibigan niya sa tabi niya. Tangina.

"G-good morning." Nauutal na sabi ni Seulgi na ikinataas naman ng kilay ng mga kaibigan niya. Una sa lahat, shookt sila. Bakit? Kasi nautal lang naman si Seulgi. Pangalawa, bumati ito pabalik ng good morning na hindi naman niya madalas ginagawa. Hello? Ang bungad kaya kay Irene pag binabati siya nito ay anong maganda sa umaga kung sasalubungin mo agad ako? Pangatlo, namumula ba talaga si Seulgi? Anong nangyari sa kaibigan nila na masungit at mailap kay Irene?

Inaasar nila ito palagi na may gusto kay Irene dahil iyon naman talaga ang nangyari noon. Nung mga panahong hindi pa siya kilala ni Irene, crush na crush na ito ni Seulgi dahil nagagandahan siya rito. Ngunit nakilala niya si Jisoo at napalapit dito, iyon naman yung mga oras na si Irene naman ang naghahabol sa kaniya.

Pero kahit na anong pang-aasar at pagtulong nila kay Irene dahil botong boto sila rito, hindi talaga natitinag ang pader na si Kang Seulgi. Para bang lalo itong nagkakaroon ng dahilan para huwag gustuhin si Irene. Paulit ulit din nitong sinasabi sa kanila na si Jisoo ang gusto niya, kahit na alam naman nilang nangyari talaga, pero aware rin sila na nag fade na yung feelings niya na yun para kay Jisoo. Baka hindi aware si Seulgi, pero sila ramdam nila.

Iniisip nila na baka nasanay nalang si Seulgi na gawin itong excuse para hindi na siya makantyaw ng mga kaibigan niya kay Irene.

"Kumain ka na?" Tanong ni Irene sa kaniya at tahimik na tumango naman si Seulgi na para bang naging maamong tupa. Okay. Ang weird talaga. Parang kanina lang, pinagpipilitan ni Seulgi na si Jisoo ang hinahanap niya. Tapos ngayon namang nandito na si Irene, parang nakalimutan na niya si Jisoo. Eto na nga ba ang sinasabi nila. Hindi man inaamin ni Seulgi pero alam naman nila na may epekto talaga ang kuneho rito.

Kahit na sinusungitan niya ito, may care pa rin siya rito. At take note, hindi rin niya ito matiis lalo na pag nagpapacute na si Irene.

"Okay, ang weird talaga ni Seulgi ngayon. Namumula ba talaga siya?" Mahinang bulong ni Joy sa katabi niyang si Wendy at sumisiko pa. Mukhang iisa lang sila ng iniisip habang nakatingin kay Seulgi na kinakausap ngayon si Irene. Mukhang pinapakita ni Irene sa kaniya ang niluto niya para rito ngayong araw.

"Oo, parang ganun na nga." Tumatango tangong sabi ni Wendy, nakikita niya na mukhang tumatalab na ang gayuma ni Irene. Syempre, joke lang. Walang gayumang naganap. Charming naman talaga kasi si Irene, kung siya lang ang nagustuhan nito ay baka mahulog na rin siya sa pagiging persistent nito. "Feeling ko talaga, may gusto na talaga si Kkangseul dyan kay Baechu." Dagdag pa niya kaya sumingit naman si Chaeyeon sa tabi nila.

"Kaya lang masyado talagang mataas pride nitong manok natin, hindi niya pa rin matanggap na hindi naman na si Jisoo ang gusto niya matagal na. Si Irene na kaya. Natatandaan niyo ba one time na wala siyang sabi sabi na sumugod sa ulan nung nagpapatila tayo sa isang coffee shop? Diba, si Irene pala ang pinuntahan niya non?" Mahinang sabi nito, iniiwasan na marinig ng dalawa ang usapan nila.

"Kaya nga, nagulat din ako roon pero at the same time hindi dahil caring naman siya kay Irene in her own way, hindi niya lang pinapahalata at baka hindi niya rin nahahalata sa sarili niya na nagagawa niya na pala." Sabi naman ni Joy sabay kagat sa kanina niya pa kinakain na kariman, ham and cheese.

"Meron pang one time na sinugod niya yung tatlong babae na nadaanan natin na pinagchichismisan si Irene. Paano naman kasi sinalo na ata ang lahat, dami tuloy naiinggit sa kaniya sa tabi tabi. Jusko, nagulat din ako don. Hindi ko ineexpect na makikipagsagutan siya para kay Irene eh siya nga mismo walang pakeelam sa sinasabi ng iba sa kaniya." Natatawang sabi ni Wendy. Hindi naman nakikisama si Kai sa kanila ngunit alam nilang alam nito ang pinag uusapan nila. Naglalaro kasi ito sa kanyang mobile phone. Habang yung dalawa namang pinag-uusapan nila ay nag-uusap pa rin hanggang ngayon.

And wait,

"Did she just smile?" Pare pareho talaga sila ng takbo ng utak dahil iisa lang din ang iniisip at tinitignan nila ngayon.

Si Seulgi, nakangiti habang inaayos ang buhok ni Irene.

"What was that?" Yan ang bungad na tanong nila rito sa oso nang lumapit na ito sa pwesto nila. Umalis na si Irene kani kanina lang at hindi nakaligtas sa paningin nila ang pagnakaw ng halik sa pisngi ng kuneho rito.

At ang weird?

Imbis na mainis o kumunot ang noo ay lalo nalang napangiti ang oso. Isang tanawin na hindi mo makikita araw araw, sobrang bihira. Hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon pero ang alam nila ay masaya ito.

Si Irene ang dahilan.

"Anong meron?" Napakunot na ang noo nito nang mapansin na nakatingin sa kaniya ang apat na kaibigan nung umupo siya sa tabi ng mga ito. May dala dala na pala itong delight na mukhang binigay ni Irene sa kaniya kanina. At tinanggap niya.

"Ang weird mo." Si Chaeyeon na ang sabi ng iniisip nilang lahat. Pasalamat nalang din sila at may pagka ano rin 'tong isang to, minsan kasi ay hindi nila masabi kay Seulgi pag napag uusapan nila ito about kay Irene.

"Bakit naman?" Kunot noong tanong niya ulit sa mga ito sabay inom ng delight na hawak hawak niya, parang wala itong clue sa mga sinasabi nila.

"Una sa lahat, kanina pa maganda ang mood mo. Which is bihirang bihira dahil ayaw mo na naaano ang pagtulog mo at hindi naman pwede yun dahil maaga ang pasok natin so araw araw ka bad mood tuwing umaga. Pangalawa, nag-good morning ka pabalik kay Irene na bihira mo lang gawin dahil lagi mo siya binabara sa tuwing lalapit siya sa atin dahil nga bad mood ka. Pangatlo, namumula ka kanina! Hindi mo ba nakita yung mukha mo? Nautal ka pa. Not so you, our dear bestfriend. Pang-apat, nakita namin kaninang ngumiti ka, and last, tinanggap mo yung bigay niya? Eh may bawas na yan, Seulgi. Ano yan indirect kiss kayo?" Talak at sunod sunod na sabi ni Joy, lahat lahat talaga ay inisa isa niya, walang nagkulang.

Hindi na nakasagot si Seulgi nang sunod sunod ang pagbato sa kaniya ng mga salita ni Ligaya. Ano ba kasi ang dapat niyang isagot? Eh siya mismo naguguluhan sa sarili niya.

What are you doing to me, Bae Joohyun?

She wanted to say na maybe Irene gave her a love potion, but she knows na Irene wouldn't do such thing. Inasar niya ito one time na baka gayumahin siya nito at ang sagot niyo ay I would rather suffer because of you, not loving me than accepting the love that's not genuine in the first place with matching flip hair pa at dinagdagan pa niya ng and I'll make you fall for me without those stupid potion.

Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya pero mukhang nangyayari na ata ang sinigaw sa kaniya ni Irene nung una niya itong i-reject.

"Mahuhulog ka rin sa akin! I don't know when, or how, but I'll make sure to make you fall inlove with me!" 

Oh god, is this really happening?

"Natahimik na siya, hinay hinay lang kasi, Ligaya." Natatawang sabi ni Kai nang hindi na nakasagot ang oso. At dahil sa sinabi nito, nagbalik naman si Seulgi sa katinuan at napatingin sa kanila, sabay buntong hininga.

"Hindi ko rin alam kung bakit, sa totoo lang. . ." A long sigh, "Pero naweweirduhan talaga ako sa sarili ko these days." Iyon lang ang sinabi niya. Pinag iisipan pa niya if sasabihin niya sa mga ito ang kakaibang nararamdaman niya kay Irene nitong nakaraan dahil baka mamaya ay pagtawanan siya o lalong asarin ng mga ito.

"Bakit naman?" Tanong ni Wendy, matamang tinitignan siya nito, na para bang sinusuri ang bawat galaw at mga salitang bibitawan niya.

"Hindi ko alam. Parang hindi ako 'to." Iyon lang ang sinabi niya at kinuha na ang cellphone sa bulsa, hindi na niya gustong ikwento pa ang lahat sa mga ito. Hindi muna sa ngayon. Hindi nga rin siya sure sa nararamdaman niya eh.

Hindi niya rin alam kung paano ito nangyayari kaya wala muna siya pagsasabihan. Kailangan niya malaman, o mapagtanto kung ito na ba talaga. O baka mamaya naguguluhan lang siya. Mahirap maging impulsive sa mga decisions sa buhay, baka may masaktan siya.

At hindi niya gugustuhin makasakit.

Lalo na kung si Irene.

Hindi siya makatulog.

Hindi niya alam kung bakit parang kalungkutan ang yumayakap sa kaniya ngayong gabi.

Hindi naman siya dating ganito. Sa katunayan pagkahiga niya, maya maya lang ay makakatulog na siya dahil sa nakakapagod na araw at kailangan ng puso, utak at katawan niya ng pahinga.

Pero ngayon; parang may mali, parang may iba, parang hindi tama. Parang ang bigat. Mabigat ang pakiramdam niya, sobrang salungat sa nararamdaman niya kaninang paggising niya.

Ang mga ngiting iyon, ang tawa, ang kumikinang na mata.

Nakita niya ulit kanina, pero hindi para sa kaniya.

Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya, nagseselos? Naiinggit? O natatapakan ang ego dahil hindi lang siya ang nakakagawa non sa dalaga?

Kanina ay ayos pa siya, sa kung paano niya hinayaan na subuan siya ng kuneho kanina. Sa kung paano niya hinayaan na punasan nito ang bibig niya dahil sa mga sauce na naiiwan sa labi niya. Kung paano siya nito pinunasan ng pawis nang mapansin ang munting butil sa noo niya.

She was okay. She was fine.

Not until that Suho guy showed up. Displaying his perfect white teeth, giving his best commercial worthy smile. 

And she can't be like that.

She knows that she can't give Irene a smile like that. And it's irritating her.

Ang mga tawa ni Irene na sa unang beses, unang beses na ang mga tawa nito ay hindi naging maganda sa pandinig niya. Kung paano niya hampasin ang binata sa braso.

Gustong gusto niya malaman kung ano ang pinag-uusapan nila, gusto niya mag teleport, at maging invisible nung mga oras na 'yon para malaman kung ano ang sinasabi ng lalaki para mapangiti si Irene ng ganon.

Insecurities are eating her up. And of course, she doesn't like to feel this way.

Bakit? Para saan? Anong meron? Anong nangyayari at bakit siya nagkakaganito?

Dahil ba sa hindi ma-take ng ego niya na baka maka move on si Irene sa kaniya at nasanay siya na kinukulit nito; o may iba? O mas higit pa doon?

Kung kailan naman unti unti niya na gusto aminin sa sarili niya na bumalik ang paghanga niya rito— or maybe more than that, tsaka naman nagkaganito. Parang biglang sumingit sa eksena ang binata, para bang nakatadha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
YuJiministheStandard
#1
Chapter 1: Putangina, Sana all. When kaya? Lahat ng nasa paligid ko may jowa and bebe na. Ako itong raging gay na single and kinikilig sa love life ng iba. Ang kyut-kyut ni Madam Eneri dito. That kind of Irene is a rare Irene. Bearchu, bakit trip mong pinapakindat yung Seulrene? Maawa ka naman. 😭. While reading this, kumakain ako ng siomai na naka-dip sa spicy na soy sauce. Punyawa ka, Bearchu. Nasamid ako dahil natawa ako habang binabasa to, ansakit sa lalamunan, maanghang pa naman yon. Masyado ka nang mapanakit. Charon't.

Ang galing-galing mo talaga. Lagi mo akong pinapasaya. You made my day. You are really one of the standard in terms of writing a tagalog fic here in aff, no . Pakasal na nga tayo! Thank you, Bearchu! <3
its_aaarrriii
40 streak #2
Chapter 1: Made my day already, thanks po sa pagpapakilig.😭😭😭😭😭😭
kang_ddeul
#3
Chapter 1: SHEMS NAKAKAKILIIIG TALAGAAAA 😭🤩🥰
spacecaramel
#4
💗💗💗
rish08 #5
Chapter 1: Aww... kala ko may eentradang cheering squad s gilid eh.. haha eh di kau na talaga. 🤣🤣🤣
000014
#6
Chapter 1: Hala ang landi nila kinilig ako chos hahaha
redtvelve
#7
Chapter 1: YAWA KINIKILIG AKK
Irish28
#8
Chapter 1: walang butterfly in the stomach. Hindi ko naramdaman sa tiyan ko! Shuta lahat ng paru-paru lumipad sa bandang dibdib lahat. weeew ang ganda!
Sachiko31
#9
Chapter 1: Uwuuuuu. Grabe naman magpakilig. 🤧 Yung feels ko apaw apaw na. 😊😍🥰
lokonaba
#10
Chapter 1: shet ang cuteeee