ang unang bahagi.

3CA.
Please Subscribe to read the full chapter

WYNONA POV

 

It was year two thousand and twenty one when Ace and I got married. Halos walong taon na rin pala ang lumipas.

 

Tandang tanda ko pa rin ang mga alaala na akala mo’y parang kahapon lang ang lahat at kung ito'y aking iisa-isahin, walang sawa ko itong bibilangin, dahil ang alaalang 'yon ang hindi ko gugustuhing mawala dahil ito lang ang gusto kong alalahanin. 

 

Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin at inayos ang aking kasuotan. I was wearing a white polo tucked inside my skirt, inayos ko ang kurbata ko sa aking kwelyo bago isuot ang kulay itim na coat.

 

"You made it, Wynona." I smirked as I looked at myself in front of the mirror and fixed my watch given by my wife.

 

Malayo na ang narating ko, pero malayo pa ito sa kung anong pwedeng mangyari pag dating ng panahon, at hindi dahil natatanaw ko na ang aming katapusan ay doon na 'yon magwa-wakas, bagkus ito ay senyales upang mag simula muli—

 

Sa umpisa, kasama siya, ang pinakamamahal kong Doctora.

 

Malapit na ang ika-walong taon ng kasal namin ng Alas ko.

 

Sino ba naman ang mag-aakala? Napangiti na lang ako ng tipid at inalala ang nangyari nung unang beses kaming dumalo sa Paskuhan, pagkatapos ng pitong taon, ang pang-apat na pag dalo namin doon ay ang hinding hindi ko makakalimutan kahit kailan.

 

Tumutugtog ang banda ng Silent Sanctuary ngayon sa entablado, maliwanag ang kapaligiran dahil sa ilaw o kung ano pang spot light, panay ang sigawan at pag sabay sa kanta ng mga nanonood sa banda, I looked at the sky, walang bituin, senyales na uulan.

 

Ace is singing with the rest of the people around us.

 

Hindi ko maiwasan na hindi matulala sa kanya, wala pa rin nagbabago, siya pa rin yung Alas na mahal ko. Natigil ang pag titig ko nang tumingin siya sa akin, hindi siya mapakali at humihina ang pag sabay sa kanta. Isang kanta lang, pero napakaraming alaala 

 

"Dahil ang tanging panalangin ko... ay ikaw." All these years, that song made a biggest impact in my life. Siya lang naman ang panalangin ko, at kung 'di man kami sa dulo, 'di pa rin naman ako mawawala.

 

"Parang hindi ko na ata kailangan mag tanong." She whispers and hugged me from behind, lumingon ako at biglang tumama ang aking labi sa kanyang pisngi.

 

Naiintindihan ko na kung ano ang sinasabi niya. Ilan beses na kaming nag patalo— at nakakapagod nang matalo. Hindi ko hahayaan na matapos ang gabing 'to nang hindi naitatanong ang mga salitang gusto kong marinig sa kanya, o marinig niya galing sa'kin.

 

"Bago natin talikuran ang lahat, may gusto ka bang balikan bago tapusin ang nakaraan?" I asked. May inilabas siya mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa'kin. Ako'y napangiti na lamang at hinalikan ang labi, pati na rin iba't ibang parte ng kanyang mukha. 

 

"Yes, baby." We're engaged. Sa wakas, totoo na ‘to.

 

"Ngayon, masasabi kong tapos na talaga ang kabanata nating ito dahil natupad na nating dalawa nang magkasama ang huli nating Paskuhan." She said and intertwined our fingers, our hands fit so well together. Parang ginawa ang kamay ko para lang hawakan ang kamay niyang habang buhay, 'no?

 

"Hindi, Brielle. 'di ba, hangga't may Paskuhan, tayo'y dadalo?" Tumingin kami sa langit at hinintay ang pag putok ng fireworks pero kumunot ang noo ko nang mapansin kong nakatungo siya.

 

"Ace, baby..."

 

"Wynona, hindi ko na kailangang mag tanong, 'di ba?"

 

Tanong niya na may halong pangangamba—

 

My woman still needs an assurance. Palagi, palagi.

 

"Kahit hindi ka na mag tanong, oo naman ang sagot at hindi na magiging hindi simula ngayon." Saad ko.

 

"Engineer...."

 

"Mahal kita." We softly said in unison and smiled at each other.

 

"Doctora..."

 

"Ikaw na lang ang kulang kaya huwag mo na 'kong bibiguin." Aniya at pumikit dahilan para bumagsak ang kanyang luha kaya agad ko itong pinahid gamit ang aking kamay at marahang hinalikan ang pisngi.

 

"Ako, ako ang kulang sa'yo, pero ikaw, Alas, ang bubuo sa akin." Sambit ko. "Mahal na mahal kita, Alas. Hindi ko na hahayaan mawala ka at kung mawawala ka man ay 'di ako magsasawang hanapin ka sa libo-libong posibilidad na mag tagpo tayo sa dulo, gitna't simula." Hinalikan ko ang kanyang noo at kinuha ang mga braso para ito'y iyakap sa bewang ko.

 

"Kahit paulit-ulit pa 'kong mag simula, Wynona. Kahit paulit-ulit pa 'kong manigurado at pumili, ikaw at ikaw pa rin. Sa'yo lang— palagi, at patuloy na iibig." Aniya at ngumiti bago ako yakapin ng mahigpit.

 

Nang matapos ang Paskuhan kung saan niyaya niya 'kong magpakasal ay naisipan namin kumain. I was about to make a reservation on a five star hotel but she took my phone and put it on her bag. My brows furrowed and crossed my arms. She smirked at me and leaned on my Mustang.

 

"Let's have , baby..." Muntik na 'kong umubo sa kanyang sinabi, mabuti na lang ay napigilan ko ito. Humawak siya sa'king balikat at hinaplos pa ang aking batok dahilan para tumaas ang balahibo ko sa katawan. I my lower lip and pursed my lips.

 

Nagpipigil. "As in right now. I need it." Bulong niya.

 

Kababalik lang ng alaala ko at 'yon ang una niyang sasabihin sa'kin? Sa kalagitnaan pa talaga ng mga tao dito na kanina pa tingin nang tingin sa amin?

 

"There's too many people out there, Brielle." I said.

 

"E, ano naman?" She whispered and pulled my neck, kinagat niya pa ang tenga ko at tumawa ng mahina.

 

"Seriously?" I asked.

 

"Anong masama roon? Kakain lang naman tayo."

 

I let out a loud breath. Bumitaw siya ng hawak sa'kin at umirap. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong Sisig Express pala ang tinutukoy niya. I looked at her eyes pero inirapan niya na naman ako. "Right, ."

 

"Kung ano ano na naman ang iniisip mo." Aniya.

 

"I was shocked, okay?"

 

"Hindi naman kita aayain mag in public, 'no!"

 

"Ace, your words."

 

"Talaga naman! Ikaw lang naman itong—."

 

"Okay, we'll eat. Calm down, baby." I whispered and fixed her hair. Masyado na kasi itong magulo dahil hype na hype siyang manood ng palabas kanina.

 

Parang dati lang ay kolehiyo pa kami pero ngayon ay parehas na kaming propesyonal. Hinalikan ko ang gilid ng kanyang labi dahilan para siya'y mapangiti, niyapos niya ang aking braso at humalik naman sa aking balikat.

 

"One more." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

 

"What?"

 

"Dito naman." Tinuro niya ang kabilang gilid ng labi at pumikit pa. Umiling ako at hinalikan 'yon pati na rin ang labi niya dahilan para hawakan niya ang batok ko at mas diniinan ang halik sa akin. 

 

Nang siya'y humiwalay ay parehas kaming nag habol ng hininga. Napairap na lang ako at pinasakay na siya sa shot gun seat ng Mustang. 

 

Pagkatapos ng sampung taon, hindi ko inaasahang siya pa rin ang kasama kong manood ng Paskuhan. Mukhang tinupad nga talaga ni Lord ang hiling ko, na hangga't may Paskuhan, siya lang ang date ko.

 

"I can't believe we're getting married, Ace." Sambit ko nang makarating kami ng Sisig Express, nasa loob pa rin kami ng sasakyan at hinihintay siyang matapos ayusin ang kanyang paglalagay ng kolorete.

 

"Hindi rin ako makapaniwala." Aniya at pinapula pa ang labi. "Akala ko nga'y magiging matandang dalaga na lang ako, o kaya naman habang buhay na lang gagamot ng pasyente. Pwede rin namang taga-alaga ng anak ng kapatid mo—."

 

I cutted her off by kissing her lips, "I won't let it happen." I whispered, lumalim pa ang halik ko sa kanya at kasabay no'n ay ang pag haplos ko sa hita niya but she pushed my hand softly.

 

“I am hungry..."

 

"Okay." Tipid kong sagot at nag-ayos ng sarili.

 

"As much as I want to eat you right now but i'm so hungry, Wynona." She smirked, pero muli siyang umirap nang mapansin sa salamin ang kalat niyang lipstick. "You're being naughty, Engineer. But— I don't wanna do it here." She said. "Again." Dagdag niya dahilan para ngumisi ako. Panahon na siguro para mag palit ng sasakyan.

 

It's been ten years, my Mustang.

 

"Alright, baby. I'll wait for you outside." I whispered and kissed her shoulder. Hindi na rin naman siya nag tagal sa loob at agad nang lumabas. Hanggang ngayon ay natutulala pa din ako every damn time I see her— na papalapit sa akin, paano kaya 'pag sa altar na, 'diba?

 

As usual, she's looking so good any time of the day. I held her waist at niyaya nang mag lakad papasok ng Sisig Express.

 

Malaki na ang pinagbago ng kainan na 'to pero ang pagkain na nasa harapan namin ngayon ay hindi ka talaga bibiguin sa lasa. I still remember the first time na dinala ko siya rito kaya napangiti ako sa kanya.

 

"We're so old na talaga." She said. "Tanda mo pa ba nung dinala mo 'ko rito? Why do I feel like crush mo na 'ko ng mga panahon na 'yon, Wynona?" She asked. "Siguro, sinadya mong banggain ako nung first day—."

 

"Really, Ace? Sino nga ulit yung—."

 

"Okay! Stop." She rolled her eyes at itinaas pa ang kamay.

 

"But I was hoping na sana, sana talaga mag UST ka no'n. Masyadong matagal ang isang taon." I said. “Mabuti at hindi ka nag UP or Ateneo, baka mag transfer ako ng wala sa oras ng mga panahon na ‘yon.”

 

"See? Crush mo 'ko." Pagyayabang niya pa sa'kin.

 

"No, baby. I love you." I held her hand on top of the table and caressed her ring finger. Tahimik siya at parang hindi mapakali sa aking sinabi. "I love you."

 

"I love you most, my Engineer." She mouthed and gave me a flying kiss. Corny na kung corny pero sinalo ko 'yon. We smiled at each other and continued eating, nang matapos kami, pinunasan ko ang bibig niya at inabutan siya ng bottled water. 

 

Sa pag titig ko pa lang sa kanya ay masasabi ko na talagang swerte ako, paano pa kaya 'pag sinuklian niya na ang mga ngiti at katagang binibitawan ko—

 

"Wynona, what do you think of Baguio?"

 

"As in right now, baby?"

 

"Yeah."

 

"I think we should go there."

 

"Okay then." She said, I nodded my head at tumayo na. I was about to held her waist but she hugged my arm. "Daan muna tayo sa condo mo." Bulong niya.

 

"My condo?"

 

"Yeah, I wanna see your masterpiece."

 

"You are my masterpiece. You should see yourself in front of the mirror."

 

"I know i'm a masterpiece but iba ang tinutukoy ko."

 

Hinigit niya na 'ko paalis ng Sisig Express, kaunting minuto lang naman ay naroon na kami sa condo namin dati. Medyo luma na rin ang itsura ng gusaling ito, masyado nang maraming nag bago. 

 

Kumunot ang noo ko dahil wala sa'kin ang card ng unit ko, but my eyes widened when she took it from her bag, ibinalik niya na rin ang phone ko sa'kin.

 

"How?" I asked seriously.

 

"You gave it to me before the accident, parang handa ka na ngang ibigay ang lahat ng ari-arian mo sa akin no'n, e." Napasapo siya sa kanyang noo at umiling.

 

"Ah, right." I kissed her forehead and placed my arm on her shoulder. Handa naman talaga akong ibigay ang lahat sa kanya, at sa pag lipas ng panahon ay natutunan ko rin mag bigay nang hindi nauubos ang sarili. 

 

Nang bumukas ang pinto ay dahan dahan kaming pumasok. I interwined our fingers at tiningnan ang buong paligid ng unit ko. Habang lumalalim ang gabi ay parang lalo akong ibinabalik sa nakaraan.

 

It was full of her, a painting of her. Dahil para sa'kin, wala na 'kong ibang nakikita kung 'di si Ace na lang, at kung anong kulay ng mga imaheng ito ay siyang kulay na ihinatid niya sa madilim kong mundo.

 

"I'm proud of you, Wynona." Aniya at niyakap ako galing sa likuran. "Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ay lalo pa 'kong mamamangha sa'yo." I turned around to looked at her, binalot ko siya ng yakap hanggang sa parehas na kaming makunteto.

 

Kinuhanan ko muna siya ng litrato doon bago umalis, hanggang ngayon ay naiirita pa rin siya dahil hindi ako ngumingiti sa camera. Wala naman akong magagawa dahil hindi naman bagay sa'kin 'yon, siya lang ang bagay sa'kin at wala ng iba. Ang Alas ko.

 

"How's Hennessy by the way?" I was driving my car when she asked that. Seryoso ang kanyang boses at hawak pa ang kamay kong nasa gear ng Mustang.

 

"Hennessy is fine. She's in US."

 

"Good for her." Tipid niyang sagot.

 

"I remember something, baby."

 

"What?"

 

"Before the accident, you mentioned na you talked to each other when you were in the states last year, right?" I asked.

 

"Oh, okay?"

 

"What happened?"

 

"We're good, Wynona. There's nothing to worry about. At alam ko namang magkaibigan na lang kayo ni Hennessy ngayon. Hindi na 'ko para mag selos sa katulad niya. Right, bub?" Sarkatisko niyang saad.

 

"Huh?" Gulat kong sagot at tinaasan siya ng kilay.

 

"There's nothing to worry about, bub." I saw her smirked, iyon na ata ang pinaka-sarkastiko niyang sinabi ngayong gabi.

 

"Ace." I whispered then pursed my lips.

 

"I'm just kidding, bub— I mean, baby. Relax." Aniya at tumawa pa na parang nang-aasar. Ang lakas niya mang-asar pero kapag siya naman itong napikon ay ayoko na lang talagang mag salita. 

 

Umirap ako at nag patuloy sa pagmamaneho hanggang marating na namin ang Baguio, parang nung nakaraan lang ay labis ang pag-iyak ko dito dahil sa pangungulila ko sa kanya, at ngayong kasama ko na siyang bumalik, the first thing that she looked for is coffee.

 

"Alam mo namang bawal sa'yo 'yon, Brielle."

 

"Kaunti lang naman." Aniya at sinimangutan ako.

 

"Gusto mo ba 'yon? Dito ka pa aatakihin?"

 

"Hindi naman ako mamamatay sa isang higop."

 

"Kahit na."

 

"Parang kape lang." She rolled her eyes and crossed her arms. "Kailangan ko lang mainitan." Irita niyang sambit at sumandal sa gilid ng Mustang. Inirapan niya pa ako at sinimangutan.

 

Matigas pa rin ang ulo niya hanggang ngayon, but once a philosopher said, ibigay ang hilig para walang ligalig.

 

If that's what she wants then i'll gladly give it to her, dahil 'yun ay kaya ko naman siyang pakalmahin sa mga panahon na kailangan niya 'ko. Para siyang bata na binigyan ng maraming candy, bawat higop niya roon ay ninanamnam niya hanggang sa kunin ko na ang cup dahil ubos na ang laman no'n. I can't blame her, mas mahal niya pa ang kape kaysa sa akin kaya nagkakasundo talaga sila ni Xav pag dating doon.

 

"Pumwesto ka na roon." Utos ko at tinuro ang space kung saan palagi ko siyang pinapapunta dahil maganda ang view. She gave me a thumbs up pero bigla siyang umiling at lumapit sa akin.

 

"Wynona."

 

"Yes, baby?" I asked as I looked for the paint brush.

 

"Mas better if we take pictures na lang together and then once it is printed, tsaka mo na lang ipinta." My brows furrowed at what she said. "Wala tayong painting na magkasama, Wynona." She wrapped her arms around my waist and leaned her head on my chest.

 

Naglalambing.

 

Parang natunaw ang puso ko roon, dahil napagtanto ko na mas gusto niyang ipinta ko ang imahe naming dalawa kaysa doon sa mag-isa lang siya. Hay, Ace.

 

Hinaplos ko ang kanyang likod at tumango sa balikat niya, "Okay, baby." Bulong ko at hinalikan ang gilid ng labi niya. Napagpasyahan namin na roon na lang matulog, nag dala siya ng tent at hirap na hirap itayo 'yon. Ang sabi niya, kaya niya na raw at mag pinta na lang ako ng litrato namin pero hindi naman pala.

 

"Sabi ko sa'yo tutulungan na kita."

 

"Hindi na. Malapit na kayang mabuo."

 

"Mabuo? Ang layo sa katotohanan, Brielle."

 

"Malapit na kakong mabuo ang pamilya natin."

 

I massaged the bridge of my nose and shaked my head. Kinagat ko ang aking labi, hindi ko maiwasan na hindi mapangiti kapag ganyan ang sinasabi niya. 

 

Hindi na siya nahuhuli sa uso, marunong na siya.

 

In the end, I helped her with the tent, tinapos ko na rin agad ang painting dahil masyado ng malamig sa labas. Nang pumasok ako sa tent ay naniningin lang siya ng litrato mula sa camera, humiga ako sa tabi niya at ipinatong ang ulo niya sa braso ko, kumunot ang noo niya na ikinataka ko. She pouted her lips asking for a kiss. I held her nape to pull her closer and slowly pressed my lips against hers softly. 

 

"Are you done painting?" She asked.

 

"Yeah, bukas mo na lang tingnan, 'pag tuyo na."

 

"Okay."

 

"We should sleep." Sambit ko at humikab.

 

"Pagod ka?" Tanong niya.

 

"A bit." I gave her an apologetic smile.

 

"Okay, good night." She kissed the corner of my lips and slowly turned around. Itinabi niya ang camera bago humikab ng mahina, halata ang pagod sa mukha niya dahil sa byahe. Hinalikan niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya habang hawak 'yon nang siya'y tumalikod sa'kin.

 

"Good night, baby." Bulong ko at inayos ang comforter na bumabalot sa'min. I placed my other hand on her stomach until I felt her hand on mine to interwined our fingers. 

 

Para talaga kaming bumabalik sa pagkabata.

 

Damn, life. It's been ten years and it's still Ace.

 

Saglit kong pinaghiwalay ang mga kamay namin at hinaplos ang tiyan niya dahilan para bumigat ang kanyang pag hinga.

 

"What do you think of having a baby?" I asked.

 

"Do you want one, Wynona?" She asked back.

 

"Of course. Who wouldn't?"

 

"Duh, you got me already." Right.

 

"Ace, you know what i'm talking about."

 

"Let's talk about that when we're married. But for now, let's focus on you and me— err, us." Sagot niya.

 

"Okay." I kissed her head and rest my hand on her thigh but she took it and placed it on her stomach kaya hinaplos ko lang 'yon. 

 

"But we should name our child Dos."

 

"Dos?"

 

"Yes. A nickname? Something like that."

 

"Where did it come from?"

 

"Sa kapatid mo."

 

"Who? Westley? Just because her daughter is Tres—."

 

"It's Xavérie."

 

"Xavérie." I bit my lip and sighed.

 

"Because she's gonna name her child Uno, Wyn."

 

"A child? From Xav?" I asked seriously.

 

"That's what she said."

 

"I heard you, Ace." I whispered. "Let's sleep..."

 

"But—." I cutted her off.

 

"When do you want the wedding to be?"

 

"December... December 28 pa rin." 

 

My eyes widened in shocked. "That's next week."

 

"And?" Masungit niyang tanong kahit nakatalikod.

 

"It's just that—."

 

"Hindi na mahalaga sa'kin kung enggrande ang kasal natin, Wynona. Ang mahalaga, sa'yo ako maikasal..."

 

"But you deserve a perfect wedding, Ace. We waited a long time for this."

 

"No, Wynona. I deserve you. I waited for you. And that is perfect for me, you are perfect for me." Aniya at humarap na sa'kin. Idinantay niya ang kanyang hita sa hita ko at ngumisi. Ipinulupot niya rin ang braso niya sa leeg ko dahilan para maramdaman ko roon ang mainit niyang balat at hininga.

 

"Tulog na, mahal ko." Tinapik ko ang kanyang balikat, kumanta ako hanggang siya'y makatulog at nang bumigat na ang pag hinga niya ay natulog na rin ako.

 

Sa loob ng walong taon na kasal kami, sa bawat pag pikit ng aking mata ay hindi ko na kailangang mag-alala pa— sa kung anong pwedeng mangyari kapag ito ay nag mulat na. Ganon naman talaga, 'diba?

 

Pumipikit ka lang kapag masakit, at mumulat 'pag maayos na ang lahat, pero sa kabila ng lahat, kung madilim man o maliwanag ang 'yong nakikita, hindi na 'yon mahalaga, dahil paano ka ba makakakita kung nagbubulag-bulagan ka? Hindi dapat gano'n.

 

Hindi dapat natin pinipikitan ang mga bagay na para sa atin ay masakit, dahil hindi natin malalaman ang tunay na pakiramdam ng masaktan kung ‘di natin ito haharapin ng bukas ang mata at isipan. Tayo lang ang mahihirapan tumanggap at muling kumurap.

 

Nang makabalik kami ng syudad ay agad kaming dumaretso ng penthouse para mag pahinga roon. We spent the whole day in bed making love and enjoyed each others arm until our bodies were sore.

 

"We should probably tell our family about the wedding."

 

"Okay, but can we go to Mr. Lopez first?" I asked.

 

"Why don't we invite them over dinner na lang?"

 

"I want to talk to them one by one. Personally."

 

"Right. How about Westley and Xavérie, wala sila rito."

 

"Pauuwiin ko." Tipid kong sagot at niyaya na siyang bumangon, hindi pa man pasko ay para na 'kong biniyayaan ng aguinaldo dahil siya ang kasama ko.

 

"Do you think they will come home, baby?"

 

"They will come home, Ace. They will always come back home." I said. "I know my siblings well, Ace. Mabilid naman kausap si Wes— at si Xav, ikaw na ang bahala." She giggles.

 

"Okay, i'm gonna take a shower."

 

"Can i come with you?" Tanong ko.

 

"No way in hell i would say no, so let's go."

 

Nag kibit balikat ako at nag padala na lang sa kanya nang hawakan niya ang palapulsuhan ko, ilang oras din kaming nag tagal roon at nang makuntento sa pagpapainit ng katawan ay napagdesisyunan na namin umalis ng penthouse para pumunta sa bahay nila. Mabilis kaming nakarating roon at agad na pinagsilbihan ng mga kasambahay.

 

"Good afternoon, Engineer." Bungad sa'kin ni Manang, tumango na lang ako sa kanya at sinundan si Ace sa hapagkainan kung saan naroon si Mr. Lopez.

 

She gave Mr. Lopez a soft kiss on his cheek, sa pag lipas ng panahon ay bakas na ang katandaan niya dahil sa puti niyang buhok at hawak na baston na noon pa man ay gamit niya na, tumingin siya sa'min, senyales na umupo kami sa harap niya kung saan makikita ang iba't ibang putahe na mukhang ipinahanda niya pa dahil inaasahan niya kami.

 

I sat on the chair beside Ace. She held my hand under the table, hindi ito ang unang beses na naka-harap ko si Mr. Lopez, sa katunayan nga ay taas noo pa akong nakikipag-usap sa kanya pero hindi ko alam kung bakit may namumuong kaba sa akin.

 

Umiwas ako ng tingin nang maisip kong baka hindi niya na 'ko tanggapin. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin ng apo niya, bigla akong kinabahan at hindi mapakali sa kinauupuan.

 

"Wynona."

 

"Good evening, sir."

 

"Matagal na rin mula nung huli tayong nag kita, ija. Kumusta na ang pamamalakad mo sa kumpanya?" Pinagdikit ko ang aking kamay sa ibabaw ng lamesa at sumagot.

 

"The company is doing just fine— just like the usual." I answered, he pursed his lips and nodded. Pero alam ko naman sa sarili ko na nag kulang ako nung mga panahon na nawala si Ace, nung inakala kong wala na siya.

 

"And your parents?"

 

"They're doing good, sir. As usual.”

 

"I've heard that your memory has come back."

 

"Yes, sir."

 

"Is that why you came here?"

 

"No, sir."

 

"Then why?" He asked seriously. Ilang minuto akong lumunok at nag hanap ng tamang tyempo but I finally have the courage to say what i'm gonna say.

 

"Me and your granddaughter, Ace, are engaged and we are getting married on the 28th, sir." I saw the corner of his lips rose up. Hindi ko alam kung anong klaseng tugon iyon.

 

"Totoo na ba 'yan, mga ija?" My eyes widened on what i've heard. Nakita ko pa ang pamumula ng mukha ni Ace at para bang hindi siya makatingin sa'kin pero kampante siyang nag salita at pinakita sa Lolo niya ang singsing naming dalawa.

 

"This time for real." Para akong natunaw sa mga salitang sinabi ni Ace. Parang gusto kong umiyak but that's very unlikely of me. Ang alam ko lang, mahal na mahal ko ang Doctora, at hindi na sapat ang luha para ilabas ang lahat ng aking nararamdaman.

 

Wala nang masyadong sinabi si Mr. Lopez at niyaya na lang kaming kumain, they talked about medical stuff kaya hinayaan ko na lang, tungkol ata 'yon sa magiging posisyon ni Ace sa hospital, minsan ay nag tatanong din naman sa'kin si Mr. Lopez tungkol sa kumpanya na mabilis kong nasasagot.

 

"Wynona."

 

"Sir." Sambit ko at tumingin sa mga mata niya.

 

"From now on, huwag mo na 'kong tawaging Sir— o Mr. Lopez."

 

"Wh— what?" I asked nervously.

 

"You should call me Lolo now." Aniya na ikinalaki ng mata ko. Ace nodded her he

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
5sosblackpink #1
Chapter 2: my top tier, wynace 🥺 thank you sm for this masterpiece 💕
Jenchu_01 #2
Chapter 2: Grabe nandito pa din ako paulit ulit kong binabasa ang au na toh, di nakakasawa kahit puro luha ang hatid sa akin ng tatlong istorya nila. Grabe ka otornim isa kang alamat. Salamat sa napakagandang istorya.
jiaqisushi
#3
Chapter 2: constantly, consistently, continually, WYNACE! 🫶 thank you, author!

ps. naiiyak pa rin ako sa xavisa /*sobbing intensifies
Lodinyoko
#4
Chapter 2: And that was a take guys...*Wipes imaginary tears*
ifyouseeA #5
Chapter 2: Gago iyak ko ng bumitaw na din si isabelle. Di na nya napigilan sundan talaga si xav gago huhuhu wynace ssheeeesssh
JeTi10
#6
Chapter 2: wynace pa rin talaga HUHUHUHUHUHU
ztylist
#7
Chapter 2: wynace is practically part of me thank you 🙏🏻
Jenchu_01 #8
Chapter 2: Thank you otornim eto kailangan ko ngayon habang hinihintay ang ep 6 ng snowdrop.. 😅 WynAce pa rin talaga the best..
dalkuma #9
Chapter 2: ang sama ng loob ko sa angst ng snowdrop buti na lang may wynace! 4eva & alwayz makalat! 🤣
bbnifubuki
#10
Chapter 2: 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭