The most beautiful thing you've ever seen

Beautiful
Please Subscribe to read the full chapter

Hello this oneshot was also written 3 years ago. Sorry for kacringey-han, at sa errors. 1.4k lang to nung pinublish ko sa wattpad so inayos at dinagdagan ko ngayon. Hope you enjoy it!

***


"GUSTO kong magpicture kayo ng isang napakagandang lugar, pagkain, bagay o tao na tingin nyo ay pinakamaganda sa buong mundo. Yung kaaya-aya sa paningin. Lagyan nyo din ng paliwanag kung bakit iyon ang napili niyo. Gusto ko lang makita kung ano yung pinaka magandang tanawin para sa inyo, at kung paano niyo ito maipapaliwanag nang maayos kung bakit ito ang napili niyo."


Nagsusulat ako pero napaangat ako ng tingin nang sabihin iyan ng aming guro. Medyo napataas pa ang kilay ko. Ano na namang kagaguhan na naiisip ng teacher na 'to? Hindi ko na talaga alam anong sense minsan ng mga pinapagawa niya.

I mean, ang daming maganda sa mundo, paborito mong pagkain, magandang lugar na gustong - gusto mong puntahan, pinakacute na hayop— marami. Sobrang rami. Hindi naman natin matitimbang lahat iyon, hindi ba? Paano ka makakapamili kung sa bawat category ay meron kang pinaka magugustuhan? Kung sa lugar, marami kang magagandang tanawin na pwedeng makita. Sa mga hayop na tingin mo ay nakakataba ng puso sa tuwing makikita mo sila, yung ang sarap ibulsa dahil sa sobrang kakyutan. Kahit nga pagkain ay pwede, basta kumikinang ang mga mata mo sa t'wing makikita mo ang specific na pagkain na yun, nararamdaman mo yung saya, pwedeng pwede eh.

Pero bakit kaya 'yun pa? Ang dami - dami, paano ako pipili nyan?

Napabuntong hininga nalang ako habang napapailing, ang dami ko na ngang problema tapos dadagdag pa 'to, grabe ka na talaga sa aking tadhana ka. 

Nagpatong patong na talaga ang lahat, wala rin talagang consideration most of the time ang mga prof dito, kita mo na ang dami dami nila pinapagawa, tapos madalian pa gusto. Hindi naman siguro kami robot na hindi nakakaramdam ng pagod o kahit ano pa man diba? Nauubos din ang energy ng isang tao kahit na anong pilit natin na ituloy ang mga gawain, nakakadrain na rin talaga paminsan minsan.

Napakamot nalang ako sa batok at pinagpatuloy ang pagsusulat ko, bahala nalang kung ano ang makita kong pinaka maganda sa paningin na sinasabi ng guro na ito. Siguro maghahanap nalang ako on the spot at kung ano nalang ang makita eh iyon ang kukuhanan ko ng litrato, wala namang maling sagot dito, diba? Basta may grades.

***

"Seulgi!" Napalingon ako at nakita ko si Irene na naka-crossed arms habang papalapit sa akin. Magkasalubong ang kilay nito, hindi ko alam kung automatic na ba na ganiyan yan sa tuwing makikita niya ako. Para naman kasing ewan, hindi ko naman siya inaano, pero sinusungitan niya ako madalas. 

Napabuntong hininga naman ako, ayan na naman si Miss Bae na masungit pero lapit naman ng lapit sa akin. Crush ata ako nito, hehe. Pero hindi, joke lang. Hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isip niya madalas, kasi minsan para kaming okay pero madalas, hindi naman pala. Yung tipong ngayon ay papansinin niya ako pero mamaya maya ay para na naman akong hangin na dinadaan daanan niya. Hindi ko naman maintindihan anong sense na kausapin pa ako.

Hindi naman kasi ako sobrang talino na estudyante, magegets ko pa if iyon ang habol niya kaya dumidikit siya sa akin pero hindi naman kasi ganon yun. Hindi siya ganoon, kahit pa siguro sobrang talino ko. Mataray lang siya pero hindi naman siya user. Iyon ang pagkakaalam ko.

"Bakit po?" Hawak hawak ko ang laptop sa isang kamay ko at ang bag naman sa kabila. Mahigpit ang pagkakahawak ko rito, takot ko na rin na mahulog ano. Hindi naman ako tumatae ng pera para agad agad mapagawa 'to if ever masira. Pero hindi ko alam bakit parang mas humigpit ang hawak ko rito kesa kanina. Kinakabahan ba ako?

Pauwi na sana ako pero itong pandak na 'to tinawag pa ako. Miss Bae talaga ang tawag namin sa kanya dahil una sa lahat, tanda iyon ng paggalang. Kahit na estudyante lang din siya gaya namin, may katungkulan siya sa school na 'to. Lahat naman ng officers ay ginagalang dito. Natatawa na nga lang ako sa ibang kakilala ko na hindi taga rito sa school namin. Sa tuwing pupunta sila pag may program na pinapayagan naman ng school na 'to ang outsider, nagugulat pa rin sila na sobra naman daw kami magbigay galang sa mga student officers dito. 

Sa school daw kasi nila ay hindi ramdam ang mga officers nila, dinadaan daanan lang, nababastos pa nga raw minsan. Pero rito kasi, sobrang ramdam mo yung mga officers dahil kahit walang ganap, makikita mo na inaasikaso talaga nila ang trabaho nila. Araw araw talaga iyon. Kaya siguro nakasanayan na rin ng mga tao sa school na to matakot sa mga officers at gumalang dito kagaya ng pagbigay galang nila sa mga teachers. Kumbaga nabigyan talaga ng authority ang mga officers dito sa school namin, kahit na anong level, kahit na iba ibang batch na ang magdaan, ganon pa rin.


"Samahan mo ako." Hindi siya nagtatanong, at hindi rin nakikiusap. Isa iyong utos. Ang kaniyang pagsasalita ay plain na pag-uutos na para bang expected niyang papayag agad ako. Diretso lang itong nakatingin sa akin at wala manlang akong nakikita na kahit ano sa mata niya. Ang dali dali rin talaga sa kaniyang makipagtitigan. Hindi mo naman makakaya na titigan siya ng sobrang tagal dahil maiilang ka talaga at madidistract sa ganda niya. Okay, Seulgi. Tapos isa pa 'tong ugali niya na akala niya lagi niya ako mapapasunod sa mga sinasabi o inuutos niya sa akin.


Well, hindi ako ganon—


"Sige. Saan ba?" —tangina. Nakakainis ka talaga Kang Seulgi, bakit ba hindi mo siya matanggihan? May gagawin pa akong presentation pero eto ako, nagpapatangay sa tukso. Iba na ba talaga ang epekto sa akin ng babaeng 'to? Ni hindi ko siya tinuturing na kaibigan talaga at alam ko naman na ganon din siya sa akin. Napaka weird lang talaga na madalas kaming nagkakasama pero magkakilala lang naman ang turingan namin sa isa't isa.

Matagal ko na siyang nakikita at kakilala, ganon din naman siya sa akin. Elementary palang ata kami ay magka schoolmate na kami. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana dahil hanggang ngayon ay magkasama kami kahit na naka ilang lipat na rin ako ng school, nagugulat nalang ako nandoon din siya. Pero aaminin ko naman, natutuwa talaga ako pag nakikita siya. Lalo na pag siya yung namumuno sa isang team, organization, o kahit ano pa man. Pakiramdam ko ay magiging ayos ang lahat.

Ganoon kasi ang datingan niya, pinanganak siguro siya para maging leader talaga. Ngiti niya lang ay parang assurance na magiging okay ang lahat basta nandyan siya. Kaya naman nakakampante ako everytime na she's around, ang corny man pero nakakalma talaga ako pag nakikita ko siya. Para kasing sinasabi ng presensya niya sa akin na it'll be alright palagi, whatever happens, as long as she's around, everything will be okay.

Ang weird no? Hindi naman sila magkaibigan at super close pero napaparamdam ito ni Irene sa kanya. Lakas talaga ng tama.


"Kahit saan, hahanap ako ng lugar na maganda o mga bagay." Ay, pinapagawa rin pala sila ng ganun. Sakto naman pala at nang magawa ko na rin ang akin. Hindi naman pala ako dapat na magsisi dahil atleast may kasama akong gagawa at maghahanap ng magandang bagay na sinasabi ng teacher namin. Hindi ko pa rin ma-gets up until now bakit iyon ang naisip ng teacher namin na ipagawa sa amin. I mean, if ikaw ba naman ang papiliin ng ganon in general, may masasagot ka ba agad? Para naman kasing dami mo talagang paborito, sana kung nagbigay siya ng specific na ano lang. Like lugar lang, animal lang, tao lang, or something. Kaya lang hindi eh, sabi niya sa lahat. Kaya naman ang daming choices, sasabog na ata ang ulo ko.

Sinabi pa niya na kailangan ayusin ang explanation, shuta na iyan. Imagine, hindi naman sobrang bukal sa loob mo na isa lang ang mailagay mo doon pero need mo pa mag explain ng maganda para naman may grades ka.

"Sige. Gagawa na rin ako. May ganiyan din kasing pinapagawa sa amin." Tugon ko nalang sa kaniya habang tumatango tango pa. Hindi kami magkaklase, hindi rin kami bestfriend. Hindi ko alam kung bakit kami nag-uusap. Hindi kami masyadong close, hindi niya din ako madalas tinitignan. Pero madalas niya akong nilalapitan at kinakausap. Hindi kami madalas magkasama, pero pag nagusap kaming dalawa parang ang tagal na naming magkakilala. Alam niyo yun? Pag hindi kami nagpapansinan, okay lang naman sa akin. Pero once na kausapin niya ako, casual lang. Para bang close kami kahit na hindi. Para bang sobrang kilala ko siya at ganoon din siya sa akin. Pero isa lang ang alam ko, everytime na nagkakausap kami, natutuwa ako.

Okay lang sa akin na makita siya sa malayo, alam ko na kilala niya ako, nararamdaman niya ang presensya ko, hindi lang ako basta basta sa kaniya, alam niya full name ko, mukha ko, kung saang section ako, and it's enough. Pero syempre, sobrang natutuwa ako pag kinakausap niya ako. Although inaasar ko siya pa-minsan na baka crush niya ako na hindi naman niya sinasagot basta lang ay sinasamaan niya ako ng tingin kaya naman nanahimik na ako. 

Mahirap na baka naman masapok pa ako, may pagka sadista pa naman 'to.

Hindi ko rin siya matanggihan. Hindi ko rin maiwasan na hindi siya tignan. Hindi ko maiwasan na hindi humanga sa taglay niyang talino, at galing. Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing makakasalubong ko siya, natutuwa ako na parang tanga.

Basta ang alam ko, automatic ang oo pag si Bae Joohyun ang kaharap ko.

Kahit na ano pa man ang ginagawa ko, o kahit na hindi naman talaga ako free sa araw na utusan niya ako, sumusunod nalang ako ng kusa sa kaniya.

Nakakatawa lang dahil hindi siya nakikiusap. Hindi siya nagtatanong. Inuutusan niya ako na para bang alam niyang hindi ako makakatanggi sa kaniya.

At isa naman sa pinaka paborito ko ay pag um-oo na ako sa sinasabi niya, makikita ko na ang matamis na pagsilay ng ngiti sa labi niya.

Hindi ko alam kung anong tawag sa amin. Hindi kami magkaibigan, hindi kami magkaaway. Lalo na hindi kami mag-jowa, asa nalang ako doon. Magkakilala lang kami, alam namin ang mga basic na information sa isa't isa. May mga pagkakataon na napag-uusapan namin ang mga simpleng bagay na nakakapagpa-stress sa amin at mas nakakadagdag ng problema namin.

Bagay na nasheshare mo sa mga kaibigan mo.

Pero uulitin ko, hindi kami magkaibigan.

Hindi naman sobrang lalim ng samahan namin, pero hindi rin naman mababaw. Sakto lang, sapat lang. Kagaya niya. Siya para sa akin. Sakto lang, tamang tama para sa akin.

"Tara na." Alam ng lahat na masungit at may pagka-rude siya pero heaven naman ang mga ngiti niya. Yung tipo bang nakaksatisfy na mangitian ka niya at para bang literal kang nanalo sa lotto pag nagawa mong mapangiti siya. Alam niyo yun? Para kasing ang mahal ng mga ngiti niya.

Pero ang swerte mo pag napangiti mo siya kasi nakikita mo yun ng libre.

"Lilibre mo ba ako?" Hindi rin siya abusado, hindi rin siya manggagamit. Yung way ng pagtatanong niya ay pagbibiro lamang pero para sa akin handa akong bilhin lahat ng gusto niya. 

Kailan ba hindi? Kailan ba ako nakatanggi? Hindi ko nga alam kung may isang pagkakataon ba na tumanggi ako sa kaniya. Siguro kung nangyari man ay sobrang tagal na dahil hindi ko na tanda kung kailan yun.

Marunong naman ako humindi, alam ko naman kung ano yung mga top priorities ko sa buhay. Lalo na sa mga demonyo kong kaibigan na nag-aaya ng inuman sa t'wing hell week. Marunong akong tumanggi pag alam kong ako rin naman ang mapapahamak bandang huli.

Pero pag sa kaniya hindi ko kaya, eh. Napapa-oo nalang ako sa t'wing siya na ang usapan.

Hindi ko rin alam kung sinasadya ba ng tadhana, ngunit sa t'wing may inuutos siya sa akin; never humiling, never nakiusap, never nakisuyo, talagang utos. Sa tuwing may inuutos siya sa akin ay never naman nakasagabal talaga sa akin, lagi rin akong nagbebenefit don.

Hindi ko alam kung coincidence lang ang lahat pero ang alam ko lang, never siyang naging hindrance sa kahit ano.

Handa naman akong ibigay ang lahat sa kaniya, hindi ko alam kung alam niya iyon.

Pero it doesn't matter naman. Ang goal ko pa rin ay mapasaya siya, alam niya man o hindi.

"Oo." Ang ganda ng mga ngiti niya, sobra. Medyo mahirap makuha, mahirap maabot, mahirap makita. Siguro kailangan mo pang lumunok ng isang baso ng karayom, o kailangan mo pang inumin ang lahat ng tubig sa ilog. Charot lang. Hindi naman ganon kahirap, pero that doesn't change the fact na, mahirap. Hindi naman siya madamot magbigay ng ngiti, talagang sobrang madalang. Never mo siyang makikita na fake ang ngiting ibibigay sa iba, para sa kaniya, mas okay na wag nalang ngumiti kesa peke lang naman. 

Kaya worth it yun, eh. Kasi kahit na mahirap makita, sobrang genuine naman palagi. Sobrang madalang siya ngumiti sa iba bukod siguro sa pamilya at talagang mga ka-close na niya.

Pero sa tuwing binibigay niya, iisa lang naman ang nagiging epekto sa akin.

Bumibilis tibok ng puso ko. Nakakabaliw, nakakabaliw ka, Irene.

***

"ANG daming lugar na ang napuntahan natin pero wala pa rin akong mapili. . ." Paghihimutok niya sa akin habang naglalakad kami kaya naman tumingin ako sa kanya. Napangiti ako ng kaunti nung makita ko na nakanguso siya na parang bata at nakahawak na sa tyan niya. Napaka-cute. Naalala ko sa ginagawa niya ang nakababatang kapatid ko, ipakilala ko kaya sila sa isa't isa someday? Parehas baby ko, err, landi mo Seulgi.

Hindi kami magkaibigan pero isa ako sa mga tao na mukhang komportable na talaga siya dahil hindi siya nahihiya sa tuwing pinapakita ang ganitong side niya. Yung side niyang masaya lang at walang inaasikasong paper works, walang pinapagalitang estudyante, walang sinisigawan sa hallway, walang iniintinding tambak na trabaho. Yung hindi masungit, at rude (minsan) na Irene. Hindi strikto, walang iniisip na kahit ano. Masaya lang at parang bata.

Hindi ko alam kung bakit, at kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko alam ang sagot bakit ginagawa niya sa akin 'to, bakit parang kilalang kilala niya kung paano ako mapapasaya. Hindi siya nag eeffort, sa totoo lang. Makita ko lang naman kasi siya natutuwa na ako.

Cheesy mo, gago.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko kung gaano kabilis ang paglingon niya sa akin at kung paano lumawak ang ngiti niya at nawala ang nguso sa labi niya. And I swear to God, iyon na ata ang isa sa pinaka cute na nakita ko. What are you doing to me, Bae Joohyun? Hindi naman na bago sa akin pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sago

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
55 streak #1
Chapter 1: Reread hshshsh
Sanatozaki9
#2
Chapter 1: eyy kilig
its_aaarrriii
55 streak #3
Chapter 1: So soft, iiyak muna ko teka
_m3owrene
#4
Chapter 1: Sweet nemen 😍
kang_ddeul
#5
Chapter 1: busog na busog yung mga puso namin otor-nim!! 🤩💖
rubay12 #6
Chapter 1: ❤
Gab_17
#7
Chapter 1: Potaena kakilig naman mamserrr, sana all!!!
spacecaramel
#8
Chapter 1: NAPAKA CUTE
kkangseulbjh #9
Chapter 1: ang cute huhu grabe mapapa sana all ka nalang?!?!
snowhyun
#10
humaba sya t^t