fin.

13.
Please Subscribe to read the full chapter

Westley’s.

 

“Eastienne, will you marry me?" Apat na salita, at ang katumbas nito'y pang habang buhay na alaala.

 

Ako’y umupo sa gitnang bahagi ng bangka at dinama ang simoy ng hangin. Patungo ako sa Isla Kanluran, sa isla kung saan may ipinapatayong resort ang aking asawa, kailangan kong kausapin ang Engineer at ang mga trabahador dahil nagkaroon ng problema.

 

Mag mula kasi nang maikasal kami ni Eastienne ay nawalan na siya ng oras para patakbuhin ang sarili niyang negosyo. Hindi niya naasikaso ang resort, hindi na siya masyadong nagluluto.

 

Simula no'n ay napagkasunduan namin na ako na muna ang mag-aasikaso ng mga trabaho niya 'pag wala akong ginagawang trabaho, at mas mabuting siya na muna ang mag-alaga kay Trese imbis na kumuha pa kami ng mag-aalaga sa anak namin.

 

Hawak ko ngayon ang libro kung saan nakalahad ang kwento naming dalawa, kung paano nag simula ang lahat— at kung paano naging saksi ang dagat.

 

Hinaplos ko ito at hindi maiwasan na 'di malungkot, na para bang nakikisabay ang tunog ng malakas na alon sa aking nararamdaman na poot.

 

Halos isang linggo na rin pala nang magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Eastienne tungkol sa mga bagay na wala namang katuturan at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap tungkol doon.

 

I miss my wife.

 

Maaga akong umaalis ng Isla Silangan para pumunta sa kabilang dako at madalas ay walang signal roon kaya hindi na rin namin nababalitaan ang isa't isa sa gitna ng araw. Sa pag uwi ko naman ay hindi ko siya nadadatnang gising dahil palagi siyang pagod mula sa pag-aalaga, minsan ay naaabutan ko pang gising ang anak namin, at siya naman ay mahimbing ang tulog.

 

Halos nawalan na kami ng oras para mag-usap.

 

Akala ng iba, kapag wala ka nang mahihiling sa buhay, swerte at masaya ka na. Well, that’s what people think. Hindi madali magkaroon ng sariling pamilya, hindi lang puso at isip ang iaalay mo kundi kaluluwa rin para lang maisalba kung ano ang binuo mo, at sa kabila ng lahat, kung ang kapalit naman nito ay ginhawa at kasiyahan ng taong mahal ko ay wala akong nakikitang rason para sumuko.

 

Patapos na ang araw... dumidilim na ang langit.

Ito ako ngayon, pauwi na sa aking Silangan.

 

Paano nga ba kami bilang mag-asawa ni Eastienne?

 

Ano nga ba ang nag bago nang bumuo na kami ng pamilya?

 

Sa totoo lang, kapag nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ay inaalala ko yung mga araw na niyaya ko siyang mag pakasal, sa simula— dahil ayokong isipin na may katapusan para sa aming dalawa.

 

Bumabalik ako sa mga panahon kung saan nag desisyon ako na siya na ang gusto kong makasama habang buhay na kahit ano man ang mangyari ay si Eastienne lang ang aking uuwian, dahil siya lang ang aking tahanan… at unan sa gabi kapag umuulan.

 

"Ma'am, sigurado po ba kayo? May paparating po na bagyo at malakas na ang habagat, hindi ligtas kung babalik tayo ngayong gabi..." Sambit ng bangkero.

 

Humigpit ang hawak ko sa libro nang kumidlat at kumulog, ramdam ko na ang patak ng ambon sa aking balat at umiling dahil sa klima.

 

"Hindi ba natin magagawan ng paraan 'yan?" I asked.

 

"Hindi ko po kayang kontrolin ang bagyo, Ma'am."

 

Bumuntong hininga ako at tumango. I checked my phone, wala itong signal, at hindi ko matawagan si Eastienne para sabihin sa kanya na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Ayoko man na pag-alalahin siya pero wala akong magawa.

 

Ang hirap.

 

"Westley, manatili ka na muna dito ngayong gabi."

 

I looked at the woman in front of me. Siya yung in-charge na Engineer sa project na 'to other than my sister. "Tama ang sinabi ng bangkero, delikado..."

 

"Kung kaya ko lang languyin ang dagat para umuwi sa pamilya ko..."

 

"Pero hindi ka bayani." Sambit niya. "Sa lagay ng panahon, sigurado akong maiintindihan 'yan ng asawa mo."

 

"Engineer..."

 

"Zari... Zariyah na lang."

 

I my lower lip and nodded my head. “Ikaw ba? Hindi ka ba nababahala na baka nag-aalala na sa'yo ang pamilya mo?”

 

"I always assures my wife that i'm gonna come back to her no matter what, kahit saan man ako mapa-destino ng dahil sa trabaho ko, sinisigurado kong babalik at babalik ako sa kanya.”

 

Oh.

 

“It's my choice to come back but it's up to her kung hihintayin niya pa ako, but i don't worry when we’re not together, panatag ako dahil hindi lang naman ako ang nag bigay ng assurance..."

 

I took a deep breath and looked at her. "Assurance."

 

"Which i'm sure naibibigay niyo naman sa isa't isa?"

 

"Uh, yeah, of course." She patted my back. "But my wife and I, hindi kami okay ngayon..." Sambit ko.

 

"Kaya pala ganyan ang inaakto mo." She chuckled.

 

I sighed. I really want to come home, to Eastienne.

 

"Don't worry. Everything will be alright, huhupa din 'yan, katulad na lang ng bagyo na hinaharap natin."

 

I shrugged it off. "Nawa ay humupa na nga ang bagyo..."

 

Nasa dalampasigan pa rin ang bangka. Hindi ko na matanaw ang paligid dahil madilim, nang bumagsak ang ulan ay lumikas na 'ko kasama ng bangkero, niyapos ko ang librong hawak ko at tumungo sa lugar na may masisilungan. Napagpasyahan kong magpalipas ng gabi dito, mas delikado nga kung itutuloy ko pa ang pag tawid ng dagat.

 

I tried to close my eyes, we're staying inside the site, sa loob kami ng trailer nanatili, naroon ang quarters ng mga in-charge dito, ramdam ko ang lakas ng ulan, pati ang kulog at kidlat

 

Nasira na rin ang linya ng mga kuryente kaya wala akong makitang kahit ano sa aking paligid kundi kulay itim lang at kandila na sinindihan ni Zariyah nang pumasok siya sa silid na kinaroroonan ko at inabot 'yon sa'kin.

 

"Salamat..." I said and placed it on the table.

 

"Naalala ko ang asawa ko sa sinabi mo kanina."

 

"Huh?" I asked curiously.

 

"Doon sa kung kaya mo lang languyin ang dagat." I let her talk, nakita ko ang pag ngiti niya. "My wife, she was a varsity nung college, a champ swimmer."

 

"Wow." I reacted, i wonder who's her wife.

 

"Anyway, good night, Westley." Sambit niya at hindi na muling nag salita pa, she closed the door and left the room.

 

Marahan akong humiga sa kama, mabilis kong naramdam ang lamig sa aking likod. Ipinatong ko ang aking braso sa noo ko, hindi ako makatulog.

 

Ang alam ko lang ay hawak ko pa rin ang libro, kaya binuksan ko ang aking telepono, napangiti ako nang makita ang wallpaper nito, it was Eastienne and our child, binuksan ko ang flashlight para basahin ang unang nilalaman o nakalahad sa unang pahina ng libro, at ngayon, nasa huling parte na ‘ko nang pagsusulat nito— pero hindi ko alam kung paano ko tatapusin.

 

I have to read it all over again… para kung may mali, maitama.

 

Ang labing tatlong dahilan kung bakit ko siya mahal.

 

-

 

Eastienne is in her office looking so stressed while doing her work, magulo ang kanyang buhok, halata ang pagod dahil mag hapon siyang nasa trabaho. I hide the flowers on my back as i walked in front of her.

 

Sinalubong ko si Alas kanina sa pag dating niya, isang buwan kasi siyang naka-leave para mag pahinga. If the doctor needed a break, and so does my fiancé.

 

"You need to rest..." She raised her brow and looked at me. I sat on her table pero umirap siya at pinaalis ako roon. Tumawa ako at ibinigay na ang bulaklak.

 

"Anong meron?" Tanong niya at tinanggap 'yon.

 

"To brighten up your day, love." I smiled at her.

 

"Thank you..." She stood up from her seat, yumakap siya sa'kin at ipinahinga ang ulo niya sa'king balikat habang hawak ang bulaklak. "How was Ace today? Hindi niya ba kasama si Wyn?”

 

"She’s fine, she’ll talk to Wynona pag balik niya ng Manila..."

 

"Good for them." She said without looking at me.

 

"Right, uhm, love, how about we travel this month?" I asked.

 

"Wes, you know i don't have the time for now..."

 

"Kahit nakabili na 'ko ng ticket?" She broke the hug, muli niya na naman akong tinaasan ng kilay, itinabi niya ang bulaklak at humalukipkip.

 

"Westley..." Aniya at huminga ng malalim.

 

"You have no choice... you've been working non stop for the past few weeks... Parang nakalimutan mo na nga atang fiancé mo ako..." I pouted my lips but she just rolled her eyes at me.

 

"Marami pa akong trabaho... it's too early for that."

 

"Maxima is a resort manager for a reason."

 

"Pero may responsibilidad na ako ang kailangan."

 

"Ah, e, kung si Maxima na lang kaya ang isama ko?"

 

"I won't allow her to go with you of course." Irita ang kanyang boses at umupo na sa kanyang swivel chair para asikasuhin muli ang mga ginagawa niya kanina.

 

"Acads break ngayon, how about I ask Natalia?"

 

"Ikaw, bahala ka sa buhay mo." Irita niyang sambit.

 

"Oh, ayaw mo rin? I'll travel alone na lang, you know Zoey? She's in the States right now, she told me that—."

 

"No!" Agad siyang tumayo sa kanyang inuupuan at hinatak ang aking braso palabas ng opisina niya.

 

"Where are we going, Eastienne?" I calmly asked, salungat sa kung anong itsura niya ngayon.

 

"We're gonna pack our things, Westley." Sarkastiko niyang sagot.

 

"Huh? Sabi mo— you don't have the time—."

 

"Shut up!" Muli niya 'kong inirapan. Tumawa ako ng malakas habang naglalakad pabalik ng suite namin.

 

"Why are you laughing?"

 

"Because I was just joking."

 

"What?" Irita niyang tanong at binitawan na 'ko.

 

"Binibiro lang kita..."

 

"About the travel?" Her brows furrowed.

 

"Love, no..."

 

"Then what?"

 

"Hindi totoo na may sinabi sa'kin si Zoey. I cutted my connection with her matagal na. You know it."

 

"Then why did you mentioned her name, idiot?"

 

"To get your attention." I gave her a peace sign pero kurot sa tagiliran ang aking natanggap. Hinampas niya pa ang aking braso but I ended up hugging her waist.

 

"Pag bigyan mo na 'ko, this might be my last travel this year and i want it to be with you, love, please."

 

"I'll think about it."

 

"Hindi na pinag-iisipan ang gano'ng bagay." Sambit ko at inilabas ang dalawang ticket galing sa bulsa ko. Kumunot ang noo niya at mabilis na kinuha sa'kin ‘yon.

 

"New Zealand?"

 

"New Zealand."

 

At nang gabing 'yon, nag-empake kami because she agreed to have a vacation for two weeks. Nung una ayaw niya pa pero sa huli ay pumayag naman siya. Right after we land on the airport of our destination, tumawag si Wynona.

 

Nakakapagtaka lang kung bakit.

 

"You're in New Zealand?"

 

"What a nice way to greet your sister..."

 

"Never mind."

 

"If you'll ask about Ace, she's fine in Siargao."

 

"Really?"

 

"Really."

 

"I know."

 

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

 

“Nothing.”

 

“Come on, Wyn.”

 

"You know what, Westley?"

 

"What?"

 

"New Zealand is a nice place to have your wedding."

 

"Okay, so, what are you implying?"

 

"Nothing."

 

"I know you. What do you want?"

 

"I'm planning to call off the wedding." My eyes widened.

 

I signalled Eastienne to wait for me dahil sa sobrang excited niyang mag lakad pag dating ng airport ay nag simula na siyang mag hanap ng lugar na pwede naming puntahan.

 

"Faster, love."

 

"I'm talking to Wynona." I mouthed.

 

She nodded her head and put out her camera...

 

She took a candid shot of me, ng paligid, at kung ano pang makita niya sa lugar. Napapangiti na lang ako sa reaction niya, she was really amazed of this place. Pinaglalaruan niya ang kamay ko habang nakikipag-usap ako sa aking kapatid kaya hindi ko alam kung saan ibabaling ang atensyon ko.

 

"Wyn? What were you saying?" I asked.

 

"New Zealand is a nice place to have a wedding..."

 

"You will call of the wedding?"

 

"We're both not ready for it."

 

"And why are you saying it to me?"

 

"Because New Zealand is a nice place to have a—."

 

"What? Gusto mo ba na dito kayo magpakasal ni Alas?"

 

She remained silent.

 

"Wynona, pag-isipan mong mabuti 'yan. I talked to Ace—."

 

"Take care. She's probably hanging out with her doctor friend right now. I'm glad she's resting."

 

Magsasalita pa sana ako pero putol na ang linya. If that's her decision then i'll respect that, and i'm sure na gagawin niya talaga 'yon dahil wala naman siyang sinabi na hindi niya ginawa... ever... I wonder kung ano ang magiging reaction ni Alas. Gusto ko man siyang kamustahin pero ayoko na siyang abalahin.

 

"Come on... ang bagal naman, love."

 

"We have two weeks here, Eastienne. Calm down."

 

"Whatever, Zamora."

 

May inabot pa siya sa'king papel kaya tiningnan ko ito.

 

Things to do in NZ. I sarcastically laughed.

 

Isa-isa ko itong binasa, "What do you think?"

 

"I just hope you won't sleep at our whole trip."

 

"Of course not!" Umirap siya at niyakap ang braso ko.

 

We decided to take a rest on our hotel room before we plan our itinerary for the rest of the day. Tanaw ko ang malawak na dagat at bundok mula sa harap ng glass wall na nasa aking harap. Ang ganda talaga pagmasdan 'pag nag sama ang green at blue sa 'king tinitingnan. I simply chose New Zealand because of its nature, and yeah, nature is my place of peace.

 

I dialled the customer service to order a coffee for us but when i looked at the bed, Eastienne is there, sleeping peacefully. Sa sobrang pagod ay hindi na siya nag bihis, i removed her shoes and her coat. Tiniklop ko ang manggas ng suot niyang polo hanggang braso, i also fixed the blanket on her body because she's freezing.

 

Malamig ang klima, masarap mag painit.

 

Nang maubos ko ang kape na inorder ko kanina ay tinapik ko ang hawakan ng tasa. I'm sure Xaverié would love the taste of coffee here. I changed my clothes and lay down beside Eastienne, na malalim ang tulog, na para bang hindi siya natulog buong flight namin kanina, o na para bang hindi pa siya nakakatulog sa buong buhay niya but she deserve the sleep.

 

She's been sleep deprived for a month. I wrapped my arms around her waist and closed my eyes, iniisip ko ang sinabi ni Wynona. Ibig sabihin ba no'n ay walang kasal na magaganap ngayong taon?

 

E, paano kung pakasalan ko na si Eastienne dito?

 

-

 

We spent our first week traveling around the island, specifically the Piha Beach in Auckland. We left our phone at the hotel room, no social medias, no work, just us connecting with each other.

 

Eastienne and I enjoyed the culture and other stuff that the country can offer, we even talked and met locals here. Some of them were really kind. We'll definitely come back, I swear.

 

Natapos ang gabi namin na magkatabi kami sa kama. Nagising ako dahil sa tumatamang araw sa'king mata, unti-unti akong tumalikod at naramdaman ang brasong nakayakap sa aking tiyan, ramdam ko ang init ng katawan ni Eastienne sa'king balat. I was staring at the ceiling until she pokes my cheek.

 

"Good morning, love."

 

"Magandang umaga..."

 

Humikab siya at mas inilapit pa sa'kin ang katawan, pinagsalikop niya ang aming mga daliri at muling pumikit. I fixed her hair, kisses her forehead. Pagod pa rin mula sa ginawa namin kagabi. Tumawa ako ng mahina at bumulong. "Love..."

 

"Yes?" She whispers.

 

"What if I marry you today?" I seriously asked.

 

"Idiot." Bulong niya pa sa aking tenga.

 

Hinaplos ko ang suot niyang singsing at hinalikan 'yon.

 

Fiancé ko na nga talaga siya. Wala ng atrasan 'to.

 

"I'm serious." She opened her eyes and slowly get up.

 

"We don't have to rush everything, Westley."

 

"Eastienne... am I rushing things for you?"

 

"Hindi tayo pwedeng magpakasal ngayong taon."

 

"Pwede." I pulled her closer to kiss her lips, i’m glad she kissed me back.

 

"What do you mean?" She asked between our kisses.

 

"Wynona... you know… err… she…”

 

"Oh, my god." She reacted and covered .

 

Nakuha niya na agad ang ibig sabihin ko...

Nakuha niya na agad ako...

 

"Yes." I sighed. "Unfortunately."

 

"You've got to be kidding me."

 

"Sana nga nagbibiro lang ako."

 

Nag kibit balikat ako at bumangon. Hinanap ko ang mga suot naming nag kalat sa sahig, kukunin ko na sana yung damit ko pero nauna siyang kunin 'yon at agad sinuot. I decided to get one from my clothes na lang. Ang hilig niya talagang isuot ang mga damit ko after making love, hindi ko alam kung bakit ganoon?

 

"Alam mo naman sigurong madumi na 'yan, 'di ba?"

 

"Hayaan mo na." Pag-irap niya pa sa'kin.

 

"Ang dugyot mo naman."

 

"Pero mahal mo." Sarkastiko niyang sambit.

 

"Tsk." I shaked my head and took a deep breath.

 

"Love, we shouldn't take advantage of what she said. Malay mo naman mag bago pa ang isip ni Wynona."

 

Sinundan ko siya sa bath room to do our morning routine. Nakasanayan na naming gawin ang bagay na 'to, parehas kaming mainipin ni Eastienne, kaya lahat ng bagay na pwede naming gawin ng sabay ay ginagawa namin nang magkasama, pero minsan, sa iba nauuwi ang routine na 'yon.

 

Well, sometimes.

 

"I know my sister. Oo, lumalambot 'yon pag dating kay Alas na ang matigas pero sigurado akong hindi naman 'yon sasabihin ni Wynona kung wala siyang plano."

 

"Like?"

 

"Alam niya na 'yon sa sarili niya, at may tiwala ako roon. Hindi naman pumalya ang plano ng isang 'yan." Sambit ko.

 

"Dahil?"

 

"She's an engineer?"

 

She laughs sarcastically. "Funny."

 

"But i'm serious though."

 

"Right... masyado na silang nagkakasakitan."

 

"I know."

 

"Hindi na ideal."

 

"Pero minsan hindi dahil puro pasakit na lang ang nararamdaman mo sa isang relasyon, hindi na 'yon ideal, 'di ba? Come to think of it, hindi naman aabot sa gano'n yung sitwasyon kundi nila mahal ang isa't isa. Katulad na lang natin, masyadong mabilis ang pangyayari— at kung para sa iba, hindi ideal 'yon dahil ang iniisip nila, minamadali natin yung mga desisyon natin, pero ang totoo, hindi naman natin pag-iisipan 'yon kundi natin mahal ang isa't isa."

 

"Now I understand why you really love to write a book."

 

"Really?"

 

"Really, but sumasakit ang ulo ko sa life lessons mo, Zamora. Let's take a bath, nagugutom na ako... at masama akong magutom." Aniya sa'kin sa harap ng salamin.

 

"Answer my question first."

 

"Hmm?" She raised a brow.

 

"Will you marry me today, Eastienne?" I asked.

 

She choked while brushing her teeth, aking hinaplos ang likod niya at hinintay siyang matapos sa ginagawa.

 

"Kumalma ka nga, Zamora."

 

"Kalmado naman ako, ah?"

 

"Let me finish first!"

 

Unti-unti akong tumango at hinaplos ang kanyang likod bago mag paalam na mauuna na 'ko sa labas. Am i really rushing things for Eastienne? I actually don't think about that. I feel like i'm pressuring her kaya mas mabuting 'wag ko na lang muna banggitin ang kasal. Ayokong maramdaman niya na para bang minamadali ko siya.

 

"Love." I felt her arms around my waist. “Listen to me, okay?”

 

“Okay.” I chuckled.

 

We're both looking at the view, i held her hands and intertwined our fingers until she spoke again, "Hindi lang ngayon, kundi bukas o magpakailanman, i'll marry you, love. Kahit saan man tayo mapadpad, gusto ko na ikaw ang tumupad, ng pangarap kong kasal, mahal." She placed her chin on my shoulder.

 

“You're my home." My eyes were closed, I felt that. “At hindi ako magsasawang ulitin ang mga salitang 'yon para sabihin sa'yo, dahil hindi ako mapapagod iparamdam kung ano ba talaga ang ibig sabihin na maging tahanan ka. Wes, mahal kita.”

 

Biglang nanginit ang gilid ng aking mata, simpleng salita lang pero ang lalim ng kahulugan. Hindi ko inaasahan na makakahanap ako ng magmamahal sa'kin, sa pamamagitan ng paghahanap ng aking sarili, pagkatapos ng lahat, ako ay mapalad pa rin, dahil talagang natagpuan ko na, hindi ang nawala, hindi ang kulang, hindi ang bubuo, kundi ang makakasama ko sa panibagong yugto. “Love.” She softly said.

 

"I will marry you today."

 

At sa ikalabing-tatlong araw ng Nobyembre, kami ay ikinasal.

 

Sapat na ang presensya naming dalawa para magka-isang dibdib. Sapat na ang tunog ng alon habang humahampas ito sa buhangin, sapat na ang sariwang hangin na tumatama sa balat namin, sapat na ang aliwalas ng langit para mag bigay daan para sa tatahakan namin sa lupa habang kami’y nabubuhay pa.

 

Sapat na si Eastienne.

 

And after a long day of making love with my newly wedded wife, or should i say an endless honeymoon after our wedding, we decided to go out on a beach. I prepared a bonfire, a romantic dinner for my wife. Our first ever dinner as a married couple… By the beach.

 

She's sitting between my legs while we're watching the sunset together, my hands were intertwined on hers. Tahimik kaming dalawa, tila ba ninanamnam ang kasiyahan na nararamdaman ng bawat isa. Kuntento na ako.

 

"I know it's too early to say this but..."

 

She was hesitating. "But?" My brows furrowed.

 

"I don't know if it's okay with you."

 

"Tell me what is it, Eastienne."

 

"I— I wanna have a child." Aniya at isinandal ang kanyang likod sa aking dibdib. I bit my lower lip, hinaplos ko ang singsing niya at panandaliang nanahimik. "I wanna have a responsibility other than my job. But if it's not okay with you, it's fine."

 

"You wanna have a child?" I asked, still processing what she said. "With me?" Bulong ko. "Oh, my god. Did I hear it, right?"

 

She turned around to looked at me, "You heard it right, love. What do you think?" She asked and lifted her head kaya tumama ang noo niya sa'king baba.

 

"I don't know." I plainly said.

 

"You don't know..."

 

"Hindi ko alam kung magiging mabuting magulang ako para sa bata. I don't want to ruin their life just because they were raised by me. Natatakot akong magkamali para lang mapalaki ng tama yung bata." I took a deep breath and closed my eyes.

 

"Westley as long as we're together, it'll be okay. We'll be okay. You're you and you're with me every step of the way." She whispers. "At naniniwala ako na kaya nating punan ang responsibilidad na 'yon dahil 'yun yung nakikita ko sa'yo, love." She seriously said.

 

"I saw how you work your relationship with your family. Alam mo, ang swerte ko nga, e, dahil nang dumating ka sa buhay ko, para na 'kong nagkaroon ng nanay at tatay." Aniya at tumawa ng mahina.

 

"Then I thought, ano ba naman yung pangungulila ko kung ikaw— naman pala ang kapalit ng lahat ng ito?" She asked. "You made me feel everything..."

 

Isinandal ko ang aking noo sa kanyang balikat at humikbi na. "Umiiyak ka na naman..." Rinig kong bulong niya. "Westley, thank you for treating me right when everyone left me behind."

 

I lifted my head and wrapped my arms around her neck. Bumaba ang araw habang nananatili siya sa bisig ko, she wiped off my tears on my cheeks.

 

"You cried a lot these days, mahal."

 

"Because i love you so much, it hurts."

 

"What a cry baby." She pouted her lips and held my waist. Pinahid niya ang luha sa'king pisngi at mas yumakap pa sa'kin.

 

"Tell me more about it."

 

"About the baby?" She asked.

 

"Yeah..." I simply answered.

 

"I'm thinking of adoption."

 

"Adaption?" My brows furrowed. "Wh— why?"

 

"Most of the people around me are adopted, love. And i've realized na maraming bata ang walang magulang na nangangailang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeTi10
#1
Chapter 1: sobrang ganda, wala akong masabi 🥺
mojojojoycee #2
Chapter 1: brb crying
markaxel
#3
Chapter 1: All time fave ko talaga kayo East and West 🥺♥️
jenchu4evah #4
Chapter 1: 🥺🥺🥰🥰
dalkuma #5
Chapter 1: eastwest bukod na pinagpala sa lahat huhuhu at cameo ng mga kakambal!!! shuta naiyak na naman ako
leeplay
#6
Chapter 1: otor…. 🥺🥺🥺 i love u na talaga sagad