Araw ng Kasal

Paubaya
Please Subscribe to read the full chapter

 



 

“Di ba pag araw ng kasalan lahat ng tao masaya? Pero bakit ikaw, parang di maipinta yung mukha mo?” nakatingin sakin si Seulgi tatawa tawa habang naka harap sa salamin. “psst tingnan mo ko!” sabay lingon nito sa akin at aakmang sumenyas na lumapit ako sa kanya at pinaaalis ako mula sa pagkakadungaw ko sa bintana.

 

Tong osong to talaga..
Kitang nagddrama ako dito eh.

 

 

“Tingnan mo kasi ako, Wendy, so clean… so cute oh” biro niya, Natawa na lang din ako sa mga pinagsasabi ng loko-lokong to.
"So clean so cute ka dyan!? Ano ka motel??” kinurot ko tuloy siya sa tagiliran. “Lika nga dito..ayusin natin yang coat mo"

 

Hinayaan lamang ako ni Seulgi na ayusan sya.
All giddy at halata mong excited sa kasalang magaganap mamaya.

 

Kaya ayon, inayos ko ang collar ng matalik kong kaibigan at saka ikinabit yung Boutonnière sa kaliwang dibdib niya habang ang isip ko...ayun..kung saan-saan na naman napadpad..



 

Kung ano-ano iniisip ko...
Itong araw na 'to.. yung mga ganap mamaya..yung kasal…
 

 

Kung okay lang ba ako..
At kung masaya ka ba, Joy...




 

Dahil ilang oras na lang..ikakasal ka na.


 

Ang dami kong gustong sabihin
Ang daming bagay ang di ko inamin..

 

Ang daming pagkakataon noon upang ipabatid sayo itong nararamdaman ko..
 

 

Lahat lahat..
Pero ito ako…

 

Ipinaabot pa ang lahat nang ito sa araw ng kasal mo..
Na di sigurado kung maipapabatid pa ba ng ayos to sayo 



 

Pero Joy, alam mo ba?


 

Hanggang ngayon, para akong tangang nangingiti tuwing binibigkas ang pangalan mo sa mga labi ko..
Siguro dahil sa tuwing nababanggit ang pangalan mo'y di maiwasang di ka agad papasok sa isipan ko..

 

Naiimagine ko agad yung mukha mong maganda.
Lalong lalo na yung mga ngiti mong nakakahawa.. yang mga ngiti mong yan ang dahilan kung bakit nagwawala puso ko, yang mga ngiting yan ang bumihag sa puso ko..

 

Di bale na lang na ako ang mawala sa mga ngiti mo.
Wag lang yan mawala sa iyo.

 

Kaya nga sabi ko noon, kung saan ka masaya…
Doon din ako.




 

 

 


 

Alam mo ba yon?

 

Siguro, oo.. 
Siguro di ko talaga masasabi..
 

Minahal kita sa paraang alam ko.. yung alagaan ka, samahan ka sa lungkot at ligaya, pangitiin ka kung di ka masaya.. 
At maging sandalan mo sa tuwing pakiramdam mo'y tinalikuran ka na ng buong mundo..kapag pakiramdam mo gumuguho ito.. 
Lagi akong mananatili sa tabi mo..sasamahan ka kung saan man..

 

 

Hanggang dito 
Hanggang dulo.


 


 

Joy...

 

Maya maya lamang ay ikakasal ka na sa maswerteng taong tatagpuin mo sa harap ng altar at papangakuan mo ng pag-ibig mo na pang habambuhay.


 

Sa mga oras na yun, handa na ba ako sa pagbukas ng pinto ng simbahan upang ika’y masilayan, habang ipinagmamayabang ka ng momentong yun sa lahat na ito ka.. ikaw si Joy, ang pupukaw, aagaw sa atensyon ng lahat ng dumayo na nais maging saksi sa napakaespesyal na yugto ng buhay mo?

 

Handa na ba akong tanawin ka, pagmasdan ka, ilagay ka sa aking alaala at doon hayaang manatili, at masaksihan ng paulit ulit ang paglalakad mo patungo sa altar, na nakadamit pangkasal at taas noo mong pinapamalas sa lahat ang iyong angking ganda?


 

Handa na ba ako?
Kasi ngayon palang naiiyak na ako.



 

Ngayon palang di ko alam kung kakayanin ko.
Ngayon palang kumikirot na ang puso ko.



 

Pero sigurado na ako na ngayon palang…







 

"WENDYYYY!!" bumalik ako sa sarili ko nung tawagin ni Seulgi yung pangalan ko ng malakas. “okay ka lang ba? San ka ba nakatingin? Nakatitig ka ba sa wedding invitation?” 

 

Napailing ako pilit na magfocus sa mga nagaganap sa kasalukuyan “Ooh..okay lang ako..inaappreciate ko lang yung ganda nung invitation.” Napataas yung isang kilay ni Seulgi sakin.. Kanina pa pala siya nakikipagusap sa hangin, di ko na naitindihan at napakinggan ng ayos yung sinasabi niya sa akin. Something about wedding jitters daw..


 

"So anooo??" pangungulit niya, "Sa tingin mo ba, maiinlove siya sakin lalo??" Tanong sa akin nitong oso.
Di ko alam pero matamlay na mga ngiti ang tinugon ko at saka ko kinlaro ang lalamunan ko sabay binigyan ng firm na tapik ang kanang balikat nito.


 

"Ikaw pa ba? Eh patay na patay sayo yun". Biro ko kahit alam ko namang  totoong patay na patay naman sayo yung babaeng yon.
Humalakhak naman si Seulgi at niyakap ako ng mahigpit, "We are each other’s best woman talaga no?". Niyakap ko lang din siya pabalik at tinapik tapik, oks na din dahil nakakaramdam ako ng comfort sa mga yakap ni Seul. “Best woman” bulong ko

 

“Siya tigil na lang yung kasal” biro niya sakin agad ko naman siyang hinampas dahil ayoko naman siyang kutasan at magugulo yung buhok nitong osong to, “Siraulo ka talaga. Di pwede no.”



 

 

 

 

 

Tok tok tok. 
Katok mula sa may pinto at saka dahan dahang bumakas ito at bumungad samin yung ngiti ni mumshie J, ang wedding coordinator. 

 

"Sorry sa abala pero handa na po ba yung ikakasal?" kagaya ng mga mata ni Seulgi naging linya din ang mga mata ni Ms. J sa pagkakangiti niya. 
"Yes na Yes po!!" sagot ni Seulgi at saka ako inakbayan. 

 

"Tara na ho at ready na po yung sasakyan natin pa simbahan" paalala samin ni Ms. J.


 

Ito na nga talaga.. 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

“On cue?” ngiti ni Ms. J, “gaya lang ng napagpractice-an nyo okay? Pero this time totohanan na” saka inayos kung ano man yung inayos niya sa suit nila Wendy at Seulgi.

 

“Ms. Wendy?” pangangamusta ni Ms. J kay Wendy nang mapansin na medyo balisa ito.
“A-ah..Y-yes po?” pag snap back to reality nito at aakmang inayos ang buhok. “Ayos lang po ba itsura ko?”
Ngumiti lang si Ms. J at tinap sa shoulder si Wendy. “Wag ka masyadong mag-alala. Magiging okay ang lahat.” 

 

“Ms. Seulgi, okay na din po ba kayo?” pagbaling ng atensyon naman ni Ms. J kay Seul, “kasi push ko na tong kasalan”
Ngumiti si Seul at saka nagbigay ng thumbs up bilang go signal.




 

((A/N: Please please play the song mentioned on repeat for the next scenes))
 

 

♫ Now Playing: The Icarus Account - All My Love ♫


 

Sa pagsenyas na iyon… ay nagsimulang tumugtog ang kantang huhudyat nang simula ng kasal. At ang mga ala-ala ni Joy na meron si Wendy ay nag play sa isip niya na para bang pelikula.


 

You were mine, yeah I always knew
From the moment I first laid my eyes on you
Your blue eyes sparkled a perfect match for your dress


 

At napabuntong hininga si Wendy at nilunok ang nadarama.
Upang pigilan ang mga luha na tumulo at nangingilid na sa kanyang mga mata.



 

You know I love it when your hair's messed up
And the tightness in your eyes when you first wake up
Let's play hide and seek in the comfort of blankets and sheets


 

At saka siya nagsimulang maglakad sa aisle
Patungo sa harap ng altar.



 

And all of my love for the rest of my life
Will be only for you 'til the day that I die
'Til the day that I die


 

 

Ganito pala ang pakiramdam para kay Wendy…. na pakinggan ang kantang sumasalamin sa nararamdaman niya para kay Joy.


 

Did you know I can still taste our first kiss?
The warmth of your breath
The cool of your lips
The softness of your fingertips on the back of my neck


 

Yung marinig ang kantang nilalaman ang mga salitang di naipabatid ni Wendy nung may pagkakataon pa siya bago ang kasalan.


 

And darling I still hear the words
"To have and to hold until we grow ol

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
If you like my stories please upvote 🥺👉👈.

Comments

You must be logged in to comment
im_wenjoyer
#1
Chapter 3: akala ko angst😭 buti hindi
ang ganda po otor🥹
badingsawenjoy
#2
Chapter 3: Sabi ko last na tong story na babasahin ko for today... Ang shaket basahin nung una😭 Akala ko sad nanaman ang ending 😭 I'm happy na si Wendy naman pala talaga ang other bride<3
Ang husay nyo pong mag sulat ng story:))) I'll read every stories of yours tomorrow🥺
fragilek1d
#3
Chapter 3: Author!! Ang genius po!! Hahahaha. Naka-ready na yung luha ko, buti na lang umurong. Pero bakit nasira yung kama? Nag-boxing ba sila? 😁
kiryuu
#4
Chapter 3: ayun na nga may update hahaha thank you 💙💚
redsummer0801
#5
Hahahahaha. Peace be with you
Prince_SeungWan
#6
Chapter 1: pinakaba mo naman ako, akala ko angst to, hahahah
zimzalabetch
#7
Chapter 2: kabado sa una hayy pero nabawi sa dulo kasi nasira yung kama HAHAHHA thank you otornim 💚💙
scyxxx
#8
Chapter 2: Thank you otor ❤️❤️
Mar857
#9
Hay salamat 😌 akala ku iiyak aku... Hinuli ko pa aman basahin kc akala ku masasaktan aku... Buti na lan ng paubaya cla sa isat isa... Happy ending😍
nkogneato
#10
Chapter 2: Sandalee yung kama talaga nasira? Intense naman pala. Hahahahah