-end-
It's you BabeKim Winter – Pst
Karina!
Nakuha ko na driver’s license ko kanina😊
Yoo Jimin – Wow congrats!!
Ikaw na ba ang driver namin ngayon
Kim Winter – Sure! Basta sayo gas no!!
Ano pala ginagawa mo?
Yoo Jimin – Hmff
Proof read nalang yung critique paper ko sa UCSP
Kim Winter – U busy?
Yoo Jimin – Not really
Bakit
Kim Winter – Tara tags
Yoo Jimin – Ha? Ngayon??
Kim Winter – Oo!!
Hehe pwede ka ba?
Yoo Jimin – Loko ka! Bakit naman biglaan
Kim Winter – eh wala lang.. di ka nagpapakita miss na kita haha
Yoo Jimin – Di nga?
Tayo lang?
Kim Winter – Uhuh
Busy si Ning at Aeri so..
Yoo Jimin – okay
Wait lang
At sure ka ba marunong ka na mag drive
Kim Winter – Sure ako ah!
Safe ka sakin
Nag paalam na ko kay ate Irene hehe
Yoo Jimin – wow close kayo ni ate
Kim Winter – ako pa!!
Andyan na siguro ko in 15 mins
0r 20 hehe
Yoo Jimin – wait! Di pa ko nagbibihis
Kim Winter – kahit wag na maganda ka naman lagi
Yoo Jimin – heh tantanan mo ko sa ganyan mo!!
Kim Winter – HAHAHA
Mag message ako oki
See u
Yoo Jimin – wag mag phone pag nagda-drive okay
Ingat
Kim Winter – yes ma’am!
Dali dali akong nagbihis at nag ayos. Buti pala naligo na ko kanina. Feeling ko masyado kong excited…Si Winter lang naman yon.
Hay. Sino bang niloko ko? Sa totoo lang, di naman ako sure kung ano din ang meron samin…
Wow samin.
Si Winter?
4 years ko na syang kaibigan. Lumipat ako sa school nila nung grade 8, unang kaibigan ko si Aeri, na kaclose si Ningning at Winter. Simula non, silang tatlo na ang kasama ko. Last year na namin ngayon sa high school. Lumipat kami ni Ningning ng school ngayong senior high. Nagstay naman si Winter at Aeri sa dati kong school. Nagkikita pa din kami pero nabawasan na lately dahil busy kaming apat.
Well, winter is… Winter.
Maligalig. Cheesy? Magaling sa math. Tahimik sya sa iba pero samin, kabaligtaran. Active sa clubs at magaling na leader. Favorite sya ng mga higher year, pati na din ng lower year. Buong highschool e kinukuha sya bilang representative namin. Nung grade 10, sya na ang president. Reliable at one call away. Hindi ko alam kung san ako pupulutin kung wala yung tatlo. Sila ang dahilan kung bat masaya at memorable ang highschool.
“Yooji!!!” Tawag sakin ni Ate Irene na biglang sumulpot sa kwarto ko.
“Ate aalis kami ni Winter, okay lang?”
“Kayo lang? Nag paalam na sya kanina. Yayamanin ha Tagaytay pa”
“Oo daw, busy si Ning at Aeri. May license na daw sya kaya ayon..”
“Talaga lang ha. Baka di na kayo bumalik” Nang aasar yung ngiti nya sakin. Tumataas pa ang kilay. Si Ate talaga.
“To e…wag ka nga”
“Saka anong oras na! Yooji umayos ka ha! Kaya ba wala ka pang boyfriend e may inaantay ka? Baka girlfriend ang hanap mo ha!”
Naramdaman ko ang pag init ng mukha. Kakainis to si ate! Kala mo naman sya…
“Bakit ako?! Ikaw nga may gusto kay ate Seul-“
“Oh tama na! Magbihis ka na, aalis kayo ni FRIEND mo no?”
“Wag ako ate! Mana ata ako sayo” Patawa tawa sya nung lumabas sa kwarto ko.
“Yooji! Andito na si Winter! Bumaba ka na!”
Saktong 20 minutes bago dumating si Winter. Bakit naman ang bilis nya?!
Dali-dali akong bumaba at kita kong kausap nya si Ate. Naalala ko tuloy nung unang punta nilang tatlo dito sa bahay. Nastarstruck si Winter kay Ate Irene. Dito nya tuloy gusto tumambay, crush na crush nya kasi si ate non. Nahurt nga daw sya nung sabi ko na gusto ni Ate Irene si Ate Seulgi.
“Yooji tara na! Hanggang 11 lang daw tayo e.”
Bakit may pa curfew tong Ate ko?
“Ingat kayo ah! Winter sigurado kang marunong ka na mag drive?”
“Syempre ate, ilang buwan na kaya ko nagpractice.”
“Uhuh, bakit naman kayong dalawa lang?”
Hala ka si Ate! Ayan na naman yung malisyoso nyang tingin samin.
“Busy nga si Aeri at Ningning, kulit mo sinabi ko na kaya kanina” Sagot ko sakanya.
“Di ko na kasi nakikita yan si Karina, lagi pass pag nagala kaming tatlo”
Madami na nga akong namiss. Busy kasi dahil sunod sunod ang requirements na kailangang ipasa. Dagdag pa yung pagiging SSC Officer ko this year.
Niyaya ko na agad si Winter lumabas dahil wala akong tiwala kay Ate. Feeling ko may masasabi pa syang hindi maganda kapag pinagtagal ko pa na kaharap nya si Winter.
If You Ever Want to be Inlove – James Bay
Tahimik lang kami habang nakikinig sa playlist ni Winter. Hindi ko rin masyado kinakausap dahil baka madistract sya sa pagdadrive. Nasobrahan nga ata sya sa ingat dahil dang bagal ng takbo namin.
“San mo pala gusto kumain? Nag dinner ka na ba?” Tanong nya sakin.
“Ikaw bahala.. Okay lang kahit ano”
“Kape? Bulalo? Samgyup? Papa Doms?”
“Wow ang daming pera. At anong Papa Doms, bawal uminom magdadrive ka”
“Nu ka, pinag ipunan ko talaga to. Saka ang daming pinacommission nung kaklase ko. Nauumay na tuloy ako mag paint”
“Tas uubusin mo lang ngayon! Umayos ka nga”
“Oo ikaw naman e … at syempre ngayon lang to. Ako nagyaya e”
“Seryoso, kahit ano lang. Di naman ako gutom”
“Alam ko na, Sky ranch tayo?”
Matagal na din naming plano mag EK at Sky Ranch. Kaso never natuloy dahil laging di tugma yung schedule naming apat.
“Talaga?! Sige G!”
Nagsimula sumabay si Winter sa kanta
We were close, never close enough
Where are we now?
'Cause if it's torn, we
Comments