Listen, Look And Listen And Learn

Sa Kanto Lang Po

Tricycle mula sa bahay hanggang sa labas ng subdivision namin. 3 minutes walk para makapunta sa sakayan ng Jeep, fx para makapunta sa LRT Santolan.

 

“Lrt! Lrt! Lrt!” hiyaw ni kuyang conductor. Talsik laway dito, talsik laway doon.

 

Yung iba pa nga pinagduduldulan yung signage.

 

“Fx na tayo, ate.” reklamo ni Yeri.

 

Dahil umaga naman at di pa ganun kainit, magjejeep kami ni Yeri.

 

“Jeep na tayo para mura, baliw.” rason ko.

 

No choice naman siya kasi sakin binibigay ni ma yung allowance namin para sa pamasahe.

 

Pumila na kami sa hintayan ng jeep. Agad naman kami nakasakay dahil sunod sunod ang jeep na dumadating.

 

“Kuya bayad po.” abot ko habang papasok ng jeep. Pwumesto kami malapit sa pintuan para mabilis na rin makababa mamaya.

 

May papasok sana na babae sa jeep kaso muntik na mapasubsob sakin buti na lang nahawakan ko siya kahit papano.

 

“Ate sorry!” sabi nung nadapang babae.

 

“Okay lang po.” pigil kong tawa pati na rin si Yeri sinisiko ako.

 

Tumabi naman siya sa side ni Yeri.

 

Nang mapuno na ang jeep. Humarurot na si kuya driver. Sabay sabay natin kantahin, I’m on a highway to hell.


 

Kampante na naman ako matulog sa jeep dahil ilang taon na kami ni Yeri nagcocommute so far wala naman nangyayari.

 

For safety, palagi kong sinasabi kay Yeri na yakapin niya palagi bag niya incase lang.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Mga bababang lrt!” sigaw ni kuya. Ikinabigla ko. Nakatulog pala ako.

 

Kinalabit ko naman agad si Yeri at napansin kong parang di siya mapakali…

 

“Bakit? Bilisan mo.” sabi ko sa kanya. Tumingin siya bigla na paluha na…

 

“Ate...nawawala wallet ko..”

 

So far….first time namin maencounter ‘to humanda sila sakin.

 

“Yung mga bababa ng-” “Kuya wait lang po!” sambit ko.

 

Nakita ko naman na wala na yung katabi ni Yeri at nakita kong nagmamadali na maglakad papuntang overpass….

 

“Tara na, Yeri.” diin kong sabi. Hinawakan ko na kamay niya para magmadali.

 

Hinabol namin yung babae dahil nasa taas na siya ng overpass.

 

“Hoy!” sigaw ko. Naglalakad pa rin. “Hoy!” ikalawa kong sigaw.

 

Ah di talaga ‘to titigil ha….tumakbo ako sa kanya at hinigit ng konti yung buhok niya.

 

“Aray!” sambit niya. Tinanggal niya yung earphones niya. “Bakit po?”

 

“Anong bakit? Ibigay mo wallet ng kapatid ko.” inis kong sinabi.

 

Yung mukha naman niya parang naguguluhan…”ha???”

 

“Hakdog ka! Akin na wallet ng kapatid ko! Ikaw lang naman nakatabi nun sa jeep!” rason ko. Wala na akong pake kung marinig ako ng iba.

 

“Ate...wala sakin wallet ng kapatid mo baka naman kasi nahulog...judger ka ha.” banggit niya at patalikod na ulit sana siya.

 

Pinigilan ko siya. “Oo, nahulog dyan sa bulsa mo.”

 

Natawa siya bigla. “Wala po talaga sakin promise. Nagmamadali na ako sorry need ko na talaga umalis..”

 

“Kami rin naman. Kaya kung binibigay mo na lang.” kala niya ha.

 

Huminga siya ng malalim at hinarap niya yung bag niya. Binuksan niya sa harap ko bag niya. “Oh tingnan mo ha, diba wala?”

 

“Tingnin ako ng bulsa mo.” demand ko.

 

Kinuha niya wallet niya sa bulsa niya. Nanlaki mata ko.

 

“Sa kapatid ko yan!!!!”

 

“LV wallet ng kapatid mo?!?!?!” nagdududa ba siya? Kapal!

 

“Oo bakit? Ano sa tingin mo? Diba Yeri wallet mo yan?” sabi ko.

 

Tumango lang naman siya. Tahimik pa siya kanina.

 

“See? Ayin na yan.” reklamo ko.

 

“Eh madaming may gantong design na wallet? Sige, kung sa kapatid mo ‘to….” binuklat niya yung wallet niya. “May ganto ba siyang id?”

 

Inaninaw ko. “Shon Seung-wan.”

 

“Kayo ata yung mga nangsscam eh na mangaaway na nanakawan daw!” bigla niyang tinabi yung wallet niya.

 

“Kapal ng mukha mo! Patingin pa sa iba mong bulsa.” banggit ko.

 

Kinapa niya naman lahat ng bulsa niya at tumalon talon sumayaw at umikot siya.

 

“Oh, ano?” tanong niya habang nakangiti.

 

Namula naman mukha ko….

 

Mental note: huwag manisi agad…

 

“Malay mo may secret pocket ka!” inilulusot ko na lang sarili ko.

 

Umiling naman siya. “Ate, wala nga po sakin tsaka estudyante ako... mahiya naman ako! i feel sorry if nahulog wallet ng kapatid mo...need niyo ba ng pamasahe pwede ko naman kayo pautangin…” sambit ni Seung-wan.

 

Di ko na naman siya pinansin at hinila ko na si Yeri para dumiretso na sa LRT.

 

Nak ng wala na late na kami.

 

“Ate! Seryoso po ako if need niyo...i can help.” habol samin.

 

“Hindi na. Thank you at pasensya na...” sabi ko.

 

“O-okay…” sagot niya.

 

Tinap na namin yung beep card at umakyat na...magkasunod pa rin kami.

 

Maya maya ay dumating na rin ang lrt...sumakay na kami ni Yeri kita ko sa gilid ko pumasok na rin siya.

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

“Arriving at Legarda station. Paparating na sa Legarda station.”

 

Kinalabit naman ako ni Yeri. “Ate…” nahihiya niyang sabi at pinakita niya sakin phone niya.

 

Message: Mommy

Mommy: bebe, naiwan mo wallet mo dito.

 

“Naka 8 missed call rin pala siya sakin….eh nakasilent naman phone ko nasa bag.” sambit ni Yeri.

 

Pucha ka Yeri binuwis ko kahihiyan ko!!

 

Nagbuntong hininga na lang naman ako. “Oh buti naman diba…”

 

Tumigil na ang ang tren. Bumukas na ang pinto. Lahat ay lumalabas na.

 

Hinahanap ko si Seung-wan. Pababa na agad siya sa stairs. Di ko na ata mahahabol. Bahala na di na naman niya ako makikita.

 

Nang makababa kami, magaabang naman ako ulit ng tricycle. Nakita ko ulit siya.

 

“Ate, Bye. 3:00 dismissal ko! Punta na lang ako mamaya sayo.” sambit niya. Sa San Beda kasi siya nagaaral.

 

“Okay! Ingat ka ha. Text mo ako.” paalam ko sa kanya.

 

Tumakbo na ako papalapit sa kanya.

 

“Seung-wan….” tiningnan ko siya. Naka earphone pala ulit kaya kinalabit ko.

 

Tumingin siya sakin.

 

“Ano...uhm….pasensya na pala dun sa nangyari kanina….naging fight or flight response ko lang yun….naka-nakalimutan pala ng kapatid ko sa bahay yung wallet.” nahihiya kong sinabi.

 

“Rinig kita AHAHAHA Wendy na lang. Okay lang yun! Ibig sabihin nun protective ka sa kapatid mo…” banggit niya.

 

Inabot ko naman kamay ko para makipagkilala. “Joy.” ngumiti siya.

 

“Ligaya naks naman...sabay na tayo?” tanong niya.

 

“Okay…”

 

Sumakay na kami at nakarating na sa kanto ng España at naglakad na kami papaakyat sa overpass.

 

“Sorry kung nalate ka…” sabi ko.

 

“Pasalamat ka absent pala prof namin!” asar niya. “Dito na ako..” kaway niya papunta sa Ruaño Building.

 

“Sige, Ingat ka!” kaway ko pabalik habang papunta sa St. Raymund Building.

 

At naghiwalay na kami ng pinaglalakaran...

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Mar857
#1
Chapter 1: Hahaha pahiya onti c Ligaya😅 wag kc basta basta nam bibintang hahahaha
scyxxx
#2
Chapter 1: Thank you po sa ayuda ahckkk more wenjoyyyyy
WeenieHut_Jr
#3
Chapter 1: i love it!